Share

Chapter 4

Hindi mapigilan ni Ella na mapanganga ng ilibot ang paningin sa loob ng bahay, hindi pala bahay. Mansion.

Puno ng mga mamahaling gamit at mwebles na parang mula pa sa iba't ibang bansa. Mapapansin din ang ilang mga pinto sa itaas ng mataas na hagdan.

Ganito ang nililinis ng tiya sa araw-araw?

Nang maisip ito ay nakaramdam siya ng awa para rito. Hindi na ito nakapag- asawa at nagkaanak, buong buhay ay namasukan na lamang bilang kasambahay. Siya lamang ang nag iisa nitong pamangkin at itinuturing na anak.

Sa paglilibot ng kanyang mga mata sa paligid ng bahay ay natanaw niya ang isang lalaking nakaupo at nakapikit na parang natutulog na.  Papunta na sila sa kusina nang mapatitig siya rito.

Parang siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at bahagyang nakahiga.  Nasa harapan nito ang mga papel na siguro ay hindi pa tapos pirmahan pero nakatulugan na.

Nasa ganoon siyang pag iisip ng biglang tapikin ng tiya Cele niya. 

"Si sir Theodore yan anak, ang gwapo no? Pero may pagkamasungit. Ayaw ng mabagal at hindi makaintindi sa instructions niya."

Bahagyang umiba siya ng tingin.

"Ah siya ho ba ang narinig kong kausap ninyo kanina? Gwapo nga ho tiya, pero di naman sobra", kunwa'y walang pakialam na sabi niya.

"Ganun ba anak? Talaga ha?" sabay kurot sa bewang niya.

" Ang tiya talaga!" natatawang sabi niya. Alam na niyang may namumuong kalokohan sa isip nito.

"Oh siya halika na anak, sabay na tayong kumain ng umagahan, maya maya ay magigising na si sir Theodore kaya pagkatapos kumain ay lumipat ka sa kwarto natin, sanay yun na nagpapahanda ng pagkain niya sa dirty kitchen habang nakikipagkwentuhan sa akin."

Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. Napuno ng halakhak ang kusina dahil sa mga kalokohan ng kanyang tiya.

Matamang tinitigan ni Theodore ang babaeng kasama ni Manang Celeste papasok sa mansion.

Maganda ito. Lalong gumaganda habang tinititigan. Maganda ang hubog ng katawan nito. Matangkad at maputi na parang hindi isang probinsyana. Napakaliit ng mukha nito na animo'y kasya lamang sa mga palad niya. Kapansin pansin din ang malarosas nitong kutis.

Sabi ni manang Celeste ay galing pa ito sa probinsya nila sa Quezon. Nais maghanap ng trabaho sa Maynila. Siya ang nagsabi na dito na lamang tumuloy kaysa maghanap ng apartment o boarding house sa labas, mahal na ay hindi pa maayos at baka delikado ang paligid. Para na niyang tunay na magulang si Manag Cele. Napakalaki ng utang na loob ng pamilya nila rito. Mula pa ng bata siya ay kasambahay na nila ito. Noong hindi pa sila nakatira sa mansion na iyon ay nasunog ang kwarto kung saan natutulog siya at ang kanyang mama. Sumugod ito kahit nagbabaga ang paligid mailigtas lamang sila, ibinalot nito ng kumot ang katawan at isinama silang mag- ina palabas, nauna siya at sumunod ang kanyang mama.

Simula noon ay hindi na umalis si manang sa kanila magpasahanggang ngayon. Naging matalik itong kaibigan ng mama niya, bagaman at mas pinili nitong maging mayordoma ng pamilya kahit inoofferan ito ng ibang trabaho, mas gusto nitong manatiling simple, dahil ayon dito, wala naman itong natapos at dun lang sa trabahong iyon siya magaling.

Antok na antok na nga lamang siya noon kung kaya't napapikit na ang kanyang mga mata, sumandal siya sa swivel chair at hinayaan na lamang muna ang mga paperworks na hindi niya natapos.

"Kring Kring Kring Kring!"

Napabalikwas ng bangon si Theodore nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Tiningnan niya ito.

Alas-sais na ng umaga. Kailangan na niyang maligo at maghanda papasok sa opisina. Hindi na pala siya nakalipat sa kwarto niya.

Pumunta siya sa kusina at naabutang naghuhugas ng pinggan si manang Cele.

