Kabanata 6.3“That whóre! I really want to smash her into tiny pieces!” galit na galit na sigaw ni Arya. Pagkagaling niya sa hotel ay dumiretso siya agad sa bagong tinutuluyan niyang condotel para maglabas ng inis sa katawan. She's doing boxing right now.“Gusto niyo po bang i-bribe ko ang mga biggest investors sa business ni Miss Greta para iwan siya ng mga ito? I can do it if you want to, senyorita. It's just a piece of cake for me,” suhestiyon ni Mariz habang pinag-aaralan ang profile ng mga investors sa negosyo ng dalawang pamilya - De Vil at Walton.Pinunasan ni Arya ang kaniyang pawis sa mukha. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang gym outfit. Lalong lumabas ang halos perpektong kurba ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng ring at dumiretso sa bench para kumuha ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Uhaw na uhaw siya dahil may isang oras na rin siyang nag-eensayo. Bago pa man niya makilala si Damon, hilig na niya ang mag-boxing. Mahusay rin siya sa taekwondo at karate. Madalas kasi s
Kabanata 6.4“Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon.“Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy.‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought.“Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table.“Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair.“Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy.“No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman ang
Kabanata 6.5“Nasaan ako?” tanong ni Damon habang kinukusot ang kaniyang mga mata. Nakahiga siya sa isang lumang sofa sa loob ng isang maliit na silid.“Gutom ka na ba?” Hinubad ni Arya ang suot niyang apron. Kinuha niya ang niluto niyang sinigang na bangus at garlic buttered shrimp. Marahan niya iyong ipinatong sa mesa.Napahawak sa kaniyang tiyan si Damon. Pasado alas nuebe na ng gabi, kaya gutom na gutom na siya pero mas naglalawày siya ngayon sa hulma ng katawan ni Arya. Nakasuot lamang ito ng hapit na sando at isang maikling short.“Nagpatulong na ako sa security para buhatin ka patungo sa company car ko. Kailangan na kasi nilang isara ang company. Pasensya ka na sa condotel ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko.” Bumalik si Arya sa kitchen area para kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso.“Nakakatulog ka rito?” Inilibot ni Damon ang kaniyang mga mata sa silid ni Arya.“Oo naman. Kumpara sa malaking kama sa mansyon mo, mas mahimbing ang tulog ko sa single bed ko rito,” n
Kabanata 7.1“Ang kapal ng mukha mong babae ka! Balak mo talagang agawin sa akin si Damon!” sigaw ni Greta habang dinuduró si Arya.“Greta, mali ka ng inaakala. Stop this nonsense! Let's talk about this at home,” ani Damon habang pigil-pigil niya si Greta.“MALANDI KA TALAGANG BABAE KA! HINDI KA PA NAKONTENTO SA TATLONG TAON! NAPAKASIBA MO!” Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ni Greta sa kasisigaw.Tumawa nang mapait si Arya. “Hinay-hinay lang, girl. Masyado mo namang nilalait ANG SARILI MO. Sa pagkaka-alala ko, AKO ANG DATING ASAWA at ikaw, IKAW ANG SAWSAWERA, MANG-AAGAW AT MALANDI. Siguro, araw-araw mong pinapantasya na i-divorce na ako ni Damon para maangkin mo na siya nang tuluyan. Pasensya ka na ha kung natagalan. Natuyo tuloy nang husto ‘yang pagkababaé mo,” mapang-asar na sambit niya habang nakatingin sa pagitan ng mga hita ni Greta.Nagulat sina Damon at Greta sa mga salitang lumabas sa bibig ni Arya.“Dàmn! Nakalimutan ko. Sanay nga pala kayo na hindi ako lumalaban. Sa gan
Kabanata 7.2“ANO? PAANONG NAHARANG ANG DELIVERABLES NATIN?”Natigil sa pagsusulat si Dionne nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina. May kausap ito sa telepono.“HANAPIN NIYO ANG MGA ITEMS! HINDI P'WEDENG MAWALA NA LANG NANG BASTA-BASTA ANG MGA ‘YON! TRENTA MILYONES ANG HALAGA NO’N! HIHINTAYIN ‘YON NI MR. YI!” Nang maramdaman ni Divina na may nakatingin sa kaniya ay bigla siyang huminahon. Marahan niyang nilingon si Dionne.“Mama, may problema na naman ba sa business natin? Mukhang stress na stress ka ah. Alam na ba ‘yan ni kuya?” usisa ni Dionne.Tinakpan ni Divina ang telepono.“Ikaw na bata ka! Masamang makinig at makisawsaw sa usapan ng matatanda! Bakit ba dito ka nag-aaral sa kuwarto ko? Doon ka sa study room mo!” bulyaw niya.Tumaas ang isang sulok ng itaas na labi ni Dionne. Lalabas na sana siya ng silid ng kaniyang mama nang may naalala siyang sabihin. “Mama, bawal kang makipagkita kay Rupert ha. Pinapaalala ko lang din na mainit pa ang mga mata ng media sa iyo.
