Share

Chapter 7

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

First time kong pumunta at mag stay sa ibang bahay kaya hindi ko alam kung magiging okay ba ako sa una pero ng makabonding ko na ang mga parents at kapatid ni Ghia, okay naman pala.

Legal si Ghia sa pamilya niya at nakakatuwa dahil close silang lahat. Nahiya pa ako dahil sinabi niya agad sa mga ito ang tungkol sa feelings niya for me.

Sabay kaming lahat kumaen at talagang nabusog ako dahil ang sarap magluto ni Tita, ang mama ni Ghia. Nang nasa kwarto na kami ni Ghia naramdaman ko ang vibration ng phone ko. Nakita ko puro pangalan ni Dens. Hindi ko yun pinansin at bumalik muli kay Ghia.

Nagkukwento ito about sa sarili niya kung kailan niya narealize na babae pala ang gusto niya at hindi lalaki. Kung hindi ko sya kilala malabong maisip kong lesbian pala sya. Kasi naman mahaba pa din naman ang buhok nito at sobrang ganda din naman talaga niya. Nakakaproud din sa pakiramdam na may isang gorgeous na magkagusto sa'ken.

"Your phone is ringing," sambit nito dahilan para mawala sa kanya ang mata ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ang pangalan ng kapatid ko. Napanguso ako sa pag iisip kung ano bang kailangan ni Dens.

Nung siya tong nasa Jomalig hindi ko nga siya inistorbo. Kung sabagay panay pa din naman update nya sa'ken that time, ako lang din talaga ang walang paramdam. kasi nga naiinis akong sumama pa din siya kahit na ayoko.

"Are you not going to take it?" Napatingin ako kay Ghia habang hawak ko lang ang phone. Muli akong bumalin sa hawak ko at dinecline ang tawag. kumunot ang noo ni Ghia. "Bakit hindi mo sinagot? Baka emergency yun.." Ano naman ang emergency na sasabihin ni Dens.

"Hindi ba kayo okay ng kapatid mo?" Umikot ang mata ko bago sumagot," bakit mo naman naisip yan?"

"Hindi mo kasi sinasagot. I think kanina pa siya tumatawag.." Tila nag aalala ang tono nito kaya ng tumawag ulit si Dens sinagot ko na ito. Tumayo ako at bahagyang lumayo.

"Hindi ka ba uuwi?" bungad nito sa'ken. "Bakit ako uuwi? Sleep over nga diba!" tinaasan ko ang boses ko para magets niyang hindi pa din kami bati.

"Anong address yan? Susunduin kita.." Kumunot ako, napangiwi. "Huh? at bakit mo naman ako susunduin?"

"Anong bakit?! MAREA LEILUNA, ginagawa mo ba to kasi sumama ako ng Jomalig?" Nagtaas ako ng kilay. "Huh?! No! Diba sabi ko sayo aalamin ko kung magugustuhan ko din ba sya.." Hininahan ko lang yun para hindi marinig ni Ghia. Baka umasa siya agad na posibleng maging kami. Wala pa naman official na ligawan at syempre kailangan niya muna magtanong kung pwede ba akong ligawan.

Para sakin wala namang espesyal sa bagay na'to. Parang bonding lang naman to ng magkaibigan hindi naman siguro agad siya mag aassume na may gusto na din ako sa kanya dahil sa pumayag ako sa invitation niya.

"So papatol ka talaga sa babae?!" Nagsisimula na akong mahiwagahan dahil tumataas na ang boses ni Dens. May galit ba siya sa mga hindi straight? Panu kung di rin ako straight?

"May masama ba dun? Love is no gender naman, Dens.." Paliwanag ko. Bigla itong nanahimik at akala ko pa nga binaba niya na pero ng tignan ko ang screen on going pa din pala. "Sige na.. Talk to you tomorrow.." Agad kong pinutol ang line.

Bumalik ako kay Ghia. "Can I take a shower?" Tumango ito saka tinuro sakin ang banyo. May sarili din pala siyang cr sa kwarto niya. Kinuha ko ang bag ko bago pumasok.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Panay ang paghinga ko ng malalim at ilang beses ng tumingin sa phone ko. Iniisip ko kung tatawag ba ako ulit or hahayaan na lang siya. Hindi ako mapakali at malamang nito buong magdamag akong gising.

I'm not against LGBT, its just that kapatid ko kasi ang involve like ayoko magka jowa siya. Am I being selfish right now? Paano ko ba to makokontrol? Naiinis ako panay ang lakad, upo sa kama then tatayo ulit. Maya't maya din ang sipat ko sa orasan. Sunod sunod na ang pumapasok sa utak ko kung anong mangyayari kapag matutulog na sila.

Hindi na ako nakatiis at muli ko siyang tinawagan.."Hello?" Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ito si Lei. "Can you hand the phone to my sister?" Maayos kong saad kahit sa loob ko may inis akong nararamdaman sa taong nasa kabilang line. "Nasa banyo siya now. Maybe you can call again, later." Bumigat ang pakiramdam ko. Naaasar na ewan.

"Amm... ah.. Is- is your bathroom in your room?" Napapikit ako, napahawak sa labi kong pahamak.. Bakit ba yun ang pumasok sa isip ko.

"Ah... yeah. Do you want me to knock her? She's taking a bath."

"No!" Mabilis kong sagot. May namumuong kaba sa dibdib ko. "Just tell her to call me back.."

Pagbaba ko ng phone, napahilamos ako sa mukha ko. Ano ba tong nangyayari at bakit ba to nangyayari. Muli akong lumakad at ng mahagip ang bag ko naalala ko ang binili kong sigarilyo.

Para akong timang na nagmamadaling kunin yun at buksan. Frustration ang sunod kong naramdaman ng walang lighter. SHET! Next time vape na ang bibilhin ko.

Dahan akong bumaba ng hagdan, pasilip sa sala kung gising pa sila mom at Dad. Nakahinga ako ng payapa ng wala akong makita. Agad akong nagtungo ng kusina. Kumislap agad ang mata ko ng makakita ng lighter.

Panay ang naging hithit buga ko sa bintana at wala pa ding tawag si Lei. Naiiyak na ako na ewan at feeling ko tatalon na ang laman ng dibdib ko. Para itong pinipilipit na hindi ko maintindihan hanggang maramdaman kong basa na ang magkabilang pisngi ko.

Why am I being like this? Like... what the hell is wrong with me?? Hindi ko na napigilan ang humagulgol. Naiinis ako sa pakiramdam na I'm helpless and vulnerable.

Bigla akong nabuhayan ng tumunog ang phone ko. Kulang na lang itapon ko to ng hindi si Lei ang makita ko kundi si Jhanrex. Ano bang kailangan ng taong ito. Malinaw ko namang sinabi sa kanya sa Jomalig na hindi pa ako ready pumasok sa isang relasyon.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Pag gising ko wala na sa tabi ko si Ghia. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kagabi sa last movie na pinapanood namin.

Phone ko agad ang hinanap ko. Nadismaya akong walang message o tawag mula sa kapatid ko.

"Good morning!" Napaangat ako ng tingin. Walang dudang maganda talaga siya pero walang connection akong maramdaman. I enjoyed her company but nothing beyond that.

"Good morning din.. Ang aga mo namang magising.."

"Ganito talaga ako. I'm a morning person. Tara na mag breakfast.." Agad naman akong tumayo at nag ayos ng bed. Saka sumunod sa paglabas ni Ghia. "Nakatulog ka ba ng maayos? Hindi ka ba namahay?" Tanong nito habang papunta na kami ng Dining. Umoo lang ako. