Ivy
Mas lalo pang kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng pumasok na ang tricycle na lulan namin sa bayan ng Consolascion. Ito ang sentro ng kalakaran sa probinsya ng Kalinaw. Maraming mga establishment at puntahan talaga ng mga tao. Pero talamak ang krimen at ilegal na gawain. Sa unang baranggay pa nga lang ay hilera na ang mga beer house at damadagundong ang tugtog sa speakers na nasa labas at nakatapat sa kalsada. Pero ayun na rin sa mga chismis na naririnig ko ay hindi lamang simpleng inuman ang nagaganap sa loob ng beer house. Talamak din ang bentahan ng laman.Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ng pumasok ang lulan naming tricycle sa gilid ng isang beer house. Sa likod nito ay may malaking lumang bahay."T-Tiyang a-ano pong gagawin natin dito?" Kinakabahang sabi ko."Basta! Malalaman mo mamaya! Umayos ka nga dyan para kang natataeng hindi maintindihan." Asik nya sa akin."T-Tiyang umuwi na po tayo.." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Hindi ka ba titigil? Gusto mong masaktan?" Sikmat nya sabay sabunot sa buhok ko.Tuluyan na akong naiyak."Tumahimik ka! Wag kang umiyak! Kapag nabura yang make up mo masasampal kita!" Kinagat ko na lang ang labi ko at tahimik na umiyak.Hanggang sa makababa na kami ng tricycle at umalis na ito. Tinanaw ko na lang ito ng tingin."Halina kayo!" Ani tiyong Oca na nauna na sa amin papasok sa kahoy na double door na may bantay na dalawang lalaki na naninigarilyo.Mahigpit na hawak ni tiyang ang braso ko at pakaladkad akong hinila. Halos matipalok na ako sa suot kong high heels."Tiyang ayoko po!" Iiling iling na sabi ko at hinihila ang brasong hawak nya.Lumapit sya sa akin at pinandilatan nya ako ng mata sabay tampal ng malakas sa pisngi ko.Dinuro nya ako. "Tumigil ka ha! Kapag hindi ka sumunod sa akin tatamaan ka na! Nakita mo yung dalawang lalaki sa may pinto? Yun ang yayari sa'yo kapag hindi ka sumunod!" Mahinang asik nya sa akin.Nawindang ako sa sinabi nya kasabay ng pangangatal ng katawan ko sa takot."Ano ba kayong dalawa! Bilisan nyo na nga dyan!" Tawag ni tiyong Oca na kausap ang dalawang lalaki."Halika na! Naiinip na sila!" Ani tiyang at hinila na ako.Nagpalinga linga ako. Bukod sa dalawang lalaki sa harap ng pinto ay may dalawa pang lalaki sa bungad ng maliit na daan na pinasukan namin. Mukha silang bantay at naninigarilyong nakatingin sa amin. Kahit tumakbo ako ay hindi ako makakatakas dahil siguradong hahabulin nila ako. Isama pa na ang suot kong sandals ay mataas ang takong."Yan na ba yun?" Tanong ng isang lalaki na may malaking katawan at may tattoo sa leeg. Hinagod pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi sya. "Ang ganda nito ah!""Sabi ko naman sa inyo eh! Maganda talaga tong si Ivy. Virgin pa yan!" Anang tiyang Linda na ngiting ngiti pa.Kinilabutan naman ako sa sinabi nya at sa tingin sa akin ng dalawang lalaki."Tiyang.." Naiiyak na tawag ko sa kanya."Tumahimik ka!" Pabulong na asik nya."Teka, nasaan pala si Ka Tano?" Tanong ni tiyong Oca."Nasa loob, busy." Nakangising sabi naman ng isang lalaki na may mahabang buhok. Ngumisi din si tiyong Oca. "Eh di pa'no yan? Hindi ba kami pwedeng pumasok sa loob? Ngayong gabi ang usapan namin eh.""Nagbilin naman si bossing." Anang lalaking may tattoo sa leeg. May dinukot sya sa likod ng bulsa ng pantalon. Isang sobreng kulay brown at inabot kay tiyong Oca. Lumaki naman ang ngiti ni tiyong Oca at tiyang Linda. Sa tingin ko ay pera ang laman