Paumanhin po sa mga matagal na naghintay. Narito na po ang Chapter 11 at asahan niyo po na mag uupdate ako linggo linggo. Salamat po sa mga nagbigay ng gems at nagsubscribe pa rin kahit matagal akong di nakapag update. Salamat po sa tiwala ninyo at patuloy na pagbabasa ng aking nobela.
“Ano okay ba? Ginawa mo ba yung sinabi ko sa ‘yo?” paniniguro ng lalaki“Siyempre naman noh, ako pa ba? Sa ganda kong ‘to, pang aakit na nga lang ako magaling, di ko pa ba itotodo? “nakangiting sagot ng dalaga.“Ayos! Mukha ngang patay na patay sa ‘yo yung lalaki. Di ko makalimutan yung tsikot? Ang astig! Makakasakay din tayo dun!”, excited na sagot ng lalaki.“Oo kuya! Apir tayo dyan, gagawin ko ang lahat para hindi lang tayo makasakay, magiging atin pa yun.” nagningning ang mga mata ng dalaga sa tila instant swerte na dumating sa pamilya nila.***Tatlong oras bago iyon….“Ineng ihahatid na kita sa trabaho mo, dadaanan ko rin si Baldo, may raket kami mamaya, mukhang tiba tiba kami dito, wag lang matutunugan ng mga parak”. ani GiboNakatatandang kapatid ni Kiara si Gibo, high school lamang ang natapos nito, ngunit suportado nito ang pag aaral ng dalaga. Alam nito na sa masama nanggagaling ang ipinang papaaral sa kanya ng kapatid ngunit alam ng dalaga na wala rin siyang magagawa dahil
“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pabigla bigla ang desisyon mo?" Mula sa likuran ay narinig niyang sambit ni Theodore. Kasalukuyang siyang naghuhugas ng pinagkainan dahil kakatapos lamang magdinner ng pamilya. Bumisita si Rico sa kanila nang malaman na plano na niyang humanap ng malilipatan. Dahil mabait naman ang amo nilang babae, ang mama ni Theodore, inimbitahan itong doon na maghapunan. Nagtatakang napalingon siya upang humarap dito ngunit di niya namalayan na kaunti na lamang ang pagitan nila. Madilim ang anyo nito at hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga mata nito. Bahagya siyang napaurong at napakapit ang mga kamay sa lababo sa kanyang likuran. Ang napakaliit na pagitan nila ay mas lumiit pa dahil sa muling paglapit nito. "Why are you doing this to me Ella?" garalgal nitong bulong sa kanyang tenga. Ang kaninang galit nitong ekpresyon ay napalitan ng lungkot.
Panibagong araw.Pero hindi gaya ng karaniwang araw sa buhay ng isang dalagang katulad niya.Kailangan niyang maging maingat, matatag at palaban."Ella, sasaglit lamang ako sa bayan at kailangan kong makabili ng uulamin natin mamayang tanghali bago dumating ang tatay mo galing sa bukid." malakas na sigaw ng kanyang ina sa kanya."Oho nay." matamlay niyang sagot."Abah, anong inaarte arte mo dyan? bakit ganyan ka sumagot?", sikmat nito sa kanyaEto na naman po, wala na nga akong ginawa, sumagot na nga lang mali pa rin."Napuyat lang ho kagabi nay." matipid na sagot niya"At bakit ka naman mapupuyat? Wala ka na ngang ginagawa dito, diba tapos ka na mag-aral pero ang gusto mo lage makipagkwentuhan sa kaibigan mong dinaig pa ang hostess sa kapal ng make-up at dami ng kolorete sa katawan..Lagi ka nalang wala sa bahay(fading)Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Sana alam niyo ang dahilan bakit mas gusto ko makip
