Share

LAB— 7

Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi.

"Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit.

Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area.

Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin.

Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok.

Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status