Share

Two Creatures

Sa kailaliman ng kakahuyan ay may mga paang nakayapak ang matulin na bumabaybay sa kagubatan. Ito ay ang tatlong babae na nagawang makatakas sa panganib.

Maya't maya silang tumitingin sa likod, inaalam kung nandyan pa ba ‘siya.’

Habang tumatakbo palayo ay nakarinig sila ng tila kumakalampang na mga bakal mula sa kung saan.

Mukhang malayo ang pinan-gagalingan ng mga tunog na yun pero para sa tatlo ay parang malapit lang 'to sa kanila.

Agad namutla ang kanilang mga mukha, batid na sa sandaling maubotan sila nito’ ay wala na silang takas pa. Sa gano'ng pag-iisip ay pinaigting nila ang kanilang bilis, umaasa na kahit sa pamamagitan nito ay makakalayo na sila.

Napalinga sa likuran ang nauunang babae.

Sa kanyang pagtingin ay namataan niya ang hindi matukoy na bagay na lumilipad patungo sa kanila.

Sobrang dilim ng paligid no'n anupat hindi niya agad mapunto kung ano iyon.

Hanggang sa tuluyan na ngang makalapit ang bagay na 'yon at isa-isa sila nitong tinamaan.

Sabay na bumagsak sa lupa ang tatlo, kasunod ang pulang likido na bumulwak at umagos mula sa kanilang mga katawan.

Huli na upang malaman kung ano iyon.

Samantala, sa 'di kalayuan ay may isang pigura ang naglalakad papunta sa tatlong nakahandosai.

Hatak-hatak ng magkabilaan nitong kamay ang mahabang kadena na may bahid ng likidong pula na kinuha sa mga binawian ng hininga.

Kulay puti ang balat nito, na parang pininturahan.

Itim ang buhok.

Mga matang mala-kulay abo na kung tumitig ay matalim.

Sa kanyang mukha, mula sa noo hanggang pisngi ay may dalawang linyang itim.

Gayundin sa likuran nito na tila naghuhugis pakpak ng anghel na umaabot hanggang sa balikat.

Pawang pan-ibaba naman ang kasuotan nito na abot paa ang haba at napapaikutan ang bewang ng balat ng lobo na kulay abo.

Tinitigan niya lamang ang tatlo. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa kanyang mga mata, ni katiting na awa ay wala.

"Mga mahihinang nilalang," sabi niya, "kung ang pagtakas lang ang nakikita niyong paraan... puwes nagkakamali kayo,” Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Sa simula't sapul pa lang kayong mga mahihinang nilalang ay nakatadhana ng tapakan at burahin sa mundong ito. Kaya't kahit sumigaw kayo, magdasal at maghintay na may magliligtas sa inyo ay balewala pa rin." nanalim ang mga mata ng puting nilalang, "Tama lang na mawala kayong mga walang silbi."

"Kay sakit naman ng iyong sinabi?" sabat ng isa. Lumakas ang ihip ng hangin nang may magsalita.

Agad tumingala ang puting nilalang at kalmadong iginala ang paningin sa paligid. Walang pagpa-panic o takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Wala ring pagkagulat o pagtataka sapagkat batid niya ng ganito ang mangyayari. Kasama na iyon sa kanyang plano.

Isang yapak ang kanyang narinig mula sa likuran. Ito na siguro ang matagal na niyang hinihintay.

"Sa wakas... dumating ka rin..." Wika ng puting nilalang. Tumalikod siya't nakita ang isangnakasuot na maskarang walang mata, puting buhok na hanggang batok, baluting pandigma na animoy yari sa buto at espadang nakasukbit. "Ruwi." tawag niya dito.

"Ako man din ay natutuwang makaharap ka... Gilan." sagot nito at matalim na binalingan ng tingin ang mga nakahandusay sa lupa at si Gilan.

