Share

Kabanata 17

Kasalukuyang tinatawag ni Karlos ang kaniyang mga magulang ngunit hindi siya sinasagot ng mga ito. Samantalang nasa loob naman ng sasakyan ang dalagang si Shaina, habang nakatingin siya sa kaniyang nobyo na may bakas ng pangamba sa mukha.

Sa sobrang inis ng binata ay bigla na lang din niyang inihagis ang hawak niyang cellphone sa kung saan at saka napasapo sa kaniyang noo gamit ang sariling mga kamay.

Tila nakaramdam naman ng pag-aalala ang nobya sa kaniya, kung kaya't lumabas na rin ito ng sasakyan at nilapitan ang kaniyang kasintahan.

"Babe, okay ka lang ba? may problema ba?" usisa nito sa binata na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

Napabuga na lamang siya ng malalim na paghinga at saka pinulot ang kaniyang cellphone sa lupa.

"W*- wala naman, babe. Halika na't ihahatid na kita sa inyo." Ang sinabi na lamang niya na may pilit na ngiti mula sa kaniyang labi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status