Share

Chapter 6

Napamulat ako ng mata sa walang kadahilanan, nilibot ko ang dalawa kong mata sa silid kung saan ako naroroon at masasabi kong madilim at ang tanging ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag upang makakita ako kahit papaano.

Kinapa ko yung telepono ko sa bandang uluhan ko upang tignan ang oras.Nakita ko namang mag aalas dos pa lang ng madaling araw kaya naisipan kong ipikit ulit ang aking mata.Sinubukan kong matulog muli ngunit tila ayaw ng diwa ko.Kaya minulat ko na lamang ang mga mata ko at naisipang bumangon.

Sa kalagitnaan nang paglalakad ko palabas ng kwarto ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot ng biglang humangin at lumamig sa bandang likuran ko.Agad kong binuksan yung ilaw ng kwarto ko at napatingin sa buong sulok ng kwarto ko.

"Ganto yung mga napapanood ko sa tiktok ah" Bulong ko habang yung buong pagkatao ko ay ngayo'y nababalutan ng takot.Pagnagising ka raw kasi sa oras ng alas dos hanggang alas 4 ng madaling araw ay maaaring may demonyo raw na nanonood sa'yo kaya nakakaramdam ka raw ng kakaibang takot pagsumapit yung oras na 'yon.

Nasanay na kong mag isang matulog at tumira rito pero ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang takot.Dahil doon ay sumagi agad sa isipan ko si Dan.Agad akong lumabas sa kwarto ko at naisipang puntahan yung katabing kwarto ng silid tulugan ko.Doon kasi natutulog si Dan.Since mag katabi nga lang ay mabilis akong napadpad doon.

Nasa harapan ako ngayon ng pintuang tinutulugan ni Dan at nagdadalawang isip kung kakatok ba o sasarilihin ang takot na nararamdaman ko.Napalunok ako ng laway dahil hindi ko alam yung gagawin.Sumagi sa isipan ko na buksan na lang at pumasok ng walang paalam.This is my place kaya I think pwede naman yung ginawa ko 'diba?

Dahan-dahan muna akong naglakad patungo sa kama ni Dan.Medyo may kadiliman kaya di ko maaninag yung mukhang n'ya. "Dan?" Mahina kong bigkas sa pangalan n'ya.Kukulbitin ko sana s'ya ng magulat ako dahil sa bigla n'yang paghawak sa kamay ko.Mas lalo naman akong nagulat ng hilahin n'ya 'ko kasabay ng biglaang pagliwanag na tumama sa mata ko kaya napapikit ako.

Habang nakapikit ako ay nararamdaman ko ang mainit na hininga n'ya sa mukha ko.Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang isang nilalang na sobrang lapit sa mukha ko.Kitang-kita ko s'ya dahil sa liwanag na pumapalibot sa katawan n'ya.

"D-Dan.." Di makapaniwala kong saad habang tinitignan s'ya.Bakit este...Paano?!Paano na ang isang taong kagaya n'ya ay nagmimistulang ilaw sa sobrang liwanag neto??

Lalayo sana ako sa kan'ya ng bigla n'ya akong yakapin. "They're watching you." Bulong n'ya sakin na ikinataka ko.Anong ibig mong sabihin??Sino ang nanonood sakin?Naguguluhan na 'ko.

"Magdasal ka." Utos n'ya bigla sa'kin na ikinatingin ko sa kan'ya. "Anong pinagsasasabi mo??" I mouthed him.'Di ko talaga s'ya maintindihan.Ano ba kasi ang nangyayari??

Naisipan kong lumingon at balak n'ya pa nga akong pigilan pero napalingon na 'ko.Napahawak naman ako sa damit ni Dan ng sobrang higpit dahil sa nakita ko.S-sino...hindi.ANO 'YANG MGA 'YAN?!

"Let's pray, Hannah." Muling bulong n'ya sakin kaya agad ko s'yang sinunod.Natapos na kami sa pagdarasal ay tila naging maayos na yung pakiramdam ko.Nawala na yung takot na kanina lang ay dala-dala ko.Unti-unti kong nilingon ang nasa likuran ko at napahinga ng maluwag.

"You did a great job." Saad ni Dan at binitawan na 'ko.Umayos ako nang upo at nilingon s'ya.Now let's talk.'Di pwedeng ilusyon ko lang lahat ng 'yon.'Di naman possible na prank mo 'yon kasi nakakatakot talaga yung mga mukha na nakita ko nang lumingon ako.As in ewan ang pangit nila, nanlilisik ang mga mata tapos halatang puno ng galit at sama ng loob yung mga mukha at mata nila.Basta ayoko nang makita at isipan pang muli.

