Share

Kabanata 02

Devyn

"Mag-iingat ka sa Maynila anak, Maraming manloloko doon," Paalala ni Itay. 

"Pasesnya na Devyn anak, dapat ako ang gumagawa nito hindi ikaw. dapat pagaaral lang ang ginagawa mo" Umiiyak na saad ni Itay. 

"Itay, hindi po, Maayos lang po ako, para po ito sainyo lalo na kay Tonio para mapabilis ang kaniyang pag galing, " Umiiyak ko ring saad. 

"Anak magiingat ka doon, kapag hindi ka tinatrato ng maayos ng amo mo huwag kang magdalawang isip na umuwi ha," Ani Inay. 

"Opo inay."

Nagpaalam na ako kila Nanay, at bumyahe na pabalik saamin. 

Mga ilang minuto lamang ay natanaw ko na si Elena na kumakaway, nang makarating kami ay agad yumakap sa akin si Elena

"Kamusta na si Tonio? Ano na ang lagay niya? Sina Tiya at Tiyo Fred kamusta na?" tanong agad nito. 

"Maayos naman sila Inay at Itay, si Tonio naman ay kailangan nang makainom ng gamot," 

"Naku, halika pumunta na tayo kay aling Tessa."

Hindi na muna ako dumaan sa bahay, mas kailangan kong unahin si aling Tessa baka mamaya ay may makuha pa itong iba.

Sakto naman na palabas si aling Tessa sa bahay nila kaya tinawag na ito ni Elena

"Aling Tessa!"

Lumingon ito sa amin. 

"Oh, ikaw pala Elena anong sadya mo?"

"Aling Tessa, si Devyn nga pala anak nila Tiya Susan ay Tiyo Fred"

"Ay, ikaw na pala iyan hindi nga akong nagkamaling lumaki kang maganda, kamusta naman ang mga magulang mo?"

"Medyo hindi maayos ang mga magulang ko ngayon, kasi po 'yung kapatid ko po na si Tonio ay nasa hospital." Naiiyak na naman ako sa sitwasyon namin. 

"Aling Tessa, kaya nga po kami naparito ay gusto po ni Devyn na mag apply sa pagkakatulong, dahil kailangan niya pong kumita para sa kapatid nitong may sakit," Sabi naman ni Elena. 

Kahabag habag naman itong tinignan ni aling tessa.

"Sige, ikaw na lang ang kukunin ko mabuti naka-abot ka dahil kukunin ko sana si Danica."

"Maraming salamat po aling Tessa," Umiiyak kong sabi.

"Bukas na tayo aalis, dahil kailangan na ako sa mansyon, 7 ng umaga ay aalis na tayo. Sandali may kukunin lang ako," sabi ni aling Tessa at pumasok sa kanilang bahay. 

lang sandali lang lumabas ito at may inabot sa akin. 

"Iyan, ibigay mo sa Inay mo para kahit papano ay may panggastos sila." Inabutan ako ni aling Tessa ng tatlong libo. 

Hindi ko inaasahan na ganitong pera ang ipapahiram niya sa akin. 

"Naku, maraming salamat po malaking tulong po ito. Babayaran ko na lang po kayo sa unang sahod ko" Masayang sabi ko. 

"Hindi na hija, tulong ko na iyan sainyo," 

"Maraming salamat po talaga aling Tessa. "

"Salamat po aling Tessa, mauna na po kami," Nagpaalam na kami kay aling Tessa. 

* * *

Kinagabihan ay bumalik ako sa Ospital, para maibigay ko ang pera kila Inay. Nagluto narin ako ng pagkain nila alam ko namang hindi pa sila kumakain"

"inay" Tawag ko bakas ang gulat sa mukha nito. 

"Bakit bumalik ka anak? Hindi kaba tinanggap? May nahanap naba si Tessa?" Tanong ni Inay. Ngumiti naman ako. 

"Tinanggap po ako, Mabuti na lamang maaga1aga ako nakapunta kay aling tessa, dahil kukunin na pala niya po dapat si Danica anak ni aling fe."

"At binigyan pa po ako ni aling Tessa ng tatlong libo para daw po may panggatos kayo dito, sabi ko nga po ay babayaran ko na lang sa unang sahod ko, ngunit tumanggi ito tulong na daw po niya ito saatin" Masaya kong sinabi. 

"Napakabait talaga niyang ni Tessa, kahit noon pa matulungin na 'yan" Ani Inay

"Heto nga pala inay, nagluto ako ng pagkain." 

"Naku, napakabait talaga nang anak ko, sige gising mo na ang Itay mo ng makakain na tayo" Utos ni Inay. 

______

Devyn 

"Inay Itay, aalis na po ako. Mag iingat po kayo palagi, mahal na mahal ko po kayo,"

"Ikaw ang mag iingat anak dahil nasa maynila ka. Palagi mong aalagaan ang sarili mo, huwag kang magpapagutom. Mahal na mahal ka namin" Umiiyak na sabi ni inay h*****k na ako sa kanilang dalawa at lumapit kay tonio na natutulog.

"Magpagaling ka kapatid ko, huwag kang susuko mahal na mahal ka namin" At hinalikan ko ito sa noo. 

