Share

XIII. The Concert

     

Kalma Sol, kalma. Bawal mahimatay, ‘di mo makikita mga asawa mo.

Maingay kami sa van papunta sa MOA. This is it. Mamayang gabi na yung concert ng EXO. Akala ko talaga hindi na ako makakapunta dahil sobrang busy at napakadami kong problema lately. Hindi nga ako active sa social media at naubusan pa ako ng concert ticket.

"Tae naman ni Suga, Lawin. Sana naging babae nalang ako. Napakagalante mo manlibre. VIP Ticket for real? Not one, not two but five! Five VIP tickets! Pwede bang magpa-ampon nalang sa inyo?" biro ni Jedd.

Ninitian lang siya ni Glenn. Halos maglupasay na ako kahapon dahil akala ko talaga hindi ako makakapunta sa concert pero nagulat nalang ako sa ginawa ni Phoenix.

Nasa kwarto ako habang yakap-yakap yung poster ng EXO at hawak-hawak yung light stick nung dumating silang lima. Wala sana akong balak na pagbuksan sila ng pinto pero binigay ni mama sa kanila yung duplicate key.

Tawa ng tawa sina Kollin nang nakita nila ako kaya lalong lumakas yung iyak ko. Umupo silang apat sa kama ko.

"WAAAAH~ YUNG MGA ASAWA KO~" sigaw ko habang umiiyak kaya niyakap ako ni Alvie habang nagpipigil naman sa tawa yung apat na lalake. Gusto ko silang sapakin ngayon, lalo pa naman ngayong broken hearted ako.

Binuksan ni Chalk yung TV sa kwarto ko. Sakto namang Growl MV yung nasa myx kaya lalo akong umiyak. Bigla tuloy niyang pinatay tsaka nagkamot ng ulo.

"Tahan na bes, mukha ka ng kalabaw. Ngawa ka ng ngawa." Sabi ni Alvie habang itinatabi yung mga kalat sa kwarto ko. Inabutan naman ako ni Glenn ng tissue.

"What should I do? Anong gagawin ko? Paano na ako mabubuhay?" tanong ko sa kanilang lima.

Inabutan naman ako ng shoe box ni Glenn. Tiningnan ko siya ng masama. Ginagago ba nya ako? Di ko kelangan ng sapatos.  Concert ticket yung kelangan ko.

"Yah~ Stop it already. Paano ka haharap sa kanila kung ganyan yung mukha mo?" Glenn said as he wipes my tears using the back of his hand. Kikiligin na sana ako kaso hindi ako makakapunta sa concert kaya nainis lang ako.

Nagpapadyak ako na parang bata kaya nahulog yung shoe box na binigay niya. Halos lumuwa naman yung mata ko nung makita ko yung laman nung box.

Natahimik ako.

Huminto yung pintig ng puso ko.

Nag-freeze lahat ng nasa paligid ko.

Dahan-dahan kong pinulot yung maliit na papel tsaka tinitigang mabuti.

Napatingin ako sa kanilang lima na abot-tenga yung ngiti.

Lalong lumakas yung iyak ko kaya lumapit silang lahat sa akin.

"Anak ka naman ni Chanyeol, Sol! Biniyan ka na nga ng ticket umiiyak ka pa din. Yung totoo? May saltik ka sa utak , ano?" sabi ni Jedd kaya sinapak ko nga.

"Gago ka ba kayo? Tarantado kayo mga trenta! Bakit di nyo sinabi sa akin agad! Nagsayang lang ako ng luha!"

Mukha lang akong tanga kahapon. May nalalaman pa kasi silang surprise-surprise. Nasapak ko tuloy si Jedd. Sabi ni Alvie matagal na daw nabili ni Glenn yung ticket. Perks of being a rich kid nga naman. Balak ko na rin tuloy magpa-ampon sa kanila HAHA.

--

Halos mabingi ako sa ingay ng mga EXO-L lalo na nung lumabas yung OT9. Sayang lang at wala na yung OT12 pero okay lang din kasi successful naman silang lahat. Maganda yung pwesto namin dahil sa mismong tapat namin pu-pwesto si Suho mamayang magpe-perform sila. Magkakatabi kaming anim. Nasa kaliwa ko si Glenn at sa kanan ko naman Alvie.

Nagstart na silang kumanta. Unang nagplay yung Wolf. Halos mahimatay ako sa kilig. This is not the first time na nakapunta ako sa concert pero ito yung first time na VIP kami. Sobrang lapit nila sa amin at lagi pang tumitingin sa camera namin yung mga makalaglag-pangang alien.

After ng ilang song, nagpalit muna sila ng outfit. Pagbalik nila, nasa center stage silang lahat. Nagsasalita si Chanyeol at D.O. Malapit sa pwesto namin si Baekhyun at Kai. Nasa gitna naman si Suho.

