It is past eight o'clock in the evening when Anya arrives at Peninsula Manila. She stepped down of the cab and gave her key to the valet who approached her arrival. Then she headed to the Hotel.Nakita ng dalaga ang pagkaway ni Eunice pagpasok pa lamang niya ng bulwagan. She formed a sweet smile on her lips bago marahang naglakad palapit sa kaibigan. Sinalubong na rin siya ng babae kasunod ang asawa nito. Nagyakap silang magkaibigan bago bineso niya si Vince. Pagkatapos ay Iginiya na sya ng mag-asawa sa upuan ng mga ito.Humalik at nagmano siya kay Lola Consuelo na tuwang-tuwa nang makita siya. Hindi maitago ang pangingislap ng mga mata ng matanda. Isang makahulugang tingin ang ibinatao sa kanya ni Eunice na tila ba sinasabing...See? She made a wry smile and mouthed sorry to her. Nanganib kasi na hindi sya makapunta.It's Lola Consuelo's 80th birthday. At napaka-glamorosa sa kasuotan nito na mala Queen Elizabeth.Bago kasi ang kaarawan ng senyora ay nagpasabi na siya kay Eunice na bak
“Can’t breathe?” Hindi kailangang lumingon ni Anya para lamang mahulaan kung kanino galing ang boses mula sa kanyang likuran. Ang malagom na tinig na iyon ni Clark ay nagdulot nang paninigas ng kanyang likod. She froze. Nanatili sya sa kanyang puwesto at nagpakawala sya nang mabababaw na paghinga. Naramdaman niya ang mabagal na paglapit ng bulto, huminto ito right beside her. Banaag niya ang anino ng binata sa dilim, nakapamulsa ito. Oh God, she missed him so much. Kung maaari nga lang na takbuhin niya ito ng yakap upang damhin ang init nito at nang maibsan ang kanyang pangungulila. Subalit wala sya sa maling katinuan para gawin ang bagay na iyon. May natitira pa rin naman syang respeto at pagpapahalaga sa sarili. Pero ano ang ginagawa ng lalaki dito sa labas? Sadya bang sinundan sya nito? No! Ito na naman sya sa kanyang mga hopeless thoughts. Pinili niyang magsawalang -kibo at 'wag na lamang itong pansinin. Kunwa ay wala siyang narinig at nakita. Kailangan niyang bakuran ang sarili
Sa mga lumipas na araw ay laging magkasama sila Anya at Rence. Unang beses kasi ito ng lalaki na nakapagbakasyon sa Pilipinas. Kaya naman ay ipinasyal ito ni Anya sa mga naggagandahang lugar dito sa bansa. Partikular na ang pamosong Boracay na isa sa may napakagandang bay-bayin. Naging popular itong pasyalan ng mga turista at talagang dinarayo dahil sa malinis na dalampasigan, mapuputing buhangin at matingkad na kulay asul na tubig. Isa rin ito sa may pinakamagandang view ng sunset. Isang linggo rin ang inilagi nila ni Rence sa isla at kung hindi nga lamang suma-sama ang kanyang pakiramdam ay mag extend pa sana sila ng ilang araw para makapag-liwaliw ng lubos. Plano kasi nilang tumawid ng Siargao. Rence loves surfing, isa iyon sa pinaka-hobby nito maliban sa car racing. Hapon na nang lumapag sila sa Maynila. Inihatid muna sya ni Rence sa tinutuluyan niyang bahay bago nagpaalam itong may kikitaing kaibigan sa isa sa mga kilalang disco pub sa bgc. At kahit sinabihan niya ang binata na
Halos hindi mapaniwalaan ni Anya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark. Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa pagkatao niya para hayagan siya nitong bastusin at insultuhin? Binibili nito ang kanyang pagkatao. Tuloy ay hindi niya maiwasang makaramdam muli ng panliliit. Anong akala nito gahaman siya pagdating sa salapi? She calms her nerves. Dahil pakiramdam niya ay nagsisimula nang maghimagsik ang kanyang dugo.“Not easy for me to throw someone close to me. I'm sorry but---""Really?" Clark interrupted. "Coming from you huh?" Mocking hostility in his voice. "That's something that is not new to you... You're good at putting someone through hell....right Anya?" There was an edge of resentment in his tone as he added. Hindi naman nakapag-salita agad si Anya, hinuhusgahan sya ni Clark at tila punyal na tumatarak sa kanyang dibdib ang mga sinasabi nito. Ganoon ba kasama ang pagkakakilala ng lalaki sa kanya? Yumuko ang dalaga sa kabila nang pagbangon ng galit sa kanyang dibdib.She
