Huminto ang isang karwahe sa tapat ng libingan, bumaba si Francisco kasama ang kanyang utusan. Lumakas sila patungi sa loob ng libingan.
"Nagkasakit po ako, hindi ko masyadong nagpapasyalan ang libing. Ang sabi po ni Gobernador Gregorio, ipagpapagawa niya ng isang nitso. Pero bago ako nagkasakit, natamnan ko ang libing ng mga bulaklaking halaman. Nilagyan ko rin ng krus na ako mismo ang gumawa." Hindi sumagot si Francisco sa mga sinabi ng utusan.
Muling nagsalita ang utusan, "Naroon po ang krus sa dakong iyon," may itinuturong sulok ang utusan.
Maingat sa paglalakad si Francisco at ang utusan, iningatan at iniiwasan na matapakan ang mga puntod. Hinahanap nila ang puntod ng mga magulang ni Francisco. Natanaw nila ang sepulturero bilang pagbibigay galang.
"Saan po, ginoong sepulturero, ang libing na may isang krus doon?"
"Isang krus po bang malaki?" tanong ng bantay ng libingan. "Opo, malaki nga po," parang nabuhayan ng loob ang utusan. "Ang krus na iyon ay may inukit na dibuho ay may taling yantok?" "Yan nga! Yan nga!" iginuhit pa ng utusan sa lupa upang makita ang hitsura ng krus. "Ganito!"
"At ang puntod po'y may tanim na may bulaklaking halaman?" tanong na naman ng sepulturero.
"Opo," sagot ng utusan. "Mga adelfa, sampaga at pensamiyento po. Ituro ninyo sa amin kung alin ang libing na iyon at kung nasaan ang krus."
Umiling ang sepulturero, "Ang krus po ay wala na, akin nang sinunog."
"Sinunog!" sabay halos sumigaw sina Francisco at ang utusan. "Bakit ninyo sinunog?" tanong ng utusan.
"Utos po ng kurang malaki," sabi ng sepulturero.
"Sino ba ang kurang malaki" tanong ni Francisco.
"Kilala po siya ng lahat, iyon pong namamalo, si Padre Garote!" sagot ng sepulturero.
"Maituturo po ba ninyo kung saan ang libing? Dapat ay natatandaan ninyo ang libing, kahit wala na 'yong krus," ang sabi ni Francisco na pinipigil ang galit.
"Wala po riyan ang patay," sagot ng sepulturero.
"Ano? Naloloko ba kayo? Wala pang isang taong naililibing ang hinahanap namin. Bakit ninyo huhukayin?" tanong ng utusan.
"Sa lugar po niya ay may inilibing akong isang babae. Isang linggo na po ang nakaraan," sagot ng sepulturero.
"Matagal na pong ipinahukay iyan sa akin ng kurang malaki, may ilang buwan ma po ang nakaraan. Ang utos po kasi sa akin ng kurang malaki ay ilipat ko ang bangkay na iyon sa libingan ng mga taksil."
Sa kabiglaanan, hinawakan ni Francisco ang magkabilang balikat ng sepulturero at malakas na niyugyog. Takot na takot ang sepulterero.
"Anong ginawa mo?" nanggigil sa galit si Francisco.
Nginig na nginig sa takot ang sepulterero samantalang ipinaliliwanag ang ginawa niya sa bangkay. "Hindi ko po naman inilibing ang bangkay sa libingan ng mga taksil. Naisip ko po mas mabuti pang malunod na lamang ang bangkay kaysa mailibing sa sementeryo ng mga taksil. Kaya itinapon ko na lamang sa tubig ang bangkay."
Pagigil na diniinan ni Francisco ang balikat ng sepulturero ngunit di na niya sinaktan.
Mabilis na tumalikod si Francisco at patakbong nilisan ang libingan. Sinundan siya ng matandang utusan.
Nagpatuloy sa paglalakad si Francisco. Nasa kabayanan na siya ng San Lorenzo. Patungo siya sa matandang bahay na matagal na ring panahong hindi niya nakikita.
Malapit na siya sa kanilang bahay nang may matanaw siyang prayle. Ito ay payat at sakitin. Siya si Padre Pedro ang bagong kura ng San Lorenzo.
Mabilis na nilapitan ni Francisco ang pari at hinawakan sa magkabilang balikat. Madiin, "Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?"
Namutla sa takot si Padre Pedro at hindi nakasagot.
Galit na galit, muling itinanong ni Francisco, "Ano ang ginawa mo sa aking ama?"
Dahil sa lakas ng kamay na nakadiin sa balikat ni Padre Pedro, siya ay napaluhod. "Baka nagkakamali lang kayo wala akong ginawang anuman sa inyong ama."
"Anong wala? Magsabi ka ng totoo."
"Wala talaga akong ginawa sa inyong ama. Baka ang hinalinhab kong pari, si Padre Ignacio. Baka siya ang may ginawa sa inyong ama."
