Share

VI. A Series of Unfortunate Events

"Kuya! Bibili lang ako sa labas!"

                Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Kuya. 6 PM na din pala. Hindi ako nakakakain ng dinner. Wala kasing mga katulong sa bahay.

                Nakakasulasok naman yung luto ni kuya. Bibili nalang ako ng cup noodles kaysa naman ma-food poison pa ako dahil sa kanya HAHAHA.

                The windblow is a little colder now. Nakalimutan ko palang magdala ng jacket. Hayst, ako na tanga. Nahahawa na yata ako sa pagiging makakalimutin ni Lay.

                Habang naglalakad ako, may nagpatong naman ng jacket sa balikat ko. Huminto ako para makita sya. Familiar yung pabango, eh.

                "Ikaw?"

                My brows involuntary meet in shock of seeing him, yes, HIM, that conceited boy in the rooftop.

                "Kita mo ng malamig yung panahon hindi ka nagjajacket. Kapag nagkasakit ka, paano na ako??"

                Ano daw?

I don’t know exactly how to react. I heard him just right and hearing strangers say it to me makes me cringe. I’m really starting to think that he’s a psycho.

                "Wala na akong aasarin. Kaya bawal kang magkasakit. Saan ka ba pupunta?" he asked as if he didn’t say that his phone is more expensive than me.

               

                I didn’t even know where he came from. He suddenly appears, offer me his jacket like he’s some kind of a gentle dog. The first thing that came to my mouth is,

                "Pakealam mo ba? Sinusundan mo ba ako?"

                Pinitik naman nya ako sa noo. The gentle dog’s face that he has a while ago suddenly disappeared and now he has his serious face to me. I don’t even know why I’m talking to him.

                "Asa ka naman. Kakain ng noodles? Wala sa bahay eh. Bakit nga kasi nasa labas ka pa? Mamaya may mambastos pa sayo dito—kunsabagay wala namang magkakainteres sayo."

                Tumawa pa sya kaya hinampas ko siya sa balikat. Kamuntik naman syang matumba. His laugh is annoying. For a boy like him, he’s too loud. His laugh doesn’t match his face.

                "Hindi kasi edible yung luto ng kuya ko."

               

                He laughed at what I’ve said and called me a bad sibling like he knows my brother. If only he knows how my brother treats me, he will take pity on me. But of course, Kuya Zeck is not a bad guy. You’ll understand what I mean if you have a sibling. The love and hate relationship is undying.

                "Hindi ako masama. Hindi lang talaga nakakain yung luto ng kapatid ko.”

                Since we already met, we decided to just go together. I don’t even understand why I joined him and why I’m still talking to him. Maybe he made me go with him because he said that he knows a place. Masarap daw do’n sabi nya. Lagi nga daw sya dun kaya may discount na sya pag bumibili sya.

               

                Nagpunta kami sa noodles resto na never kong napuntahan kahit lagi akong lumalabas kapag gabi. Hindi pa namin napuntahan ni Alvie ‘to dahil hindi namin alam na may nag-e-exist pala na ganitong establishment dito. 

                Tahimik lang kami habang kumakain. Nakakatatlong bowl na siya samantalang nakakalahati ko palang yung akin.

                "Ayoko na. Nawalan na ako ng gana." Bigla naman akong natawa.

                "Nawalan ka pa ng gana sa lagay na yan huh?"

                Tumawa nalang din siya. Pinapanood nya akong kumain habang nakangiti. Nye, nababaliw na ba sya? Psh. Nagring naman yung phone nya.

                "Hello?"

                [PHOENIX! ASAN KA NA? GALIT NA GALIT NA SI TANDA! PUPUTOK NA ULO NYA SA SOBRANG INIT! HAHAHAHAHA.]

                Kahit hindi nakaloud speak rinig na rinig ko yung malakas na boses nung kausap nya. Natawa naman ako. He said he’s on the way while he’s still sitting in front of the big empty bowls. What a liar.

                "May practice nga pala. Tsk. Nawala sa isip ko. Tara hatid na muna kita sa inyo."

"Huwag na. Kaya ko naman mag-isa." Sagot ko.

Nagkamot naman sya ng ulo. Nagkamot siya ng ulo tsaka tumango.

He said it’s on him because he wanted to apologize for being rude. When we stepped outside, I wanted to give his jacket back but he refused, telling me that I can just give it back to him next time since he’s already wearing a long-sleeved shirt. 

"Ingat sila sayo. Tawagan mo ako kapag nakauwi kana."

Ginulo nya yung buhok ko bago umalis. So, Phoenix pala yung pangalan nya? We didn’t exchange names. I will say he’s good-looking but he’s too boastful for me even though he already apologize and treat me.

Tsaka ano daw? Tawagan ko daw sya? Bakit ko naman sya tatawagan?

Pag uwi ko sa bahay, tulog na si Kuya. Maaga kasi yung flight nya pabalik sa Korea bukas kaya mag isa na naman ako sa bahay namin.

Inopen ko yung F* account ko. Biglang may nag pop out na notification.

'Phoenix Glenn Yu accepted your friend request.'

Huh? Sino naman 'to? Bakit wala yata akong natatandaan na nagsend ako ng friend request? Wala nga akong inaaccept eh. Tss. Biglang nag-init yung ulo ko nang maalala ko kung sino si Phoenix. I didn’t touch his phone out of respect and he has the audacity to use mine without consent. He even use my account to send friend request.

And to my curiosity, I decided to visit his timeline. We go in the same university but I didn’t know that he’s famous. Maybe that explains why he’s so full of himself. He even got a lot of fans.

So sumasayaw pala sila. Pinanood ko yung video nila. They covered BTS' Fire and yeah, I must admit that they really have a talent.

