Napaatras si Ethan palayo. May kanser sa utak si Hanna? May taning na ang buhay nito? Sanay siya sa sakit ng damdamin na dulot ng mga taong itinuring niyang pamilya noong bata pa siya hanggang magbinata. Pero ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng sakit. Pinigil niya ang sariling lapitan ang asawa. Ayaw nitong ipaalam sa kanya ang kalagayan. Hindi muna niya sasabihin dito na alam na niya. Hihintayin niya muna itong makapanganak bago niya kausapin. Lalaban silang dalawa. Kahit kamatayan ay tatalunin nila. Hahanap siya ng pinakamagaling na ospital kahit saang lupalop pa ng mundo. Hindi siya papayag na mawala si Hanna.Lumabas siya ng ospital. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin. Tumakbo siya ng matulin sa park sa labas. Naka-ilang ikot siya. Tila kinakapos siya ng hininga ng tumigil. Kailangang maalis ng labis na emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Inayos niya ang sarili bago muling bumalik sa clinic.Pawisan siya ng dumating sa klinika. Magkaharap sa table na
Malapit na ang taning na ibinigay ng duktor kay Hanna at ayaw niyang iwan ang mga taong mahal niya. Gusto pa niyang mabuhay at makasama ang mga ito ng matagal! Ngunit paano? Matagal ng gumuho ang kanyang mundo ng sabihin ng duktor ang kanyang sakit. Mandadamay pa ba siya ng iba?Humihilab ang kanyang tiyan kasabay ng matinding pagkirot ng kanyang ulo. Hindi niya mapigil ang mapahagulgol. Napakapit siya sa kamay ni Ethan na napansin niyang kasabay niyang umiyak din.Dinala na siya sa delivery room. Tinignan ni Dra. Leila ang kanyang blood pressure. Pinahiga siya sa bed. Halos masira na niya ang t-shirt ni Ethan sa paghila niya. Grabe ang sakit ng paghilab ng kanyang tiyan.“Six centimeters na ang pagbukas ng cervix mo. Hintay lang tayo ng konti pa.”“Dra. Leila, nahihirapan po si Hanna. May maari po bang magawa para maibsan ang sakit?”“Ethan, pinili ni Hanna ang natural childbirth kaya dadaan talaga sa labor pain.”“Huwag kang mag-alala. Kaya kong manganak ng normal,” aniya kay Ethan
“Talaga po? Tu-tutulungan ninyo po ako?” hindi makapaniwala si Hanna sa nadinig. Isang anghel sa paningin niya ang matandang babaeng nakaupo sa wheelchair.“Oo naman. Magaling ang apo ko na isang neurologist. Nag-aral siya sa ibang bansa. Kaso ay flight na niya dalawang araw mula ngayon. Kung gusto mo ay magpa-schedule ka na ng surgery. May alam akong ospital na kagaya ng nasa ibang bansa na may makabagong kagamitan. Ipinadala ko ang larawan ng CT scan mo at kailangan mo na nga daw ng agarang operasyon.”Tumango siya. “Sige po. Handa po akong sumailalim sa operasyon. Makikiusap po ako na huwag na nating ipaalam sa pamilya ko. Kapag tagumpay ang operasyon ay makakabalik ako sa kanila. Kapag naman hindi ay pakikontak po ang kaibigan kong si Cali. Alam po niya ang gagawin. Ayoko pong lubos na umasa ngunit susubukan ko po.”Pinilit niyang tumayo at may inabot na maliit na notebook na nasa kanyang bulsa sa matanda. “Kung anuman po ang mangyari sa akin ay nakasulat po ang impormasyon tungko
Napansin niyang isinara ng lalaki ang pinto ng mamahaling kotse. At muling sumulyap sa kanya. Humakbang ito ng malalaki patungo sa kanya. Biglang nag-panic ang kanyang utak. Bakit siya lalapitan nito? Mabuti na lamang at dumating na si Luis at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng sasakyan.“Luis, pakibilisan,” aniya sa bodyguard.“Bakit po? Ano po ang nangyari?” takang tanong nito.“Wala naman. Gusto ko lang magpahinga. Baka abutan tayo ng traffic sa daan,” pagkakaila niya. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng makalabas sa parking lot ng airport.Pinapaasikaso sa kanya ni Lola Miranda ang chain ng hotel and restaurant sa Pilipinas. Tinuruan siya nito at nag-training sa Italy ng ilang buwan. Madami siyang natutunan ngunit hindi siya kumpyansa sa kanyang galing. Kapag pala nagka-amnesia ay nakakalimot din sa kakayahan at tiwala sa sarili. Pakiramdam niya ay wala siyang alam kaya naman pinilit niyang pag-aralang mabuti ang lahat ng itinuro sa kanyang ng lola. ***Nakabalik na sa mansyon
