Z POV
Nagmadali akong puntahan ang anak ko, malayo palang ay naririnig ko na ang iyak Niya. Hindi ko ugali ang kampihan ang anak ko Pag may kasalanan Pero sa Uri ng Pag iyak ng anak ko sobra naman ata ang ginagawa nila para umiyak ito ng ganito. Nasasaktan akong pakinggan ito kaya ganoon nalang ang Pagmamadali ko para mahanap ito. " excuse.... excuse...... excuse me...." Sambit ko habang pilit Kong sinisiksik ang sarili ko sa nagkukumpulang tao, Pero bigla akong nahinto ng makilala ko ang mga taong may gawa ng Pag iyak ng aking anak. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at halos pumula na ang mukha ko sa galit. Hindi ko aakalaing magkikita kami dito at ang masakit pa pinaiyak nila ang anak ko, hanggang kailan ba nila kami titigilang mag ina. Sinaktan na nila kami noon hindi na ako payag na sasaktan ulit nila kami ngayon." Bwesit Kang bata ka... alam mo.... mahal pa sa buhay mo ang damit ko, tignan mo ginawa mo.... tignan mo... tignan mo...." sigaw ni Rebecca sa anak ko, sabay yugyug sa balikat ng anak ko dahilan para matumba ito.. "Enough.... ano bang ginawa ng anak ko para saktan mo ng ganyan...?" sabay alalay sa anak ko para Maka tayo. " Manang Beth.... dalhin mo ang anak ko sa sasakyan." Utos ko Kay manang Beth sininyasan ko narin ang body guards ko na sundan ang anak ko, hinalikan ko muna ang anak ko bago tuloyang binigay Kay manang Beth." Auhhh... so.... ikaw ang nanay ng batang tatanga-tanga na iyon. Next time paki tali para di Maka abala." pang aasar na Sabi ni Rebecca sa akin. Hinarap ko siya at bigla siyang napatigil na para bang may pilit iniisip at ng tapunan ko din ng tingin si Heron ay agad ko ding binawi ang aking tingin, para bang bumalik ulit ang sakit na naramdaman ko dati. Mas lalong bumilis ang kabog sa dibdib ko na sakabila ng sakit na nadarama ko dahil sa ginawa Niya sa akin noon bakit gusto ko siyang yakapin at sa mabilis napagtingin ko sakanya may nag sasabi sa parte ko na namiss ko ito ng sobra. Mabilis ko lang itong tinignan dahil nakatitig din ito sa akin dahilan para mag Tama ang aming mata, bakas sa mata nito ang gulat."Wait... nag kita na ba tayo..??" Biglang tanong ni Rebecca na nagpagising sa akin mula sa malim na Pag iisip. Agad kung inayos ang aking sarili para ipakita sa mga ito na hindi ko sila kilala. "Actual...ly... miss...... Auh...!! wala akong pakialam if what is your f***ing name.. hindi pa tayo nag kita or nagkakilala dahil alam mo..... di mo gugustuhing makilala ako" galit ngunit may mapang asar na ngiti sa aking mga labi ng sagutin ko ito. "Shit...!!! binabastos mo ba ang Isang Rebecca Del Rio...? baka di mo ako kilala at baka... di mo alam ang kaya Kong gawin." may pagbabata niyang Sabi na kina tawa ko ng malakas. "Ha..Ha..Ha..Ha..... Louder please.... auhhmmm... ok.. ok.. ako nalang" at agad kung nilakasan ang boses ko. "Well guys... Sabi Niya, siya daw si Rebecca Del Rio baka daw di ko siya kilala at baka di ko daw alam ang kaya niyang gawin.. so please.... tell me..? who is fuc**ng Rebecca nga ba..?" mapang asar kung sambit."Heron... Honey.... please help me pinapahiya ako ng babaeng yan oh.." Pag susumbong Niya Kay Heron. "Miss.. pwedi bang mag sorry ka nalang kasi anak mo naman ang may kasalanan?" Sambit ni Heron na ikinakulo ng dugo ko. "Mr. Reymundo natapunan ng di sinasadya ng anak ko ang damit ng kabit mo, pinahiya Niya ang anak ko wala kamanlang ginawa kahit manlang lagyan ng busal ang bibig ng kabit