Share

MAHALIN MO SANANG MULI
MAHALIN MO SANANG MULI
Author: Ms shungitera

CHAPTER 1 ang pagtatagpo

Jasmin POV

Na pagpasyahan ng pamilya ni Jasmine na umuwe ng Pilipinas. dahil sa bagong tayong negosyo ng pamilya nila. maliit pa lang si Jasmine noong mag migrate sila sa Hongkong kaya naman sobrang saya Niya kasi halos lahat ng kamag anak nila ay nasa Pilipinas Pero ayaw Niya mag stay sa Pilipinas dahil nasa Hongkong ang mga kaibigan Niya kaya na Pag kasundoan nila na kung hindi Niya magustohan sa Pilipinas pwede Niya naman ipagpatuloy ang kanyang Pag aaral sa hongkong. nasa loob pa Lang ng sasakyan si Jasmin ay na mamangha na siya sa kapaligiran malayong malayo kasi sa Hongkong ang lugar na ito parang sobrang sariwa ng hangin. at nang maramdaman niyang huminto na ang sasakyan ay pinag masdan niya ang buong paligid hindi na bago sa kanya ang ganitong kalalaking mansion Pero iba Yong pakiramdam Niya Pag labas ng sasakyan parang ang lagkit sa pakiramdam parang ngayon pa lang nagsisi na siya na sumamang bumalik sa Pilipinas. at ng Maka pasok na nga sila sa mansyon ay sinalubong sila ng mga kamag anak niya.

"welcome home " masayang bati sa kanila ng mga kamag anak nila na ngayon Niya lang nakita ang mga ito.

"thank you " tipid na pasasalamat ni mommy siguro dahil pagod na rin ito sa byahe.

"mukhang na pagod kayo sa byahe siguro mas magandang mag pahinga muna kayo" mukhang na halata ni tita Elizabeth na pagod na sila mommy.

"pasensya na kayo ate ha. medyo na kaka pagod Lang talaga ang byahe " hinging pasensya ng mommy niya.

"Anu Kaba naman alma alam ko na pagod din kayo sa byahe kaya mas magandang magpahinga na muna kayo, marami pa namang araw makaka Pag bonding pa tayo" sabay sulyap sa gawi Niya.

"jasmine ikaw na ba yan? gulat na gulat halos hindi Maka paniwala sa nakikita Niya.

"hi po tita Beth " bati ko sa kanya sabay beso

"dalagang dalaga kana parang kailan Lang ang liit liit mo pa sigurado ako marami Ka ng napaiyak na lalaki sa ganda mong yan" sabay iling muka yatang nakakarating sa Pinas ang mga fake news tungkol sa kanya

"sinabi mo pa kaya nga hindi kami pumayag na maiwan sa Hongkong yan siguradong magdamag naman sila ng mga barkada Niya sa bar" iiling na Sabi ni mommy

"Pero mom nagkakasayahan lang naman kami wala naman akong ginagawang masama" komento niya

"wala nga Pero ung katawan mo naman ang inaabuso mo!"panunumbat ng mommy Niya

"mommy hindi naman ako umiinom ng sobra" pabalang na sagot niya

"sige na Tama na yan. mabuti pa magpahinga na muna kayo" awat ng tita Niya.

"Ewan ko ba sa bata na yan masyadong na spoiled " iiling iling na Sabi ng mommy Niya hindi Niya alam kung bakit mas madalas kontrabida sa kanya ang mommy Niya.

"panong hindi kasi ma spoiled yan ih nag iisang anak niyo ni Albert yan, siguro naman hilig lang talaga ni Jasmin ang magparty party. sa tingin ko naman mabait na bata si Jasmine". Pag tatanggol sa kanya ng tita niya

"pwede na po bang umakyat sa room ko?" pagputol niya sa usapan nila baka Lalo panghumaba ang usapan ng mga ito kung hindi pa ko magpapaalam.

"oo nga pala mukhang na pagod pa naman kayo sa byahe, manang Lita pwede PO bang ihatid niyo si Jasmine sa kanyang silid" utos ni tita sa Isang mayordoma ata sa Mansyon.