"Hyeongnim!" (Bro!) sigaw ni Glenn kaya napatingin sa pwesto namin sina Baek. May hinagis sya sa stage na pinulot naman ni Kai.

Tiningnan ko si Glenn. Seriously? Bakit inaagawan nya ako?

Ang swerte naman niya, napansin siya. Sapakin ko to mamaya eh!

Hawak ni Baek yung white envelope at maliit na box na hinagis ni Glenn kanina. Binabasa nila ni Kai yung nasa papel pero mukhang hindi nila maintidihan kaya pinasa nila kay Suho. Biglang ngumiti yung asawa ko (Yes, I’m delusional)  tsaka pinakita sa mga buong EXO yung nasa papel. Nagbubulungan sila habang wagas makangiti.

Biglang tumayo si Suho tsaka nagsalita. Focus na focus sa kanya lahat ng tao sa arena. Halos manghina ako nung bigla syang nagsalita in English.

"Okay, hear me out for a second. I just want to read it aloud. Kindly listen." Umpisa nya kaya tumahik bigla.

Tumingin siya sa pwesto namin. Bigla tuloy akong kinabahan. Alam nyo yung feeling na nakipag-eye to eye siya sayo? Di ko na mabilang kung ilang beses na akon namatay at nag-reincarnate.

"So, this letter came from Phoenix Glenn Yu. Hello there, bro." kinawayan pa sya ni Suho kaya lalo akong napasimangot.

Inaagawan mo ako ng moment eh!

Napangiti naman si Nix pero mukha syang natatae. Problema neto?

Biglang lumapit sa pwesto namin si Baek, Kai at Xiumin tsaka pinaakyat sa stage si Lawin. Like what the f? anong kalokohan to? Biglang nagsigawan yung mga EXO-L. Halos mabingi na ako sa sigaw nila. May narinig pa akong 'PHOENIX, AKIN KA NALANG!' kaya napairap nalang ako.

Nagbubulungan sila ni Suho. Inakbayan siya ni Xiumin at ni Kai. Instant celebrity tuloy siya. Suho cleared his throat tsaka nagsimulang kumanta yung EXO ng 'LUCKY'.

Wala kaming idea kung anong nangyayare. Pero habang kumakanta sina Sehun, nagpatuloy sa pagbabasa si Suho.

"This letter is not for me, but for the luckiest girl that is here right now. Okay, I'm going to read it, get ready to listen, Eris." Sabi ni Suho kaya tahimik kaming lahat na nakikinig.

"We met by accident. I was heading the rooftop when someone bumped into me. She was running down the stairs from the rooftop so our phones fell on the floor. We have the same phone brand and unit and we just realized that we switched phones when we're already home. I've seen her many times because she's my cousin's best friend. I always saw her in our house but I never had the chance to show up to her because I'm kind of ashamed.

“It seems like fate is playing its game so I grab the opportunity to talk to her. I know it's not right but I stalked her on her phone. Funny, isn't it? She's loud and kind of sadist but everything she does just makes me fall for her deeper. I don't know how to approach her so I always end up being rude to her.

“She may not know it but I've been admiring her since the day I saw her. I always have sleepless nights, thinking of how to confess my feelings. Dancing with her in front of the crowd is the best thing that happened in my whole life. Having her in our group is priceless and being with her is the most precious thing I will always treasure.

“She's a die-hard fan of you, (SUHO) and she'll risk it all just to see you. There's nothing special about her but I just can't help falling for her. I've been waiting for this day to happen and I'll risk everything just to be with her. So, please… can you ask EIRRIE SOLEIGH to be my girl?"

“Halos mabaliw ako sa mga pinagsasasabi ni Suho. Biglang lumapit sa akin si Sehun at Lay tsaka ako pinaakyat sa stage. Kinuha ni Baekhyun yung panyo ni Suho tsaka ginawang bulaklak at inabot kay Nix. Malakas yung sigaw ng EXO-L Fam pero mas nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Kinakabahang tiningnan ako ni Phoenix tsaka ngumiti. Parang ewan naman sina Chen sa gilid namin na mas mukha pang kinikilig kesa sa akin. Inakbayan ako ni Suho kaya lalong sumikip yung dibdib ko. Wag nyo naman akong patayin sa kilig!

"Eirrie, will you be his girl?" tanong ulit ni Suho.

"Mahar mo daw ba siya?" tanong ni Xiumin na halatang pilit yung tagalog accent at nagpaturo lang sa interpreter.

Kinuha ko yung inaabot ni Nix na flower tsaka tumango. Nagtatatalon naman sina Suho na akala mo eh sila yung sinagot. Tinanggal ni Suho yung cap niya tsaka sinuot sa akin. He even hugged me before leading us down the stage.

Yung makita si Suho lang naman yung hiningi kong sign pero sobra-sobra pa yung ginawa nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status