Ivy
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan..Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon.Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo!Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas.Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa kaiiyak kagabi at siguradong mugtong mugto na. Nilibot ko ang mata sa buong kwarto. Tiningnan ko ang bintanang capiz. Sinubukan ko ng buksan kagabi yun pero bigo lang ako dahil nakakandado ito sa loob.Pero baka may tao sa labas pwede akong makahingi ng tulong!Tila ako nabuhayan ng pag asa at patakbong tinungo ang bintana at sumilip sa butas na naroon. Pero muli akong nabigo ng tumambad sa akin ay masukal na damo. Mukhang nasa bahaging likod ng bahay ang kwartong to.Lulugo lugong bumalik akong muli sa kama. Napapitlag pa ako ng tumunog ang doorknob. Tanda na may papasok.Sumiksik ako sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko.Pumasok ang lalaking sumalubong sa amin sa hagdan kagabi. May dala syang tray na may lamang pagkain. Hindi nya sinarado ang pinto pero meron namang lalaki na naka abang sa labas ng pinto. Iba yun sa dalawang lalaking halos kaladkarin na ako kagabi.Nakangisi ang lalaking may dalang tray na lumapit sa akin."Gising ka na pala. Magang maga ang mata mo ah. Pero di bale maganda ka pa rin naman." Aniya at sabay silang tumawa ng lalaki sa may pinto.Napalunok na lang ako."O heto pagkain, kumain ka. Kailangan mong magpakabusog dahil mamaya tiyak na mapapalaban ka." Dugtong pa nya ay muling tumawa. Nilapag lang nya ang pagkain sa kama at muli akong tiningnan habang nakangisi. Dumila pa sya sa labi. Kinilabutan ako."Jackpot talaga ang yayari sa'yo mamaya. Bukod sa ang ganda ganda mo at ang sexy mo, ang sariwa mo pa. Kung hindi nga lang ako yari kay boss gusto kong ako muna ang unang tumikim sayo eh. Siguradong ang sarap mo."Nanginig ang katawan ko sa takot at pandidiri dahil sa sinabi nya. Muli na namang pumatak ang luha ko. Diyos ko po! Ano ba tong nangyayari sa akin?Tumawa ang lalaki. "O kita mo? Wala pa nga akong ginagawa sayo nanginig ka na. Sa sarap ba yan o sa takot?"Hindi ako sumagot. Nakakakilabot ang tawa nilang dalawa."Gago, malamang sa takot. Ang panget mo kasi eh!" Sabi ng isang lalaki na nasa pinto."Pero mas panget ka dahil kulang ka ng ipin gago!" Bira nya sa lalaki at sabay muli silang tumawa."Kumain ka na sexy baka gutom ka na, hayun ang banyo baka naiihi ka na. Maghilamos ka na rin at kalat na ang make up mo." Nakangising sabi nya sabay turo sa pintuang naroon.Hindi ako sumagot o gumalaw man lang hanggang sa makalabas na ang lalaki at muling nilock ang pinto.Ilang sandali kong tinitigan ang pagkain na nasa tray na nakalapag sa kama. Sinangag iyon na may tapa at itlog at isang basong malamig na tubig. Bigla akong natakam at nagutom. Pero nagdadalawang isip akong kainin yun. Baka mamaya kung ano ang nilagay nila. Pero naisip ko rin paano ako tatakas kung nanghihina ako sa gutom baka hindi ako makatakbo.Hinila ko ang tray palapit sa akin. Bahala na! Wala naman sigurong lason to dahil papakinabangan pa nila ako.Agad ko ng kinain ang pagkain. Ngayon ko naramdaman ang gutom dahil sa kaba at takot. At least matinong pagkain ang binigay nila. Mabilis kong naubos ang pagkain at pati na ang isang basong tubig. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para umihi at maghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa lumang salamin na naroon. Wala na ang make up pero ang pamamaga ng mga mata ko ay halata pa rin. Wala ni anumang gamit sa loob ng banyo maliban sa isang sabon at shampoong nasa sachet. Timbang malaki at tabo at de flush na bowl.Paglabas ko ng banyo ay saktong bumalik ang lalaking naghatid ng pagkain. Kinuha nya ang walang laman na tray. Ngumisi sya sa akin."Magpahinga ka na dahil dahil mamaya mapapasabak ka sa puyatan." Ngingisi ngising sabi nya at lumabas na ng pinto at muling ni-lock ng pinto.Kagat labing umupo ako sa kama at mabilis na pinahid ang muling tumulo na luha. Walang maitutulong ang pag iyak ko. Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito. Dahil mukhang malabo na na may tutulong sa akin. Ang mga babae sa labas ay mukhang sanay na sa ganitong gawain at dito na rin siguro sila kumikita ng pera. At hindi ko hahayaan na babuyin lang ng kung sino ang katawan ko.Sa lumipas na mga oras hanggang sa muling mag gabi ay nakaupo lang ako sa kama habang yakap ang tuhod at nag iisip ng paraan kung paano makakatakas. Muli akong hinatiran ng pagkain pero hindi ko naubos yun dahil nawalan ako ng gana.Maya maya lang ay may pumasok na dalawang babaeng maiiksi ang mga suot at makapal ang make up. May dala dala silang damit at make up kit. Hinagis ng isang babaeng ngumunguya ng bubble gum ang damit sa kama."O magbihis ka na at wag kang babagal bagal." Mataray na sabi nya.Kagat labing dinampot ko ang damit at pumasok sa banyo. Kinakabahan man ay sinuot ko na rin ang damit. Gaya ng damit na pinasuot sa akin ni tiyang na hinubad ko ay maiksi din ito at halos kita ang kuyukot. Mas mababa nga lang ang neckline nito at kita na ang cleavage ko. Napalunok na tumingin ako sa salamin. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa salamin pero wala akong magagawa kailangan kong sumunod dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinatatag ang sarili kahit halos gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng kalabog."Ano ba? Bilisan mo dyan!" Sigaw ng babae sa labas ng pinto at kinalampag pa ito."O-Oo palabas na." Sagot ko.Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang dalawang babae na nakataas ang kilay. Hinagod pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa."Siguradong tiba tiba na naman si boss Tano mamaya. Baka maging favorite pa nga ito ni boss eh." Anang isang babae at ngumisi.Umirap naman ang babaeng ngumunguya ng bubble gum. "Bilisan mo na ayusan mo na sya."Tumalima naman ang isang babae at nilagyan na ng make up ang mukha ko. "Infairness ang ganda mo ha. May lahi ka siguro no." Ani nya.Hindi na lang ako sumagot. Pero tama naman ang sinabi nya. Ang mama ko kasi ay may lahing American. Kalahating Amarikano daw kasi ang lolo ko, ang unang asawa ni lola na tatay ni mama. Namatay ito bata pa daw si mama dahil nagkasakit. Nag asawa uli si lola at anak nya sa bagong asawa si tiyang Linda na nilagay ako ngayon sa kapahamakan dahil sa pera. Natitiyak kong walang nakakaalam sa mga malalapit sa akin sa buhay ang nangyayari sa akin ngayon. Mama kung nasaan ka man gabayan nyo po ako. Wag nyo po akong hayaang mapahamak."O pak! S***a ganda mo te! Siguradong pagkakaguluhan ka mamaya." Tuwang tuwang sabi ng babae at binalik na ang make up kit sa lagayan.Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya.Lumabas na ang dalawang babae at nilock ang pinto. Ang sabi nila susunduin na lang daw ako mamaya. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal nawa'y gabayan Niya ako at ni mama.Muling bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang lalaki kanina. Nakangisi silang parehas na hinagod ako ng tingin. Lumapit sa akin ang lalaking nagbigay ng pagkain sa kanina at hinawakan ako sa braso. Napangiwi pa ako sa higpit ng hawak nya."Halika na at naghihintay na ang mga bigating parokyano." Aniya at hinila na ako palabas ng kwarto.Muntik pa akong matipalok dahil sa suot kong high heels. Kabado man ay naging malikot ang mga mata ko. Wala na akong nakitang ibang tao pero may naririnig akong ingay sa baba. Mukhang nandun sila lahat.Tama nga ako nandun silang lahat. Ang mga babae ay parang mga panindang nakahilera at may mga matamis na ngiti sa labi habang ang mga ilang kalalakihan naman na may mga edad na mukhang mga bigatin ay parang mamimili na sinusuri ang paninda. Ang matandang lalaki naman na tinatawag nilang Ka Tano ay nakadekwatrong nakaupo sa upuan habang may babaeng nasa likod nya at minasahe sya. Ibang babae yun sa babaeng nakakandong sa kanya noong una ko syang nakita. Nakangisi ang matanda habang humihithit ng sigarilyo."Boss nandito na po sya." Sabi ng lalaking nasa likuran ko ng makababa na kami ng hagdan.Nagsilingunan silang lahat sa amin.Napalunok naman ako. Lalo na ng halos sa akin na lahat nakatingin lalo na ang mga lalaki."Sya ba ang sinasabi mo Tano?" Tanong ng matabang lalaki na may mga gintong alahas sa katawan. Sa tantya ko ay mga nasa kwarenta ang edad.Nangingisi namang tumango si Ka Tano."Ang ganda nito ah! At mukhang sariwa pa!""Sariwa talaga yan kaya mahal ang presyo." Sabi ni Ka Tano."Magkano ba? Handa akong magbayad matikman lang to, mukhang ang sarap lamutakin." Anang matabang lalaki na bakas ng matinding pagnanasa sa maya habang hinahagod ako ng tingin.Kinilabutan naman ako at nandiri sa sinabi nya."Teka lang! Paano naman kami? Ang habol din namin ay sariwa. Ang lahat ng mga babae rito ay natikman na namin at gusto naman namin ng bago." Nakangising sabi ng may kapayatang matandang lalaki na humihithit ng sigarilyo.Sumegunda naman ang ibang mga lalaking naroon."Gaya ng nakagawian, kung sino ang mas mataas ang offer sa kanya ang babae." Nakangising sabi ni Ka Tano.Nagsipag sang ayunan naman ang mga lalaki at nagbigay na ng kanya kanyang presyo.Hindi naman ako makapaniwala sa ino-offer nilang presyo. Handa silang magbayad ng malaki para lang sa panandaliang aliw.Napapalunok ako, parang gusto kong masuka. Nandidiri ako.Narinig kong ngumisi ang lalaking may hawak sa akin. "Mukhang tiba tiba ang bulsa natin ngayong gabi ah.""Teka sandali Tano, nauna ako sa babaeng to. Kaya dapat akin sya. Handa akong magbayad kahit magkano." Anang matabang lalaki na ayaw magpatalo."Kami din, kaya din naming magbayad ng kahit magkano." Nakangising sabi naman ng may edad din na lalaki na mukhang politiko at mayaman."Wala akong pakialam basta akin na ang babaeng to." Pinal na sabi ng matabang lalaki at may tinawag pa na isang lalaki at inabot sa kanya ang check book at sinulatan sabay abot kay Ka Tano. "Bukas na bukas pwede mo nang withdraw-in yan." Dugtong nya sabay ngisi.Tiningnan naman ito ni Ka Tano. Nanlaki naman ang mata ng babaeng nasa likod nya.Hinablot naman ng matandang lalaking payat ang tsekeng nasa kamay ni Ka Tano. "300 000? Eh kaya ko pang doblehin to ah! Ito na ang pinagmamalaki mo?" Mayabang na sabi nito."Kaya mong doblehin?" Tanong ni Ka Tano. "Kung kaya mong doblehin sayo na ang babae."Agad namang naglabas ng tseke ng matanda. Pero ang lalaking mataba na nag abot na ng tseke kanina ay humugot ng baril at tinutok sa matandang lalaki. Pati na ng dalawang kasama nitong lalaki na mga bodyguard nya ay may hawak na ring baril. Nagsitilian naman ang mga babae at nagipon ipon sa isang gilid."Sige subukan mo? Kung ayaw mong sumabog ang utak mo. Kilala mo ko Edmond. