Share

Kabanata Apat

Dumating ang araw ng sabado. Ilang oras nalang ay darating na si Clark para sunduin siya. Alas otso ng umaga ang usapan pinaalala iyon muli ng kaibigan nang nagdaang gabi na magkausap sila. Kaya naman ay maaga nga siyang gumising. Pero ito sya ngayon at nakatulala habang nakatitig sa mga nakasabog niyang damit sa kama na kanina pa niya pinagpipilian ngunit hindi niya mapagpasyahan kung alin sa mga ito ang isusuot. Lahat na ata na laman ng dresser niya ay nailabas na niya.

Hays! Bakit ba sya na pi-pressure sa kung ano ang isusuot? Ibig bang sabihin nun ay inaalala pa rin niya ang magiging impression ng lalaki sa kanya?

A big yes! Hindi mo pa kasi aminin na gusto mong maging kabigha-bighani sa paningin ng dati mong nobyo, bulong ng isip niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo at agad na pinalis ang isiping iyon.

No! Wala sa intensyon niya ang magpa- impressed kay Clark. Nais niya lamang na maging akma ang magiging kasuotan niya sa salu-salo at siyempre pa maging presentable sa paningin ni Lola Consuelo. Iyon lang iyon, kumbinse niya sa sarili.

Isang sulyap pa sa mga nakakalat niyang damit ay walang pag- alinlangan na hinablot niya ang isang honeyspot allover floral print bustier skater dress. Regalo iyon ni Trisha ang asawang kauli ng ama. Magaling sa pananamit ang step-mom niya palibhasa kasi ay isang couture.

Naisip niyang tamang-tama lamang ang suot sa mainit na panahon. Mabilis na siyang nagbihis nang masulyapan ang orasan.Tinernuhan niya ang bestida ng pearl earrings at seksing sandalyas na puti.

Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang brownish na buhok at tanging pulang lipstick lamang ang siyang kolorete sa mukha. Sa totoo lang ay hindi naman talaga sya mahilig maglagay ng kung anong pampakulay sa pisngi. Mas gusto pa rin niyang mag-mukhang natural at simple. Kung hindi nga lang sa tawag ng trabaho ay hindi sya maglalagay ng makapal na make-up sa mukha.

Nang matapos sa pag-aayos ay binistahan niya ang sarili sa salamin. Hindi naman sa nabubuhat sya ng bangko but she looks so fresh and stunning. Awtomatiko na sinilayan sya ng ngiti sa labi. Sino ang mag-aakalang she's thirty- eight, papasa siyang bente-anyos sa ayos niyang iyon.

Aminado naman sya na sa nature ng kanilang trabaho ay hindi maaaring magpabaya sa katawan dahil ito ang nagsisilbi nilang puhunan. kaya ganoon na lamang ang pag-iingat at pag-aalaga niya sa sarili. Kailangang manatili silang maganda at glamorosa.

Isang ikot pa sa salamin at isang ubod lalim na paghinga ang ginawa. Tinitigaan niya ng matiim ang sarili. She's now ready to face Clark again and no matter what happened ay pananatilihin niya ang pagiging kalmado. Saglit pa ay ingay nang pumaradang sasakyan ang naulanigan niya mula sa kalsada.

Nataranta tuloy sya sa biglang pagdunggol ng kaba sa kanyang dibdib. Jusko! Kasasabi niya lang na magiging kalmado sya pero heto at natuturete na agad sa ingay ng oto ng lalaki. Saglit pa at tunog ng doorbell naman ang kasunod. Hudyat na dumating na nga ang hinihintay at nasa mismong pintuan na niya. Hinayaan na niyang bukas ang bakal na gate kanina sa labas para tuluyang makapasok si Clark.

Mahigpit ang security sa village kaya walang mangangahas na makapasok na hindi taga-loob.

Dahil roon ay kampante sya sa kanyang seguridad kahit na nag-iisa lamang sya sa bahay.

She stands straight and makes a deep sigh to release some negativity. Pagtapos ay marahan siyang naglakad palapit sa pintuan, humugot muli ng malalim na paghinga, bago dahan-dahang binuksan ang pintuan

Bumara sa lalamunan ni Anya ang hininga nang bumungad ang bulto ng binatang doktor.

How devilishly handsome this man always took her breath away. Ang puso niyang naging eratiko ang tibok ay halos gustong kumawala sa pagkakakabit sa dibdib niya. Clark is wearing a gray long-sleeved polo na nakatupi ang mga manggas sa siko. Ang pambaba ay khaki shorts and a pair of white Gucci sneakers.

