Share

Maid in Love
Maid in Love
Author: dser

PROLOGUE

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pabigla bigla ang desisyon mo?"

Mula sa likuran ay narinig niyang sambit ni Theodore. 

Kasalukuyang siyang naghuhugas ng pinagkainan dahil kakatapos lamang magdinner ng pamilya.

Bumisita si Rico sa kanila nang malaman na plano na niyang humanap ng malilipatan.

Dahil mabait naman ang amo nilang babae, ang mama ni Theodore, inimbitahan itong doon na maghapunan.

Nagtatakang napalingon siya upang humarap dito ngunit di niya namalayan na kaunti na lamang ang pagitan nila. Madilim ang anyo nito at hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga mata nito.

Bahagya siyang napaurong at napakapit ang mga kamay sa lababo sa kanyang likuran.

Ang napakaliit na pagitan nila ay mas lumiit pa dahil sa muling paglapit nito.

"Why are you doing this to me Ella?" garalgal nitong bulong sa kanyang tenga. 

Ang kaninang galit nitong ekpresyon ay napalitan ng lungkot.

Anong ginawa ko? May nagawa ba akong mali?

"Sir hindi ko po kayo maintindihan", nagugulumihanang sagot niya rito.

Hinaplos nito ang kanyang mukha habang nakatitig ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang  mga balikat.

Bahagyang namula ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng puso niya.

"Please don't leave, I want you stay by my side." Bahagya itong yumuko at lalong nagkalapit ang mga mukha nila.

Naguguluhan man ay inosente siyang sumagot sa amo habang bahagyang iniiwas ang mukha.

"Hindi pa po ako aalis sir, wala pa po akong ma..." hindi na niya natapos ang sasabihin.

Sa isang iglap ay nagawa nitong hawakan ang kanyang pisngi,iniharap siya nito at banayad idinampi ang malambot nitong mga labi sa kanya. Sa una'y mabagal lamang ang paggalaw nito hanggang sa tuluyan na itong naging mapusok.

Parang tumigil ang lahat ng mga oras na iyon at gusto niyang kurutin ang sarili upang masigurong hindi siya nananaginip lamang.

Totoo ba ito? Si sir Theodore, bakit niya ginagawa ito?

Hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang gumaganti sa mainit nitong mga halik. Pinagsalikop niya ang basa niyang mga kamay sa batok ng binata. Hinawakan nito ang kanyang baywang at inilapit sa katawan nito. Yumakap siya rito habang patuloy ang paggapang ng mga kamay nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.  Akmang iuupo na siya nito sa ibabaw ng lababo ay bigla siyang natauhan. 

Nasa kusina lamang sila at maaaring may bigla na lamang pumasok. Narito rin si Rico at paano kung abutan sila doon ng mama ni Theodore, ni tiya Cele... at ni Nadia! Biglang nanlaki ang kanyang mata. Nagmamadali siyang lumayo kay Theodore at nagtatakbo patungo sa kanyang kwarto.

Anong ibig sabihin nun, so hindi lang ba talaga ako? May pagtingin din ba si sir Theodore sa akin? Para saan ang mga halik na iyon, pangalawang beses na iyon.

Muli ay kinurot niya ang sarili. 

No, imposible, isa lang akong kasambahay. Hanggang dun lang talaga ang pagtingin niya sa akin.

Kinontra niyang muli ang sarili.

Pero bakit niya ako hinalikang ulit? At anong ginawa ko sa kanya gaya ng paulit ulit niyang sinasabi?

Kinapa ni Ella ang kanyang dibdib, hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok nito, bahagya ng humupa ang pamumula ng kanyang pisngi.

Dinama niya ang kanyang mga labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam niya pa ang mga labi ng binata.

Ano bang ginawa ko para gawin niya sa akin yun? Paano ko siya haharapin bukas?

Pabagsak siyang humiga sa makipot niyang kama, buti na lang wala si Nadia, kundi, hindi ako makakatulog sa kakatanong niya.

Tuluyan na siyang nakatulog nang may ngiti sa mga labi.

Hindi lang iisang beses na nangyari ang halik na 'yun. 

Dapat ko na bang isipin na mahal din niya ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status