"Manang toasted bread lang ho ang kakainin ko and brewed coffee", sabi niya kay manang ngunit ang mga mata ay nakatitig sa babaeng natutulog sa lamesa

Napalingon si Manang sa dalaga at gulat na gulat sa nakitang itsura ng pamangkin sa lamesa.

Nakasabog ang buhok nito sa mesa, at konti na lamang ay tutulo na ang laway mula sa bibig nitong nakanganga.

Dali-daling napatakbo si manang Cele at agad na ginising ang kanyang pamangkin.

"Ella! Anak! Lumipat ka muna sa kwarto natin. Andito si sir Theodore para mag almusal."

"No, manang! It's okay". Pinipigilan niya ang amusement sa nakitang itsura ng dalaga.

"Naku hindi ho sir, sandali ho at gigisingin ko." giit ng matanda

Pupungas pungas at nag-inat pa ang dalaga matapos gisingin ng tiyahin.

"hhhhh, ano po yun tiya?" humikab ito kinusot ang mga mata kasunod ng pagpunas ng kamay sa gilid ng bibig.

Napakainosente. Natawa siya sa kanyang naisip. Hindi ganito ang unang impresyon niya rito.

"aherrmmm." paramdam nia sa dalaga.

Napabalikwas ito, inayos ang sarili at tumayo. Pumunta ito sa likod ni manang Cele.

"Good Morning sir! Pasensya na po kayo nakatulog ako, ang layo po kase ng binyahe ko mula probinsya." paliwanag nito

"Oho sir, pagkatapos niya po kumain ay nakatulog na kaya hinayaan ko na lamang, pasensya na po." dugtong ni manang Cele.

Ngumiti siya saka nagsalita.

"It's okay, I am just here to have my breakfast. You don't have to worry." maiksing saad niya.

Mas gwapo pala si sir Theodore sa malapitan. Ang bango at mukhang napakalinis sa katawan.  Nasa malayo na siya pero amoy na amoy nia ang pabangong gamit nito, o baka iyon talaga ang natural na amoy niya. Hayyy. Parang magiging masaya ang stay ko dito sa Maynila, lalo na magkasama lang kami sa iisang bahay. Malaki ang chance na araw araw ko siyang makita.

Inilabas niya ang mga gamit na dala niyang galing probinsya. Kaunti lamang ito, mga damit at ilang school credentials niya.

Hindi niya lubusang maisip na biglaan ang pag alis niya sa kanilang bahay. Nag-aalala siya sa ina, pero alam niyang may kasama naman ito. Hindi niya na talaga kayang tiisin na manatili pa roon, kung hindi ay tuluyan ng mawawala ang kanyang pagkababae na iniingatan niya dahil ibibigay niya ito sa taong tunay niyang mamamahalin pagdating ng araw.

Ang edukasyon niya at ito lamang ang tanging maipagmamalaki niya sa buhay. 

Napatigil siya sa kanyang pag iisip  ng may biglang sumulpot na kamay sa may pintuan. Muntik na siyang mapasigaw sa pag aakalang minumulto na siya.

"Hi! Ako nga pala si Nadia ang paboritong anak ni manang Cele! Balita ko ay dumating na ang kapatid ko, kaya naman andito ako para i-welcome ka my dear sistah!", napakasiglang pagbati nito sa kanya.

"Ahh, hi", maikling sagot niya. Nginitian niya ito.

Kapatid? Nagkaanak ba ang tiya Cele dito ng hindi ko alam? Hindi naman niya nakwento na nagkaroon siya ng asawa, anak pa kaya?

"Ayy, may pagkasnob sis? Sige na nga aamin na ako, hindi ako anak ni manang, anak-anakan ganun", natatawang sabi nito at itinulak pa siya.

"Ako naman si Ella, kumusta ka?" tanong niya rito.

"Okay naman, eto kakatapos ko lang maglinis ng opisina ni sir Theodore, ang aking minamahal sa panaginip." nagbibirong sabi nito.

Napatawa siya sa sinabi nito.

"Oh tumawa ka sis, nakita ko tumawa ka!wag kang masyadong seryoso at tatanda ka kaagad. Tingnan mo kami ni manang Cele, mukhang fresh na fresh pa rin!" masayang sabi nito.

Mukhang magiging mahaba ang gabi at dadaldalin siya nitong mabuti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status