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko at kapag sinabi kong akin ang babaeng yan ay akin. At walang makakapigil sa akin kahit ikaw pa ka Tano."Namutla ang matandang lalaki habang nakatitig sa baril. Si Ka Tano naman ay relax na relax pa ring nakaupo pero ang mga mata nya ay nakatingin sa mga tauhang naroon at nakaantabay."Mukhang gulo na to ah." Paanas na sabi ng lalaki sa gilid ko sabay suksok ng kamay sa loob ng jacket."Maghanda ka." Sabi naman ng lalaking may hawak sa akin.Ako naman ay wala ng pagsidlan ang kaba at takot. Baka nga dito na ako mamatay kung mamalasin."Akina ang babae!" Anang matabang lalaki na nag aamok at lumapit sa amin sabay hablot sa braso ko. Pero hindi ako binitawan ng lalaking may hawak sa akin.Mangiyak ngiyak na ako sa takot. Nag umpisa na akong manginig."Boss." Tawag ng lalaking may hawak sakin."Nilo bitawan mo ang babae." Pautos na sabi ni Ka Tano sa matabang lalaki.Ngumisi naman ang matabang lalaki at binalingan si ka Tano. "Hindi mo ko mauutusan tanda." Anito sabay baril sa lalaking may hawak sa akin. Nabitawan ako ng lalaki sabay sapo sa tinamaang dibdib. Dinaluhan naman sya ng katabing lalaki. Napatili naman ako sa takot. Hinablot ako ng matabang lalaki. Pero agad din nya akong nabitawan ng may mga lalaking dumaluhong sa kanya. Nagkagulo na sila. May mga nagpapaputok na ng baril. Ang ilang mga lalaki ay lumabas na ng pinto.Lumunok ako at nagpalinga linga. Halos lahat ng atensyon ng mga naroon ay sa mga lalaking nagrarambulan na. Wala na akong inaksayang panahon at mabilis na tumakbo sa pinto. Hinubad ko ang high heels at walang lingong tumakbo."Yung babae nakatakas!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Nakipag karerahan pa sa pagtakbo ko ang bilis ng puso ko."Hoy! Tigil!" Sigaw pa ng lalaki sa likuran ko.Hindi ko ito nilingon at lumiko sa harap ng beerhouse at nagpasikot sikot sa mga nakaparadang sasakyan. Sinubukan kong buksan isa isa ang mga pinto ng mga sasakyan na naroon. Pero wala ni isa akong nabuksan lahat ay naka lock. Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Kapag hindi pa ako nakapag tago ay siguradong mahuhuli nila ako. Tinungo ko ang isang malaking sasakyan na pick up na itim ang salamin. Una kong binuksan ang unahan pero naka lock. Sumunod naman ang nasa likuran. Bukas!Agad akong pumasok at sinarado ang pinto. Mabango ang loob ng sasakyan at malamig.Yumuko ako ng makita ko ang isang tauhan na luminga linga. Sana hindi nila ako makita! Piping dalangin ko.Nahigit ko ang hininga ng bumukas ang pinto sa unahan. May pumasok! Yung may ari siguro.May narinig akong pagkasa ng baril kasunod ang matigas na bagay na nakadutdot sa gilid ng noo ko."Sino ka?" Tanong ng isang lalaking may malaking boses.Nanginginig ang katawan na dahan dahan akong nagtaas ng mukha. Sumalubong sa akin ang nguso ng baril."W-Wag po.." Mangiyak ngiyak na sabi ko at nagmamakaawang tumingin sa lalaking may hawak ng baril."Ikaw?"*****JeizhiroHindi ko pa nauubos ang isang bote ng beer ng may lumapit na namang isang babae sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang pakay nila. Ang alam ko mahigpit na itong pinagbabawal sa mga ganitong lugar. Tinaboy ko na kanina ang isa. Ang pakay ko talaga sa lugar na to ay inom at hindi kasama ang babae. Babalik na ako sa San Agustin bukas at hindi ko alam kung kelan ako pwedeng mag off ulit. Tinaboy ko muli ang babae at tinuon na lang ang pansin sa pag inom ng beer. Sinilip ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas diez na pala ng gabi. Tinungga ko ang laman ng bote ng beer at nag iwan ng pera sa lamesa at tumayo. Kinolekta naman ito ng nagserve sa aking waitress. Diretso na akong lumabas ng beerhouse at dinukot ang susi ng raptor ko sa bulsa. Medyo maalinsangan ang gabi. Pagbukas ko pa lang ng driver seat ay may nararamdaman na akong kakaiba. Umupo ako at sinarado ang pinto sabay dukot ng baril sa loob ng leather jacket habang hindi inaalis ang mata sa rare
