Share

Kabanata 01

Devyn 

"Dev" Napalingon ako ng tawagin ako ni Elena, ang kaibigan kong loka loka nandito na naman. 

"Naku maraming papa do'n oh" Turo nito sa mga construction workers. 

"Ha? Bakit maraming papa doon? Hinahanap ba nila ang mga anak nila kawawa naman," Malungkot na sabi ko. 

"Gaga hindi iyon, mga gwapo ang sinasabi ko. gano'n kasi ang tawag ni baklang Kevin sa mga gwapong PAPA" Tumatawang paliwanag ni Elena. 

"Ang gulo naman, hindi ko maintindihan,"

"Ikaw ang magulo Dev, Kung saan-saan kaya napupunta 'yang isip mo, hindi na nga kita ma-rich" Tumatawang sabi ni Elena hindi ko na lamang ito pinansin, at inaayos ko ang mga paninda kong gulay. 

"Hello! mga suki, bili na kayo ng gulay ko fresh na fresh" Sigaw ko. 

"Hi Dev, pabili ako ng petchay mo" Sabi ni Carlo isa rin sa suki ko. 

"Hoy! napaka bastos mo haa!!" Biglang sabi ni Elena kay Carlo napakunot noo ako. 

"Anong bastos do'n? Bumibili ako dito" Tumatawang sabi ni Carlo. 

"Hah! Akala mo hindi ko alam 'yung sinabi mo ah bastos ka!" Sigaw ulit ni Elena. 

"Teka lang Elena, hindi naman siya bastos, bumibili lang naman siya ng petchay ko anong bastos do'n?" Takang sabi ko. 

"Nako, palibasa napaka inosente mo, tignan mo oh tumatawa pa itong bugok na'to," Galit na sabi ni Elena hindi ko na lamang ito pinansin. 

"Heto ang petchay, salamat" Abot ko dito

"Salamat rin, bibili ulit ako ng petchay mo sa susunod" Ngiting sabi ni Carlo sabay tingin sa palda ko at umalis na. 

"Tignan mo napaka bastos talaga kahit kailan, tinignan kapa sa palda manyakis talaga!" galit parin na sabi ni elene.

"Malay mo naman gusto din niya mag palda, baka naiinggit sa palda ko. Pero hindi naman na maganda ito luma na nga eh."

"Hay nako Dev, hindi ko na alam ang gagawin ko saiyo. Siya nga pala magpapasukan, na sabay na tayong mag enroll para Classmate ulit tayo,"

"Hindi ko pa alam kung makakapag enroll ako, itatanong ko pa si Nanay". 

"Bakit naman?, libre lang naman ang pagaaral natin nakatapos ka nga ng third year eh" Sabi ni Elena.

"Alam mo namang may sakit si Tonio, kaya kailangan kong magtinda hanggang sa gumaling ito."

"Bakit hindi ka humanap muna ng trabaho pansamantala lang, para makaipon ka at mapagamot mo si Tonio."

"Nako, wala nga akong mahanapan. Meron man maliit lang ang sasahurin, parehas lang sa kinikita ko sa gulayan." 

"Si aling Tessa na aalala mo?" Tanong bigla ni Elena. 

"Ahh, 'yong palagi natin kinukuhanan ng mangga sa bakuran nila dati" Sabi ko. 

"Oo, iyon nga nandito siya ngayon, diba sa maynila siya nagtatrabaho. No'ng nakaraan naka salubong ko siya tinatanong ako, kung gusto ko daw magtrabaho sa Maynila, iyon nga katulong din do'n sa amo ni aling Tessa, napakayaman daw no'n malaki magpasahod, eh iyon nga lang inayawan ko kasi hindi din ako papayagan ni Itay,"

"Kaya ang sabi nito ay, kung may kilala daw ako na gusto magtrabaho sa maynila, pumunta lang daw kay aling Tessa tatlong araw na lang siya dito satin" Ani Elena. 

"Naisip din kita, kaso mukang hindi ka din papayag na sa Maynila magtrabaho. lalo na't may sakit si Tonio" Sabi nitong muli. 

"Ah gano'n, sayang lang kasi sa Maynila pa, kung dito lang saatin papayag ako". 

At nagsimula na ako magtinda hanggang tanghali. kahit papano naman ay kumita ako ngayon dahil ilan lang kaming nagtitinda ng gulay dahil ang iba ay nasalanta ang mga pananim nilang gulay sa nakaraang bagyo.

Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si Tonio na hinihika ng ubo. 

"Ayos ka lang ba Tonio?" Natatarantang tanong ko. 

"Maayos lang ako ate Dev, naglaro po kasi kami ni Ayen sa labas napagod lang po siguro ako."

"Iyan na nga ang sinasabi ko, huwag ka naman magpakapagod dahil hindi pa natin alam ang iyong sakit. Pwede ka maglaro pero 'yung hindi ka mapapagod, nagkakaintindihan ba tayo" Saad ko. 

