Mabilis ko siyang binitawan at kaagad din akong lumayo sa kaniya. Napahawak naman siya sa leeg niya gamit ang sariling kamay habang hinahabol ang kaniyang paghinga.
Napamaang na lamang ako sa aking mga kamay at hindi ako makapaniwala na kamuntikan ko na pala siyang mapatay.
"Hindi ko inakalang matindi pa rin ang galit mo sa akin, magpahanggang ngayon." Aniya na may pag-ngiwi mula sa kaniyang labi at hinihingal pa rin siya sa paghinga.
"Paano mo nalaman ang phone number ko? sinusundan mo ba ako? iniistalk mo ba ako?" mahina ngunit mariin kong usisa sa kaniya.
Saglit naman siyang napasuklay sa kaniyang buhok gamit ang sariling kamay at muli niya akong tinignan sa mata."Anong akala mo sa akin? stalker mo?" tKasalukuyang tinatawag ni Karlos ang kaniyang mga magulang ngunit hindi siya sinasagot ng mga ito. Samantalang nasa loob naman ng sasakyan ang dalagang si Shaina, habang nakatingin siya sa kaniyang nobyo na may bakas ng pangamba sa mukha. Sa sobrang inis ng binata ay bigla na lang din niyang inihagis ang hawak niyang cellphone sa kung saan at saka napasapo sa kaniyang noo gamit ang sariling mga kamay. Tila nakaramdam naman ng pag-aalala ang nobya sa kaniya, kung kaya't lumabas na rin ito ng sasakyan at nilapitan ang kaniyang kasintahan. "Babe, okay ka lang ba? may problema ba?" usisa nito sa binata na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Napabuga na lamang siya ng malalim na paghinga at saka pinulot ang kaniyang cellphone sa lupa. "W*- wala naman, babe. Halika na't ihahatid na kita sa inyo." Ang sinabi na lamang niya na may pilit na ngiti mula sa kaniyang labi.
Sa isang eskuwater kasalukuyang naninirahan ang dalagang si Shaina. Bahay, lupa, kotse at magagarang damit ay lahat ng iyon ay gawa-gawa lamang niya upang maangkin niya muli ang puso at kalooban ni Karlos sa kaniya."Shai, dito!" tawag sa kaniya ng kaibigang niyang si Roan, habang kinakawayan siya nito at may kasamang tatlong matitipunong binata. Kilalang GRO at gold digger si Shaina, pagdating sa pinagtatrabauhan niyang night club. Suki siya ng mga galante o mayayamang lalaki at foreigners, dahil sa husay niyang magpaikot at mang-akit ng mga lalaki.Hasang-hasa na siya sa pamimilog ng ulo at pagbihag sa kanilang mga puso. Sanay na siyang nababastos at nahihipunan ng iba't-ibang lalaki sapagkat alam din naman niya na parte iyon ng kaniyang trabaho.Ngunit kahit marami na siyang nakatalik na iba't-ibang lalaki sa kama ay tangging iisang lalaki pa rin ang nagpapatibok ng puso niya. Iyon ay walang iba kundi si Karlos Miguel Sermiento.
Marso 22, 2017 ang araw na nakipaghiwalay ako kay Karlos.Sa totoo lang, ayoko sanang makipaghiwalay sa kaaniya ngunit alam ko rin naman na doon din ang punta naming dalawa.Nagkataon kasing tumawag ang nakababata kong kapatid at sinabing sinugod sa hospitaal ang aming ina. Iyon ang araw na dapat ay magdi-date kaming dalawa ni Karlos, upang ipagdiwang ang ika-anim na buwan naming pagsasama bilang magkasintaahan.Subalit hindi ko siya sinipot ng gabing iyon at apurahan akong nagtungo sa nasabing hospital.Aaminin ko na sukdulan pa rin ang galit ko sa aking ina at hinding-hindi ko mapapatawad ang kasalanang nagawa niya sa akin.Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin magawang ipagtabuyan o itakwil siya. Kadugo at ina ko pa rin siya kahit papaano. At alam kong marami rin siyang sinakripisyo alang-aalang sa aming magkakapatid. Kaya kahit mahirap para sa akin ay mas pinili kong manatili sa tabi niya.Nalaman ko na lang sa doktor niya
"O bakit ang ganiyan ang itsura mo?" tanong ni Roan kay Shainahabang nakapangalumbaba ito sa tabing bintana at naninigarilyo."Bakit? ano bang mayro'n sa itsura ko?" usisa niya at patingin-tingin sa reflection ng window glass."Mukha kang nalugi. Bakit ba? anong problema? nag-away na naman ba kayo ni Mister. Billionaire?" pabirong turan ng dalaga habang nagtitimpla naman ito ng kape. "Mister Billionaire? sino iyon?" usisa naman ni Lou na kakalabas lamang mula sa banyo pagkatapos maligo.Napalingon naman si Shaina sa dalawang kaboardmate niya at binuga ang usok ng sigarilyo mula sa kaniyang bibig."Sino pa nga ba? e'di yung multi-billionaire niyang nobyo!" ang tinugon ni Roan sa kaniya."Ah yung sinasabi niyang may-ari ng mga sikat na beauty products? ano nga kasi ulit ang pangalan niya? Karby? Kristan? Kier?" usisa ni Lou habang pinupunasan ang kulay pula niyang buhok gamit ang tuwalya.Lumapit naman si Shaina sa kanila at siyaka