"señorita halika na po, para Maka Pag pahinga na rin po kayo" yaya nito sa kanya kaya naman simunod na rin siya agad dito .at dahil sa pagod at naglalagkit na rin ang pakiramdam Niya kaya napaisip siyang hindi siya makakatagal dito sa Pilipinas dahil sobrang init ng pakiramdam Niya mukang hindi Niya yata magugustohan ang Klima dito.

"ganito ba talaga kainit dito manang? hindi niya mapigilan magkomento dahil sa pagka irita

"summer po kasi ngayon Kaya may kaiinitan ang panahon, Pero sa tingin ko hindi lang din po kayo sana'y sa Klima dito" sagot nito

"what ever " sabay ikot ng mata Niya hindi naman na kaligtas sa kanya ang Pag iling nito siguro hindi nito nagustohan ang sagot niya.

kaya naman nang tumapat ito sa Isang pinto agad naman din nitong binuksan at pinasok ang kanyang mga gamit " ito po ang inyong kwarto señorita"

"okay po pwede niyo na po akong Iwan ako na po bahala sa mga gamit ko" agad naman din lumabas si manang Lita Pag labas nito sinuyod niya ang kabuoan ng kwarto okay rin naman hindi rin naman ganun kaliitan. kaya nag hanap na siya ng pang tulog at ang napili niya ay ang maigsing cotton short kung susuotin ito kala mo panty na lang sa igsi at sandong hapit sa hubog ng katawan Niya at dahil na sana'y siyang hindi nagbabra kapag nasa bahay kaya hindi na siya nag abala pang maghalungkat ng bra. kaya Pagka tapos mag shower ay agad din nakaramdam ng antok si Jasmin dahil sa pagod sa byahe na pa sarap ang tulog niya kaya naman tinanghali na ito ng gising. naalimpungantan pa siya sa liwanag na nagmumula sa kanyang bintana kaya naman tumayo siya para isara ang kurtina ng binta babalik pa Sana siya ng tulog ng my narinig siyang katok sa pinto ng kwarto Niya kaya naman tumayo siya para Pag buksan ito.

"señorita pinapatawag na po kayo ng inyong magulang sabay sabay na daw po kayo maglunch"

"okay po susunod na po ako " kaya naman kahit inaantok pa siya ay bumababa na siya agad dahil sana'y naman na ang magulang Niya sa ganung ayos Niya kapag Nasa bahay kaya hindi na siya nagpalit pa. ng Maka baba na nga siya ay naghihintay na nga sa kanya ang mga magulang Niya.

"good morning mom and dad" sabay beso sa mga ito.

"pasensya kana iha kung naistorbo namin ang tulog mo" hinging paumanhin ng mommy Niya. kaya nagtataka rin siya kung bakit ginising siya ng mga magulang Niya para kumain. sana'y naman siya lagi na walang kasabay kumain dahil busy ang mga ito sa Pagpapatakbo ng kompanya

"it's okay mom anung oras na rin naman" wala sa sariling Sabi Niya dahil inaantok pa siya

"siya nga pala iha Pag tapos mo kumain ay magbihis ka at isasama ka namin ng daddy mo" kaya naman napa tingin siya dito dahil masakit pa ang ulo Niya sa byahe

"mom may jetlag pa ko kayo na lang po," Pag rereklamo niya

"Pero anak inaasahan tayo nila don Carlos sa hacienda nila, sa katunayan nandun na sila tita mo."pagpupumilit ng mommy niya

"Pero mom hindi ko naman kilala yung sinasabi niyong don Carlos," pagdadahilan Niya sa magulang Niya dahil wala tlaga siyang planong lumabas

"iha kaya nga gusto ka nilang makilala dahil ikaw ang nagiisa naming anak at saka kababata ng daddy mo si don Carlos" sabay tingin nito Ky daddy na parang humihingi ng tulong para mapapayag siya