nyon. Hindi naman ako tanga kung ano ang nangyayari. Kinutuban na ako kanina pa."O sige, iwan na namin si Ivy sa inyo. Ingatan nyo yan ah! Babalikan na lang namin sya sa lunes. Sabihin mo kay Ka Tano, pakasaya kamo sya." Ngising ngisi na sabi ni tiyong Oca.Nataranta ako sa sinabi ni tiyong Oca. Iiwan nila ako! Binenta nila ako para gawing parausan! "Tiyong.. tiyang wag nyo po akong iwan dito.." Lumuluhang samo ko at humawak sa braso ni tiyang Linda."Hindi pwede, nagkasundo na kami ni Ka Tano. At saka isa pa, isang araw at dalawang gabi lang naman. Pag uwe mo babalutuhan ka namin ng tiyong mo." Ani tiyang at pilit tinatanggal ang kamay ko."P-Pero tiyang ayoko po! W-Wag nyo kong iwan dito baka kung anong gawin nila sa akin.""Wag kang mag alala Ivy, wala silang gagawing masama sa'yo. Paglabas mo rito marami ka ng matututunan." Ngising demonyo na sabi ni tiyong Oca."O sige na! Kunin nyo na to. Babalikan na lang namin sa lunes." Hinawakan ako sa magkabilaang braso ng malaking lalaki at pinasok na sa loob ng malaking bahay. Umiiyak na nagpupumiglas naman ako."Tiyang! Wag nyo kong iwan parang awa nyo na!"Pero para silang bingi na hindi man lang ako nilingon at nagtuloy tuloy palabas ng compound. Kinausap pa nila ang isang lalaking bantay."Siguradong tiba tiba si boss dito. Ang ganda ganda at ang seksi pa. Sariwang sariwa." Ngisi ng lalaking may mahabang buhok."Ang bango bango pa nga eh." Sabi naman ng malaking lalaking may hawak sa akin at inamoy pa ang leeg ko."Wag po! Parang awa nyo na! Pakawalan nyo na po ako." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanila."Hindi pwede, bayad ka na ni boss. At pag aari ka nya ngayon hanggang bukas ng gabi." Sagot ng lalaking mahaba ang buhok."Parang gusto kong ako muna ang unang tumikim. Mmm nakakagigil ang bango bango ang lambot lambot pa." Sumubsob pa ang malaking lalaki sa buhok ko at humahaplos ang mga kamay sa katawan ko.Pilit kong iniiwas ang katawan ko. Diring diri ako sa mga hawak nya. Hindi rin kaaya aya ang hininga nya."Wag po! Maawa po kayo! Tulong! Tiyang!"Pero gaya nila tiyang at tiyong ay parang bingi din ang lalaki at hinahalik halikan na ko sa leeg. Ang lalaking kasama nya ay tatawa tawa lang."Hoy ano yan!" Sigaw ng isa pang lalaki na pababa ng hagdan.Tumigil naman sa ginagawa ang lalaki sa likuran ko at tumingala sa hagdan."Babae ni boss! Galing kay Oca at Linda. Super ganda pre, nakakagigil.""Gago! Wag mong pagnasaan yan! Kay boss Tano yan. Iakyat nyo na ng matikman na ni bossing." Utos ng lalaki na nasa hagdan."Tapos na ba si boss sa mga babae nya?" Tanong ng lalaking mahaba ang buhok.Ngumisi naman ang lalaki sa hagdan. "Oo, kaya tayo naman ang magpipiyesta mamaya. Sige na! Iakyat nyo na yan!"Wala na akong nagawa ng halos buhatin na ako ng malaking lalaki paakyat ng hagdan. Pilit akong nagpupumiglas. Nanununtok at naninipa pero wala ring silbi.Hanggang sa ipasok nila ako sa isang pinto. Bumungad sa akin ang office desk at sa likod nito ay nakaupo ang isang malaking lalaki na kayumanggi ang balat at kalabo. Sa tantya ko ay nasa singkwenta na ang edad nya. Nakasuot sya ng bukas na polo na kita ang malaki nyang tiyan. May kandong kandong syang babae na halos hubad na at nakangiti habang nakasubsob sya sa leeg nito.Tumikhim ang lalaking nasa hagdan kanina.Kunot noong lumingon naman sa amin ang matandang lalaki dahil naistorbo sya."Boss nandito na ang babaeng bayad ni Oca at Linda." Binulungan ng matandang lalaki ang babae