Share

Chapter 3

SA HOSPITAL

***Nagulat si Lyresh ng makarating sila sa mama niya. Hindi ito ang dating kwarto ng mama niya. Malayong malayo sa una na may mga ibang pasyente pang kasama.

[LYRESH FONTANILLA POV]

What the hell. Anung ginagawa ni mama sa VIP Room.

“ Anak!” Tawag ni mama at ang saya ng mukha nito. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang masayang masaya. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid bago pa mapansin ni mama at lumapit ako sa kanya.  

“ Anak ang daming bulaklak! Tapos ang daming pagkaen. Saan mo to nakuha lahat anak?” Paborito ni mama ang mga bulaklak. Pati ba ang mga ito alam ni Zyaire. Hindi lang ito basta mga bulaklak. Mukhang mamahalin ang mga ito kasi hindi pangkaraniwan ang itsura.

“ Sino ang kasama mo?”may kinang sa kanyang mga mukha.

“ I’m Zyaire Torricelli mam- Nice meeting you po. Ako po ang boyfriend ni Lyresh.” Laking gulat ko sa inasta niya at hinapit pa niya ang bewang ko. Para siyang nag transform bigla sa ibang katauhan. Kaya naman pala niyang magpakita ng asal tao. Pero bakit?! Why He needed to pretend in front of my mom. Anung binabalak niya!

Pasimple ko siyang siniko para lumayo sa akin pero mas humigpit pa ang kapit niya sa bewang ko. Halos tumayo ang balahibo ko sa pagpisil niya sa gilid ko. Ngayon lang ako nahawakan ng isang lalaki na konti na lang malapit na sa gilid ng boobs ko. 

Mapangahas talaga siya...

“ Hello! Ang gwapo naman ng boyfriend ng anak ko.” Nakangiting saad ni mama at hindi pa din binibitawan ang kamay ni Zyaire. What the hell this man thinking. Hindi niya kailangan iinvolve si mama sa mga binabalak niya.

“ By the way tita or should I call you mom? Bukas po ang kasal namin!” Muli nanaman akong nagulat, uminit ang tenga ko at feeling ko namula ang pisngi ko kaya hinila ko to palabas ng kwarto.

“ Ma saglit lang ho pero kakausapin ko lang si Zyaire.”

SA HALLWAY

“ Anung ginagawa mo?! Bakit mo to ginagawa saken?!” abot langit na inis ni Lyresh kay Zyaire.

“ What? I just did you a favor. You should thank me.” Natawa ng bahagya ang dalaga sa tinuran niya.

“ Thank you?! Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo? Matapos mo akong kidnapin, kontrolin ang buhay ko at tanggalan ako ng Kalayaan.. I should thank you?! Demonyo kang hayop ka.!” Hinila ni Zyaire si Lyresh sa bewang palapit sa kanya dahil hindi nito nagustuhan ang tabas ng dila ng dalaga. Nagdikit ang kanilang mga katawan.

“Subukan mong pagsalitaan uli ako ng ganyan....” Tinignan niya ito ng matalim sa mga mata. Halos isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Nanlilisik ang mga mata ni Zyaire na nakatuon sa dalaga..

“ And then what?! Papatayin mo ko?! Kami ni mama?!” huminga ng malalim si Zyaire saka binitiwan si Lyresh. 

“ Hindi mo gugustuhing maging demonyo ako sa harap ng mama mo, Ms. Fontanilla.” Matapos iyon ay umalis si Zyaire pero naiwan ang ilan sa mga body guard niya.

[LYRESH FONTANILLA POV]

Abot langit ang galit ko sa lalaking yon. Wala siyang Karapatan gawin to lahat saken. Bakit ako pa ang dumadanas ng ganito. Matapos umalis ng demonyo bumalik ako agad kay mama.

“ Anak asan na yung mapapangasawa mo? Sobrang saya ko anak. Magandang regalo yan. Akala ko tatanda ka ng dalaga. May sakit ako anak at alam kong walang kasiguraduhan na mabubuhay pa ako ng mahaba...”

“ Stop saying that ma. Anu ka ba! Ooperahan ka pa. Mayaman ang mapapangasawa ko kaya gagaling ka ma. Gagamutin ka ng magagaling na Doctor.” Naiiyak ako dahil nakikita ko ang paghihirap ni mama at pati na din ang sitwasyon na kinasadlakan ko.

“ Akala ko talaga hindi ka na magdadala ng boyfriend sa harap ko anak. 24 ka na pero masaya ako ngayon dahil mapapanatag na ako anak. May maiiwan na para mag alaga sayo sa oras na hindi ako gumaling.” Hindi ko na napigilang umiyak. Kung alam lang ni mama ang totoong sitwasyon ko malamang sobra siyang masasaktan. Tama si Zyaire hindi ko gugustuhin maging demonyo siya sa harap ni mama.