mo para matago ang tunay niyang ugali, na kahit bata pinapatulan. Kung sabagay ang ahas talaga ganyan kunting sagi lang nanunuklaw agad." Nakangiting kong Sabi na kinagulat ng lahat lalo na ng dalawang taong nasaharap ko ngayon.maraming tao na sa palibot namin Yong iba kumukuha ng video at iyong iba ay nagbubulongbulongan ang mga ito, kinatuwa ko naman ito para ipahiya ang babaeng kabit ng dati Kong asawa."Sino ka para sabihing kabit ako ni Heron... walang asawa si Heron at wala akong inagaw dahil akin lang siya" mangiyak iyak na Sabi ni Rebecca. "auwhsss! so... bakit nakita na ba ang bangkay ni Ella para sabihin mong wala ng asawa si Heron.... my dear wag Kang kampanti dahil paano na Pag bumalik si Ella..." nakanguso pa ako para asarin ito.."Tell me... ikaw si Ella.." out of nowhere na Sambit ni Heron na kinagulat ng buong katawan ko para akong binuhusan ng yelo at sobrang kabog narin ng dibdib ko, paano Niya ako nakilala. "Kanina pa kita tinitignan kamukhang kamukha mo ang asawa ko... Tama ako diba.." dugtong pa nito... matagal ako bago nakasagot Pero di ito pwedi hindi maaring makilala Niya ako ngayon, hindi ako papayag. Pati si Rebecca ay gulat na gulat ito habang nakatitig sa akin."Hahahaha... hindi ko aakalaing kamukha ko pala ang dati mong asawa Mr. Reymundo Pero Malabong ako ang asawa mo, ngayon nga lang kita nakita ng personal at Kong ako naging asawa mo siguradong patay na ang babaeng nasa tabi mo sa sobrang sakit ng pinagdaanan ng iyong asawa Kung ako sakanya gaganti ako kaya dapat ipagpasalamat mo na nakapag asawa ka ng lumpo at Isang kahig Isang tukang kagaya Niya." walang emosyon kung Sabi."Tama....Tama. hindi nga ikaw si Ella dahil hindi ganyan kagaspang ang ugali ng asawa ko, at wag na wag mong laitin Ang asawa ko dahil wala Kang karapatan para sabihan siya ng masama." galit na galit si Heron at nakikita ko rin iyon sa nag aapoy niyang mga mata Pero ganoon paman di ko Alam bakit nakaramdam ako ng kunting saya dahil sa sinabi nito."Ok... I'm sorry Mr.Reymundo... well Rebecca ano ang feeling na ikaw ang kasama Pero di ikaw ang tinatawag na asawa?" natatawa Kong tanong Kay Rebecca. "well... ito.." sabay dukot ng bank check sa bag ko at agad na nag sulat doon ng 1 million pesos at iniabot Kay Rebecca. "1 million pesos for your dress" with smiling face pa para galitin si Rebecca."How dare you..... guard..! guard...!!!! kaladkarin Nyo ang babaeng ito... gawin Nyo na kung hindi, aalis ako sa pagiging endorser ng mall Nato tignan natin kung di kayo tatanggalin sa mga trabaho nyo" halos magwala na si Rebecca dahil sa kahihiyan. Wala namang kumilis na kahit Isang guard dahil kilala nila ako kaya walang sino Mang sumubok na gumalaw kahit pa naririnig din nila."Tara na Rebecca, umalis na tayo dito, marami ng tao nakakahiya na yang ginagawa mo." Aya ni Heron dito."What..???? ako pa ang nakakahiya.. Babe tulungan mo ako palayasin mo na ang babaeng yan" turo ni Rebecca sa akin. "No... kung ayaw mong tumigil... maiiwan ka dito" agad namang tumalikod si Heron, naiwan naman ang bruhang ito sa harapan ko. Nag wawala parin pilit niyang pinapakaladkad ako.lumapit ako dito para bulongan "Alam mo di nila gagawin yan, at wag Kang mag alala aalis na din ako tapos para di ka mahirapan ako na mismo aalis sayo para maging endorser ng mall Nato." nag tatakang iniwan ko si Rebecca.Rebecca POVShit..! kanina pa ako nakauwi dito sa condo, dito na ako dumiretso kasi di ko mahagilap