sabay abot ng lilibuhing pera. Ngiting ngiti namang tumayo ang babae at hinalikan pa sa pisngi ang matanda. Inayos nya muna ang damit at taas noong dinaanan kami palabas ng kwarto.Nagsindi naman ng sigarilyo ang matandang lalaki at humithit habang hinahagod ako ng tingin. Abot abot ang kaba ko. Halos kumawala na sa loob ang puso kong nagwawala na sa lakas ng kalabog. Kinikilabutan ako sa uri ng tingin nya.Tumayo sya at dahan dahang lumapit sa akin. Sinusuri nya ang mukha ko at katawan. Hinawakan nya ang mukha ko at tinaas."Hmm maganda nga." Aniya at muling hinagod ng tingin ang katawan ko. "At sexy pa." Sunod ay inamoy nya ako.Iniwas ko naman ang mukha."Hmm at mabango pa." Sabay ngisi nya at haplos ng hinlalaki s pisngi ko."Anong pangalan mo iha?""I-Ivy po.." Nanginginig sa takot na sagot ko. Mukhang halang ang kaluluwa ng matandang lalaki at sanay sa ilegal na gawain."Hmm Ivy, maganda parang ikaw. Ilang taon ka na?""E-Eighteen po."Ngumisi ang matanda at sumipol naman ang tatlong lalaki. Mas lalo lang akong kinilabutan. Para silang mga demonyong nagkatawang tao."Batang bata nga, sariwang sariwa. Sige na, dalhin nyo sa katabing kwarto at i-lock ang pinto." Utos ng matanda."Boss hindi ho sa kwarto nyo?" Tanong naman ng lalaking mahaba ang buhok."Hindi, may plano ako sa kanya. Birhen yan kaya kikita ako ng malaki sa kanya bukas.""Pa'no kayo nakakasiguro na birhen nga ito? Baka mamaya ginogoyo lang kayo ng mag asawa. Mas mainam kung tikman nyo muna. O kung gusto nyo kami na lang." Suhestiyon pa ng lalaking may hawak sa akin."Wag po!" Nahihintakutan na sabat ko.Tiningnan naman ng masama ng matanda ang tatlong lalaki. "Hindi nila ako gogoyoin dahil alam nila kung ang mangyayari sa kanila. Kaya ipasok nyo na sa katabing kwarto yan at wag kayong magtatangka kundi malalagot kayo sa akin.""Yes boss!" Halos sabay sabay na sabi ng tatlo at nilabas na ako ng kwartong yun."Parang awa nyo na! Pakawalan nyo po ako! Maawa po kayo sa akin!" Palahaw ko habang pakaladkad nila akong dinala. Sa gilid ng luhaang mata ko ay nakikita ko ang ilang mga babae na maiiksi ang damit. Pero hindi gaya ko ay parang wala silang takot at sanay na sanay na sa lugar na ito.Nang makarating kami sa isang pinto ay binuksan nila ito at halos pabalibag akong pinasok sa loob. Mabuti na lang ay nakahawak ako sa isang bed post. Narinig ko ang pag-click ng pinto tanda na ni-lock ito sa labas.Patakbo kong nilapitan ang pinto at kinalampag."Parang awa nyo na po! Pakawalan nyo ko dito!" Sigaw ko. Hinawakan ko pa ang doorknob at pinihit pihit pa ito."Tulong! Tulungan nyo ko! Parang awa nyo na! T-Tulungan nyo ko! Ilabas nyo ko dito!" Sigaw at kalampag ang ginagawa ko sa pinto. Nagbabakasakaling may magandang loob na tulungan ako.Pero hanggang sa manakit na ang lalamunan at kamay ko ay wala pa ring anumang pagkilos sa kabilang pinto. Nahahapong sumandal ako sa pinto at padausdos na umupo sa sahig. Pinagdikit ko ang mga tuhod at niyakap habang tahimik na umiiyak..*****Ivy Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan.. Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon. Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo! Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas. Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa k
JeizhiroHindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer ng may lumapit na namang isang babae sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang pakay nila. Ang alam ko mahigpit na itong pinagbabawal sa mga ganitong lugar. Tinaboy ko na kanina ang isa. Ang pakay ko talaga sa lugar na to ay inom at hindi kasama ang babae. Babalik na ako sa San Agustin bukas at hindi ko alam kung kelan ako pwedeng mag off ulit. Tinaboy ko muli ang babae at tinuon na lang ang pansin sa pag inom ng beer. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas diez na pala ng gabi. Tinungga ko ang laman ng bote ng beer at nag iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Kinolekta naman ito ng nagserve sa aking waitress. Diretso na akong lumabas ng beerhouse at dinukot ang susi ng raptor ko sa bulsa. Medyo maalinsangan ang gabi. Pagbukas ko pa lang ng driver seat ay may nararamdaman na akong kakaiba. Umupo ako at sinarado ang pinto sabay dukot ng baril sa loob ng leather jacket habang hindi inaalis ang mata sa rare
Ivy Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag inat ako sa higaan. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang malaking elesing umiikot at barnis na kahoy na kisame. Iba naman ito sa kisameng namulatan ko kahapon. Wala na ako sa impyernong bahay na yun na pugad ng mga demonyo. Nakatakas ako. Tinulungan ako ng isang gwapong mama. Napangiti ako at bumangon. Suot ko pa rin ang t-shirt ni sir Jeiz na mukhang bestida ko na dahil sa laki. Pagkatapos nya akong pakainin kagabi ay dinala nya ako dito sa isang kwarto sa second floor. Ito daw muna ang pansamantalang tulugan ko habang nandito ako. Sinuklay ko ng daliri ang buhok at niligpit na ang higaan. Naging komportable ang pagtulog ko kagabi. May kalakihan ang kwarto. Halos kasing laki na nga ng bahay ni tiyang Linda. Malaki ang kama at malambot. May sarili pang banyo. Kahoy ang dingding at sahig na may barnis. Halatang hindi basta bastang kahoy lang ang mga ginamit dito. Malamig din dahil may aircon bukod sa
Jeizhiro Nang matapos ang emergency meeting na pinatawag ni mayor Rodolfo ay nagpaalam akong aalis muli. "Jeiz may problema ba iho?" Nag aalalang tanong ng butihing mayor. "Wala naman ho mayor. May kailangan lang ho talaga akong asikasuhin sa bahay. Pagkatapos din ho ay babalik din ako agad." "Ayos lang iho, asikasuhin mo muna ang kailangan mong asikasuhin. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Aniya at tinapik pa ako sa balikat. "Salamat ho mayor." Pagkatapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa raptor ko at nilisan ang lugar. May sabik akong nararamdaman na muling makita ang dalaga. Umalis ako kanina na tulog pa sya. Bigla kasing nagpatawag ng emergency meeting si mayor para sa mga tauhan. Sasamahan ko kasing magpa blotter si Ivy sa presinto. Kung balak nyang kasuhan ang tiyahin at tiyuhin nya ay tutulungan ko sya. At hanggang maaari ay ayoko muna syang pabalikin sa bahay ng tiyahin nila dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa susunod. Napahigpit ang haw
Third POV"Ay jusko Oca!" Napatili si Linda ng sumadsad ang asawa sa lamesita ng suntukin ito ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano na sumugod sa bahay. Agad nya itong dinaluhan. Putok ang labi nito. Pinahid nito ng likod ng palad ang labi.Binalingan nya ang mga tauhan ni Ka Tano. "Ano bang problema nyo at bigla na lang kayong susugod dito sa bahay ko at sinuntok nyo pa ang asawa ko." Sikmat nya sa mga ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga anak. Maagang pumasok sa eskwela."At kayo pa talaga ang matapang ha." Nilingon nya ang nagsalita sa may pinto. Si Ka Tano na bagong pasok at may nakaipit na sigarilyo sa labi nito. Hinithit nito ang sigarilyo at binuga ang usok habang matalim ang tingin sa kanilang mag asawa. "Ka Tano, a-anong problema?" Tanong ni Oca kay Ka Tano na bagong dating. "Problema ko?" Ulit ni Ka Tano at pinitik ang upos ng sigarilyo sa sahig ng bahay at tinapakan. Napalunok naman silang mag asawa at nilukob na ng takot at kaba. Kilala nila ang matanda. Ano kaya an
Jeizhiro"Sgt. Jeizhiro Natividad." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Yñigo Alejos, ang haciendero na kalalabas lang sa opisina ni mayor Rodolfo. Nakangisi syang lumapit sa akin. Inalahad nya ang kamay. Inabot ko ito. "Retirado na ako Mr. Alejos." Nakangising sabi ko. Nagkibit balikat naman sya. "By the way, natanggap mo na ba ang invitation na pinadala ko para sa kasal ko?" "Yeah, and congratulations Mr. Alejos." Bati ko sa kanya. Natanggap ko na kaninang umaga ang inbitasyon na pinadala nya para sa kasal nila ng nobya nya. Nakilala ko na ang nobya nya. Maganda ito at mabait parang si Ivy. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad. "Inaasahan ko ang pagdalo mo pare." "Makakaasa ka pare." "Kung may oras ka punta ka sa hacienda, inuman tayo." Aya nya sa akin. Ngumisi naman ako tumango. "Sure." "O sige mauna na ko. Sasamahan ko pa si Amira sa check up nya." "Ingat pare." Nag fist bump pa kami bago nya nilisan ang ikalawapag palapag.Sumandal ako sa pader habang nakas
Ivy"Ivy aalis na ako." Mula sa pagva-vacuum ay nilingon ko si sir Jeiz na pababa ng hagdan. Bahagya pa akong napanganga habang pinagmamasdan syang pababa. Lagi naman akong napapanganga tuwing umaga kapag nakikita syang bihis na bihis papasok sa trabaho. Para kasi syang modelo na lumabas sa magazine o kaya hollywood action star. Ang lakas ng dating nya sa suot nyang pantalong maong na blue na pinaresan nya ng combat shoes. Itim na v-neck t-shirt naman ang pang itaas nya. As usual nakasabit sa neckline ang aviator nya. Namumutok din ang naglalakihang masel nya sa braso pati na rin ang dibdib na hakab sa suot na damit. Bitbit nya ang jacket nya. Naalala ko maraming jacket sa closet nya at puro branded pa. Lahat naman ng damit nya, ultimo brief at boxer shorts nya ay branded. Pati na rin ang mga sapatos nya. Sana all lang talaga. "Ivy." Untag nya sa akin. "Po?" Parang tangang tanong ko. Kumunot ang noo nya. "Ayos ka lang? Para kang namatanda dyan." Nakangising sabi nya. Naitikom ko
Jeiz Ekasaktong alas onse na ako nakarating ng bahay. Pinatay ko ang makina at bumaba ng raptor bitbit ang isang box ng pastries at isang malaking bilao na puro prutas na galing sa kasal ni Yñigo Alejos. Dapat ay mamaya pa ako uuwi dahil nag aya ng inuman si Yñigo kasama ang pinsan nyang si Edward. Nagpumilit lang akong umuwi dahil nag aalala ako kay Ivy. Mabuti na lang nandun si mayor at sinabing may naghihintay sa akin sa bahay kaya nakatakas ako. Yun nga lang inulan ako tukso. Dinukot ko ang susi sa slacks ng pantalon at sinuksok sa pinto. Binilinan ko kasi si Ivy na kapag sya lang mag isa dito sa bahay ay lagi nyang ila-lock ang pinto. Mahirap na baka masalisihan ng masasamang loob at sya lang ang nandito. Pagbukas ko ng pinto ay dinig ko ang ingay mula sa tv. Pero si Ivy ay nakahiga na sa sofa. Mukhang tulog na. Sinarado ko ang pinto at ni-lock. Dumiretso muna ako ng kusina para ilagay ang mga bitbit ko. Pinatay ko ang tv at dahan dahan akong umupo sa sofa habang hindi inaali