Biglang natauhan si Francisco. Binitawan niya si Padre Pedro at buong pagsisising umalis at tinungo ang kanyang bahay.
-paghandaan ang anumang unos upang ang buhay ay maging maayos.
Si Don Julio ay kinikilalang siyang pinakamatalino sa San Lorenzo. Siya ay dating mag-aaral ng pilosopiya. Pero, hindi siya nakatapos. Pinahinto siya sa pag-aaral ng kanyang ina hindi sa dahilang wala silang gagastusin. Sa katunayan ay mayaman amg kanyang ina. Ang kayamanang iyon ang isang dahilan ng kanyang angking katalinuhan.Dahil nga matalino, pinangambahan ng kanyang ina ang anak ay makalimot sa Diyos. Kaya isang araw sinabi ng ina sa anak, "Mamili ka anak, magpapari ka o hihinto ka sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose?" Mas pinili ng anak ang tumigil sa pag-aaral.Hindi nagtagal, ang lalaki ay nag-asawa. Pero, malas yata sa pag-aasawa dahil pagkaraan ng isang taon, siya ay nabalo.Kailangan niyang maglibang upang makalimot sa kanyang pangungulila. Nahilig siya sa pagbabasa ng aklat hanggang napabayaan niya ang kanyang kayamanan at unti-unting naghirap.Nang hapong iyon ay nagbabadya ang pagkakaroon ng masamang panahon. May m
Patuloy ang pagsungit ng panahon, bubuhos ang malakas na ulan at sinasabayan ng matinding kulog at kidlat. Sa kabila nito, patuloy ang tunog ng batingaw, parang dumaraing ang tunog ng kampanaryo. Ang dalawang batang nakasalubong ni Don Julio ay nasa ikalawang palapag ng kampanaryo. Magkatabing nakaupo at kapwa hawak ang lubid na ang dulo ay nakatali sa batingaw na nasa ikatlong palapag. Gulanit ang kanilang damit, larawan ng karalitaan. Ang matanda ay si Manuel at ang nakababata ay si Miguel. "Batakin mo ang lubid mo, Miguel," utos ni Manuel. "Natatakot ako kuya. Kung nasa bahay tayo hindi ako matatakot," sinabi ni Miguel. "Sa atin, hindi ako mapagbibintangang magnanakaw. Hindi papayag ang nanay, kung malalamang ako'y pinalo nila!" Dugtong pa ni Miguel, "Sana magkasakit ako para maalagaan ako ng nanay at hindi na makabalik sa kumbento at hindi nila ako mapalo, sana pati ikaw kuya, sabay na tayong magkasakit." "Wag, Mi
Madilim ang gabi. Himbing na himbing na at di masalimuot nang natutulog ang mga mag-anak na nag-ukol ng paggunita sa kanilang mga yumao. Ang ina nina Manuel at Miguel ay naninirahan sa labas ng bayan na may isang oras lakarin. Ang asawa ni Catalina na si Frederick ay isang lalaking walang puso at gahaman. Wala itonh inatupag kundi amg kanyang bisyo at pagsasabaong. Si Catalina naman ay nagmamalasakit buhayin ang kanilang mga anak. Bihira lang kung ito'y umuwi at kung magkita man ang mag-asawa lalong sakit ng kalooban ang dinaranas ni Catalina. Nang may maitustos sa masamang bisyo ng asawa, ibinenta nito ang kaunting alahas. Nang si Catalina ay wala nang maibigay siya ay pinagbuhatan na nito ng kamay. Dala ng malaking pagmamahal ay kahinaan ng loob, walang nagawa si Catalina kundi umiyak ay magtiis. Para sa kanya, ang lalaking ito ay ang kanyang Diyos at ang kanyang mga anak ay ang kanyang mga anghel. Lalo namang naghari-harian ang lalaki nang kanyang matalos ang malaki
Narating ni Manuel ang kanilang dampa. Laking gulat ni Catalina nang makita ang anak. May sugat sa noo si Manuel at hindi kasama si Miguel."Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni Catalina."Naiwan po sa kumbento si Miguel," sagot ni Manuel."Naiwan? Bakit? Buhay ba siya? Buhay ba si Miguel?" ulit-ulit na tanong ni Catalina. Tumango lang si Manuel."Bakit ka may sugat sa ulo? Nahulog kaba?" Niyakap at hinagkan-hagkan ni Catalina si Manuel.Nagpaliwang si Manuel. "Kinuha ng sakristan mayor si Miguel. Sinabihan ako na hindi ako puwedeng umuwi kundi alas-diyes ng gabi. Dahil natatakot akong masyadong gabihin, tumakas ako sa kampanaryo sa pamamagitan ng lubid. Sinigawan ako ng guwardiya sibil ngunit hindi ako lunapit sa halip tumakbo ako upang makatakas. Binaril ako at nadaplisan sa noo.""Diyos ko," naibulong ni Catalina padasal, "Salamat at iniligtas ninyo ang anak ko."Kumuha siya ng tubig, suka at basahan upang maga
