"Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'
ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na
Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab
One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin
Nang marinig ko ang musika ay dahan-dahan na akong tumayo mula dito sa pagkakaupo sa loob ng malaking kahon. Inangat ko ang aking kamay -- ito ang unang lumabas na parte ng aking katawan. Narinig ko ang hiyawan ng mga lalake na nandirito sa pribadong kuwarto. Dahan-dahan kong inangat ang aking katawan, at sinimulang igalaw ang aking balakang sa pinakasenswal na paraan kasabay ng maharot na tugtugin hanggang sa tuluyan na akong nakatayo. Nakatalikod ako sa kanila kaya naman ang halos hubad kong likod lamang ang nakikita nila. "Damn! So hot!" hiyaw ng isang lalake. Napangisi ako at dahan-dahang pumihit paharap sa kanila. Nakita ko ang pagkadismaya ng kanilang mukha dahil sa suot ako ng maskara na nakatakip sa kalahati ng aking mukha.Gumiling ako at malanding inindayog ang aking mga balakang. Nag-iingay na ang mga kalalakihan pero ang isa nilang kasama ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Mariin siyang nakatitig sa akin na tila ba hinuhubaran ako. Napangisi ako at dahan-dahang l
PRECIOUS "Pagod na ako," reklamo ko kay Cora. Kanina pa kami naglalakad dito sa mall. "Gusto ko ng umuwi." "Mamaya na. Kumain na muna tayo." "Kanina pa tayo kain nang kain. Di ba sabi ko naman sa'yo gusto ko ng mag-diet. Pakiramdam ko nadagdagan na naman ako ng timbang," reklamo ko. Totoo naman iyon. Ang bilis kong mag-gain ng weight. Hindi na ako natutuwa kaso ang hirap naman kasing simulan ang pag-da-diet at pag-work out. Iniisip ko pa lang parang nahihirapan na ako. "Bukas ka na mag-diet." Napakamot ako ng aking batok. "Kaya lalo akong tumataba kasi hindi mo ako sinusuportahan, e." Tumawa siya. "Ano ka ba? Masarap kayang kumain.""Oo, masarap nga, pero ikaw hindi ka man lang nadadagdagan ng timbang kahit na kumain ka ng madami. Kumusta naman ako." Napabuntong hininga ako. Nafu-frustrate na talaga ako. Ang bigat-bigat ko na. Kaya hindi ako nagkakaroon ng manliligaw dahil over weight ako. Tagyawatin din ako. Heto nga at nangangati na naman ang bagong tubo kong tagyawat. Dahil
Halos hindi ako nakatulog, pakiramdam ko ay lumulutang ako. Ang saya-saya ko at hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang hiniling ko lang naman ay magustuhan ako ni Jacob, pero higit pa doon ang binigay ng tadhana. Pakakasalan niya ako. Maaga akong bumangon upang makapaghanda. Pupunta ngayon sina Jacob para pag-usapan ang gaganapin naming kasal. Nagsuot ako ng pants at tshirt. Hindi ako makapag-dress dahil pumuputok ang bilbil ko. Alangan naman na magsuot ako ng maternity dress, e di, magmumukha lang akong malaki lalo. Naglagay ako ng polbo at liptint. Hindi na ako nag-make up dahil mangangati lang ang mukha ko. Baka mag-break out na naman ako. Wala ng space sa aking mukha ang mga tagyawat. Labi at mata ko na lang ata ang hindi tinutubuan ng tagyawat. Maganda naman ako, e. Nang bata ako. Kaso habang lumalaki ako, literal na lumalaki ako dahil padagdag nang padagdag ang aking timbang. Tapos mula nang magkaroon ako hindi na din ako nawawalan ng tagyawat. "Good morning, Nan
Hindi ako nasamahan ni Jacob sa pagsusukat ng mga wedding dress pero naintindihan ko naman, alam ko kung gaano siya ka-busy. Mabuti na lang at sinamahan ako ng kaniyang mommy. Hindi nakasama si Cora ngayon. Masama ang kaniyang pakiramdam, kaya sinabi ko na magpahinga na lang siya. Gusto kong maiyak dahil halos walang magkasya sa akin na wedding gown dahil sa laki ko. At ang mga big sizes na available dito sa boutique ay hindi pa mga wedding gown. Nagpatahi na lang kami kaysa lumipat pa ng ibang boutique. Baka ganoon din sa iba, magsasayang lang kami ng oras. Napakasimple lang ng pinagawa kong wedding gown. Sinunod ko na lang si Mommy at ang sinabi ng designer. Sabi nila bagay daw iyon sa akin. Masyadong mabilis. Kung next year pa ang kasal, baka pumayat na ako n'on. Kung alam ko lang na magpapakasal ako this year, sana sinunod ko ang new years resolution ko na mag-da-diet at magwo-work out ako, kahit na napakahirap gawin. Pumili din kami ng shoes. Flat lang dahil masyado akong ma