Share

Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten
Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten
Author: Capuchinaur

Prologue

KAAGAD AKONG bumaba mula sa motor na aking palaging ginagamit sa parking duty nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko kasi alam ang nangyayari sa aking sarili. These past few days, palagi na lang akong wala sa mood. Although my senses turned sharp, mayroong mga pagkakataong nagiging mapili ako sa pagkain at mga naaamoy ko.

Pagkahubad ko ng helmet, agad akong lumapit sa kotse at itinipa sa monitor ko ang invalid parking ticket ng kotseng nasa aking tabi. "Tsk, tsk. Ang ganda nga ng kotse, hindi naman maayos ang pagkaparada." Idinikit ko ang ticket sa may windshield ng kotse at nagtangka nang umalis ngunit natigilan nang biglang umikot ang aking paligid.

Agad akong napahawak sa poste ng ilaw at mariin na napapikit. Bigla rin kasi akong nakaamoy ng nilulutong karne ng baka at hindi ko gusto ang amoy nito.

"C'mon, what now!"

Napahawak ako sa aking ulo at dahan-dahang umupo. Agad kong ikinalma ang sarili at pinilit na hindi bumigay sa nakasusukang amoy ng baka.

Ngunit, sadyang sensitibo ang aking pang-amoy. Agad akong tumakbo patungo sa may pinakamalapit na basurahan sa may damuhan at kaagad na sumuka. Hindi ko kinaya, ang sama ng pakiramdam ko.

"Are you okay, officer?"

Dahil sa pagkagulat, kaagad kong pinunasan ang labi at mabilis na hinarap ang kung sinong may-ari ng tinig. Kumurap-kurap pa ako nang makita ang babaeng nag-aalalang nakatingin sa akin.

Naka-suot siya ng puting coat at nakapusod ang kaniyang buhok. Waring isa itong doktor dahil sa tahi ng logo ng ospital na dati ko nang napuntahan.

"Tell me. What's wrong with you? Do you need help?" Malamyos niyang tanong at kinagat pa ang pang-ibabang labi upang tingnan ang pisikal at buo kong anyo.

Doktor siya at kailangan ko ng kagaya niya. Baka epekto ito ng palagi kong pagtatrabaho sa headquarters. Baka over fatigue ito.

Nagulat naman ako nang makitang ang kotseng kaniyang binuksan ay ang kotseng nilagyan ko ng ticket. Agad akong napangiwi at nag-iwas ng tingin dahil medyo awkward ang naging eksena namin.

"Get inside, officer. I'll bring you to my office. I'm Doctor Tilda, an OB Gynecologist," aniya bago simulan ang pagpapaandar ng kaniyang kotse.

"Police Officer Alexia, doc. H-Hindi… po ako b-buntis."

Gusto ko sanang pagsabihan ang sarili ukol sa pagiging utak ko sa kaharap na doktor. Kung hindi nga ako takot, hindi dapat ako nagtutunog takot. Ngunit obvious naman na agad akong namutla nang sabihin niyang isa siyang OB Gyne.

"We'll see about that."

Nang makarating sa office niya, kaagad namang bumilis ang pintig ng aking puso. Kahit naka-police vest, hinaplos ko pa rin ang dibdib upang pakalmahin ang sarili. Hindi ko gusto ang nangyayari, nababaliw ako.

"Nakararamdam ka ba ng pagkahilo, nausea, mood swings, at sensitivity?" una niyang tanong nang makaupo siya sa kaniyang swivel chair.

Agad akong tumango at napatikom ng labi.

"How about your period? When's the last time you have your period?"

Sa kaniyang tanong, agad akong nagyelo sa aking kinauupuan. Natigilan ako dahil ngayon ko lang na-realize na hindi pa pala ako dinaratnan. Hindi ko siya napansin sa loob ng dalawang buwan dahil sa sobra kong busy sa trabaho. Agad akong napasapo sa aking noo.

"Hindi ko po napansin… pero t-two months ago? Opo. Two months ago pa ako last na niregla."

Hindi ko na magawa siyang tingnan sa kaniyang mga mata dahil kinakabahan na ako. Hindi lang kasi reputasyon ko ang nakasalalay rito, pati na rin ang pinakamamahal kong trabaho.

Mula sa kaniyang drawer, kaagad na mayroong kinuha ang doktor. Napanganga pa ako nang makitang isa itong pregnancy test at talagang hinihinala niyang buntis ako.

No, hindi ako buntis. Ayoko.

"Here." Nakangiti niyang iniabot sa akin ang PT at iminuwestra na ang kanang kamay sa isang pinto na wari ko'y isang banyo. Inabot ko naman ito. "Use this and read the instructions. Wala namang masama kung susubukan mo."

Nanginginig ang mga tuhod akong tumayo at namumutlang sinimulang humakbang patungo sa loob ng banyo. Kad ahakbang ko patungo roon ay ang pag-usbong ng mga negatibong ideyang mayroong kinalaman kay Luke at sa trabaho ko.

"Hindi ako buntis, okay? Hindi," bulong sa sarili habang sinusunod ang nasa panuto.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na ang test. Nakaupo pa rin ako sa toilet at kinakabahan sa magiging resulta ng PT. Kasalukuyan kasi itong nakataob sa aking mga palad at takot na tingnan ang resulta.

Kaagad akong tumayo at lumabas na ng banyo upang iabot sa doktor ang PT na hinihiling ko ay isang linya lamang. Nginitian naman ako nito at mismong siya na ang tumingin ng resulta.

"Hindi po ako… buntis right?" nag-aalinlangan kong tanong at ipinagdaop ang mga palad na nakalagay sa likuran.

Ngunit, nang mapagpasyahang tingnan ang mukha ng doktor, doon na ako mismong napaupo sa sofa'ng nasa likuran. Nanginginig ang mga kamay kong iniabot ang mga labi at tuluyan nang nagsimulang magkaroon ng bikig sa aking lalamunan.

"Officer Alexia, congratulations! You are pregnant!"

Oh my gosh, paano ko sasabihin kay Luke 'to?! Paano na 'ko ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status