Taong 1997-” Anya, apo parine na at inihahanda ko na ang pinangat na gabi sa sisidlan sinamahan ko na rin ng sumang moron. Maaari mo na itong ihatid sa Villa at malamang ay naghihintay na sayo si Luding.” malakas ang boses na wika ni Lola Mareng. Kasalukuyan itong nasa kusina at katatapos lang isalansan sa may katamtamang laki ng basket ang limang tali ng pinangat na laing at sampung sumang moron. Tinakpan nito iyon ng malapad na dahon ng saging at pinatungan ng tela. Nang matapos sa ginagawa si Lola Mareng ay hinila nito ang nakasampay na telang katsa sa may balikat. Pinunasan ang pawis sa noo at buong mukha. Pagkaapos ay naupo sa bangko para hintayin ang apo. “Andiyan na po, La.” Si Anya na nagmamadali nang tumungo sa kusina mula sa kanyang silid. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nitong tinatali sa likod ang may kahabaang buhok. Lumapit agad ang dalaga sa kanyang abuela. “Lola, hinintay niyo na lang po sana ako na makapagbihis para ako na po ang naghanda ng mga dadalhin kay
Pauwi na noon si Anya mula sa pagde-deliver ng Laing at sumang Moron sa bayan, may suki sila roon na nagmamay-ari ng isang Pansiterya sa may Plaza malapit sa Munisipyo. Katulad ng mga Zantillan ay regular rin na umo-order sa kanila si Aling Marta. Dating kusinera ng pamilya Zaavedra ang medyo may-edad nang babae. Nang mag-migrate sa States ang pamilyang pinagsisilbihan ay nagtayo ito ng isang maliit na negosyo na pinangalanang Pansiterya ni Marta. Kung ang Lola Mareng niya ang may pinakamasarap na lutong laing sa buong San Isidro, si Aling Marta naman ay nakilala sa pagluluto ng pinakamasarap na pansit sa bayan nila. Katunayan ay iilang buwan pa lamang na tumatakbo ang Pansiterya nito ay naging pamoso na agad dahil sa dumaraming parukyano. Habang inaayos ang sisidlang basket ay nagpaalam na si Anya sa babae.“Aling Marta, hindi na ho ako magtatagal at siguradong maghihintay po sa akin si Lola.” aniya. Lumapit sa kanya si Aling Marta na noo'y abala sa counter. Nakangiti ang babae n
Jusmiyo! Bakit ba kasi hindi ka man lang nag-preno ng bibig mo, ayan tuloy mukhang matatarayan ka pa ngayon. Kastigo ni Anya sa sarili. Nanahimik na lang kasi bigla si Kate. Ngunit maya-maya sa hindi malamang dahilan ay sukat bumunghalit na lamang ito ng tawa. Kunot noo na napatitig rito si Anya. May nakakatawa ba sa kanyang sinabi? Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Tawang-tawa kasi si Kate na halos umalog pa sa kinauupuan at animo walang iniindang sakit sa katawan. Maya-maya ang kunot sa noo ni Anya ay nahalinhinan ng ngiti. Kumislap ang mata niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaksihan niya na tumawa at ngumiti ang mga mata ni Kate. Bagay na hindi nito ginagawa. Tahimik lang kasi ito sa loob ng classroom. Nakaupo lang at ni hindi nag pa-participate sa klase. Malimit nya rin itong makita sa mga tagong bahagi ng akademya at nahuhuli niyang naninigarilyo. Hula pa nga niya kaya siya nito hinaharang na makapasok sa villa sa pag-aakala siguro na magsusumbong sya sa mga magu
Araw ng Sabado at nagkayayaang muli ang magkaibigang Kate at Anya na tumungo ng Pakol, Paborito pa lang tambayan ni Kate ang lugar dahil sa tahimik na atmospera rito. Pasado alas tres ng hapon nang daanan sya ni Kate sa bahay nila. Hindi ang paborito nitong bike ang dala kundi isang bagong scooter.Ipinagpaalam sya ng kaibigan sa Lola Mareng niya. Magiliw si Kate kaya mabilis nitong napahinuhod ang kanyang Lola. Katunayan ay pinabaon pa sila nito ng sumang Moron. Labis naman ang naging katuwaan ni Kate dahil naging paborito na nito ang nasabing kakanin. Nangako na lamang sila sa matanda na hindi rin magtatagal. Pinayuhan na lamang sila ni Lola Mareng na mag-iingat. Madalas ay dala-dala ni Kate ang gitara nito katulad ngayon. Natuklasan ni Anya na may nakatago palang talento sa pag-awit ang kaibigan. Mahilig rin itong gumawa ng sarili niyang komposisyon. Agad silang pumwesto sa lilim ng isang mayabong na puno pagkarating sa lugar. Kasabay nang pagtipa sa kanyang gitara ay nagsimula