Share

Love At First Night
Love At First Night
Author: Jane_Writes

Chapter 1

—GILLIAN GOMEZ—

PARA bang binuhasan ako ng malamig na tubig sa aking naabutan.

Ano ang nagawa kong mali, para gawin sa akin ang kasuklam suklam at nakakadiring panloloko sa ‘kin ng kaibigan ko at ng boyfriend ko?

“Ven, p-paano mo nagawa sa ‘kin ito?” Garalgal ang boses kong tanong sa boyfriend kong bagong gising.

Katabi niya ang kaibigan ko, habang walang saplot. Nag-s*sex sila! Nagtaksil sila sa ‘kin.

Kumurap pa ng ilang beses ang boyfriend ko, habang nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko. Parang normal lang sa kaniya ang lahat.

Ni hindi ko makita sa mukha niya ang gulat o pagsisisi sa ginawa niyang kababuyan.

“Babe? Bakit nandito ka? Akala ko nasa business trip ka?” sunod- sunod na tanong ni Ven.

Ngumiti ako ng mapait, “ Oh? Bakit, hindi na ba ako welcome dito? Naabala ko ba kayo? At oo galing ako sa business trip. At umuwi lang ako dito ng maaga para lang ma-surprise kita. Pero ako pala ‘yung masusurpresa. Ako pala ‘yung iiyak.” Natatawa kong sambit.

Akma niya akong lalapitan ng magsalita akong muli.

“Huwag kang lalapit sa ‘kin, Ven. You know how much I love you. Alam mong ikaw lang ‘yung lalaking mahal ko. At kahit isang beses hindi ako nakagawa ng kasalanan sa ‘yo. Dahil gusto kong maging perpekto ang relasyon natin! Pero ano ‘to?!” bulyaw ko sa kaniya.

“Babe… please, calm down. Let's talk calmly,” pakiusap na saad ni Ven. Natawa naman ako.

“Huwag mo akong tawaging, Babe. At hinihiling mo na, mag-usap tayo ng mahinahon? Pagkatapos ng lahat ng ito? Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin o kahit man lang sa sarili mo? Ven, limang taon na tayong kasal. Pero masisira lang pala ang magandang pinagsamahan natin, dahil hindi ka makapaghintay na may mangyari sa ‘tin? Tama ba ko?”

“Gillian, huwag mong sabihin na pampalipas oras lang ako ni Ven. We love each other, kaya ginawa namin ‘to.” Biglang sabat ng kaibigan ko, napabaling ako sa direksyon niya dahil sa sinabi niya.

“Shut up! Don’t ever speak, Kaity!” Galit na saway ni Ven sa kaibigan ko.

“What? I'm just telling the truth. Totoo naman kasi na hindi kayang ibigay ng girlfriend mo ang hinihingi mo sa kaniya, di ba? Kaya ka lumapit sa akin kasi hindi ka niya mapagbigyan!” Litanya ni Kaity.

“Shut up! Shut up!” galit na utos ni Ven sa kaibigan ko.

“Kasalanan ko pa pala? Kung gano’n, sorry ha? Kasi hindi naman talaga ako pumapayag na may mangyari sa amin ng boyfriend ko! Alam mo kung bakit, Kaity? Dahil ang gusto ko, ikasal muna kami ng lalaking iyan bago namin gawin ‘yun. At dahil hindi makapaghintay ang lalaking mahal ko, ikaw ang nilapitan niya. Malinaw na sa ‘kin ang lahat. Malinaw na malinaw na!” Litanya ko, ngumiti ako ng malapad at napaismid.

“Babe, patawarin mo ko. Alam mo naman di ba na matagal ko ng hinihingi itong bagay na ‘to sa ‘yo. Pero ayaw mo kong pagbigyan. Kaya ko nagawa ‘to. Sana maintindihan mo ‘yung pangangailangan ko bilang isang lalaki.” Maamong sabi niya, napasinghap ako ng dahil sa sinabi niya.

Kasalanan ko pa talaga…

“Oo, naiintindihan ko na ngayon. Na we need to end this relationship between me and you! Kung ngayon pa nga lang, nagagawa mo na ang ganitong kadiring bagay, paano pa kaya kung kasal na tayo?” sarkastiko kong sabi.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ven. Naging galit ang ekspresyon niya na ikinatawa ko.

“What did you say? Makikpaghiwalay ka sa ‘kin? I’m not letting you break me up, Gillian. Akin ka lang! I will marry you and you will become my wife!” Galit niyang sabi. Nagulat naman ako ng bigla siyang humkabang palapot sa akin at hinaklit niya ang braso ko. Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkaka hawak niya. Kaya naman kumuha ako ng lakas para bawiin ang braso ko sa kaniya. Nang magtagumpay ako, mabilis ko siyang sinampal.