"Nakikiusap ako sa'yo, gagawin ko ang lahat ng ipapautos mo pero huwag mo lang ako ibabalik sa mga taong iyon," kasalukuyang nakaluhod si Roan sa harapan ng misteryosong lalaki at paulit-ulit na nagmamakaawa sa kaniya.Nakaupo naman sa lumang bangko ang lalaki at nakatakip ang mukha nito ng itim na maskara habang pinupunasan ang sariling kamay gamit ang panyong nakuha niya mula sa bulsa ng dalaga."Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang inoofer nila sa akin bilang kapalit mo? sampung milyon lang naman. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang sila kainteresado sa iyo. Ngunit natuklasan ko rin kaagad na yung taong pinatay mo ay matalik na kaibigan ng lider nila. Marahil ay gusto niyang makapaghiganti sa iyo sa pamamagitan ng paggamit sa katawan mo? o sa pamamagitan ng pagpatay sa'yo." Mahinang turan nito sabay tumayo siya upang kunin yung nakatagong baril sa loob ng tool box niya.Nanlaki naman ang mga mata ni Roan sa kaniyang narinig at bigla na lang
"Sampung milyon, iyon ang halagang sinayang ko para lang sa isang katulad mo." Ani ng misteryosong lalaki sa dalagang si Roan, habang nakaupo ito sa silya at nakatali ang mga paa at kamay niya."Ang akala ko ba ay nagkasunduan na tayong dalawa?" usisa niya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha."Nagkasundo? hindi ba't ikaw ang kusang lumapit sa akin? at siyaka, hindi matutumbasan ng ganoong kalaking halaga ang-" huminto ito sa pagsasalita at pinagmamasdan niya ang katawan ni Roan mula ulo hanggang paa."Hay*p ka! ginamit mo lang pala ako!" mariin niyang turan na may pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Napangisi naman ang lalaki at bahagyang lumapit sa kaniya."Mukhang naging matapang ka na pagkatapos nung gabing may nangyari sa ating dalawa." Bulong nito sa kaniyang tenga.Matalim naman siyang tinignan sa mata ng dalaga, kung kaya't mas lalong nag-init ang dugo nito sa kaniya a
Natunton ni Roan ang kasalukuyang tinitirahan ni Shaina. Nakita niya ang kalunos-lunos na pamumuhay nito at ang bahay nila na pinagtagpi-tagping yero lamang.Tatawag pa lamang sana siya nang makarinig siya ng malakas na sigaw at kalabog mula sa bakuran nito.Sinundan niya ang tinig na kaniyang naririnig, hanggang sa napagtanto niya ang mga magulang ni Shaina sa likod non.Kasalukuyang binubugbog ng ginoo ang sarili niyang asawa habang paulit-ulit na nilulublob ang mukha nito sa isang malaking drum na punong-puno ng tubig. Halos nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa sobrang gulat at napatakip na lamang sa kaniyang bibig.Tila bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba mula sa kaniyang dibdib, kung kaya't napahakbang siya paatras ngunit huminto rin siya kaagad nang matamaan niya ang isang latang walang laman.Nang dahil sa ingay na dulot nito ay natigilan naman sandali ang ginoo at napatunghay sa kaniya.
Walang kamalay-malay si Shaina na si Roan ang may pakana ng lahat at ang bumili sa kaniya upang gawin siyang isang hostess nito. Malaki kasi ang paniniwala ni Roan sa kaniyang sarili na si Shaina ang kasagutan sa lahat ng mga problema niya. Pagkatapos nilang magkasunduan ng sarili nitong ina ay kaagad din niyang pinasundo si Shaina sa mga tauhan nila. Tangging ang pagkakaalam lamang ng dalaga ay binenta siya ng sarili niyag ina sa mga hindi kilalang tao, subalit hindi niya alam na ang taong tinuturing niyang matalik na kaibigan ay ang siyang puno't dulo ng lahat kung bakit siya napariwara ng landas. Walang nakakaalam ng tungkol doon, maliban na lamang sa misteryosong lalaki na nagmamay-ari ng night club na iyon at kay Roan. Wala ring nakakaalam tungkol sa relasyon nilang dalawa at tungkol sa mga napagkasunduan nila.