Share

Chapter 40

Andrea

Project na naman ang gagawin namin. Sa lumipas na araw at linggo ay mas lalo kaming naging abala. Ang sabi ng isa sa mga guro namin ay mas magiging mahirap daw sa mga susunod na grading.

May mas ihihirap pa pala ito. Ang sabi nila ay mas madali daw ang math ngayong grade 10 pero parang hindi. Ewan ko ba kung bakit parang wala akong naiintindihan sa mga itinuturo nila ngayon.

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa damuhan. Kailangan ko ng kaunting katahimikan dahil ang sakit na ng ulo ko. Punyetang ulo 'to, eh. Laging sumasakit.

Hindi ko alam ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko sa t'wing marami akong nalalaman dahil sa pag-aaral. Dati naman akong hindi ganito.

Hindi alam nila mama 'to, dahil hindi ko sinasabi. Ayoko na dumagdag pa sa isipin nila. Kahit kela kuya. Magka-away sila nung mga girlfriend nila kasi nga lagi silang busy sa ML.

Nawalan na sila ng time sa mga jowa nila kaya ayun, nagalit sa kanila mga jowa nila. Humaling na humaling kasi sa ML, eh.

May naramdaman akong presensya sa tabi ko kaya nagmulat ako ng mata. Si hagdan lang pala. Akala ko kung sino na.

Humiga din siya sa tabi ko at ginawang unan ang braso niya. Ngayon ko lang napansin na mas gwapo pala si hagdan sa malapitan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"You? What are you doing here?"

'Tong mga taong 'to talaga, eh. Kapag nagtatanong ako, tatanungin din ako pabalik. Mga punyeta eh.

"Nakahiga." Sagot ko.

"Same."

"Tss."

Nanatili kaming nakahiga sa damuhan. Walang nagsasalita sa amin at pareho lang naming pinagmamasdan ang ganda ng langit.

Kulay asul na asul ito. Ang ganda ng langit. Ang sarap pagmasdan.

"Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" Biglang tanong niya.

Suminghap muna ako ng hangin bago sumagot. "Minsan." Sagot ko.

"Marami ka sigurong iniisip, that's why your head aches." Aniya.

Sobrang dami nga ng iniisip ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin para mabawasan iyon. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit madalas na sumasakit ang ulo ko.

"Bakit nga pala nandito ka? Bakit hindi ka kumain kasabay nila Lexa?" Pag-iiba ko sa usapan.

"I don't have an appetite." Sagot niya.

"Wala kang gana kasi wala ako?" Pang-aasar ko.

"Tss. I just don't have an appetite."

"Tss."

Hindi na madalas gumanti si Alistair sa mga pang-aasar ko sa kaniya. Hindi na din kami madalas mag-away. Kung noon ay nag-aaway kami sa tuwing magkasama kami, ngayon hindi na.

Nakakapag-usap na kami ng ayus, minsan. Minsan kasi ay napipikon siya sa nga pang-aasar ko sa kaniya. May pagka pikon nga siya noong mga nakaraan gaya ng sabi ko noon.

"Why don't you have a boyfriend? You're pretty."

'Yan na naman ang tanong na 'yan. Ano naman kung wala akong boyfriend? Dami nilang problema sa buhay.

"Kasi ayoko." Sagot ko.

"Why?" Tanong niya.

Bakit? Dahil wala akong pake sa ganun. Gastos lang 'yun, ako nga ay wala ng pera tapos paglalaanan ko pa 'yung magiging boyfriend ko. Tss.

"Nagsisimula ka na namang maging bading, eh." Ani ko saka naupo.

Tinignan ko siya na hindi na maipinta ang mukha dahil sa sinabi ko. Napikon na naman siya.

Naupo din siya at saka ako tinitigan sa mga mata. Maganda rin pala ang mga mata niyang kulay brown. Ang sarap pagmasdan.

"Do you want me to kiss you to prove to you that I'm not a gay?" Sumilay ang ngisi sa labi niya saka inilapit ang mukha sa akin.

Nai-atras ko tuloy ang mukha ko dahil sa ginawa niya. "Lumayo ka nga." Itinulak ko siya papalayo sa akin dahil kaunti nalang ay mahahalikan na niya ako.

Tumayo ako saka ko siya sinamaan ng tingin. Ang loko ay ngingiti ngiti lang na animong bata na nakuha ang gusto niya.

Iniwan ko siyang mag-isa doon dahil baka masapok ko pa 'yun ng isa. Ang balak kong pagpapahinga ay naudlot dahil sa kaniya.

MAPEH na naman ang subject namin. Nakakasawa na, punyeta. Sana naman ay may bago siyang ituro sa amin ng hindi boring.

"You know a lot of self defense, right?" Tanong niya sa isa sa mga kaklase ko na pinapunta niya sa harap.

"Yes, sir." Sagot nito.

Tumingin siya sa 'kin kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Napabuntong hininga ako noong papuntahin niya ako sa unahan.

Ano na naman kaya ang balak niya? Ako na naman ang ginawang halimbawa. Dapat ay si Jake ulit ng may masaktan ako.

"Try to defense yourself from Smith. Ilagan mo ang bawat atake na ibabato niya sa 'yo. Show us what you've got."

"Bakit hindi nalang ikaw ang umatake?" Tanong ko kay sem.

"It's better if student vs. student." Sagot niya.

May ganun pa siyang nalalaman eh.

"Pasensyahan tayo kapag hindi ka nakailag. Masasaktan ka, kaya ipakita mo ang natutunan mo." Sabi ko sa kaharap ko.

Wala talaga akong magagawa kapag hindi siya nakailag. Hindi ko na kasalanan 'yon. Masasaktan talaga siya sa 'kin. Walang exception kahit na hindi ko siya kilala.

Naghanda siya at titig na titig sa akin. Inaabangan ang gagawin kong atake. Sumuntok ako na inilagan niya. Sumuntok ako ng isa pa na inilagan niya lang muli.

Nagpatuloy ang ginagawa namin na puro atake ang ginagawa ko siya naman ay panay ang ilag. Minsan ay natatamaan siya minsan ay nakakailag siya.

Sumuntok ako ng isa sa mukha niya na nagawa niyang ilagan ngunit hindi niya inaasahan ang pagsipa ko sa tiyan niya kaya natamaan siya at napaatras.

Hinihingal man ay hinamon niya ulit ako na sumugod sa kaniya. Hindi siya marunong sumuko. 'Yan ang gusto ko. Nginisian ko siya saka ako tumalon sa ere at sinipa siya sa balikat.

Balak kong sa mukha siya sipain kaso naisip ko na baka makatulog pa 'to dito. Kawawa naman. Marunong pa rin naman akong maawa kahit papaano.

Sumuntok at sumipa ako na iniwasan niya. Noong sumipa ulit ako ay sinangga niya iyon gamit ang kamay niya.

Pagkasipa ko ay siniko ko siya sa mukha na hindi niya inaasahan kaya natamaan siyang muli.

Puro sakit ang natamo niya mula sa pag-ilag sa akin. Kawawa niya. Kung hindi kami pinatigil ni seonsengnim ay wala siyang balak na sumuko. Determinado siya.

Nasa rooftop kami at nagpapahinga. Wala kaming klase ngayon dahil wala ang teacher namin sa English.

"Bakit naman hindi ka nag dahan-dahan sa pag atake kanina?" Tanong ni Jake sa akin.

"Oo nga naman, Andrea. Ang sakit ng body niya because of what you did." Ani naman ni Lexa.

"Don't you know how to control your moves and strength when your attacking someone?" Tanong ni Raia.

"Hindi ako makikipaglaban sa iyo, kay Jake nalang ako." Ani naman ni Tris.

Wala akong balak na bawasan ang lakas na ginagamit ko sa pakikipaglaban kahit na sa eskwelahan pa iyon.

Kung ang kapatid ko ay hindi ko pinalampas, sila pa kaya? Kung gusto talaga nilang matuto ay titiisin nila ang sakit ng katawan.

"You know how to control your strength but you don't want to do it." Ani Alistair.

"Tama." Saad ko.

Nahulaan niya 'yon.

"Why?" Takang tanong ni Lexa.

"Dahil kung gusto talaga nilang matuto..."

"Titiisin nila ang kahit ano." Sabay naming sabi ni Jake.

'Yon ang sabi sa amin ni seonsengnim. Noon ay ganoon din ang ginagawa niya sa amin. Kahit na nasasaktan kami ay wala siyang pake.

Tiniis namin ang mga sakit ng katawan na iyon habang nakikipag laban kami sa kaniya. Determinado kaming dalawa ni Jake noon na matuto, kaya kahit na kulang sa tulog at masakit ang katawan namin ay hindi kami sumusuko.

Kanina rin habang naglalaban kami nung kaklase ko ay hindi siya nakikielam dahil nga siya mismo ang nagsabi noon nung salita na iyon.

"Kung gusto niyong matuto, tiisin niyo ang mga sakit at pagod. Kung determinado kayo, hindi kayo susuko at magpapatuloy kayo sa pag-aaral na ito."

'Yan ang lagi niyang sinasabi sa amin araw araw sa tuwing nakikita niya na parang nanghihina na kami.

Naglalakad ako habang pauwi. Kasabay ko kasi sila kuya kanina at ngayon ay nauna silang umuwi dahil maglalaro na sila ng ML.

Mga mukhang ML ang mga 'yon.

Habang naglalakad ako ay may bumusinang sasakyan sa gilid ko. Tinignan ko iyon at si Alistair lang pala.

Binuksan niya ang bintana ng kotse niya at binagalan ang andar ng sasakyan. "Do you want me to give you a ride?" Tanong niya.

"Hindi na." Sagot ko.

"C'mon." Aniya.

Makulit din ang isang 'to at hindi niya ako titigilan hanggang sa pumayag ako kaya sumakay nalang ako sa kotse niya.

"Bakit naglalakad ka lang?" Tanong niya.

"Eh, kasi hindi ako tumatakbo." Sagot ko.

"Kailan kaya ako makakakuha ng matinong sagot mula sa 'yo?" Nakangiwi niyang tanong.

"Sa parke mo ako dalhin." Saad ko.

Hindi siya matahimik sa buong byahe namin habang papunta kami sa parke. Naging madaldal din siya. Parang si Ash, eh.

Pagdating namin sa parke ay agad akong bumaba ng sasakyan niya. Gusto kong ma-refresh.

Sumunod siya sa akin at naupo sa tabi ko sa isang bench. Gaya nang nakikita sa t'wing nagpupunta ako dito ay narito ang mga bata na naglalaro.

May mga magulang sila na nanunuod sa kanila. Masaya din silang nagku-kwentuhan habang pinapanuod ang nga anak nila.

Ang sarap pagmasdan kapag ang nga ngiti ng bata ang makikita ko sa araw araw. Laging mawawala ang init ng ulo ko.

"Mahilig ka sa bata?" Tanong sa akin ng katabi ko.

"Hmm." Maikling sagot ko.

Naglalaro sila ng habulan habang tumatawa. Ang taya ay hinahabol ang mga kalaro niya para palitan siya bilang taya.

Lumipas ang mga oras na naroon pa rin kami ni hagdan. Umalis na rin ang mga bata pero kami na nandoon pa rin. Sariwa kasi ang hangin dito kaya ayoko pang umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status