Nagulat naman siya sa ginawa ko, pero wala akong pakialam. Matapang ko siyang tinignan at dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko.

“Hibang ka na! Pareho kayong hibang ng kaibigan ko! Sa tingin niyo ba patatawarin ko kayo? Oo, Ven. Mahal nga kita, pero hindi ko masisikmura na ipagpatuloy pa ang relasyon natin. Hindi ako gano’n kadisperada para gawin ‘yon! Ikaw nga, Ven, nagawa mo ito ng hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko. Makasarili ka at ang kaibigan ko. Bagay kayong magsama!” galit kong sabi sa kaniya.

“It’s not my fault! Kung pinagbigyan mo lang sana ako, edi hindi sana aabot dito.” Pagsisi sa akin ni Ven. “ Pakipot ka pa kasi, hindi naman kawalan para sa ‘yo, kung ibibigay mo sa ‘kin ang sarili mo!” dugtong pa niya.

“Huwag ako, Gillian. Pasalamat ka pa nga dahil umabot tayo ng limang taon. Kung hindi kita tiniis, hindi tayo magtatagal ng ganito. Akala mo kasi, napaka perpekto mong babae, dahil kahit anong gawin mo hindi ka magiging perpekto. Sa simpleng bagay na hinihingi ko sa ‘yo, tinatanggihan mo pa. Pakipot ka pa. Kaya dapat maintidihan mo kung bakit ko ito ginawa!”

Hindi ako nagsalita.

“Alam mo bang, pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko because of you! Akala nila takot ako sa ‘yo dahil hindi kita mapapayag na makipag sex sa ‘kin. I respect your decision, but my limitation is not what you think. I love you, but I need you to make my day complete. Sa tingin mo ba sa simpleng halik at lambing mo sa ‘kin, kuntento na agad ako? You’re wrong, Gillian” Mahabang litanya ni Ven, napapikit ako ng mariin dahil sa pinagsasabi niya.

Bakit biglang nagkaganito.

Ako yung biktima dito… pero bakit parang bumaliktad na ang sitwasyon?

“Kapal ng mukha mo, Ven! Tama na! Pagod na ko!” Saad ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan ko, bago muli kong binalingan ang ex-boyfriend ko. “Let’s break up!”

Sambit ko, bago tumalikod para umalis.

Mabilis ang ginawa kong paghakbang para lang makalabas sa condo ng ex-boyfriend ko. Hanggang sa makapasok ako sa elevator, napahawak ako sa dibdib ko dahil para bang tinutusok ng libo-libong karayon ang dibdib ko.

Hindi man lang sila nagsisi! Hindi naman ako robot para walang maramdaman. Mahal na mahal ko si Ven, pero hindi niya ‘yon pinahalagahan. At ang kaibigan kong parang kapatid ko na, hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat.

“Ahhh!” sigaw ko sa loob ng elevator. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang kumakawala sa mata ko.

Hindi ko alam kung paano ako ulit magsisimula.

Gusto kong makalimot. Kahit saglit lang…

Durog na durog ang pusa ko.

Inapakan ni Ven at ng kaibigan ko ang buo kong pagkatao.

Napaka unfair ng mundo!

Kay Ven, ko lang binuhos ang bawat araw. Si Ven lang naman ang hiniling ko na sana magtagal kami, at sana siya yung makasama ko habang buhay. Pero lahat ng nais ko ay biglang naglaho.

Hindi ko lubos akalain na pati ang bestfriend na itinuring kong kapatid at karamay ay siyang karibal ko sa puso ng boyfriend ko. Nagawa nilang pagtaksilan ako!

Sobrang sakit.

Ano na lamang ang sasabihin ko sa magulang ko? They expect too much... Na failed ko sila...

But, I know to myself that I'm a good person. I'm a good girlfriend...

Now, ang kaibigan at boyfriend ko ay may relasyon.

Gusto kong makalimutan ang lahat ng ito. Pero paano ko ito makakalimutan? Kailangan ko bang magpasagasa sa truck para mawala yung sakit na nararamdaman ko? O kailangan kong magkaroon ng amnesia, para makalimutan ko na nangyari ito. Kung magpakamatay na lang ako?

Pero hindi ko dapat gawin ‘yun.

Pinahid ko ang luha ko ng makalabas ako sa elevator. Inayos ko ang sarili ko at tuluyang lumabas ng building. Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa bar. Bar ang unang naisip ko, na maaaring makatulong sa ‘kin para makalimutan ko saglit ang nangyari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status