Niyakap ko si mama at sinabing wag na siyang mag alala pa dahil masaya ako kay Zyaire at mahal namin ang isa’t isa. Isang malaking kasinungalingan. Since birth hindi ako nagkaron ng boyfriend or kahit crush man lang dahil sa sobrang hirap ng buhay, wala na akong oras pa sa mga ganung bagay. Iniwan kami ng papa ko at sumama siya sa ibang babae.

Buong buhay ni mama iginugol niya saken. Nagtrabaho siya kung san san at kung anu anu para lang mapakaen at mapagtapos ako to the point na may matagal na pala siyang nararamdaman. Hindi niya to agad ipinatingin kaya lumala ng husto.

Itinuon ko ang sarili ko sa pag aaral at ng maka graduate ay agad akong naghanap ng trabaho saka naospital si mama. Kung kani kanino ako umutang para lang pang tustos kay mama. Ang dami kong pinapasok na raket maliban sa trabaho ko para lang mapagkasya ang pera namin sa pagpapagamot ni mama. Kaya siguro ako ang napili ni Zyaire dahil alam niyang malaki ang pangangailangan ko.

“ Ms. Fontanilla...” Ang Doctor ni mama. Kumalas ako sa pagkakayakap kay mama at bumalin sa Doctor.

“ Bukas na ho ang operation ng mama nyu.” Nagulat ako sa sinabi niya. I know dahil ito kay Zyaire. Wala na talaga akong magiging kawala sa kanya at kahit pa siguro walang kontrata ay magagawa niya na ang lahat dahil sa magiging utang na loob ko sa kanya.

[DON ZYAIRE TORRICELLI POV]

Umalis ako dahil hindi ko nagugustuhan ang asal ng babaeng yun. Pasalamat nga siya at nagiging mabuti ako sa harap ng mama niya. I don’t need to do that supposed to be.

“ Fiero kamusta ang lahat?”

***Kasalukuyang kausap ni Zyaire ang tauhan niya tungkol sa magiging kasal niya bukas ng gabi na gaganapin sa Amanpulo, a five star hotel na nagkakahalaga ng 87,376 sa pesos per day. Hindi pa man nakakapirma si Lyresh sa kanilang kasunduan lahat ay matagal ng nakaplano. Ang bawat detalye ng buhay ni Lyresh ay nasa files na ni Zyaire. Dadalo ang mga kilalang tao sa kanilang kasal na magmumula pa sa iba’t ibang bansa.

“ Okay na po ang lahat Boss.”

SA MANSION

Nauna ng umuwi si Zyaire at hinayaan si Lyresh na makasama muna ang mama niya bago ang operation nito bukas kasabay ng magiging kasal nila. Nagtungo agad si Zyaire sa kanyang kwarto. Naghubad ito at nagpunta ng kanyang Jacuzzi. Nasa pagitan lang ng mamahaling mirror slide door ang kanyang kwarto at pool na may jacuzzi sa gilid. Paglabas mo sa slide ay tatambad sayo ang mala Paraiso. Malawak ito, may mga buhay na halaman sa paligid at gawa sa kahoy ang sahig.

N*******d at naka paa paang nag punta si Zyaire sa kanyang jacuzzi. Lumantad ang kanyang 6 packs abs, malapad na balikat, matipunong dibdib at mabalahibong binti.

SA HOSPITAL

“ Kailangan na natin umalis mam Lyresh.”  Ang tauhan ni Zyaire. Ang naatasang maging personal body guard ni Lyresh ang nagsalita.

“ Ma kailangan na ho naming umalis. Wag ka po mag alala dahil gagaling ka po ma. Pag gising nyo nasa tabi nyo na po ako. Happy birthday ma. I love you so much mama.” H*****k si Lyresh sa kanyang ina saka lumisan sa kwarto.

“Nagmamadali ba ang boss mo!?” Tanung nito sa lalaki na medyo irita ang tono.

“ Si boss na lang po siguro ang kausapin nyu. Ito po ang magiging phone nyu.”

“ What?! Asan na ang cellphone ko? I need my phone. Andun lahat ng contacts ko!” Hindi na siya pinansin pa ng kanyang body guard. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod sa lakad nito. Maliban rito may dalawa pang bantay sa likod nila.

Sakay ng Bugatti La Voiture Noire na sasakyan si Lyresh. Isa ito sa pinaka mahal na kotse sa buong mundo. Mga hari at sobrang yaman na tao lang ang pwedeng makabili nito.

[LYRESH FONTANILLA POV]

Nabigla nanaman ako ng makita ang sasakyan. Hindi ito ang sinakyan namin kanina. Mukha itong mamahalin. Ilan ba ang sasakyan ng taong yun. Mas lalo akong natakot dahil sa yaman nito hindi rin maikakailang makapangyarihang tao siya. Pwede ngang sabihin na kaya niyang bilhin ang lahat pati na nga siguro ang hustisya.

