Share

CHAPTER 11

MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon. 

Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto. 

She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wala siyang ibang magawa kundi ang tumunganga, mag-scroll sa social media at matulog. 

Nakadapa si Maliyah sa kanyang malambot na kama nang biglang tumunog ang doorbell sa ibaba. May kanya-kanya namang susi ang mga tao sa bahay pero bakit nag-doorbell pa? Kung kailan naman tamad na tamad siyang bumaba. 

“Sandali!” sigaw niya mula sa bintana at nakitang si Joacquin ang nandoon! Kusang ngumiti siya sa nakita at kanina lang ay iniisip niya ito. “Sino iyon?” tanong niya sa sarili habang pababa ng hagdan dahil kung hindi siya nagkakamali ay may nasulyapan siyang babae na kasama ni Joacquin. 

Tinakbo niya ang gate at mainit na. Alas-dos na kasi. Yakap ang sumalubong sa kanya pagkabukas pa lamang niya ng gate. 

“Na-miss kita, Ling!” nakangiting sabi ni Joacquin at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. “Kamusta naman ang sitwasyon mo rito?” 

“Okay lang. Buryo na nga ako, e,” reklamo niya. Sandali lang nakuha ni Joacquin ang kanyang atensyon dahil ang babaeng nasa likod nito ang kanyang tinitingnan. “Sino siya?” tanong niya na agad ikinatawa ng dalawa. 

Mahina siyang itinulak ni Joacquin papasok ng gate. “Papasukin mo muna kami at masusunog kami rito sa ilalim ng araw,” anang lalaki at doon lang siya natauhan. Mainit nga naman talaga. 

Tahimik ang dalawang nakasunod sa kanya at pagdating sa sala ay pinaupo ni Joacquin ang babaeng kasama nito. Maganda at morena. Kung hindi siya nagkakamali ay pareho lang sila ng height pero sobrang natural ng ganda nito. Natural din naman ang itsura niya pero dahil nga lumaki siya sa mayaman na pamilya, akala ng iba kung ano-ano na ang mga ginagamit niya sa katawan. 

The woman is wearing a white long-sleeved lace blouse paired with jeans and beige wedge heels. She can even compete with beauty pageants with her height and beauty. Maliyah has a white complexion and she doesn’t like it. Her appearance reminds her of someone. 

Nakatayo lang siya roon mismo sa harap ng kinauupuan ng babae at kumuha ng tubig si Joacquin. Napaka-natural ng kilay ng babae na makapal at mas nakaganda lang dito lalo. Her lips are so thin and moist to look at. Her hair has a highlight of blond and it fits her so well. 

Mahinang natawa ang babae sa kanya. “Kanina ka pa nakatingin sa akin, Ling,” untag ng babae na ikinagulat niya. Sandali itong tumagilid at hinawi ang buhok. Sa bandang kaliwa, nakita niya ang maliit na peklat na parang kalmot. Nanlaki ang kanyang mga mata at doon siya nakaramdam ng tuwa.

“Rezel?!” bulalas niya at nilapitan ang babae. Tumabi siya ng upo rito at hinawakan ang parehong mga kamay nito. “Ikaw ba iyan?” tanong niya at ganoon na lang ang pagtango ng babae.

“BAKIT hindi ka tumawag sa akin?” tila nagtatampong tanong ng kanyang kaibigan na si Rezel matapos niyang ma-realize na ito pala ang kaibigan nila ni Joacquin noong mga bata pa sila. They were all seven years old when Joacquin left their hometown and later that year, Rezel and her family left, too. Sa subdivision nila, iilan lang ang mga batang nandoon kay medyo imposible na makahanap ng mga kaibigan at makakalaro. 

Pilit siyang ngumiti sa naging tanong nito. “E, naiwala ko kasi ang iniwan mong number sa akin noon,” alibi niya at kinagat ang slice ng pizza. Hindi pa kasi kumakain ang dalawa kaya si Joacquin na ang nag-order since malapit lang naman ang mall sa kanila. 

Tahimik lang si Joacquin na kumakain pero bakas sa mukha nito ang saya na sa wakas, pagkatapos ng ilang taon ay nagkita-kita silang tatlo. Bumisita pala si Rezel sa bahay nina Joacquin since noon pa lang ay may komunikasyon na ang dalawa at tanging si Maliyah lang ang hindi kumontak sa dalawa. Maliyah had her reasons why and if she can bring back the time, she would still not contact them. For certain reasons, she did the right thing. 

“O, natutulala ka na naman diyan,” ani Rezel nang mapansin na malalim ang kanyang iniisip. 

