DALAWANG linggo ang nakalipas. Handa na si Keirah. Handa na siyang harapin ang kanyang ama.Naabutan niya ito sa sala isang gabi. Umiinom ng whiskey ngunit hindi naman lasing. Tahimik lang ito at halatang malalim ang iniisip.Bumuntong-hininga muna ang dalaga bago magsalita. "Ahm, Dad?" tumikhim siya ng pumiyok pa siya dahil sa kaba.In her first try, her dad didn't look at her. "Daddy." Tumingin naman ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang mga mata nito pero alam niyang nalulungkot ito."What do you want?" malamig na tanong nito sa kanya. Daig niya pa ang naligo ng yelo sa pakikitungo sa kanya ng sariling ama."Can we talk?" hindi ito sumagot kaya sinamantala niya ang pagkakataon na ito para sabihin sa ama ang pasya niya. "I will do what you want me to do, Dad.""What?" nag-angat ito ng tingin. "Bakit nako-konsensya ka na ba?" "Dad, I'm just doing this for mom! At para na rin sumaya ka, gagawin ko ang gusto mo," mahinang singhal niya sa kanyang ama.Oo. Labag sa kalooban niya ang mag-
“WHAT IS GOING ON HERE?”Nang matanggap ni Alexander ang text message mula kay Mr. Fang na may nanggugulo daw sa unit nila, ay agd siyang bumalik kahit nasa gitna na ng byahe.“MOM?” tawag niya sa ina habang papasok sa sala.Bumagal ang lakad niya ng matanaw ang ina na umiiyak. Nakaharap ito sa lalakeng nakatalikod sa kanya. Naningkit ang mga mata niya at napuno ng tanong ang kanyang isip. Ano namang ginagawa ni Davidson sa unit nila? At bakit umiiyak ang Mommy niya? May ginawa ba ito?Dahil sa isiping may ginawang masama si Davidson ay patakbo niya itong nilapitan at tinulak. Saka niya dinulugan ang Mommy niya na ngayon ay grabe ang hagulgol.“Alexander?” nabigla si Davidson ng makita siya.“ANONG GINAGAWA MO SA MOMMY KO? PATI BA NAMAN ANG NANAY KO, IDADAMAY MO SA HIDWAAN NATING DALAWA?!” sigaw niya sa lalake. Ayaw niya sa lahat ay yung naaagrabyado pati ang nanay niya.Nagtagis ang mga bagang ni Alexander ng ngumisi ng pagak si Davidson.“‘Mom’? You mean nanay mo ang walang kwent
The time before the accident..~Wala sa sarili si Davidson. Naghahalo ang kanyang emosyon. Sobrang nasasaktan sa lahat ng mga nangyayari. Maraming tanong sa isipan niya na hindi niya masagot.Bakit?Bakit ngayon lang nagpakita ang kanyang ina?Bakit pa ito nagpakita kung kailangan okay na siyang mag-isa?Bakit sa halip na magalit siya dito ay nagpupumilit pa rin ang kanyang puso na manabik sa yakap ng isang ina? Dahil ba hindi niya naranasan magkaroon ng ina simula noong bata pa siya? Bakit ba kasi siya nito iniwan? Bakit?*Flashback*[Alicia POV: Her One Sided Love]Isa lang akong hamak na katulong sa pamilya ng mga Montevella. Hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa isa sa mga tagapagmana ng pamilyang ito. Yun ay walang iba kundi si Rogelio Montevella. Napaka-kisig niya noong mga panahon na yun. Mabait, may respeto sa babae at sadyang maalalahanin.Ngunit kahit isa akong tagapagsilbi, naging mabait sa akin si Rogelio.Umibig ako sa mga katangian niyang iyon. Binigyan ko
Nagising na lang si Davidson na nasa hospital. Napabuntong-hininga ang binata. Nasa hospital na naman siya. Lecheng buhay ‘to, oo. “Dave! thanks God naman at gising ka na,” nakangiting wika ng Auntie Jasmine niya na siya niyang namulatan. “Anong nangyari?” mahinang boses ang lumabas sa bibig niya. Halatang nanghihina pa ang katawan niya at wala siya masyadong maalala.“Wala kang maalala? You were been in accident. Tatlong araw kang unconscious,” may halong pag-aalala ang boses ng tiyahin. “Buti na lang at hindi ka napuruhan.”“Wala ako masyadong maalala, Auntie,” pinakaramdaman niya ang sarili. Nakataas ang isang binti niya at may benda. Yun ang hindi niya maigalaw. Napangiwi siya ng kumirot iyon. Nilibot niya ang paningin sa silid. May hinahanap ang kanyang mga mata. Nalungkot siya ng hindi niya nakita si Keirah. Wala sa tabi niya ang dalaga.“Ahm, Auntie. Si..Ang secretary ko, do you remember Ms. Gustavo? Where is she?” di na siya makatiis na hindi mag-tanong.“Oh, si Ms. Gusta