Nanginginig ang mga kamay na kumatok si Ella sa bahay ng kaibigan niyang si Vivian."Oh Ella, andyan ka na pala. Pasok ka. So eto na ang mga RTW na ibbenta natin. 50/50 tayo kahit na akin ang puhunan, alam mo namang love na love kita girl so pinarehas ko na ang hatian!" masiglang bati nito sa kanya pagkabukas ng pinto."Vivian...", hindi niya naituloy ang sasabihin, bigla siyang napahagulhol at yumakap sa kaibiganHindi alam ni Vivian ang kanyang gagawin, niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod."Ella? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?", nag aalalang tanong nito sa kanya"Ang itay, muntik niya na akong pagsamantalahan", umiiyak niyang kwento sa kaibigan"Ginawa niya ulit? Aba sumosobra na talaga ang matandang yun! Manyakis siya!", galit na sabi nito,nilamukos nito ang hawak na mga RTW. Narinig niyang nagmura pa ito habang malakas na iniluwa ang chewing gum na nasa bibig.Muli. Ayaw man alalahanin ay mu
"Okay ka lang Ella?" tanong ni Rico habang nagmamaneho ito ng jeep na sinasakyan nila papuntang Maynila.Kaklase nila ito ni Vivian nung high school sila. Bagaman at pinsan ito ng dalaga ay hindi niya ito napagtuunan ng pansin nung nanliligaw pa ito sa kanya. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral at umalis sa lugar na iyon ng mga panahong yun.Mabait ang binata sa kanya, tuwing lalabas siya sa Unibersidad na kanyang pinapasukan ay makikita ang jeep ng binata na nakaparada sa labas habang matiyaga itong nakasandal sa unahan ng sasakyan at naghihintay sa kanya. Napakatyaga nito sa panliligaw, sayang nga lamang at wala pa ito sa isip niya maging hanggang sa ngayon.Gwapo ito, matangkad at taliwas sa dapat na kulay ng isang probinsyano, maputi ito kagaya niya. Si Vivian naman ay kayumanggi lamang ang kulay.Kapag magkakasama silang tatlo, lage silang tinutukso ng mga tao sa baryo at sinasabing dalawang gatas at isang kape silang magkakaibigan."Okay lang ako Ric
Hindi mapigilan ni Ella na mapanganga ng ilibot ang paningin sa loob ng bahay, hindi pala bahay. Mansion.Puno ng mga mamahaling gamit at mwebles na parang mula pa sa iba't ibang bansa. Mapapansin din ang ilang mga pinto sa itaas ng mataas na hagdan.Ganito ang nililinis ng tiya sa araw-araw?Nang maisip ito ay nakaramdam siya ng awa para rito. Hindi na ito nakapag- asawa at nagkaanak, buong buhay ay namasukan na lamang bilang kasambahay. Siya lamang ang nag iisa nitong pamangkin at itinuturing na anak.Sa paglilibot ng kanyang mga mata sa paligid ng bahay ay natanaw niya ang isang lalaking nakaupo at nakapikit na parang natutulog na. Papunta na sila sa kusina nang mapatitig siya rito.Parang siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at bahagyang nakahiga. Nasa harapan nito ang mga papel na siguro ay hindi pa tapos pirmahan pero nakatulugan na.
"Mama, nakilala mo na ba ang pamangkin ni Manang Cele?" aniya sa ina nang makita itong papasok ng bahay mula sa hardin.Madalas mamalagi ang ina sa hardin kahit napakaaga pa. Ito ay mula ng mamatay ang kaniyang papa. Naging malulungkutin ito pero kailanman ay hindi naman ito nawalan ng panahon sa kanya. Naging hobby na nito ang pag-aalaga ng iba't ibang halaman. Plantita sabi nga ng iba."Not yet iho, kamusta siya? I heard maganda at mabait na dalaga" wika nito"I just saw her kanina sa kitchen, meet and greet. That's all." matipid niyang sagot.Nakita niya ang bahagyang pagngiti ng ina."Ma, I know what you're thinking. No. That's impossible. I haven't moved on with Kiara, you know that." kontra niya sa iniisip ng ina."Yes iho, given the fact that you haven't finally moved on. But, it's not wrong to try falling inlove again. Alright, let's say it's not Celeste's niece. I mean, with other girls. You have to move on anak." malumanay na sabi