“Kamusta ka, Rezel? Ano`ng trabaho mo ngayon? Saan ba kayo lumipat?” sunod-sunod niyang tanong. 

Sandaling ibinaba ng kaibigan ang hawak na pizza at umayos ng upo paharap sa kanya. “Hmm, okay naman ako sa ngayon. Twenty-seven and still single. I was a hotel manager but I already quit. I need a break, Maliyah.” 

“And nandito ka because?” 

“I’ll take my break here! Iloilo is the City of Love. Baka dito ko makita ang lalaki para sa akin,” pabiro nitong sabi. “Hindi, I heard from Joacquin na nandito ka kaya sumunod ako. It will be only a month tapos baka tumungo ako ng States since doon na nag-settle ang pamilya ko.” 

Tumango-tango siya. “Sana mag-enjoy ka rito,” sincere niyang sabi at niyakap ang babae. “Baka hindi na rin ako magtagal sa lugar na `to but still I am so happy to see you--”

“Saan ka pupunta?” agad na tanong ni Joacquin nang marinig ang sinabi niya. 

SINA Joacquin at Rezel ang nagluto para sa hapunan nilang lahat. Nag-mall silang tatlo at dumaan ng supermarket para mamili ng lulutuin. Ngayon kasi na tumigil na siya sa pagluluto, si Daniel ay sumasama na sa dalawang matanda, si Jake na ang madalas na nagluluto. Hindi na rin niya madalas makita ang dalawang matanda lalo na ang kanyang lola. Mabibilang pa ni Maliyah sa kanyang daliri kung ilang beses silang nagkita sa iisang bahay. 

Her grandma doesn’t like going out of the room and their room has its own bathroom. Kung may kailangan man sila sa labas ay ang kanyang lolo ang madalas na kukuha noon. Alam niya na malayo na ang loob ng dalawa sa kanya kaya ayos lang kay Maliyah iyon. Kahit ang lolo na lang niya, okay na siya. 

“Oy, hindi ganyan!” saway ni Rezel kay Joacquin sabay halakhak. Nagkakasundo ang mga ito maging sa pagluluto. Maliyah is just there and sitting in the dining table, watching her two friends cooking. 

“Oo nga pero kasi mas maganda sana kung ganito,” sabat naman ni Joacquin. “Hindi ba, Maliyah?” baling sa kanya ng lalaki. “Alin ba mas gusto mo, maraming paminta o kaunti lang?” Black pepper chicken stir fry ang niluluto ng mga ito na paborito ni Rezel at isang Chinese food. 

“Maraming paminta. Maraming-marami,” aniya at tumawa rin kahit pilit. “Magaling ka rin palang magluto, Rez,” aniya at humarap ang kaibigan. 

“Oo naman. Namuhay ako ng ilang taon nang mag-isa sa condo ko. I learned a lot of things including washing my own clothes and cleaning the house.” 

“That’s good!” sabat niya. Hindi siguro napansin ng mga ito na nawalan siya ng gana sa hindi rin niya malamang dahilan. Rezel and Joacquin is smiling and laughing together, looking and teasing each other. It feels uncomcfortable or is it even the right term? Is she jealous for being out of place or does she like Joacquin?

“F*ck this!” bulong niya at palihim na sinabunutan ang sarili. “Sandali lang, ah? Naka-charge kasi ang cellphone ko. Kukunin ko lang,” paalam niya at tumango naman ang dalawa at pagkatapos ay patuloy na nag-usap. 

Tahimik nga niyang binaybay ang hallway papunta sa kanyang kwarto. Saktong kakasarado lang niya ng pinto nang biglang magsidatingan sina Jake at ang dalawang matanda kasama si Daniel. 

Sandali siyang nanatili sa loob ng kanyang kwarto since umaalingawngaw sa buong kabahayan ang tawanan sa kusina. Maging ang kanyang lolo at lola ay kinakausap si Rezel. Mas welcome si Rezel kaysa sa kanya dahil siguro mabait ito. Kung malalaman ng mga ito na masipag ang babae at independent, baka nga tuluyang hindi na siya pansinin ng mga tao sa loob ng bahay. It doesn’t hurt her at all but she doesn’t like the idea also. 

Mayamaya ay may kumatok sa kanyang kwarto habang natutulala siya sa kisame ng kanyang kwarto. “Sino iyan?” tanong niya na parang inis pa.

“Si Dj ito, Kath. Let’s talk,” biro ni Daniel dahilan para ibato niya ang isang unan sa pinto. 

“Tigilan mo `ko, Daniel. Umalis ka nga!” taboy niya rito. 

