Limang buwan na ang nakalilipas ay ibinenta ni Hanna ang katawan at naiwala niya ang pinakaiingatang puri. Isang malaking pagkakamali ngunit kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kapatid. Namasukan siya bilang dyanitres sa pinakamalaking kumpanya sa kanilang bayan. Hindi niya akalain na ang lalaking naka-one night stand at ang CEO, ang bilyonaryong si Charles Ethan Rodriguez ay iisa! Inalok siya nitong magpanggap bilang girlfriend. Pumayag siya dahil bukod sa sobrang gwapo at matipuno nito ay babayaran siya ng malaking halaga. Paano kung sa kasunduan nila ay umibig siya sa mayamang binata? Ngunit parausan lamang ang tingin nito sa kanya habang hinihintay nitong bumalik ang babaeng tunay na minamahal. Hanggang saan siya magtitiis para sa lalaking walang pagtingin sa kanya? Hanapin kaya siya nito kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglahong parang bula?
View MoreNapaatras si Ethan palayo. May kanser sa utak si Hanna? May taning na ang buhay nito? Sanay siya sa sakit ng damdamin na dulot ng mga taong itinuring niyang pamilya noong bata pa siya hanggang magbinata. Pero ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng sakit. Pinigil niya ang sariling lapitan ang asawa. Ayaw nitong ipaalam sa kanya ang kalagayan. Hindi muna niya sasabihin dito na alam na niya. Hihintayin niya muna itong makapanganak bago niya kausapin. Lalaban silang dalawa. Kahit kamatayan ay tatalunin nila. Hahanap siya ng pinakamagaling na ospital kahit saang lupalop pa ng mundo. Hindi siya papayag na mawala si Hanna.Lumabas siya ng ospital. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin. Tumakbo siya ng matulin sa park sa labas. Naka-ilang ikot siya. Tila kinakapos siya ng hininga ng tumigil. Kailangang maalis ng labis na emosyon. Kailangan niyang maging matatag. Inayos niya ang sarili bago muling bumalik sa clinic.Pawisan siya ng dumating sa klinika. Magkaharap sa table na
Binuksan ni George ang file. Mahaba ang video. Nagloloading pa. Nag-fast forward ito upang ipakita kay Ethan ang babae. Ngunit hindi nito mahanap.âWait lang, boss. Saang banda nga ba âyun?âBiglang tumunog ang cellphone ni Ethan. âYes, lola Rosa. Inatake si mommy? Sige, papunta na po ako diyan.ââGeorge, kailangan ako sa ospital ngayon. Inatake daw si mommy. Ikaw muna ang bahala dito.ââOkay, sir.â Ipinagpatuloy ni George ang paghahanap sa part ng video kung saan malinaw na si Hanna ang hinahanap ng boss. Nakita ni Hanna ang CCTV camera sa loob ng kwarto at malinaw ang mukha nito ng alisin ang maskara habang nasa banyo si Ethan. Tinakpan nito ang camera ng tila panyo. Inalis lang nito ang nakatabing sa camera kinabukasan. At mas maliwanag kaya kitang kita na si Hanna ang nakasama ng CEO at hindi si Lyn.At sa totoo lang ay nalungkot siya ng mapansin na may gusto si Lyn sa boss niya. Natuwa pa naman siya ng malaman na sa parehong kumpanya na sila magtatrabaho. Malaki na din ang ipinag