si Heron. Dagdagan pa ng kumakalat na mga balita sa tv gusto ko ng matunaw sa kahihiyan hindi rin ako nag pakita Kay daddy dahil sigurado akong sasampalin ako nito, ang manager ko naman ay galit na galit sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko lasing na lasing na ako Pero sariwang sariwa parin ang sinabi ng babaeng yon sa utak ko na kabit ako... kabit... bwesit ka Ella kasalanan mo to lahat dahil inagaw mo si Heron sa akin.... ang masakit pa nagawa pang ipagtangol ni Heron si Ella kanina hanggang ngayon ba mahal Niya parin si Ella.. dapat wag talaga akong pakampanti dapat ko ding ipaimbestigahan si Ella para kung buhay man ito ay ipapapatay ko din ito ulit para di Maka hadlang sa amin ni Heron..Nagulat ako sa biglang Pag ring ng phone ko, agad ko tong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. Ang manager ko ano naman kaya ang kailangan nito? "Hello.... Rebecca..? Nasaan ka?" tanong Niya sa akin. "What...." walang gana Kong sagot.. "look what you did, inalis kana lang bigla bilang endorser ng S&Z mall and hotel even S&Z restaurant ay inalis kana nila" Galit niyang Sambit "what..? but why? any explanation kung bakit nila ako tinanggal.." para bang nawala ang presensya ng alak dahil sa narinig ko. napakasikat na hotel and mall ang S&Z kaya napakalaking kawalan ito sa akin. Pag aari ito ng napakayamang tao sa Pilipinas na kahit ang Boyfriend Kong si Heron ay di kayang pantayan ang yaman nito.Bigla kong na alala ang Banta ng babaeng nakalaban ko sa mall, maari kayang siya ang may gawa nito sa akin Pero paano? Hindi maari ito sirang sira na ako sa social media pati pa ba sa career ko. "Rebecca..! Rebecca.. " tawag mula sa kabilang linya , nakalimutan ko na may kausap pala ako sa kabilang linya. "nabigay ba nila ang dahilan kung bakit nila ako tinanggal" tanong ko dito "ayon sakanila hindi daw nila tinatanggap ang mga ugaling kagaya mo at masisira daw ang malinis na reputasyon nila lalo na't Isa sa mga tinutotokan nilang matulongan ay mga orphanage tapos lalapas na Isa sa mga endorser nila ay nanghamak ng Isang bata dahil lang sa di sinasadyang natapunan ang damit nito." mahabahabang pahayag nito. Halos mabaliw ako sa sitwasyon ko ngayon. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, pagbabayarin ko ang batang yon at ang ina Niya.Heron POV Hindi parin maalis sa isip ko ang mukha ng babaeng nakalaban ni Rebecca sa mall. Kamukhang kamukha Niya si Ella, kaso si Ella hindi nag lalagay ng kahit ano sa mukha at higit sa lahat malayo ang ugali nito Kay Ella. Dahil ang asawa ko ay napakabait ni hindi niya magawang ilaban ang sarili Pag inaapi, lagi lang itong nakayuko. Madalas ko pa nga nahuhuling inaaway ito ni Rebecca at wala itong ginagawa kundi ang umiyak lang. Sa ugaling pinakita ng babae kanina Malabong maging si Ella yon. Pero bakit kahit anong kumbinsi ko sa aking sarili may parte parin ng isip ko na gustong alamin kung sino ang babaeng yon. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang private investigator ko. "Hello... may ipapagawa ako very important kaya kilosin mo agad.. gusto ko makakuha ng result ASAP" agad kung Sabi ng sagutin Niya ang tawag ko. "Handa po ako sir... sino po ang iimbestigahan ko sir" sagot nito sa kabilang linya. "Kilalanin mo ang babaeng nakalaban ni Rebecca kanina sa mall, alamin mo an