Tila pansin naman ng puting nilalang ang mga titig ni Ruwi anupat bahagya niyang ini-angat ang bitbit na mga kadena, "Sinubukan ko lang naman ang kadena na ito sa kanila at makita kung karapat-dapat ba'ng gamitin bilang sandata, tulad ng paggamit mo sa iyong kakaibang armas."

Na milog ang kamao ni Ruwi. Waring nangagalaiti sa tila pang-iinsulto sa kanya ng puting nilalang na si Gilan, "Iba-iba tayo ng panlasa sa pagpili ng sandata, Gilan. Hindi ko na problema kung may disgusto ka sa aking armas, gayunpaman, ang sukatin ang kakayahan ng isang sandata sa ganitong kababaw na gawain ay kasuka-suka at 'di hamak na maitutulad sa isang mahinang nilalang. Sa madaling sabi, ba't mo papatulan ang walang muwang at walang kalaban-laban na tulad nila at hindi sa mga kagaya mo?"

"Hmm, mukhang wala kang nalalaman sa mga ganitong bagay. O baka naman, mali lang ako ng pagkakaunawa. Ruwi, ikaw ay isang kilalang mandirigma at tama lang na bigyang sukat ang pamamaraan ng iyong pakikipag-laban. Hindi mahalaga kung ito ay malakas o mahina, ang mas importante ay kung malilibang ako sa 'yo o hindi.”

“Pasensya na ngunit hindi kita magagawang aliwin ka. Maling tao ang pinagtangon mo Gilan.”

“Gano'n ba? Hmmp, may nakapag sabi rin sa akin na kung nais kong lupigin ang mundo ay kailangan kong talunin ang isa sa apat na hari ng apoy... ang huling hari ng apoy at ikaw iyon."

"O...? Hindi ko alam kung saan mo nakuha iyan pero paumanhin Ginoong Gilan pagkat hindi ako ang haring tinutukoy mo at wala ako'ng na-aalalang naging hari ako. Saka 'di mo ba nakitang isa lamang akong hamak na manlalakbay."

"Sinungaling... paano mo nasasabi sa akin iyan kung nakikita ko ang iyong kaluluwa. Ang katotohanan na taglay mo ang bato ng Fenrir ay patunay na isa ka sa kanila."

"Nakikita mo ang bato ng Fenrir?! Hindi ako makapaniwala!" Humalakhak si Ruwi, "Alam mo ba'ng ilang libong taon ko na to'ng sinilyado. Hay... mukhang tunay nga ang kasabihan na walang lihim ang hindi mabubunyag. Kung sa bagay, hindi na rin iyon kataka-taka... lalo nat sa isang tulad mo?” ngumiti ito ng nakakalokong ngisi, “May naisip akong ideya, total nandito na rin tayo... e bakit hindi natin tapusin kung ano ang ating nasimulan?"

"Sang-ayon ako at sa pagkakataong ito... sisi guraduhin kong wala ng hahadlang sa mga plano ko." pomustora ang kaliwang kamay ni Gilan, “Isasama kita sa paglilinis ng mundong ito.”

"Parehas lang tayo Gilan. May binabalak rin ako sa mundong ito at hindi ako makapapayag sa intensyon mo'ng mamuno."

"Gusto mong solohin ang mundong ito? Kung ganun..." mula sa kanang kamay ni Gilan ay tila may usok ang lumabas at komorteng espada. Mahigpit ang pagkakahawak ni Gilan dito at ma ta lim siyang tumingin ng masama kay Ruwi, "BAKIT HINDI NATIN SIMULAN PARA MAG KAALAMAN NA!?" Biglang bulalas ni Gilan at patakbong sumugod sa nakamaskara.

Kaagad namang may lumitaw na mga kadena mula sa kamay ni Ruwi at ito ang pinan salubong niya kay Gilan, "Ah!!" Hiyaw niya.

Nang mag tagpo ang talim ng espada at ng nag kukumpulang mga kadena ay naka gawa ito ng pambihirang puwersa.  At sa lakas non ay naitulak nila ang isa't isa at napaatras.