“Kakain na,” sabat ng isang boses na halos mapatalon siya sa gulat. Si Jake. Bakit siya nagulat at mukhang apektado kahit sa boses nito? Hindi sila nagpapansinan sa bahay! This is crazy!

“M-mamaya na ako kakain,” aniya at mahinang tumikhim. “Busog pa ako.” 

“Hindi ka pa kumakain ang sabi ni Rezel. Kung hindi ka lalabas ay hihintayin kita at sabay tayong kakain mamaya,” sabit nito na agad nagpaalis sa kanya sa kama. Silang dalawa lang? She can’t let that happen. Hindi pwedeng maiwan siya kasama ang lalaking ito. 

Mabilis niyang isinuot ang indoor sleepers niya na nasa gilid ng pintuan. “Lalabas na.” Nabungaran niya ang seryosong mukha ni Jake at ngayon nga ay nakasandig sa labas ng kanyang kwarto at ang dalawang braso ay naka-krus sa harap nito. Naka-asul na sando ang lalaki at Hawaiian shorts. Normal sa mga taga-rito ang mag-Hawaiian shorts araw-araw dahil siguro malapit sa dagat? Hindi rin naliligo ang mga ito sa dagat. Sa kanila kasi, hindi ganoon. 

“I like wearing them and they’re comfortable,” wika nito nang mapansin na nakatingin siya roon sa shorts nito. “And it’s really obvious that you don’t want to be with me. Lumabas ka kaagad matapos mong malaman na maiiwan ka kasama ako sa hapag.” And there’s the sarcasm in his voice. 

Bago pa siya makasagot para gumawa ng alibi ay tumalikod na ang lalaki at nagtungo ng kusina. Tahimik siyang sumunod at pinagmasdan lang ang likod nito. And at that moment, for the first time, she’s not annoyed by his presence. So, dapat ba tumalikod na lang ito sa kanya palagi? 

“May sasabihin ka?” tanong ng lalaki pero hindi na siya sumagot since nandoon na sila mismo sa bungad ng kusina at naghihintay na ang lahat. Nasa magkabilaang kabisera ang dalawang matanda. Magkatabi sina Rezel at Joacquin, sa kanan naman ng kanyang lola si Daniel kaya sa kabila ay silang dalawa ni Joacquin ang magtatabi. 

“Love birds, upo na kayo,” tukso ni Daniel na ikinainis niya. Samantala, walang imik naman si Jake sa sinabi ni Daniel. 

For no reason, napagod na siyang magpanggap na naiinis siya sa dalaga. There were times that he feels so annoyed when she’s there but most of the time, he often opens his door and looks at her door, hoping she would come out and show him her glaring eyes. 

“Pwede ba, Daniel?” saway ni Maliyah sa kaibigan niya at naupo na rin. Bahagyang nag-uusap ang ilan sa hapag at si Jake ay tanging ang pokus ng kanyang mga mata ay ang katabing si Maliyah na tinatarayan pa rin si Daniel sa katapat na upuan. 

Nakatukod ang siko ni Maliyah sa mesa na talaga namang hindi dapat pero mas napansin niya ang gasgas na nandoon at nangitim na dahil halos magaling na rin. Mabilis pa sa alas-kwatro na hinawakan ni Jake ang kaliwang siko ng dalaga. 

“Ano`ng nangyari rito?” aniya at gulat na gulat ang dalaga dahil siguro sa naging tono ng kanyang boses at sa mukha niya. “Bakit ka may sugat?”

Sandaling natigilan si Maliyah at marahil nag-iisip ng idadahilan. 

“N-nawalan ako ng malay noong nakaraan. Dinala ako ni Matt sa ospital.”

Umusbong ang galit sa dibdib niya dahil sa sinabi ng babae. “Ospital? Wala ka ni isang tinawagan sa amin? Paano ka niya nadala sa ospital? Dinala mo ba siya rito sa bahay?” sunod-sunod niyang tanong. 

“Tay, kalma ka ha? Sandali lang ako roon sa ospital. Natumba ako sa laundry area dahil sa dulas ng sahig,” paliwanag nito pero ramdam pa rin ni Jake ang nakatiim niyang bagang sa galit na nararamdaman. 

“Jake, okay na si Maliyah. Pagaling na nga ang sugat niya, e,” sabat ni Daniel at doon lang niya napansin na lahat ay biglang nagtaka sa kanyang ikinilos. Dahil sa hiya ay mabilis na nilisan ni Jake ang hapag at hindi nga alam kung saan ba pupunta. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status