Alasingko bumiyahe na ako papunta kila aling Tessa.6:20 ako ng makarating sakanila. 

"Magandang umaga ho aling tessa" Ngiting bati ko. 

"Magandang umaga din, Devyn nakapag agahan kana ba?"

"Opo tapos na po." 

"Sige antayin mo ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko,"

"Sige po aling Tessa."

* * *

Bumiyahe na kami pa maynila ilang oras din ang aming binayahe nang makarating na kami sa manila.

Namamangha kong tinignan ang mga tanawin dito napaka daming naglalakihan na mga building ngunit masiyadong mausok hindi katulad duon saamin fresh ang hangin.

sumakay naman kami ng tricycle.

"Sa Zimmerman Residence manong" Sabi ni aling tessa. 

Ilang minuto lang ang binayahe namin nang makarating kami sa napaka taas na gate.

"Salamat manong."

"Halika na Devyn" aya ni aling Tessa, sumunod naman ako. 

May mga guard na nakapalibot dito 

"Oh, Manang Tessa, kamusta naman ang bakasyon mo?" tanong ng isang guard.

"Maayos naman."

Nang makapasok kami sa napakalaking bahay halos tumulo na ang aking laway sa pagkamangha na nararamdaman ko.

Napaka kintab ng sahig, pwede kanang mag salamin dito at napaka daming ilaw sa kisame. 

Ang buong kabahayan na ito ay talagang nakakamangha.napaka dami ring katulong sa paligid. 

"Hello manang Tessa, nakabalik na pala kayo" Ngiting sabi nang isang katulong. 

"Ah... oo ito nga pala si Devyn bagong makakasama ninyo," 

"Hi Devyn ako pala si isay."

"Hello pwede mo akong tawaging Dev" ngiting sabi ko. 

"Isay nandiyan naba si sir Voughn? tanong ni aling Tessa

'Sir Voughn? iyon ba ang magiging amo ko ang gwapo ng pangalan kaso panigurado ako matanda na iyon at panot' napangiti ako sa naisip ko. 

"Wala pa po manang Tessa" 

"Ah sige. Halika na Devyn magpalit kana para kapag pinakilala na kita kay sir eh nakaayos kana."

"Sige po,"

Inabot ni aling Tessa sa akin ang isang uniporme na pang katulong 'ang cute naman'

"Mag palit kana at mayamaya ay darating na si sir."

"Siya nga pala Devyn kapag dumating si sir kailangan nakayuko ka ha, kapag nakaalis na siya tsaka mona iingat ang ulo mo. Pinapaalalahan lang kita dahil meron ng natanggal na katulong dito dati, dahil sa pagkamangha nito sa kagwapuhan ni sir natulala lang ito at hindi manlang binigyang galang si sir Voughn kaya pinaalis ito dito ganun kalupit si sir" Mahabang sabi ni aling Tessa

Ngunit wala akong naintindihan sa sinabi ni aling Tessa dahil sa pagkamangha ko sa uniporme. feeling ko kasi kapag sinuot ko ito para akong prinsesa hihihi..

Hindi nga ako nagkamali ang ganada nga nito kapag suot kahit pang katulong lang ito para saakin para akong prinsesa dito umikot ikot pa ako natutuwa kasi ako sa palda.

"Halika na Devyn nandyan na si sir Vough yong sinabi ko sayo huwag mong kakalimutan" Tumango-tango ako.

"Opo" kahit hindi ko naman naintindihan ang sinabi ni aling Tessa kanina.

Pagbaba namin ni aling Tessa napakaraming katulong ang sunod sunod na nakahilera .

Inilagay ako ni aling Tessa sa dulong pila. mga nakayuko sila kaya ginaya ko na lang.

Nang may marinig akong tunong ng sapatos kaya hindi ko napigilan iangat ng kaonti ang aking mukha. at tinignan kung sino ito

Una kong nakita ang sapatos na itim. pataas ko itong tinignan naka suit ito iyong pang opisina. nang tignan ko ang katawan nito malaki ito ang mga braso nito ay mamasel rin at nang makita ko ang mukha nito napatulala na lamang ako

Napakagwapo nito mas gwapo pa ata ito sa mga artista sa t.v na napapanuod ko.

Napaka kinis ng mukha nito at maputi. ang labi nitong manipis na may pagka pula at ilong nitong napakatangos at ang mga kilay na makakapal.

Nakatingin din pala ito saakin. ako naman ay hindi maalis alis ang tingin dito dahil nakakasilaw ang kagwapuhan nito baka naman anghel ito.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ito at titig na titig sa akinKumunot ang nuo ko at sinabing..

"Anghel kapo ba?" tanong ko. 

ngumisi naman ito. 

"No i am Demon" ngising sagot nito. 

Gulat ko itong tignan........

_________________

+Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading:>>

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lia Negradas
una plng nbass ko maganda na .
goodnovel comment avatar
elejane villaflor
napakaganda ng sinabi ni aling tissa kaso hindi nakinig patai ka ngayon
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. CariƱo
nakakatuwa nmn ang kwento,me pagkacomedy at nkakaalis ng bagot
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status