Share

Special Chapter II

Isay

"Isay, gumising ka diyan tignan mo ang anak mo at aalis na ako." Rinig kong saad ni Inay.

Inis akong bumangon at masamang tinignan ang batang nasa kuna.

"Pa-gatasin mo na 'yan, at pupunta na ako sa palengke." Ani Inay at umalis na ito. Pagkalabas nito ay agad akong bumalik sa paghiga at nagtalukbong ng kumot. Ngunit ang makulit na batang ito ay ngumawa ng malakas.

"Ano ba!" Sigaw ko rito, mas lalo itong umiyak. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi ito inintindi. Pero napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod nitong pag-ubo hanggang sa sumuka ito. Natataranta akong lumapit kay Lucas at binuhat. Do'n ko lang napagtantong nilalagnat pala ito.

"Ano bang nangyayari sa'yo." Pinunasan ko ang kaniyang bibig at kumuha ng tubig para painumin ito. Matapos ay inilagay ko siya muli sa kuna para kunin ang planggana at bimpo.

Patuloy parin ito sa pag-iyak. Kaya lalo akong natataranta. Nanginginig ko itong pinunasan. Napatitig ako sa kaniyang mukha. No'n tuwing tinitignan ko ang m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leah Guzon
sana nga isay magbago kna bago mahuli ang lahat wala kasalanan ang bata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status