Ivy Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nag inat ako sa higaan. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang malaking elesing umiikot at barnis na kahoy na kisame. Iba naman ito sa kisameng namulatan ko kahapon. Wala na ako sa impyernong bahay na yun na pugad ng mga demonyo. Nakatakas ako. Tinulungan ako ng isang gwapong mama. Napangiti ako at bumangon. Suot ko pa rin ang t-shirt ni sir Jeiz na mukhang bestida ko na dahil sa laki. Pagkatapos nya akong pakainin kagabi ay dinala nya ako dito sa isang kwarto sa second floor. Ito daw muna ang pansamantalang tulugan ko habang nandito ako. Sinuklay ko ng daliri ang buhok at niligpit na ang higaan. Naging komportable ang pagtulog ko kagabi. May kalakihan ang kwarto. Halos kasing laki na nga ng bahay ni tiyang Linda. Malaki ang kama at malambot. May sarili pang banyo. Kahoy ang dingding at sahig na may barnis. Halatang hindi basta bastang kahoy lang ang mga ginamit dito. Malamig din dahil may aircon bukod sa
Jeizhiro Nang matapos ang emergency meeting na pinatawag ni mayor Rodolfo ay nagpaalam akong aalis muli. "Jeiz may problema ba iho?" Nag aalalang tanong ng butihing mayor. "Wala naman ho mayor. May kailangan lang ho talaga akong asikasuhin sa bahay. Pagkatapos din ho ay babalik din ako agad." "Ayos lang iho, asikasuhin mo muna ang kailangan mong asikasuhin. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Aniya at tinapik pa ako sa balikat. "Salamat ho mayor." Pagkatapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa raptor ko at nilisan ang lugar. May sabik akong nararamdaman na muling makita ang dalaga. Umalis ako kanina na tulog pa sya. Bigla kasing nagpatawag ng emergency meeting si mayor para sa mga tauhan. Sasamahan ko kasing magpa blotter si Ivy sa presinto. Kung balak nyang kasuhan ang tiyahin at tiyuhin nya ay tutulungan ko sya. At hanggang maaari ay ayoko muna syang pabalikin sa bahay ng tiyahin nila dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa susunod. Napahigpit ang haw
Third POV"Ay jusko Oca!" Napatili si Linda ng sumadsad ang asawa sa lamesita ng suntukin ito ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano na sumugod sa bahay. Agad nya itong dinaluhan. Putok ang labi nito. Pinahid nito ng likod ng palad ang labi.Binalingan nya ang mga tauhan ni Ka Tano. "Ano bang problema nyo at bigla na lang kayong susugod dito sa bahay ko at sinuntok nyo pa ang asawa ko." Sikmat nya sa mga ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga anak. Maagang pumasok sa eskwela."At kayo pa talaga ang matapang ha." Nilingon nya ang nagsalita sa may pinto. Si Ka Tano na bagong pasok at may nakaipit na sigarilyo sa labi nito. Hinithit nito ang sigarilyo at binuga ang usok habang matalim ang tingin sa kanilang mag asawa. "Ka Tano, a-anong problema?" Tanong ni Oca kay Ka Tano na bagong dating. "Problema ko?" Ulit ni Ka Tano at pinitik ang upos ng sigarilyo sa sahig ng bahay at tinapakan. Napalunok naman silang mag asawa at nilukob na ng takot at kaba. Kilala nila ang matanda. Ano kaya an
