Share

Kabanata 15

Magmula ng araw na iyon ay tila nagkapalagayan kami ng loob ni Shaina. 

Madalas pa rin naman siyang umiiwas sa akin at umaalis lang bigla sa tuwing nagkakasalubong kami ng daan.

Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin ako sa paglapit at pangungulit sa kaniya. Hindi nagtagal ay naging magkaibigan na kaming dalawa at komportable na siyang kasa-kasama ako.

Bagamat mayroon pa ring humahadlang at humuhusga sa aming dalawa, subalit binalewala na lamang namin iyon at hindi na namin masyadong iniitindi.

Alam rin naman naming parehas na lilipas din iyon at magsasawa rin sila sa kakatsismis tungkol sa aming dalawa ni Shaina.

Ngunit habang lumilipas naman ang oras at araw na kasama ko siya ay tila unti-unti ring lumalalim ang pagtingin ko para sa kaniya. 

Inamin ko rin naman sa kaniya noong una palang na may nararamdaman ako sa kaniya na higit pa sa bilang magkaibigan lang. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status