Inunahan agad ni Gilan si Ruwi nang pahalang niyang iwinasiwas ang kanyang espada.

Ngunit nailagan ito ni Ruwi matapos humakbang paatras at tumungo sa likod ng puting nilalang.

Akmang susunggaban ni Ruwi ang puting nilalang na mabilis namang nahadlangan nang humarap.

Nagpatuloy ang palitan nila ng mga atake at sa bawat daluhong ng kanilang mga sandata ay agad namang na sasalagan.

Tila ba'y basang basa ng nila ang mga ikikilos at gagawing pag-atake ng bawat isa. 'Di maikakailang kapwa silang mahusay sa larangan ng pakikipaglaban.

Nagtagal pa ang kanilang tungalian, habulan at takbuhan. Hanggang sa mapadpad sila sa kapatagan.

Sa pagkakataong iyon ay parehas na silang may tamo ng mga galos at sugat sa katawan.

Pagod at kawalan ng lakas ang mapapansin sa kanilang mukha at sa sandaling ito ay kapwa silang napapayuko at halos ma tu tum ba na.

Nanginginig ang katawan sa malalim na paghinga habang nakapako ang tingin nila sa isa't-isa, pahiwatig na wala sa kanila ang balak sumuko. 

Nagsimula namang mag sipagdatingan ang makapal na kalangitan, bitbit ang kulog at kidlat at ulan. 

Tumigil ang paghahabol nila ng hangin, tumindig ng tuwid at huminga ng malalim. Nag-iipon ng lakas at naghihintay ng tamang tiyempo na sumalakay.

Saglit pa'y nanghina ang ulan na sinabayan naman ng pagkabingi ng buong kapaligiran.

Hindi pa rin kumikilos ang dalawa hanggang sa nabasag ang katahimikan nang walang ano-anong nagpaka-wala ang kalangitan ng kidlat.

Dumampi ito sa lupa at tinamaan ang isang puno, dahilan upang masunog at mahati sa kalahati.

Ito na ang hudyat na kanilang hinihintay upang sumalakay.

“Ah!" Sabay na sigaw ng dalawa at patakbong sinugod ang isa't isa ng walang pakundangan, animoy walang takot na haharapin ang sariling kamatayan.

Itinuon nila ang kanilang buong lakas para sa huling sandali.

"AAAAAAAAA!"

Nang mapang-abot ang kanilang mga sandata ay biglang sumambulat ang nakasisilaw na liwanag.

Halos hindi na maaninag ang buong paligid. Maging ang dalawang mandirigma ay hindi rin makita.

Sa unti unting paglaho ng liwanag ay isang lalaki naman ang namulat mula sa pag gunita ng nakaraan.

Nakatayo ito sa terrace, sa harap ng Heritage House Museum na kung saan ito ay matatagpuan sa tuktok ng Mount Nima.

Pinapanood ang pagbubukang-liwayway sa Unihil District na dati ay kilalang Rizal province.

"Another dream again... how nostalgic," untag nito, "It's been so long since that thing happened and no one knows it." Bumaling siya sa likuran at pahapyaw na tiningnan ang Museyo, "This place... this is where it all began." dagdag nito

Sa paglabas ng araw ay nakita niya ang ilang mga airship na lumilipad sa kalangitan. Bawat isa dito ay may malalaking screen sa gilid, ina-advertise ang kani-kanilang mga produkto tulad ng dati.

May tren na mabilis na naglalakbay, mga umaandar na sasakyang walang gulong na pinapagana ng quantum locking o quantum levitation, mga bahay at iba pa'ng mga gusali.

Abot-tanaw niya rin ang Solar plant sa bandang timog-silangan ng Unihil na animo'y nangingislap dahil sa sinag ng araw.

Nakangiting pumikit ang lalake.

Pinakikinggan ang huni ng mga ibon, mga ingay ng sasakyan at ang bulong ng kalmadong hangin.

Feeling the simplicity and serenity.

Dumilat ang lalake, "I'm glad that I was able to witness this scene again."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status