"sige na iha sumama kana samin ng mommy para naman Maka pasyal ka sa lugar na aking kinalakihan" Sabat ng daddy

"Pero dad wala ako sa mood ngayon"

"sige na iha nakakahiya sa kanila pinag handaan pa naman nila ang Pag bisita natin sa Mansyon ng mga Monte Negro tapos hindi kapa sasama samin" pagtatampo ng mommy niya

"anung oras ba tayo pupunta dun?" tanung Niya sa mga ito upang matapos na. dahil wala na rin naman siyang magagawa

"after lunch sana" naka ngiting sagot ni mommy

"okay wala naman na kung magagawa kung hindi sumama" naka simangot na Sabi niya. saktong patapos na rin Silang kumain kaya naman nagpaalam na siya sa mga ito para maghanda sa Pag Alis nila.

Pag akyat sa kwarto ay naghanap na agad siya ng masusuot Pero parang mas Lalo siyang tinamad na umalis dahil nasa loob pa pala ng maleta ang mga damit Niya hindi pa pala naayos ng mga kasambahay ang kanya mga gamit dahil natutulog pa siya kanina.. kaya naman wala siyang nagawa kundi kalkalin ang maleta at nang makapili na siya ng maisusuot ay nag shower na siya Pagkatapos maligo Ay agad niyang sinuot yong Napili niyang damit. pagtapat Niya sa salamin ay nakita niyang okay na ang ayos Niya kaya naisipan Niya ng bumaba dahil mukang kanina pa naghihintay na sa kanya ang magulang Niya. pagka baba Niya ay napansin Niya agad ang Pag kunot ng noo ng kanyang magulang sabay tingin sa isat Isa na parang may Mali sa suot niya

"iha sigurado kabang yan ang susuotin mo?" tanung ni mommy na kala mo naman ngayon lang siya nag suot ng ganitong damit.

"yes mom para naman kayong bago ng bago ganito naman talaga ako manamit ah" sagot Niya sa mommy Niya . ano bang masama sa suot niya. naka mini skirt Lang naman siya na hapit sa balakang Niya at tinernohan Niya lang backless kaya naman Lalong lumitaw ang kanyang magandang hubog ng katawan

"Pero anak wala ka sa Hongkong at saka sa Mansyon ng Monte Negro ang pupuntahan natin hindi party!" pagalit na Sabi nito na tutol sa suot niya

"that's enough kailangan na natin pumunta ng Mansyon nakaka hiya kila Carlos" putol ng kanyang ama kaya naman sumakay na sila sa kotse at wala ng nagawa si mommy gustohin Niya man akong pagpalitin hindi na nito nagawa. wala din naman magagawa si mommy dahil lahat ng mga damit niyo puro pang sexy. Pag tingin Niya sa labas ay na mangha siya sa nakikita hindi Niya akalain may ganitong kagandang lugar pa sa Pilipinas. sobrang lawak ng farm na ito sobrang galing mag alaga ng may ari ng lupa dahil na papanatili nito ang kagandahan ng lugar.

"mommy sino ang my ari ng lupain na ito? manghang tanung Niya sa mommy niya

"ang pamilyang Monte Negro ang nagmamay ari ng lupain na iyan anak" naka ngiting sagot ni mommy

"mukang big-time pala ang kababata mo daddy"

"hahahah oo anak mga bata pa lang kami sila na ang pinaka mayaman dito sa bayan natin" Pag mamalaking sagot nito. Maya Maya pa ay pumasok na ang kanilang sinasakyan sa Isang malaking gate Pag pasok sa gate puro sakahan parin ang nakikita Niya akala Niya ay malapit na sila sa hacienda mukang sobrang laki ng lupain ng mga Monte Negro. at halos kalahating oras din siguro ang nakalipas bago nila makita ang Isang napakalaking hacienda sobrang laki nito mas malaki pa ito sa mga Mansyon namin. my mga gwardya nag hihintay sa kanila sa labas ng hacienda. parang hindi lang naman ito simpleng dinner parang my okasyon talaga na magaganap sa lugar na ito. pinagbuksan siya ng driver nila at ng Maka baba siya ay napansin Niyang nakatoon sa kanila ang atensyon ng mga taong nanduroon. inalalayan sila papasok ng gwardya sa loob . at ng NASA loob na sila ay my sumalubong sa kanila na mag asawa sa itsura ng mga ito halata na agad na ito ang don at donya sa Mansyon na ito.