Heron POVNagising ako mula sa ingay ng tubig na tila humahampas sa sa mga bato.. Mabilis akong bumangon, puno ng Pag tatanong ang aking isip kung bakit ako nandito ehhh... kanina lang NASA bahay ako sa loob ng kwarto ko. Sino kaya ang nag dala sa akin dito., pilit ko na kinikilala ang lugar Pero halos di ko ito nakikita dahil sa sobrang dilim. Mayamaya pa ay may nakita akong liwanag sa unahan. Mula sa maliit ay unti-unting lumalaki at mas lalo pa itong lumiliwanag at kasabay nito ay may naririnig akong Pag iyak ng Isang batang babae na tila nasasaktan ito na pati ako ay nasasaktan sa mga iyak nito, gustong-gusto ko itong hanapin para yakapin. Iyak parin ito ng iyak at napansin ko na nga pamilyar ang boses nito, hindi ako nagkakamali narinig ko na ang mga paghikbing iyon Pero di ko matandaan kung saan ko ito narinig. palapit ito ng palapit, maya-maya pa ay nakikita ko na ito na tila lumalabas mula sa liwanag at mula sa mga iyak ay may salita ng lumalabas mula dito. " Daddyyy..... Da
Rebecca POV Pagkauwi ko sa bahay sinalubong ako agad ng aking ama at halata sa mukha nito ang galit. "Ano nanaman ang nabalitaan Kong ito Rebecca, di kaba titigil sa Pag papahiya sa pamilyang ito? Kamusta na ang pinapagawa ko sa iyo" sunod sunod na tanong nito sa akin. Hindi na ako natakot dito sanay na ako sa ugali nito, wala naman akong magandang nagawa para dito lahat nalang ng ginagawa ko ay mali."Aayusin ko ang lahat ng iyan dad, maliit na problema lang naman yan" walang gana Kong sagot dito. "At paano ang pinapagawa ko sayo, matagal ko ng utos yan Rebecca. Five years..... Five years ko ng inuutos sayo yan na gawin mo Pero di mo magawa gawa. Ano bang meron sa Heron na yan at ayaw mong Sundin ang plano ko tignan mo hanggang ngayon Rebecca sunod sunoran parin ako sa companya na matagal ko na sanang Pag aari." galit na galit na itong nakatitig sa akin."Papakasalan din ako ni Heron daddy..... bigyan mo pa ako kahit kunting oras pa daddy... kunting kunti nalang daddy." pagmamakaawa
Heron POV Narito ako at binabaybay ang daan patungo sa bahay amponan kung saan lumaki si Ella, sa di malamang kadahilan ay ito ang lugar na nagcocomfort sa akin sa tuwing nakaramdam ako ng sobrang lungkot sa buhay dahil sa palagay ko kapag pumunta ako dito palagay ko malapit lang si Ella sa akin.Hindi ko sinamahan pumunta si Ella dito ni minsan Pero noong nawala siya natonton ko ang lugar na ito dala ng lungkot na aking nadarama. Minsan lang ako dumadalaw dito sa tuwing sobrang lungkot at birthday ni Ellla. Madalas pa akong may kasabay na mag pakain sa mga bata dito na ayon sa mga sister ay kabirthday daw ito ni Ella, matagal na daw ito ginagawa ng taong ito kahit noong andito pa si Ella.Habang nag dadrive ay napansin ko ang Isang motor na nag over take sa akin. Namangha ako dahil hindi ito basta motor lang kundi ginagamit ito sa racing dahil sa bilis nito. Hindi ako mahilig sa motor Pero hindi ako ignorante para di makilala ang brand ng motor na to... Isa itong BIMOTA BB3 na nagka
RATED SPG.. BAWAL SA MAY EDAD 18 PABABA.. ANG CHAPTER NA ITO AY NAG LALAMAN NG DI KAAYA AYANG SALITA NA PINAGBABAWAL SA MGA BATA.Heron POV Napangiti ako sa sagot nito sa akin, ibang iba ang pinapakita ko sa babaeng ito dahil siguro kung ibang babae ito ay napikon na ako ngunit mas lalo pa akong humanga dito. Dahil basi sa tuno nag pagsasalita nito ay wala talaga itong interest sa akin, ibang iba siya sa mga babaeng halos mag makaawa magkasama ko lang kahit saglit."Hindi sa ganoon miss, gusto ko lang Sana makilala ka upang pormal na mag pasalamat sayo dahil kung hindi ay baka nilalangaw na ako ngayon." pagpapaliwanag ko. "Hindi mo na kailangang makilala pa ako mister at wag Kang mag pasalamat sa akin dahil parte yan sa sinumpaan ko sa aking tungkulin na ipagtangol ang nangangailangan, payo lang sikat at kilala ka kaya dapat na mag dala ka ng proteksyon para sarili mo para kahit papaano ay mapagtangol mo ang iyong sarili dahil baka iiyak ang maarting Rebecca kapag natuluyan ka" Seryus