âTalaga? Sigurado ka ba sa nadinig mo? Sasampalin kita kapag maling impormasyon âyan,â paniniguro ni Lyn kay Lolita.âOo, sigurado ako. Nag-iiyakan nga âyun dalawa ngayon.ââWell, nakakaawa siya pero mas nakakaawa ako kapag bumalik sa hirap. Ganoon talaga ang buhay. Una una lang. Dati naiinggit ako sa buhay niya at gustong maging siya. Hindi na ngayon. Ayoko pang mamatay.ââHindi ba matagal kayong mag-best friend? Nagulat nga ako ng malaman kong hindi pala totoo ang friendship ninyo.ââBaka para sa kanya totoong kaibigan ako, pero para sa akin, hindi ko siya itinuring na kaibigan. Pansin mo noong high school palagi kaming magkalaban sa kompetisyon? Ni hindi man lang ako pinagbigyang manalo.ââOo at palaging si Hanna ang panalo. Aminin mo na mas magaling siya talaga kaysa saâyo. Tsaka mas maganda at mas mabait.ââEh kung sinasabunutan kita? Noon iyon. Ngayon ay ako ang mananalo. Kakampi ko ang tadhana. Hindi naman pala ako dapat mag-worry na iniwan ako ni Ethan. Babalik din siya sa aki
Agad naghiwalay sina Ethan at Hanna at inayos ang mga sarili. Mula sa panaka-nakang kidlat ay naaninag niya ang binata. Inilagay nito ang hintuturo sa kanyang bibig. Naunawaan niya na huwag siyang magsalita. Hinawakan nito ang kanyang kamay at inakay siya sa dilim. Kumakabog ang kanyang dibdib. May nanloob ba sa kanilang bahay. Mapapaanak siya ng wala sa oras sa nerbyos.Muling may nabasag na salamin sa back door. Napakapit siya ng mahigpit sa katabi. Nagsidatingan ang limang security ni Ethan. May dalang flashlight ang mga ito.âSir Ethan, may dalawang lalaki po kaming namataan na tumatakbong palayo.ââHabulin ninyo! Paano kayo nalusutan?!â gigil na sabi ng binata.Napansin ni Ethan na nakababa ang breaker ng kuryente. Bumalik ang supply ng kuryente sa kabahayan ng itaas nito ang breaker.Tinignan nito ang kanyang kwarto kung walang ibang tao. âPumasok ka sa loob ng kwarto mo at huwag kang lalabas hanggat hindi ako nakakabalik. I-lock mo ang pinto.âSinunod niya ito. Sino ang nagtang
Muling nagpumilit lumapit sa sunog si Ethan. Hinarang siya ng limang bumbero. âAndyan ang asawa ko. Kailangan niya ako!â Pinagsusuntok nito ang mga pumipigil upang makabalik sa kotse.âEthan, andito ako,â sabi ni Hanna na hilam din sa luha ang mata ng hindi niya mahanap ang binata sa kung saan niya ito nakita bago siya tumawid ng kalsada. Bumili siya ng taho kay manong na nakipagkwentuhan pa sa kanya. Sinakmal ng matinding nerbyos ang kanyang katawan sa malakas na pagsabog. Nanginginig pa siya hanggang ngayon sa isiping napahamak si Ethan.Agad siya nitong niyakap ng mahigpit. âOkay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?âHumahagulgol siyang tumango. Ikinulong nito sa mga kamay ang kanyang mukha.âIkaw? Ano ang nangyari? Hindi ka ba nasaktan?â aniya. Madungis ito at may pasa ang mukha. Sunog din ang alon alon nitong buhok. Pati ang ilang parte ng damit nito. Parang may sumakmal sa kanyang puso.âOkay lang ako. Importante ay maayos ang lagay ninyo ni baby.â Hinawakan nito ang kanyang tiyan.