MARAHAN. Marahan ang titig ni Jasmine kay Alicia habang pinagmamasdan niya ang babae. Dinala niya ito sa cafeteria ng hospital. Nagpupunas ito ng mata gamit ang tissue. Natatandaan ni Jasmine na mas matanda siya dito ng dalawang taon. Ngunit sa edad nila ngayon ay napaka-sopistikada ni Alicia. Hindi maikakaila na nasa mid-fifties na ang babae.“Kamusta ka na, Alicia?” tanong niya. Kaya tagal kasi nitong nawala. Ni wala silang balita kung nasaan ito.“Mapapatawad pa kaya ako ng anak ko?” sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.“Masama ang lagay ni Davidson, hindi mo siya mapipilit na patawarin ka ngayon,” sagot niya habang hinahalo ang tsaa na in-order. “Saan ka ba napadpad at nakalimutan mong may anak kang iniwan?”“Pinagsisisihan ko ang ginawa ko, Jasmine. Wala ako sa aking sarili nang iwan ko si Davidson.” Pinagmasdan niya ang mukha ni Alicia. Basang-basa niya sa mga mata nito ang pagka-desperado na patawarin ni Davidson. Ngunit kahit siya ay hindi niya mauutusan ang paman
HINDI mapigilan ni Davidson ang hindi mapangiwi sa t’wing sinusubukan niyang tumayo sa wheelchair gamit ang pares na saklay. ‘Geez, this is so difficult!’ iritang binitawan niya ang saklay at bagsak na bumalik sa wheelchair. Hays, hirap na hirap siyang gamitin yun. Syempre ngayon lang naman siya napilay.Bukod sa mga gasgas at pasa, pilay lang naman ang inabot niya. Salamat sa seatbelt at airbag. At salamat din sa itaas at hindi pa siya binawian ng buhay.“Anong ginagawa mo?” tanong ni Keirah. Kakapasok lang ng dalaga sa kwarto niya bitbit ang mga gamit nito.“Ahm, gusto ko sanang maglakad-lakad eh, but I don’t know how to use this,” aniya sabay turo sa dalawang saklay. “Ah..haha, tulungan kita gusto mo ba?”“Will you?” Nginitian lang siya ni Keirah saka lumapit sa kanya. “Ganito oh,” minuwestra nito ang saklay sa braso niya sa bandang ibaba ng kilikili, at yung isa naman ay sa kabila. Nagpatianod lang siya sa pagmamando ng dalaga. Kaya lang, nabigatan yata sa kanya si Keirah at
Hinihingal na nag-hiwalay sina Keirah at Davidson. Nagpaalam muna siya sa binata na magsha-shower pagtapos ay tutulungan niya itong mag-ayos ng sarili.Pagtapos nilang dalawa mag-ayos ng sarili ay inalalayan niya na si Davidson na makahiga sa kama.“Mag-pahinga ka muna, tutulong muna ako sa kusina,” aniya habang kinukumutan ang binata. “Ipagluluto kita, hehe.”“Hayaan mo na sila yaya Lucing do’n. Dito ka lang sa tabi ko,” pigil nito sa kanya at nag-paawa epek pa. Natawa siya. “Haha. Sabi ni Ms. Rodriguez, asikasuhin daw kita. Syempre kailangan kitang ipag-luto.”“Hmmm, I’ll let you leave after ten minutes,” ngumiti ito at hinila ang braso niya para makasampa din siya sa kama.“Hays, sige na nga,” pag-suko niya na lang sa naglalambing na binata.Tumabi siya kay Davidson at hinilig ang ulo niya sa balikat nito. Marahan naman nitong hinahaplos-haplos ang buhok niya.“Keirah?”“Hmm?” sagot niya sa mahinang pag-tawag nito sa kanya. “Why?”“I just wanna say, I’m very grateful that you came
“Aish! Kung di ka nga naman minamalas!” inis na sinipsip ni Keirah ang daliring nahiwa ng kutsilyo. Nagbabalat siya ng mansanas na ipapakain kay Davidson. Kaya lang nadulas ang kamay niya at nahiwa ang hintuturo niya sa kaliwa.Tiningnan niya yung mansanas. Mabilis na kumalat ang dugo niya sa isang hiwa nito. Medyo kinabahan si Keirah dun. Parang masamang pangitain, ngunit hindi niya na lamang pinansin.Baka nago-overthink lang siya. Nagulat pa siya ng nag-vibrate ang cellphone niya. Nasapo niya tuloy ang dibdib. Nagiging nerbyosa na siya, kakakape niya ‘to.Binitawan niya ang mga mansanas at tiningnan kung sino ang nag-text. Napakunot-noo siya ng unknown number na naman iyon. “What the? Ano na naman ba ‘to?” Laking mangha ni Keirah ng makita ang MMS message. Mga picture niya yun sa Coron! Mga kuha niya na mag-isa lang siya. Kinutuban na naman si Keirah. Nang marinig na mag-ping ang elevator sa first floor ay agad niyang tinago ang cellphone. Nakita niya naman si Davidson na papal