"kumpadre buti naman na at napag bigyan mo ang aking imbitasyon sayo" salubong nito sa kanyang ama.

"ikaw pa ba kumpadre sobrang tagal na nating hindi nagkita"masayang salubong ng kanyang ama sabay Kamay ng mga ito at ang kanyang ina naman ay nakipag beso sa mag asawa. Pag katapos magbeso ng mga ito ay naka tingin sa kanya ang mag asawa

"siya nga pala kumpadre ito pala ang aming unica hija si Jasmine " pakilala sa kanya ng ama Niya.

"hello po tito tita" naka ngiting bati Niya sa mga ito sabay beso

"napaka Gandang bata. nasisiguro kung pag nakita ka ng mga kalalakihan dito sa bayan natin hindi magkakandarapa sayo ang mga yon" natutuwang Sabi ng donya

"bweno halika na kayo sa loob " ng Malala nitong NASA labas pa sila ng bahay ay agad itong nag ayang pumasok pagka pasok sa loob ay nahagip ng mata Niya ang Isang lalaking naka upo sa hindi kalayuan sa kanila at tumingin Lang ito sa kanila tapos binalik na rin ang atensyon sa binabasa nito

"Tamang Tama nandito si calix ngayon" Sabi nito nung Maka upo na kami

"calix anak sila nga pala ang tito Albert mo at tita alma mo mga kababata ko sila" pagpapakilala nito

"hello po tito tita"bati nito ni hindi man Lang ito ngumiti at parang hindi man Lang siya nito na pansin parang ang mga magulang Niya lang ang nakikita nito

" siya naman si Jasmine ang nag iisa nilang anak " nakangiting pakilala sa kanya.. hindi man Lang ito nag salita tumingin Lang sa kanya sabay tango. nasa harapan Niya ito kaya naman Malaya niyang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito..sa buong buhay Niya hindi pa siya humanga sa Isang lalaki Pero ngayon para siyang naingkanto sa kanyang kaharap para siyang na bati nagulat na lang siya ng magsalita ito.

"excuse me miss Yong laway mo tumutulo" sabay turo sa labi Niya sa sobrang hiya Niya pakiramdam Niya nag iinit yong mukha niya. at nung Maka bawi sa pagkapahiya ay agad niyang nilahad ang Kamay Niya para magpakilala dito.

"hi I'm Jasmine"naka ngiting pagpapakilala Niya dito sabay Lahad ng kamay . tinignan lang nito ung Kamay niyang naka Lahad dito sabay talikod nito..kaya naman nagulat si Jasmin na ganun ang reaction nito. ngayon Lang nangyari sa kanya ang ganun. dahil sana'y siyang ang lalaki ang nagpapansin sa kanya. nakita ng magulang Niya ang ginawa nito.

"nako iha pagpasensyahan mo na yan si calix ganyan talaga yang batang yan may pagka suplado" hinging paumanhin ng mommy ni calix nginitian Niya na lang din ito dahil pakiramdam Niya naka hanap na siya ng katapat ngayon..

"okay ka lang nak? bakit na ngingiti ka mag Isa diyan" Pag tataka ng ina Niya nung nakitang nakangiti siya mag Isa

"wala lang mom Pero mom mukhang nakita ko na ngayon ang mapapangasawa ko." kinikilig na Sabi Niya sabay tawa ng mga ito nakita Niya naman si calix na nag angat ng tingin sa narinig kaya tinawag Niya ito.

" hey calix sakin kana ha"sabay ngisi nagtawanan naman ang mga magulang nila sa kanyang sinabi. habang si calix parang walang narinig hindi man Lang ito nag react sa mga sinabi Niya.. kaya naman nag paalam mo na siya kanila upang lapitan si calix walang Sabi sabing umupo siya sa tabi nito.