âBabalik na ako sa kumpanya. Kapag may kailangan ka ay magsabi ka lang,â paalam ni Ethan kay Hanna matapos itong maghugas ng pinagkainan nilang dalawa na ayaw magpaawat sa paggawa ng gawaing bahay.Nakaluwa ang kanyang mga mata habang pinapanood ang binata sa paghuhugas ng plato. Kailan pa naging sexy ang paghuhugas ng pinggan? Nakahantad pa din kasi ang katawan nito na tanging apron lang ang suot na pang-itaas. Inalis nito ang apron at nagutom ulit siya ng makita ang pandesal nito. Napalunok siya ng ilang ulit. Kaninang nagmamasa ito ng pasta ay pakiramdam niya ay siya ang nilalamutak nito. Naging madumi na ang kanyang utak! Palihim niyang kinurot ang sarili.âPwede bang magtrabaho at bumalik sa Unicorn Marketing Agency? Nabo-bored ako sa bahay lang. Hindi ako sanay ng walang ginagawa,â aniya ang tapunan siya ng tingin nito.Wala pang pagkakataon sa buhay niya na tumambay siya sa bahay. At isa pa ay kapag wala siyang ginagawa ay kung ano ano ang pumapasok sa kanyang isipan. Baka maun
Hinabol ni Ethan si Hanna. Mabilis itong nakatawid sa kalsada at pumasok sa taxi. Hindi na niya ito naabutan. Agad niyang tinawagan si Kevin upang sundan ito. Kailangang makausap na muna niya si Lyn upang tuluyan ng tapusin ang ugnayan nilang dalawa. Matagal na niyang alam na si Hanna ang babaeng gusto niyang makasama habangbuhay. Isang malaking pagkakamali ang kumapit siya sa isang gabing pagsasama nila ni Lyn. Itatama na niya ang maling akala na mahal niya ang babaeng inangkin ng ilang ulit ng gabing iyon.âLyn, I would like to apologize. Matagal ko na dapat sinabi saâyo ito. This will not work. Wala akong nararamdaman para saâyo. I just love the thought of that night na akala ko ay gusto kita. Pero si Hanna ang gusto kong makasama habangbuhay. Magkakaanak na kami. Iâm sorry kung hindi ko matutupad ang sinabi ko saâyo ng gabing inangkin kita na papakasalan kita sa lahat ng simbahan. I am always true with my promise pero hindi ko kayang tuparin ang pangakong binitawan ko saâyo. Hindi
Muling isinara ni Hanna ang pinto. Kailan pa nagkalapit sina Ethan at si Lyn? Noong nawala ba siya ay nagkaroon ng relasyon ang dalawa? Aalamin niya pag-uwi niya sa Pilipinas. Hindi maiwasang kumirot ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Lyn sa kanya na agawin si Ethan. Ang buong akala niya ay tunay niya itong kaibigan.Tinignan niya ang social media accounts ni Lyn. Hindi sila friends sa bagong account na gamit niya. Hindi pa niya ito nakausap mula ng dumating siya sa Barcelona. Nakita niya sa mga posts ng kaibigan tungkol sa pagtatrabaho nito sa Unicorn Marketing Agency. At may may posts din ito ng isang mystery man na boyfriend daw nito at malapit na daw silang magpakasal. May sinabi pa itong magugulat daw ang mundo kung sino ang mahiwagang lalaki.Nanlamig ang kanyang katawan sa natuklasan. Bakit hindi man lang sinabi ni Ethan at Lyn ang relasyon? Sabagay sino ba naman siya para kay Ethan. Pero si Lyn ay kababata niya at matalik na kaibigan.***Madami ng naiin
Kumabog ang kanyang dibdib. Mahal? Sino ang mahal ni Ethan? Siya o ang kanilang anak? Ayaw niyang alamin. At hindi na importanteng malaman pa niya. Hindi na niya papahirapan ang kanilang mga damdamin ni Ethan. Mas mainam na mamatay siyang hindi nito mahal. Ayaw niyang maging malapit sila ng dahil sa kanilang anak. Mas magiging madali para sa binata ang pagtanggap sa kaniyang pagkawala. At higit sa lahat ay ayaw niyang masaktan ito kapag wala na siya. Sasarilinin niya ang sakit at isasama sa hukay. Kaligayahan ang hiling niya para sa mga mahal niya sa buhay.âAyoko ng makinig sa mga sasabihin mo,â aniya. Ayaw niyang dagdagan ang kanyang iniisip.Tumango ang binata kahit napipilitan. Alam niyang may gusto itong sabihin.âAng sabi mo ay susundin mo ang aking gusto kapag sumama ako saâyo.â Tumingin siya ng deretso sa malamlam na mga mata ng binata.âOo, sabihin mo lang kung ano ang gusto at kailangan mo. Wala akong hindi ibibigay saâyo, Hanna. Bumalik ka lang sa akin.âNiyaya niya itong m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaďźnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.