***

"Hi~"

(BES~ ASAN KA NA?! BAKIT NAPAKATAGAL MO NAMAN?! ABA! ISANG KANTO LANG LAYO MO SA BAHAY NAMIN. MAHIYA KA NAMAN SA DYOSA MONG BESPREN NA NAGHIHINTAY DITO SA LABAS NG GEYT NAMIN PARA SAYO!)

Pinagsisisihan kong sinagot ko pa yung tawag ni Alvie. Kawawa naman yung eardrums ko sa kanya.

"Tss. Yah! You're so loud! Tone down your voice, will you? Papunta na ako. Bye!”

Pinatay ko na yung phone ko bago pa sya makapag ingay. Naglalakad ako papunta sa kanila. I'm wearing a long sleeves and shorts with matching red converse. Oh ha! Kala mo pupunta lang ng grocery. Minsan lang ako magpunta sa bahay nila. Mas madalas kasi na sa bahay naming siya tumatambay dahil kadalasan, mag-isa ako sa bahay.

Wala naman kasi akong balak na pumunta kung ‘di lang ako kinulit ni Alvie. Alam naman niyang ayoko sa madaming tao. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan.

Wala pa sina Mama at Papa kaya pwede akong maki-sleep over kina Alvie.

After 3 minutes, nakarating din ako sa kanila. I saw her hugging their gate like a retarded monkey while taking selfies.

"Hoy Alvie!"

"AY PALAKA! ANO BA NAMAN SOL! TSS. BAKIT ANG BILIS MO NAMAN?!"

Hindi naman sya mahilig manigaw no? Tss. Masyadong matinis yung boses niya.

Inirapan ko sya tsaka dire-diretsong pumasok sa gate nila. Medyo marami ding bisita. Karamihan eh boys from our University, yung iba naman, di ko kilala. Birthday daw kasi ng pinsan niya na kakalipat lang sa bahay nila. Hindi ko pa nakikita yung pinsan niya dahil hindi rin naman namin pinag uusapan.

"Oy bes, lamon ka lang dyan. Hahanapin ko lang yung pinsan kong magaling."

Iniwan ako ni Alvie sa may kusina kung nasaan yung mga pagkain. Kausap namin kanina yung mama nya at ang sabi ay kumain lang daw ako ng kumain kaya kakain talaga ako ng marami.

"Uy, andito ka pala?"

Halos mabitawan naman niya yung hawak nyang baso. Kumukuha kasi sya ng tubig sa water dispenser at di yata ako napansin.

Gulat na gulat yung hitsura nya. He looks like the same last night, though this time he’s wearing a green sweater like it’s Christmas eve already.

I mentally slap myself. What is his name again? Forgive the broken potato for being forgetful. I can memorize different groups but I find it too hard to remember other’s names.

"HOY PHOENIX! BASTOS KA! KANINA PA KITA HINAHANAP, IPAPAKILALA PA KITA SA BESPREN KO—AY, ANDYAN KA PALA BES? HAHAHAHA. SIYA NGA PALA YUNG PINSAN KONG MAY BIRTHDAY NGAY-- ARGH! KADIRI KA SOL! SINADYA MO YUN EH!"

Natawa ako sa reaksyon ni Alvie. Nung sinabi kasi nyang pinsan nya si Pheonix, uminom ako ng tubig tsaka ko binuga sa kanya. Hindi naman sya gaanong nabasa kasi medyo malayo sya sa akin.

Tinanggal naman ni Phoenix yung earphones sa tenga ni Alvie kaya sinamaan sya nito ng tingin.

"Ang ingay mo. Nakakahiya ka." Phoenix told her.

My eyebrow arched because of how he talked to his cousin. He seems distant, a little cold like when we first met. It made me think whether I was really with him last night or I was just dreaming.

"Ay hehe, sorna. So Pheonix, siya nga pala yung bespren ko, si Sol. Tapos Sol, pinsan ko. V biased."

"Magkakilala na kami." Phoenix said.

Ah! I remember him! Siya yung kausap ni Alvie sa room namin nung isang araw. Bakit ngayon ko lang siya Nakita kung magpinsan sila?

"Weh? Paano?" Alvie asked in disbelief.

"Mahabang kwento. Pero hindi kasing haba ng pasensya ko.”

After that, Phoenix left us to tend to his visitors so Alvie and I decided to just go to her room. Her room is just like mine and if Kuya Zeck, he’ll roll his eyes and mock us by telling us we’re a hopeless case.

We’re watching videos when she suddenly pulled my hair.

"Aray naman! Bakit na naman ba? Kanina ka pa, huh? Kukurutin ko na talaga singit mo. Aba, mahiya ka naman sa Dyosang tulad ko. Palibhasa kasi patatas ka. Tss."

Napatid tuloy yung ponytail ko kaya nagulo yung buhok ko.

"Woah~ Sadako is real!” sabay tawa pa niya,  “Paano kayo nagkakilala nung pinsan ko? Alam mo ba?"

Nakadapa ako sa kama nya habang naka-indian sit naman sya sa tabi ko.

"Hindi pa."

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Yung Phoenix na y-"

"Alvie!"

Sa sobrang gulat niya, naitulak nya ako kaya bumagsak ako sa sahig.

"Ouch!" reklamo ko habang hawak yung puwet kong nasaktan. Lesheng babae to.

"Tawag ka ni Mama sa baba."

Hindi ko na narinig yung sinabi nya, yung malakas na pagkakasara nalang ng pinto yung narinig ko.

"Oy bes, anong ginagawa mo dyan? Dito yung kama. Mas trip mo ba dyan sa sahig?" Inosenteng tanong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Abnormal ka ba? Tinulak mo ko tapos magtatanong ka? Tss."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status