"hi hon mukhang busy ka yata ha" malanding sabi niya. Pero parang baliwala Lang ito Kay calix parang hindi man Lang siya nito nakikita. kaya naman sa inis niya kinuha Niya yung binabasa Nito kaya wala itong nagawa kundi humarap sa kanya.

"give me back!" mukang nagalit ata ito sa ginawa Niya kaya nakaramdam ng Kaba si Jasmine Pero dahil gusto niyang magpapansin ay inasar Niya pa ito.

" ops sorry pano kung ayaw ko?!" panghahamon Niya dito. na akala Niya ay papatulan siya nito Pero tumayo Lang ito at lumabas naiwan siyang naka tulala hindi Niya akalain may ganitong klase na lalaki. kaya naman imbles na mainis siya ay na pa ngiti pa siya " mukhang magugustohan ko na ata ngayon dito sa Pilipinas ah" bulong Niya sa kanyang sarili. at dahil naiwan siyang mag Isa ay lumapit na siya sa kinaroroonan ng kanyang magulang.

"mukhang masaya ka iha" Puna ng mommy Niya

"wala lang mommy sa tingin ko po kasi nakilala ko na ang lalaking gusto Kong makasama habang buhay" naka ngiteng Sabi niya

"sana nga iha. para maging Isang pamilya na tayo " pagsang ayon ng mommy ni calix kaya lalong nagliwanag ang mukha Niya nung malaman boto sa kanya ang mga magulang nito.

"talaga po tita. Pero tita my girlfriend na ba si calix ?tanung Niya dito

"ang alam ko ay wala pa . yun din kasi ang Sabi ng mga pinsan Niya."

"Pero tita bakit ganun siya parang iniiwasan Niya yata ako? takang tanung Niya

"baka hindi Niya lang alam kung pano mag rereact sa Isang tulad mo"

"hindi kaya gay siya? wag naman Sana sayang naman" iiling iling pa siya parang hindi Niya matanggap na baka bading nga ito. kaya naman na tatawa ang mga ito.

"ang pagkaka alam ko kasi may nililigawan si calix sa school"

" ang swerte Niya ah. Pero nililigawan pa lang naman diba po? so ibig sabihin may Pag asa pa ko" kinikilig na Sabi Niya.

"Hahaha ikaw talagang bata ka. kung Anu ano na naman yang naiisip mo ha" saway sa kanya ng mommy Niya.

"why totoo naman ang sinasabi ko mom ngayon nandito na ko hindi Niya na mapapansin yung babae na yon." paninigurado Niya

"kung magustohan ka ni calix ay okay Lang Pero kung pagpipilitan mo sa kanya ang sarili mo anak hindi maganda yon" Sabay iling na parang hindi na tutuwa sa naiisip niya

"mom hindi ko naman sinabing pipikotin ko siya" natatawang Sabi Niya kaya naman nag tawanan na Lang din ang mga ito..

"siya nga pala mom akala ko ba nandito sila tita? tanung Niya sa mga ito dahil hindi Niya nakita ang tita Niya dito.

"ah si Elizabeth ba? kanina pa siya umalis hindi Niya na kayo nahintay " .

"ganun ba pano pala mauna na rin kami kumpadre" paalam ng kanyang daddy

"sige kumpadre mag ingat kayo. anytime pwede kayong bumalik dito" sabay tingen sa kanya

"makakaasa po kayo tito" baka bukas lang ay maisipan na niya bumalik dito dahil Simula kanina hindi Niya na nakita pa si calix na lumabas mukang iniiwasan yata siya nito. kaya naman ng pauwe na sila ng Mansyon ay naisip Niyang bukas na bukas rin ay papasyal ulit siya sa hacienda ng Monte Negro hindi siya titigil hangga't hindi Niya mapapaibig si calix kaya naman bukas na bukas din ay uumpisahan Niya na ang Pag pikot dito

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status