Share

Chapter 7

DANIEL'S POV

Sinigurado ko munang tulog na si Hannah bago ako maglaho rito sa tabi n'ya.I have business to do sa taas, alam ko naman na may nagawa akong bawal at labag sa batas namin kaya pumunta na lang ako agad para maayos ito.

I introduce myself to Hannah as Daniel pero hindi talaga 'yon yung tunay kong pangalan.Isa rin kasi sa rules ang bawal sabihin ang tunay na pangalan namin, Angel names are mysterious and holy.I also have a virtue about Love, Development, Protection, Knowledge and Premonitions.I'm Hannah's Guardian Angel, and I have a mission to do kaya ako napadpad sa tabi n'ya.

'Di lamang ako ang Anghel na nandirito sa lupa, madami kami at nandito kami upang tapusin ng maayos ang bawat misyon namin.I've been protecting and guiding Hannah since she was born in this world.Lagi akong nasa tabi n'ya, I always protecting her from evil spirits that hunts her everyday.

Guardian Angels serve to protect whoever the Deity assigned us to.I was assigned to serve and protect, Hannah Kim.At ngayon mukhang lagot ako sa isa sa mga Archangel dahil sa paglabag na ginawa ko sa batas namin.

"Nandito ka na pala." Mahinahong saad ni Michael.He's one of the Archangel here in heaven.He's the champion of justice, a healer, and the guardian of the Church.

"Nais kong humingi ng tawad--"

"Kamusta ang iyong misyon sa lupa?" Nakangiti n'yang tanong sa'kin.Hindi ba s'ya galit??May nagawa akong mali ah?

"Mabuti naman ba ang naging pasya mo?Nabalitaan ko kasi na nagdadalawang isip ka noong itinalaga sa'yo 'yang misyon na 'yan." Mahabang sabi n'ya sabay upo sa upuan n'ya

"Maayos naman, Archangel Michael." Sagot ko sa kan'ya habang pirming nakatayo sa harapan n'ya.'Di n'ya ba ako babalaan o papagalitan??Nakakapanibago.

"Nakakatuwang isipin na sa'yo ipinagkaloob ang pinaka espesyal na misyon.Paghusayan mo." Nakangiti n'ya paring saad.Espesyal na misyon??

"Mag-uumaga na sa lupa.Mabuti pa'y bumalik ka na roon." Saad n'ya bago buksan ang aklat n'ya.Nakakapagtaka talaga ang mga nangyayari.

Special Mission?Ako??

HANNAH'S POV

Nandito ako ngayon sa Coffee shop at nagawa ng Coffee syempre kaya nga coffee shop eh. "One espresso and Two Caramel Macchiato for table three!" Saad ko pagkatapos kong gawin yung tatlong kape na order syempre ng costumer namin.

"Mag pahinga ka muna, Hannah.Ako muna rito"Saad ni Alex sakin kaya nagpasalamat ako sa kan'ya.Medyo nangangalay na rin kasi ako kakatayo at kakahalo nung mga orders nila kaya rito na lang muna ako sa staff room.

Umupo ako at iniunat ang mga katawan ko lalo na yung mga braso at kamay ko.Kakangalay kasi teh.Habang nag uunat ay natuon ang paningin ko sa isang poser dito na nakadikit.Makikita ang isang larawan ng isang Anghel na tila ba ay isang bituin sa sobrang ningning neto sa larawan.

Sumagi tuloy sa isipan ko si Dan.Ano kaya yung ginagawa n'ya ngayon?'Di parin ako makapaniwala na s'ya yung Guardian Angel ko.Ang angas din kasi 'di mo aakalain na Anghel s'ya.Mukha kasi talaga s'yang tao.Sa totoo nga ay mas mukha pa s'yang isang sikat na artista eh.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng kung ano-ano ng may biglang tumawag sakin.Si Belle pala, pinapabalik na ko sa work kasi medyo marami na raw yung costumer.Tama na nga kaka Dan, Hannah.Baka mamaya naisin ko na mag madre dahil sa kan'ya.

Nandito na 'ko sa bahay at nagluluto ng hapunan namin ni Dan.'Di pa s'ya nauwi, iniisip ko nga na baka nag over time s'ya.'Di kasi ako nag over time this day dahil may family event sila Alex ngayong gabi, wala akong kasama sa Cafe at hindi maganda yun para sa isang babaeng tulad ko.

Masyadong delikado lalo pa na over time nga yun, gabing gabi na uuwi.Madami pa naman akong nababalitaan this days na nagkakandawalaan daw ang mga dalaga at hindi na raw nahahanap.

"Donee~~" Masaya kong bigkas ng matapos ko nang maluto yung ulam.Nagluto ako ng chop suey dahil namimiss ko na 'to.Huling tikim ko kasi nito ay nasa tabi ko pa ang aking Ina.Namiss ko lang hehe.

Kakatapos ko nang kumain, magligpit, mag imis ng bahay at manood ng kung ano-ano sa tv ay wala pa rin si Dan.Mag aalas dose na ng gabi pero wala parin s'ya.

"Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya 'diba?" Tanong ko sa sarili ko habang sumisilip sa bintana at tinitignan at nagbabakasali na nasa labas na s'ya.

Wala naman s'yang telepono upang matawagan 'ko, 'di naman maaari na lumabas ako para hanapin s'ya, napaka dilim na sa labas at wala ka nang makikita na tao.Kinakabahan na 'ko.

Mag aalas dos na ng madaling araw at wala pa rin s'ya, sobrang pagod at bigat na ng mata ko.Gusto ko nang matulog pero gusto ko pang malaman at makita kung nasaan na ba si Dan.Hanggang ngayon kasi ay wala pa s'ya.

Napahikab ako ng ilang beses at napapikit. "Iidlip muna ako." Bulong ko at naisipan nang matulog ng unting oras.Nag sign of the cross muna ako bago tuluyang makatulog.Sana ay nasa ligtas na lugar si Dan.

Napabalikwas ako nang marinig ko yung tilaok ng mga manok ng kapit-bahay ko.Minulat ko yung mata ko at nadatnan ang sarili ko na nakahiga sa sahig ng sala.Nilingon ko ang paligid ng bahay at sobrang tahimik.

"Dan??" Tawag ko sa kan'ya pero walang sumagot sakin.'Di s'ya umuwi??Lalo akong nakaramdam ng kaba ng marealize ko na baka kung ano na yung nangyari sa kanya.Hindi hindi.Imposible yung nasa isip ko.Anghel sya, paano s'ya masasaktan ng mga tao?

"WAHHH!Ewan!" Ginulo gulo ko yung buhok 'ko at naisipang magayos na.Hahanapin ko s'ya.Nagmadali na akong kumilos para makalabas na ng pamamahay ko.

San ka ba kasi nagpunta?? 'Di naman siguro s'ya naligaw noh?'Di naman ata s'ya uminom?Ahhh nababaliw na 'ko.

Lagot ka talaga sa'kin pagnakita kita, Dan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status