Share

Kabanata Labing-Tatlo

Taong 1997-” Anya, apo parine na at inihahanda ko na ang pinangat na gabi sa sisidlan sinamahan ko na rin ng sumang moron. Maaari mo na itong ihatid sa Villa at malamang ay naghihintay na sayo si Luding.” malakas ang boses na wika ni Lola Mareng.

Kasalukuyan itong nasa kusina at katatapos lang isalansan sa may katamtamang laki ng basket ang limang tali ng pinangat na laing at sampung sumang moron. Tinakpan nito iyon ng malapad na dahon ng saging at pinatungan ng tela. Nang matapos sa ginagawa si Lola Mareng ay hinila nito ang nakasampay na telang katsa sa may balikat. Pinunasan ang pawis sa noo at buong mukha. Pagkaapos ay naupo sa bangko para hintayin ang apo.

“Andiyan na po, La.” Si Anya na nagmamadali nang tumungo sa kusina mula sa kanyang silid. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nitong tinatali sa likod ang may kahabaang buhok. Lumapit agad ang dalaga sa kanyang abuela.

“Lola, hinintay niyo na lang po sana ako na makapagbihis para ako na po ang naghanda ng mga dadalhin kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status