Ella POV"Congratulation Mrs.Reymundo you are two months pregnant" Nakangiting sabi ng doctor at muling ibinaling ang tingin sa isang tv screen kung saan nakikita ang loob ng tiyan ko. Maliit pa masyado ang baby kaya hindi pa ito gaanong hugis bata, kahit ganoon paman ay walang mapaglagyan ang tuwa na aking nararamdaman ngayon lalo na ng lakasan ng doctor ang volume upang marinig ko ang pagtibok na sinasabi ng doctor na heart beat ng aking anak. Ang saya ko, sobrang saya animo'y tila isang nakakabighaning musika ang naririnig kong mga tunog. Bigla kong naisip ang aking asawa, si Heron. Sigurado akong matutuwa siya pag nabalitaan niyang magkakaanak na kami at baka ito na Yong dahilan upang bumalik kami sa dati. Simula kasi ng mamatay ang ina ni Heron, lampas isang buwan ang nakakalipas ay naging malamig na ito sa akin, ni hindi niya ako kayang tignan o kausapin kagaya dati. Paminsanminsan nalang din ito umuuwi ng bahay kung uuwi naman ito ay kahit magkatabi kami sa kama ay di niya ako
Author POVNagising si Z dahil nararamdaman niya ang pagtawag at paghaplos ng maliit na kamay sakanyang mukha. "Mama, bakit ka umiiyak", Tanong ng anak ni Z sakanya. Agad namang minulat ni Z ang mata para makita ang kanyang anak, nakakunot ang noo nito habang titig na titig sakanya. "Oh.. baby.. gising napala ang anak ko, Dali hug mo nga si mommy" , agad namang binuka ni Z ang kanyang mga kamay upang yakapin ang kanyang anak lumapit naman ito para yakapin siya pero nasa mukha parin nito ang pagtataka kung bakit siya umiiyak at alam Niya na di ito titigil hanggat hindi niya nasasagot ang tanong. "Alam mo kasi baby nanaginip c mommy inaaway daw siya ng mga monster gusto ni mommy lumaban Pero wala natalo c mama ng monster", Pagsisinungaling Niya sakanyang anak, dahil ang totoo ay binangungut naman siya ng kanyang nakaraan madalas Niya parin itong napapanaginipan kahit ilang taon na ang nakakalipas at sa tuwing naalala Niya ito ay bumabalik parin ang sakit na nararamdaman niya ng mga pan
Z POVPapunta kami ng anak ko sa mall, simpleng damit lang ang suot ko. Naka jeans lang ako tapos tenernohan ko ng crop top na damit. Hindi rin ako mahilig sa make up Pero ang hindi maalis sa akin ay ang paborito ko.. ang red lipstick tanging yan lang talaga ang nilalagay ko sa mukha, hindi na ako gumagamit ng make up dahil wala naman akong dapat itago sa mukha ko."Mommy tapos na po ako" tawag sa akin ng aking anak. "Yes baby antayin mo nalang c mommy sa baba" sagot ko na agad namang sinunod ng aking anak.Pagkababa ko ay agad ko ng tinungo ang sasakyan na nag aantay sa akin, nakita ko sa loob ang anak ko nahalatang excited at ang driver namin at ang katabi nito na yaya ng anak ko na si manang Bet. Agad na akong pumasok ng makaalis na kami.Sa byahe natatawa nalang ako sa anak dahil kwento ito ng kwento tungkol sa school Niya sa mga friends Niya, natutuwa ako at napakaactive nito sa school lagi siyang lumalahok sa contest. Napakabata pa nito Pero proud na proud na ako sakanya.Hindi n