Habang nakatingin sa bintana sa daan. Naiisip ko kung anung buhay ang nag iintay sa akin. May pag asa pa bang matakasan ko to. Paanu na ang sarili kong kaligayahan. Ang pangarap kong maikasal sa taong mahal ako at higit sa lahat mahal ko.

Naalala ko ang phone na iniabot kanina saken ng tauhan ni Zyaire. Shocks anung brand ng phone ito at parang may ginto at diamond pa sa palibot.

***Ang phone ni Lyresh na galing kay Zyaire ay tinatawag na Goldstriker iPhone 3GS Supreme na nagkakahalaga ng 3.2 Million US Dollars. Gawa ito sa 271 grams 22 karat gold at ang bezel ng iphone ay merong 136 diamonds. The Apple logo on the rear of the phone is studded with 53 diamonds.

***Pagdating ni Lyresh sa Mansion dalawang babae agad ang bumungad sa kanya. Ang masungit at ang may emosyon na babae.

“ Sila ang magiging personal mong alalay Ms. Fontanilla. Lahat ng kailangan mo sa kanila mo pwedeng hingin.” Ang mayordoma ng Mansion ang nagsalita. Marahil nasa 40’s na ito pero maganda pa din naman ang istura. Tumango lamang si Lyresh at sumunod sa mga kasambahay.

“ Mam ito ho ang magiging silid nyu. Magbihis na po kayo para makakaen na. Gusto nyu ho bang sa dining kumaen o dalhin na lang po dito sa kwarto nyu ang pagkaen?” Ang may emosyon na babae ang nagsalita.

“ Bakit mo ba siya kailangan itrato na parang prinsesa rito?” Sabat ng masungit na babae. Umalis na rin naman ito pagkatapos. Kumunot ang noo ni Lyresh sa inasal nito. Halatang ayaw talaga sa kanya ng babae.

“ Ganun ba talaga siya? Parang may galit sa mundo.”

“Wag nyu ho siyang pansinin. Inggit lang ho yun sa inyo kasi matagal na pong patay na patay yun kay Don Zyaire.”

“ Inggit talaga. Hindi niya lang alam kung anung sitwasyon meron ako ngaun. Ano nga bang pangalan mo?”

[LYRESH FONTANILLA POV]

“ Bawal pong sabihin mam.” Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Anong rules meron ang bahay na to. Paanu ko siya tatawagin or hahanapin kapag may kailangan ako kung hindi ko alam ang pangalan niya. Kakaiba din talaga ang mga mayayaman.

“ Ito po mam. Pindutin nyu lang po ito kapag may kailangan ho kayo.” Isang device na maliit ang binigay nya saken. Grabe naman sa bahay na to.

“ Paano kung ikaw ang gusto kong makausap?”

“ Oh depende po kasi mam kung sinong available sa amin nung kasama ko kanina.” Nalungkot ako sa sinabi niya. Simula ng mapadpad ako sa Mansion na to siya lang ang kinausap at trinato ako ng maayos. Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro pwede ko naman hilingin yun kay Zyaire. Isang tagapagsilbi lang naman ang kailangan ko hindi dalawa.

“ Pwede bang dalhin mo na lang sa kwarto ang dinner ko?” Pakiusap ko sa kanya. Ayokong makita si Zyaire sa labas.

“ Oo naman po mam. Sige po.”

Pagpasok ko ng kwarto nanlaki ang mata ko. Ang ganda ng room. Ang laki ng kama at sa gilid may couch pa. Meron din Malaking TV at maliit na ref sa gilid. May sariling cr. Oh my God pagpasok ko ng banyo lalo akong nalula. Ang laki nito, kasing laki ata nito ang bahay namin ni mama. Ang puti at ang linis ng paligid. May carpet pa ang gitna ng sahig. Gawa sa tiles at ang iba ay mukhang gawa sa mamahaling kahoy.

Busog na busog ang mata ko sa mga view pa lang. Sobrang yaman talaga niya. Paglabas ko ng banyo may isa pang pinto sa tapat nito. Kulay black din ito gaya ng iba.

“Wow!”  nanlaki nanaman ang mata ko. Ito yung kaninang malaking cabinet na puno ng mga damit. Dalawa pala ang pintuan nito. Pinto mula sa kwarto ko at pinto mula sa Hallway sa labas. Napakagara ng lahat. Ako lang ba ang matutulog rito? O kasama siya? Mas mabuting ako lang mag isa kaysa kasama ang demonyo nay un.

Oo gwapo siya. Matangkad at maputi. Para siyang si Chris Hemsworth pero kabaliktaran nito ang ugali niyang ubod ng pangit. Kinasusuklaman ko siya ng husto. Maisip ko pa lang ang taong yun nag iinit na ang dugo ko.

[DON ZYAIRE TORRICELLI]

Nakita ko si Emma may dala dalang pagkaen kaya hinarang ko to para alamin kung para kanino ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
......... enjoy mo lang muna
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status