Tatlo ang misang karaniwang iniaalay sa mga kaluluwa ng mga yumao. Mag-iikapito ng umaga nang si Padre Pedro ay makatapos ng kanyanv huling misa. Kapansin-pansin ang kanyang pananamlay."Ang kura ay maysakit," ang puna ng mga manang. "Siya'y walang sigla di-tulad ng dati."Naghubad siya ng kanyang damit pangmisa nang walang imik. Lumabas ng sakristiya at saka umakyat sa kumbento. Naraan niya bago umakyat ng kumbento ang pito o walang babae at isang lalaki na nangakupo sa bangko. Ang mga manang at manong na ito ay naghihintay sa kanya para humalik ngunit hindi niya pinansin.May mahalagang sadya ang mga taong naghihintay na ito sa kanya. Gusto nilang ipaalam kay Padre Pedro kung sino ang nais nilang magsermon sa araw ng kapistahan ng San Lorenzo. Tatlo ang pinagpipilian nila: Sina Padre Ignacio, Padre Victor o si Padre Pedro.Nagpaparamihan sila ng mga nakamit na indulgencia. Nagpapaligsahan kung sino ang may mabisang paraan para makamit ito. Para sa
Si Francisco at ang guro ay nasa ibabaw ng isang talampas sa lawa nang sila ay magkita at mapag-usapan ang mga problema ng isang guro sa bayan ng San Lorenzo."Diyan po sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng inyong ama na inanod ng tubig sa lakas ng ulan! Kami ni Tenyente Angeles ay dinala rito ng sepulturero.""Marami pong salamat," kinamayan ni Francisco ang guro."Wala po kayong dapat ipasalamat sa akin," sabi ng guro. "Ang nagawa ko lamang po ay makipaglibing samantalang napakalaki ng utang na loob ko sa inyonv ama," dugtong pa ng guro."Napakabait po ng inyong ama, napakalaki ng naitulong niya para sa ikasusulong ng edukasyon. Bukod sa mga gamit sa paaralan, binibigyan pa niya ng pera ang mahihirap na mag-aaral.Nag-alis ng sambalilo si Francisco, bahagyang tumingala sa pormang nagdarasal. "Sabi po ninyo tumutulong ang aking ama sa mga mag aaral ngayon po paano na ang mga bata?""Ginagawa po ng mga bata ang kanilang ma
Ang mga may kapangyarihan sa bayan at nayon ay nagkatipun tipon sa bulwagang pulungan ng tribunal. Mahaba at maluwang ang pulungan. May mga larawang nakasabit sa dingding. Ang bulwagan ay nakadekorasyon ang larawan ng Hari ng España na nakasabit sa pader. Sa ilalim ng larawan naroon ang isang upuang parang trono ng hari. Sa harap ng naturang upuan ay may isang mahabang mesa na sa magkabilang panig nakahanay ang mga upuan at bangko. Sa paligid ng hapag ay nakaupo na at nag uusap usap ang mga miyembro ng dalawang partido ng bayan. Ang dalawang partidong ito sa anumang pagpupulong ay hindi na nagkasundo. Ang partido Conservado na binubuo ng mga matatanda, at ang partido Liberal na kinabibilangan ng mga kabataan. Dahil sa kalakarang iyon, syempre magkahiwalay ang dalawang grupo maging sa pag-uusap. "Nakapagdududa at nakakawala ng tiwala ang ikinikilos ng kapitan" sabi ni Don Vito sa kanyang mga kaibigan, si Don Vito ang tenyente mayor at leader ng lapiang Liberal. "Tila gusto ng
Nang malaman ni Catalina mula sa kusinero ng kura na wala si Miguel sa kumbento agad-agad na umalis siya. Patakbo siyang umuwi, gulo ang isip at hindi alam kung ano ang gagawin upang mailigtas ang kanyang mga anak.Kinausap niya ang sarili, "Hinuli na kaya si Manuel? Nasaan ang kaawaawa kong si Miguel?"Sa hindi kalayuan, natanaw ni Catalina ang mga guwardiya sibil na tila galing na sa kanyang bahay, hindi kasama ang ainuman sa kanyang dalawang anak."O, kay buti nila!" naibulong ni Catalina sa sarili. Alam ni Catalina kung gaano kabagsik at kawalang-puso ang guwardiya sibil. Hindi iginagalang ng mga iyon ang mga mayayaman, sila pa kayang pulubi? Bumalik ang kanyang tiwala sa mga ito, sinalubong niya, bakit hindi yata siya pinansin at tila hindi siya nakita.Ngunit hindi pa siya naka lalayo ay narinig niya ang tinatawag siya. Hindi niya pinansin kunwari wala siyang narinig. Muli siyang tinanong at may kasama nang pagmumura."Wag kang ma