Share

Chapter 8

Nandito ako ngayon sa working place ni Dan at laking gulat ko dahil halos masira at mag mistulang abo ang building kung saan nag tatrabaho si Dan.Mas lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon ay may mga tao parin na inilalabas sa building ang mga rescuer.Sugatan sila at halata sa kanila na sobrang naapektuhan sila sa nangyari.

Mukha kasing pinasabog ang building na 'to at makikita mo parin hanggang ngayon ang mga nagsisiliparang abo na sanhi ng malakas na pagkasunog.Anong nangyari rito?Nasa'an si Dan??

Nagkakagulo rito at muntik pa nga akong 'di makapasok dito kasi may mga nagbabantay at restrikto rin ang parte ng lugar na ito dahil sa nangyari.Tinakasan ko lang yung nagbabantay dahil 'di na talaga ako mapakali.

Pumasok ako sa loob ng sirang building at maya-maya pa ay may pumigil sa'kin. "Miss, bawal po kayo rito." Hinila ako ni Kuya papalayo sa building kaya pinigilan ko agad s'ya. "T-Teka lang po, Kuya.Dito po kasi nagtatrabaho yung... " Napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status