Kabanata 7.3“Senyorita, you have to see this!” sigaw ni Mariz habang dali-daling tumatakbo patungo sa direksyon ni Arya. Agad niyang ikinandado ang pinto ng opisina nito.“I'm busy, Mariz. Tungkol saan ba ‘yan?” nakayukong turan ni Arya. Inaaral pa rin niya ang business proposal ng ex-husband niyang si Damon.“Number 1 trending po kayo sa lahat ng social media mediums,” ulat ni Mariz.“Then, that's good. Uusok na naman ang ilong ng mga Walton kapag nakita nila ‘yan. Siya nga pala, nakasalubong mo ba si Aiven?” Focus pa rin si Arya sa pag-aaral ng business proposal.“Opo, nakasalubong ko po siya. Papasok daw po siya sa university. Anyway, senyorita, kailangan niyo po talaga itong makita.” Bakas sa mukha ni Mariz ang pag-aalala. Marahan niyang ini-abot ang kaniyang cell phone kay Arya.Kumunot ang noo ni Arya. “Ano ba ‘yan? Let me see.” Gumuhit ang matinding galit sa mukha niya. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cell phone. “Who the hell did this?”Kinagat ni Mariz ang kaniyang labi.
Kabanata 7.4“Mama, ano na namang issue ‘to? Totoo bang nanakawan tayo? Totoo bang si Ate Arya ang nasa likod no'n?” sunod-sunod na tanong ni Dionne habang ibinababa sa mesa ang kaniyang bag at mga libro. Kagagaling niya lang sa university. Nag-cutting class sila ni Aiven nang mabasa nila ang kinasasangkutang issue ni Arya.“Ano sa tingin mo, Dionne? Gumagawa lang ako ng kuwento? Totoong nanakawan tayo! Mabuti na lang at may CCTV dito sa bahay at may mga tumestigo laban sa babaeng ‘yon! Hindi rin ako makapaniwala na nagawa ‘yon ni Arya eh. Ibinalik niya ang perang ibinibigay ng kuya mo tapos sa isang iglap, naging magnanakaw siya. May malaki siguro siyang pangangailangan,” ani Divina. “Teka, hindi ba’t may klase ka? Anong ginagawa mo rito?”“Nasaan si Ate Arya? Kumusta siya? Hinuli ba siya ng mga pulis?” Umupo si Dionne sa couch.“Bantay-sarado siya ro’n sa company. Mabuti na lang at nandoon din si Chairman Fridman. Kahit papaano, may handang tumulong sa atin. Aalisin niya sa trabaho
Kabanata 7.5“Arya, are you sure na gusto mong ituloy ang business meeting natin?” Umupo ng prente sa couch si Damon habang titig na titig siya kay Arya.“Ayaw mo ba?” masungit na tugon ni Arya.“Gusto pero, okay ka lang ba talaga?” Hahawakan sana ni Damon ang kamay ni Arya nang bigla nitong iniiwas ang kamay nito sa kaniyang kamay.“I'm fine,” matipid na sambit ni Arya.Umiling si Damon. Nilingon niya ang mga pulis na nakabantay sa labas ng opisina ni Arya.“Kung iniisip niyong masisindak ako sa ginawa niyo sa akin, nagkakamali kayo. Kalmado ako dahil alam kong wala akong kasalanan. In no time, lalabas at lalabas din ang totoo.” Tumayo si Arya sa executive chair na kinauupuan niya. Dala niya ang kaniyang laptop at naglakad palapit sa direksyon ni Damon.“Arya, you don't need to pretend that you're okay in front of me. Kilala kita. Your eyes don't know how to lie.” Damon leaned on the couch while assessing Arya’s face.“Kilala mo ako?” Tumawa nang mapait si Arya. “Ni hindi mo nga alam