Jeizhiro"Sgt. Jeizhiro Natividad." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Yñigo Alejos, ang haciendero na kalalabas lang sa opisina ni mayor Rodolfo. Nakangisi syang lumapit sa akin. Inalahad nya ang kamay. Inabot ko ito. "Retirado na ako Mr. Alejos." Nakangising sabi ko. Nagkibit balikat naman sya. "By the way, natanggap mo na ba ang invitation na pinadala ko para sa kasal ko?" "Yeah, and congratulations Mr. Alejos." Bati ko sa kanya. Natanggap ko na kaninang umaga ang inbitasyon na pinadala nya para sa kasal nila ng nobya nya. Nakilala ko na ang nobya nya. Maganda ito at mabait parang si Ivy. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad. "Inaasahan ko ang pagdalo mo pare." "Makakaasa ka pare." "Kung may oras ka punta ka sa hacienda, inuman tayo." Aya nya sa akin. Ngumisi naman ako tumango. "Sure." "O sige mauna na ko. Sasamahan ko pa si Amira sa check up nya." "Ingat pare." Nag fist bump pa kami bago nya nilisan ang ikalawapag palapag.Sumandal ako sa pader habang nakas
Ivy"Ivy aalis na ako." Mula sa pagva-vacuum ay nilingon ko si sir Jeiz na pababa ng hagdan. Bahagya pa akong napanganga habang pinagmamasdan syang pababa. Lagi naman akong napapanganga tuwing umaga kapag nakikita syang bihis na bihis papasok sa trabaho. Para kasi syang modelo na lumabas sa magazine o kaya hollywood action star. Ang lakas ng dating nya sa suot nyang pantalong maong na blue na pinaresan nya ng combat shoes. Itim na v-neck t-shirt naman ang pang itaas nya. As usual nakasabit sa neckline ang aviator nya. Namumutok din ang naglalakihang masel nya sa braso pati na rin ang dibdib na hakab sa suot na damit. Bitbit nya ang jacket nya. Naalala ko maraming jacket sa closet nya at puro branded pa. Lahat naman ng damit nya, ultimo brief at boxer shorts nya ay branded. Pati na rin ang mga sapatos nya. Sana all lang talaga. "Ivy." Untag nya sa akin. "Po?" Parang tangang tanong ko. Kumunot ang noo nya. "Ayos ka lang? Para kang namatanda dyan." Nakangising sabi nya. Naitikom ko
Jeiz Ekasaktong alas onse na ako nakarating ng bahay. Pinatay ko ang makina at bumaba ng raptor bitbit ang isang box ng pastries at isang malaking bilao na puro prutas na galing sa kasal ni Yñigo Alejos. Dapat ay mamaya pa ako uuwi dahil nag aya ng inuman si Yñigo kasama ang pinsan nyang si Edward. Nagpumilit lang akong umuwi dahil nag aalala ako kay Ivy. Mabuti na lang nandun si mayor at sinabing may naghihintay sa akin sa bahay kaya nakatakas ako. Yun nga lang inulan ako tukso. Dinukot ko ang susi sa slacks ng pantalon at sinuksok sa pinto. Binilinan ko kasi si Ivy na kapag sya lang mag isa dito sa bahay ay lagi nyang ila-lock ang pinto. Mahirap na baka masalisihan ng masasamang loob at sya lang ang nandito. Pagbukas ko ng pinto ay dinig ko ang ingay mula sa tv. Pero si Ivy ay nakahiga na sa sofa. Mukhang tulog na. Sinarado ko ang pinto at ni-lock. Dumiretso muna ako ng kusina para ilagay ang mga bitbit ko. Pinatay ko ang tv at dahan dahan akong umupo sa sofa habang hindi inaali
Ivy Manghang mangha ako ng makapasok na ako sa loob ng farm. Malawak pala talaga ito sa loob. Dati ay nadadaanan lang namin to sa labas sakay ng tricycle. Private property kasi ito kaya bawal pumasok. Pero ngayon heto nakapasok na ako kasama ang may ari. Para akong nakawala sa hawla paglabas ko ng sasakyan. Halos tatlong linggo din akong hindi nakalabas. Panatag naman ako na walang makakakilala sa akin dito sa loob. Paglingon ko kay Jeiz ay nakatingin pala sya sa akin. Bahagya akong nailang pero ng nginitian nya ako ay nginitian ko na rin sya. Maya maya ay may lumabas na mga tao sa parang bahay. Lumapit ang mga ito sa amin na mga nakangiti. Puro sila may mga edad na. "Sir Jeiz magandang umaga ho." Bati ng isang matandang lalaki. "Magandang umaga naman ho Mang Teofilo. Magandang umaga sa inyong lahat." Bati din ni Jeiz sa kanila. "Aba'y kasama mo pala ang nobya mo. Kay gandang dilag." Ani ng matanda na tinawag ni Jeiz na Mang Teofilo. Nakangiti sya sa akin. Nakaramdam naman ako