"Opo, ate Dev sorry po." 

'"Ayos lang iyon, nasaan pala si Nanay?"

"Kumukuha po ng mga halamang gamot para po saakin". 

Totong hindi pa namin alam ang sakit ni Tonio. Nag simula ito tatlong buwan na ang nakakalipas. Palagi na lang itong hinihika ng ubo at matigas ang plema. Hindi naman namin ito madala sa ospital dahil sa kabilang bayan pa iyon, at mamasahe pa kami. Sa pamasahe pa lang ay ubos na ang pera namin, kaya ang ginagawa na lamang ni Nanay ay pinapainom ito ng Oregano.

_______

Devyn

Kinaumagahan ay ako na ang nagluto ng almusal, dahil maaga naman akong nagising.

"Magandang umaga po inay itay, nakapagluto na po ako ng agahan natin". 

"Magandang umaga, tawagin mo na si Tonio do'n at nang makakain na tayo" Sabi ni Inay. 

Ng papunta pa lamang ako sa kwarto ay rinig ko ang sunod sunod na ubo nito, kaya minadaling kong pumunta. 

At ganun na lang ang aking gulat ng makitang sumusuka na ito ng dugo. 

"Toniooo" Sigaw ko. 

"Inay, Itay si Tonio po" Naiyak na ako dahil sa nangyayari sa kapatid ko. Kalunos-lunos itong tignan dahil napaka payat nito at maraming dugo ang damit. 

Isinugod na nga namin si Tonio sa Hospital, mabuti na lang talaga kahit papano ay may ipon ako ito ang ginamit namin pamasahe papuntang Hospital.

Nang makarating na kami sa Ospital ay inasikaso agad si Tonio. 

Naghintay kami ng ilang minuto at nalaman nga namin na meron itong tuberculosis. at malala pa ito dahil nagtagal ito ng tatlong buwan, mahaba-habang gamutan ito. ipinaliwanag narin ng Doctor kung bakit ito nagkasakit ng TB. Pati rin kami ay nagpa chineck dahil may posibilidad na mahawa kami at salamat naman sa panginoon na hindi naman kami nahawa.

At ngayon malaki ang problema namin sa pangbayad ng ospital, dahil macoconfine pa dito si Tonio, masyadong malala ang sakit niya kaya ilang buwan pa siyang kailangan manatili dito sa hospital.

Lumingon ako kila Inay at Itay makikita sa mukha nila ang pagaalala at problema, problema para sa gastusin. pero kahit papano ay nagpapasalamat padin kami, dahil nailigtas si Tonio. dahil ang sabi ng Doctor kanina kung tumagal pa ito ng tatlong linggo ay pwedeng ikamatay ito ng aking kapatid. 

"Inay, Itay bibili lang po ako ng pagkain," Paalam ko. 

"May pera kapa ba diyan anak?" 

Tanong ni Itay. 

"Opo, may natitira pa naman pong pera, para pang kain natin."

"Salamat anak" Umiiyak na sabi ni Itay. 

* * *

Lumipas ang ilang araw ay patuloy ang paggamot kay Tonio. Ngayon naman halos maiyak na ako sa kalagayan namin dito. wala na kaming pambili ng makakain mabuti na lamang ay nagbaon si Inay ng tinapay.

Nang biglang tumunog ang Telepono ko na de-keypad. tumatawag pala si Elena.

"Hello Elena," Umiiyak na sabi ko dito.

"Dev, maayos lang ba kayo diyan? si Tonio kamusta na? maayos na ba siya?"

"Medyo maayos na. pero kailangan ko ng pera ngayon para pambili ng mga gamot ni Tonio. anong gagawin ko wala na kaming kapera-pera dito hindi na nga kami makabili ng pagkain, Elena baka pwede naman maka utang sa mga magulang mo kahit magkano lang, basta makabili lang kami ng gamot ni Tonio" umiiyak na sabi ko. 

"Wala din kaming pera ngayon, alam mo naman yan, Dev nasalanta din ang aming mga tanim na gulay kaya hindi kami nakapag tinda, kaya pasensya na talaga." 

"Dev bakit hindi mo subukan na mamasukan ng katulong sa sinasabi ni aling Tessa, doon makakaipon ka" Ani nitong muli. 

'Tama malaki ang sahod, makakaipon ako at makapag padala kila inay. Ito na lang ang pwede kong gawin kung hindi ako kikilos walang mangyayari' at nagpaalam na kami ni Elena sa isat isat. 

Nang hapon naring iyon ay kinausap ko sila itay at inay na luluwas ako ng Maynila. Para makapag trabaho nahirapan man akong kumbinsihin si inay at itay, kalaunan din ay pumayag din sila...

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
minsan nalakainis din yo ng taong walang common sense
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bakit ganun ang buhay kapag mahirap
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status