Share

Chapter 4

“ San ka pupunta?”

“ Kay mam po Don Zyaire.”

“ Bakit?”

“ Masama ho ang pakiramdam niya Don.”

“ Emma sige na umalis ka na. Ako ng bahala jan.”

“ Pero Don.” May pag aalinlangan sa mata niya pero wala akong pakealam. Mansion ko to kaya ako ang masusunod. Sumasahod sila ng naaayon sa kanilang trabaho.  

Pagdating ko sa kwarto ni Ms Fontanilla hindi ko siya dinatnan. Hinanap ko siya sa bedroom closet pero wala din siya ron. San kaya ang babaeng yon nag punta.

“ Demonyo ka anung ginagawa mo dito. Ahhhh saklolo.” Nagsisisigaw siya ng makita ako. Hindi ba naman tanga ang babaeng to at hindi siya ng lock ng pinto.

“ Shut up okay. Hindi lang ikaw ang babaeng nakita kong h***d okay.” Hinagisan ko to ng towel at mabilis naman nya un sinaplot sa katawan niya. Hindi maikakailang may maputi at makinis siyang balat pero what’s new. Lahat ng klase ng puti nakita ko na sa ibat ibang babae. Iba’t ibang lahi at pare parehas lang naman ang mga to.

“ Bakit ka ba kasi biglang pumapasok? Anung gusto mo-ha?!”

“ What’s the use Ms. Fontanilla? Soon you will be mine. Kasama na duon yan.” Tinuro ko ang katawan niya at lalo tong nagalit.

“ Hinding hindi mangyayari yun! Magkakamatayan muna tayo!” Tumango tango lang ako saka lumabas. Tignan natin. Wala pang nakakatanggi saken kapag ginusto ko.

[LYRESH FONTANILLA POV]

Abot langit ang gulat ko ng makita ko siya. Anung ginagawa niya. Kanina pa ba siya nakatingin? Sa tanan ng buhay ko wala pang lalaki ang nakasilay nito. Namumula ako sa inis at galit. Bakit ba kasi hindi ko din nilock ang pinto.

Paglabas ko ng banyo nakita ko ang pagkaen. Siya ba may dala nito or yung kasambahay kanina? Hooo muntik na ko ron. Anung mga scenario pa kaya ang pwede mangyari sa hinaharap. Unang gabi ko ngayon sa bahay na to at parang ito na din ang katapusan ko. Habang buhay na akong makukulong sa sitwasyon na to.

Bago ako kumaen kinuha ko ang phone na bigay niya. Inalam ko kung nakaregister ba ang number niya rito pero wala ni isang number. Inisip ko ang trabahong naiwan ko. Gusto kong mag resign ng maayos pero may halaga pa nga bay un? Para niya ng binili ang buong pagkatao ko.

ARAW NG KASAL

***Paggising ni Lyresh lulan na siya ng private plane. Sa tapat niya nakita niya si Zyaire na natutulog. Pinagmasdan niya to at bahagyang humanga sa kagwapuhan nito.

[LYRESH FONTANILLA POV]

Shit asan na ko? Parang kagabi lang nasa kwarto ako. Asan ako ngayon. Anung ginagawa ng hayop na to sa tapat ko. Luminga ako sa paligid, sa may maliit na bintana. Oh my God nasa himpapawid kami? Paano nangyari to.

Ang lalaki sa harapan ko sobrang gwapo talaga niya pero saksakan naman ng sama ng ugali. Para siyang anghel kapag tulog pero demonyo kapag gising. Hindi man lang sumagi sa isip kong ikakasal ako sa isang kagaya nito. ARRGGG…

“ Gising ka na pala Ms. Fontanilla. Mamaya na ang kasal naten kaya mag behave ka. You need to act as my beloved soon to be wife.” Umismid lang ako at tinignan siya ng masama.

“ Hindi tayo totoong mag asawa kaya bakit ko yun gagawin. Bahala ka sa buhay mo!” Hindi ko alam san nakuha ang lakas ng loob na sagutin siya ng ganun pero un na lang ang magagawa ko para sa sarili ko. Anu sa palagay ng taong ito lahat ng babae mapapasunod niya ng ganun ganun lang. Pahihirapan ko din siya. Anu ako lang ang masisira ang buhay. Sisiguraduhin ko din na pagsisisihan niyang ako ang pinili niyang maging bride.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
thank you for reading Marrying the Devil
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
ikas na ung isa sa mga ranga2 bgo ka mag tapang tapangan isipin mo muna nany mo. at siguraduhin mong my msgagawa ka. kong ako gnyan sakyan ko nalng para sa ikabubti ko. antayin kong sya mg sawa at palayain ako atleast hndi na ako mghihirap
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status