Bagong gupit ang binata, clean-cut style. Malinis na malinis ang mukha gawa ng aftershave at napakabango. Ang natural na amoy ng lalaki ay tila nakapagkit na sa kanyang sistema at tila kay-hirap nang hiklasin.

Kapansin-pansin ang suot na Rayban Aviator ng binata sa mata na higit na nagpalakas ng karakter nito.

Mahihiya ang mga nag- uusbungang batang mga modelo sa panahon ngayon sa awra ng lalaki. Nakapaloob ang isang kamay ni Clark sa bulsa ng short nito, larawan nang pagkainip.

“I have an urgent meeting today, ” bungad agad ng lalaki ni walang pagbati man lang ng magandang umaga. Reklamo agad ang banat.

"Kung han-"

" Yes, I'm ready," sagot agad niya na hindi na pinatapos sa pagsasalita ang bagong dating.

He must be a busy man. "Jeez Eunice!" Bulong ng dalaga sa sarili. Ngayon pa lang ay naku-konsensya na sya sa pagka-abala niya rito.

Bahagyang tumango si Clark na nagpatiuna nang naglakad palapit sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.

Nagmamadali naman na ini-lock ni Anya ang pinto ng bahay at sumunod agad sa lalaki.

In fairness to him, kahit sa gitna ng kasungitan ay nagawa naman siyang pagbuksan ng sasakyan. "Maginoo pa rin pala.'Aniya sa sarili.

Lulan ng Ford Mustang ay binaybay nila ang Edsa patungong Alabang. Banayad lang ang patakbo ni Clark. Mabuti na lamang at sabado walang gaanong traffic kaya tuloy-tuloy ang naging biyahe nila.

Lagpas bente minutos na sila sa kalye ay napakapormal pa rin ng lalaki, nakatuon lamang ang pansin nito sa pagmamaneho at ni hindi man lang nag-abala na tapunan siya ng sulyap. Siya naman ay nangawit na ang leeg sa katatanaw sa labas. Isinandal niya ang likod sa upuan pagkatapos ay marahang nilinga ang kasama. at lihim itong pinagmasdan.

He’s changed a lot. He looks more dominant. Ambitious and influential.

Malayo na ito sa dating malambing na si Clark Zantillan. Kung mayroon man sigurong hindi nagbago sa lalaki ay ang pagiging bohemyo nito. Kagabi ay pinagkaabalahan niyang i+stalk ang social media account ng lalaki. Mapa G****e-F*, I*, Twitter o kung YouTube account ba ito. Nagkataon namang detalyado ang mga write-ups patungkol sa binata kung saan ay laging laman ito ng mga babasahin. Nabasa niya roon ang mga 'di birong achievements at accomplishments ni Clark.

Isa na nga itong tanyag na siruhano. Laman din ito ng mga charitable institutions, bilang pilantropong doktor. Hindi niya maiwasang humanga at maging proud sa dating katipan. Malayong-malayo na ang narating ng lalaki. Naabot nito ang minimithing pangarap nang higit pa sa inaasahan niya.

Ang ibang artikulo naman ay kung kani-kanino iniuugnay ang binata mapa- modelo, politiko, artista at ang latest pa nga ay sa isang former beauty titleholder. Sa totoo lang ay kumirot ng bahagya ang puso niya sa mga nabasa at napanood. May naramdaman siyang pananaghili para sa mga babaeng napaugnay sa lalaki. Ngunit may isang bagay sana siyang nais na malaman kay Clark na hindi masagot ng miske G****e.

At ang bagay na iyon ay labis niyang pinagtatakhan at nag-iwan sa kanya ng malaking katanungan.

"Don't stare at me like the way you used to. Stop acting like a madly in-love teenager. That's shit." salita ni Clark.

Nabigla man si Anya sa biglang pagsalita ng lalaki ay hindi sya nagpahalata. Diyata't pansin pala ng kasama ang mga ginagawa niyang manaka-nakang pagmasid rito. Kung ganoon ay hindi lang siya ang nakikiramdam sa mga oras na ito. Maaring maging sya ay pinag-aaralan rin ng lalaki. Masakit ang binitawan nitong salita. Ramdam niya ang paguhit ng kirot sa kanyang dibdib. Isang impit at malungkot na buntong hininga ang ginawa niya.

"I'm sorry, gusto ko lang namang humingi ng paumanhin sa abala..." Basag ni Anya sa sumunod na katahimikan.

"How can I say no to Eunice? Oh, I should rephrase the question. How can I say no to the woman who's married to the best friend?" Agaw ni Clark sa sarkastikong tono sabay sulyap sa kanya.