『••✎••』

"H-Ha?" Nalulutang kong tanong sa kan'ya.Seryoso ba talaga s'ya??

Tumawa muna s'ya nang mahina bago ako pitikin sa noo. "Are you not listening??" Tanong n'ya sakin kaya napalunok ako ng laway.Ang hirap paniwalaan pero hindi ko rin masabi na hindi totoo kasi I saw him with both of my eyes kanina.The way he prayed with me, the way he shines so bright, and the way he protected me.

"S-Seryoso ba talaga, Dan?" Muli kong tanong na ikinatango n'ya naman.Tinitigan ko s'yang maigi at ewan pero awtomatikong hinawakan ng mga palad ko yung maamo n'yang mukha.

'Di ako makapaniwala.Hindi naman s'ya siguro nagbibiro noh?I caress his face, grabe ang lambot at kinis.Ang ganda rin ng mga mata n'ya.Mukha talaga s'yang Anghel.Unti na lang talaga at maniniwala na 'ko sa kanya eh.

Napatingin naman ako sa kamay n'ya na humawak sa pupulsuhan 'ko. "Believe me or not but I am." Malambing n'yang saad na nagpatingin sa'kin sa mga mata n'ya.

"I'm your Guardian Angel, Hannah.'Di ko na uulitin yan ha." Natatawa n'yang saad bago bitawan yung kamay ko. "P-Pero pa'no?I mean...Sa daming tao sa mundo bakit sa'kin ka lang nagpakita?" I mean, nakikita naman s'ya ng ibang tao pero what I really mean to say is...bakit ako yung pinoprotektahan n'ya ngayon at bakit s'ya nagpakita sa'kin?

"Nagkakamali ka.There are a billions of Guardian Angels in this world.Each one of you have one.Nangyari lang na nandito ako sa tabi mo at malinaw mong nakikita, you should be thankful of that.Sa gwapo kong to--"

"May mahangin din palang Anghel."Natatawa kong saad na ikinanguso n'ya naman.Cute naman ng Guardian Angel ko.

" Wait may tanong ako"

"Hmm?"

"May rules ba na nararapat n'yong sundin?Kasi naalala ko yung sinabi mo sakin nung mga araw na bagong kilala ko pa lang sa'yo eh.Sabi mo that time 'against the rule'??" Mahaba kong sabi na ikinatango n'ya naman.Oh, so meron.Well sabagay they serve our Deity at marapat lang na mayroong batas.Kung mga tao nga may batas sila pa kaya 'diba?

"Actually may isa na 'kong nilabag na batas." Nakatungo n'yang saad na ikinalungkot ko bigla.Ano kayang mangyayari if may nilabag silang batas?Imposible na ikulong sila kasi way nating mga tao yun noh.Malabong ganoon din sa kanila.

"Dapat kasi na 'di mo malaman na isa akong Anghel.At sa di inaasahan nga ay may nambulabog sa'yo na masasamang nilalang, awtomatiko kasi na nagliliwanag ako pagnakaka-sense ako ng bad energy.Tapos nakita ko pa na nandito ka kaya lalong 'di ko na naiwasan." Mahabang paliwanag n'ya.Nakikinig lang ako sa kanya at unti-unti ko na s'yang naiintindihan.

" 'Di ka ba...natatakot sa'kin?" Mahinang tanong n'ya habang nakayuko na parang bata.Sa totoo lang natakot ako nung una.Lalo na yung time na nakita ko s'yang nagliwanag kanina.Medyo nawawala na ngayon, pero syempre 'di ko maiwasan knowing na nandito sa tabi ko yung literal na alagad ng Deity.

"Nabasa mo na siguro yung nasa isip ko noh?" Tanong ko sa kan'ya na ikinatango n'ya naman.Ayoko na kasi magsalita sayang sa laway, kimmy.

"I'm sorry if natakot man kita." Nakatungo n'ya paring saad kaya iniangat ko yung mukha n'ya gamit yung kanang kamay ko.

"Hey, I'm not." Mahina kong saad sa kan'ya.

"Sabagay, sa gwapo ko ba naman na 'to matatakot ka---"

"Matulog ka na nga lang ulit" Natatawa kong saad na ikinanguso n'ya ulit.Grabe lumalabas pala kahanginan n'ya pagnasabi n'ya na kung sino talaga s'ya.Medyo skeri kahanginan n'ya.Kimmy.

Grabe...all this time I'm living with my Guardian Angel??

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status