Agad nagkubli si Hanna sa van bago pa siya matanaw ng lalaki. Bakit palagi niya itong nakikita? Kumakabog pa ang kanyang dibdib. Anong mayroon sa lalaking ito? Anong gagawin niya? Kailangan niya ng mekaniko. Bahala na, lalapitan niya ang binata.Bago pa siya lumabas mula sa pinagtataguan ay may humawak sa kanyang braso. “Ms. Hanna, ano po ang nangyari? Bakit po bigla kayong nag-iba ng daan. Hindi po namin kayo agad nasundan. Natakot po ako ng makita ang sasakyan na wala kayo sa loob,” ani Luis.Hindi siya kumportable sa paghawak ng bodyguard sa kanyang braso kaya pasimple siyang dumistansya mula dito. Si Luis ay hindi simpleng bodyguard ayon kay Lola Miranda. Ito ay ampon din ng kanyang lola. May sarili itong security agency. Dahil sa request ng kanyang lola ay ito mismo ang nagbabantay sa kanya hanggang hindi pa niya masyadong gamay ang buhay sa siyudad.“Ms. Hanna, tara po.” Niyaya siya nito patungo sa sasakyan na nasa kabilang kalsada lamang. Pumasok na siya sa loob ng kotse.***L
Nakakapit si Hanna sa leeg ng tagapagligtas. Hindi siya makapaniwala kung sino ang tumulong sa kanya! Ang lalaki sa airport, ang mekaniko sa talyer, at ang waiter kanina! Halos magkadikit ang kanilang mga mukha. Langhap niya ang mabangong hininga nito. Napansin niyang putok ang labi at kilay nito sa pagtatanggol sa kanya. Wala sa sariling inabot niya ang mukha nito upang haplusin. Paano nito natalo ang tatlong lalaking may dalang mga baril kanina? Sino ito? Si superman?“Okay ka lang ba? Maraming salamat. Ano ang pangalan mo,” sambit niya.Hindi ito sumagot. Napansin niyang pasilip silip ito sa side mirror. Napakapit siya ng mahigpit ng bigla itong lumiko.“Kumapit ka, may humahabol sa atin. Yumuko ka!”Nakita niyang may nakasunod na puting kotse sa likuran. At may isang lalaking naglabas ng baril mula sa bintana.Mabilis ang takbo nila. Biglang kumanan ang binata. Nahulog siya sa kinauupuan.“Okay ka lang?” puno ng pag-aalala ang baritonong boses nito. “Humawak kang mabuti.”Napasiga
Kailangan ni Ethan na mapalapit kay Bella. May gusto siyang tiyakin. Kaya kahit busy sa Unicorn Marketing Agency ay magiging driver siya nito. Para lamang naman siyang naghahatid at sundo ng asawa niya sa trabaho. At isa pa ay muli siyang sumaya simula ng makita ito. Biglang nagkakulay ang kanyang mundo. Kahit alam niyang mali na isiping si Hanna ang babae ay gagawin niya. Upang mapagbigyan ang kanyang pusong labis na nagungulila sa pagkawala nito.Napaawang ang labi ng dalaga ng makita siyang naghihintay sa labas ng mansyon na nakatayo sa kanyang kotse.“Ang aga mo ah. Tsaka hindi ka kailangang umarkila ng suit, trousers, and dress shirt. Kahit simpleng t-shirt ay okay na,” anang babae na tinignan siya mula ulo hanggang paa.Kumunot ang noo niya. Tsaka lamang niya naisip na inaakala pala ni Bella na isa siyang pangkaraniwang empleyado lang. Napangiti siya. He liked it. Babaeng mayaman na posibleng magkagusto sa isang pobreng binata. Mula talaga ng mawala si Hanna ay nawala na siya sa
Napalingon si Ethan kay Bella. “Saan mo nadinig ang pangalang ‘yan?”“Sa’yo, tinawag mo akong Hanna kanina bago ka lumabas para bumili ng gatas.”“Ako? Sinabi ko sa’yo? Hindi ko matandaan,” kaila niya. Sinadya niyang tawagin itong Hanna ngunit bigo siya sa reaksyon nito. Hindi ito nagpapanggap na ibang tao.Napakibit balikat na lamang ito at patuloy na kinain ang burger. Swak sa panlasa nito ang binili niya dahil halos naubos agad. Alam niyang hindi naglunch ang dalaga kanina sa dami ng trabaho ayon sa secretary nito na binayaran na niya upang magbigay ng impormasyon.Nakarating na sila ng mansyon ng mga Montemayor. Naglakad na si Bella papasok.“Ms. Bella, may nakalimutan ka.”Napalingon ito sa kanya at inabot niya ang roses. “Para sa’yo ang bulaklak na ito. I’m sure gusto mo sila.”“Para saan ito?”“Hindi mo naitatanong, hardinero din ako. May maliit akong garden ng roses. Next time, isasama kita tapos ikaw mamimitas ng bulaklak.”Tinanggap ng dalaga ang roses. Kung titignan mula sa