Batid na ni Anya ang bagay na iyon, na kaya lang naman sya sinundo ni Clark ay dahil sa pakiusap ng kaibigang si Eunice. Ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng hapdi sa talas ng mga salita ng binata.

"Again, I'm sorry -"

"Why, guilty?" Clark insinuating.

“Look, I'm just trying to be nice to you." ang hindi na nakapagpigil na sambit niya.

"Meron naman tayong pinagsamahan. Hindi natin kailangang mag-angilan na parang mga ---" She paused a bit whe she figured something. "W…we can be friends if-”

Sukat humalakhak si Clark hindi pa man tapos ang gusto niyang sabihin.

Huli na nang tumimo sa isip niya ang huling tinuran.

”Really? Kinakaibigan mo ba talaga lahat ng lalaking nakakalaro mo sa kama?” Clark asked mockingly.

Her face went red sa tahasang patutsada ng binata.

How dare this man say such words? He's starting to piss her off.

Lantaran sya nitong ini-insulto at talagang pinangangatawanan ang paniniwala na isa nga siyang bayarang babae. Pero katulad ng nauna na niyang plano ay pilit pa rin siyang nagpakahinahon kahit na masyado nang kinukutya ni Clark ang pagkatao niya. At isipin na lamang na ang lalaking ito ang tanging laman ng puso't isipan niya sa mahabang panahon.

“You hate me right?” tanong niya kahit na nagmukha siyang istupida sa ginawa.

Once and for all ay gusto niyang malaman ang tunay na saloobin ni Clark towards her, kahit dulot pa niyon ay ibayong sakit sa kanyang damdamin.

“Oh thank you. How nice of you to ask me that. Do You want an answer?” He said when he glared at her again.

She didn't say anything. Napayuko siya at minabuting manahimik.

Clark hates her.

At hindi nakapagtataka ang bagay na iyon. Hindi napaghilom ng panahon ang galit sa puso nito.

Lihim siyang nagtangis at Ipinako na lamang ang paningin sa labas at hindi na muling nagsalita.

Shit! Mura ni Clark sa sarili. Hindi niya sukat akalaing sa mga oras na ito pa piniling itanong ni Anya ang bagay na iyon. Nakita niya ang paglatay ng sakit sa maganda nitong mukha. Ang pananahimik nito ay ipinagpalagay niyang natumbok niya ang lahat ng katotohanan sa mga sinabi.

What she did to him twenty years ago was too much to take. He never anticipated at her young age, that she could hurt him that much. Kulang ang salitang kinasusuklaman niya ang babae. Kung mayroon mang hindi nagbago ay ang nararamdaman niya para kay Anya.

The desire for her still haunts him and it is so intense. At sa pagbabalik nito ay ginawa lang nitong kumplikado ang lahat. Binulabog nitong muli ang mundo niya.

Never in his thoughts na masisilayan si Anya sa event ni, Eunice. Totoong nabigla sya sa paglitaw nito sa entablado. At habang pinagmamasdan niya ang babae sa kaakit- akit nitong galaw at mapanuksong mga ngiti ng mata ay nag-igtingan ang kanyang mga bagang. Halos ikabaliw niya na pinagpyi-pyestahan ang katawan nito ng mga kalalakihang naroon sa bulwagan. At kulang na lang ay isa-isa niyang balian ng leeg ang mga lalaking umali-aligid sa dalaga katunayan ay wala siyang ibang ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos at galaw ni Anya ng gabing iyon.

He hates her and at the same time wants her so badly.

Nang mabungaran niya ito kanina sa pinto kulang na lang ay higitin niya ang babae at ikulong sa kanyang mga bisig. He can't deny the fact that he's lusted at her. Her scent is so tempting, she looks fresh and alluring. The sight of her makes him want to make love to her right there behind the door. But he calm his nerves.

Mula nang magkita silang muli ni Anya ay lagi nang hanap ng sistema niya ang presensiya nito. Hindi siya napagkakatulog ng mga nakalipas na gabi. The scent of her in his bed was so firm and intense na hindi niya maialis sa kanyang sistema. Kailangan pa niyang lunurin sa alak ang sarili gabi-gabi para saglit na makalimutan ang babae. Muling nanariwa ang pait ng nakaraan na buong akala niya'y napaghilom na ng panahon.

Kaya't naisip niya tutal ay si Anya naman ang nagbalik pagkakataon niya na ito to give her a taste of her own medicine. Ipaparamdam niya sa dating kasintahan ang sakit na idinulot nito sa kanya nang magpasya itong iwanan sya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status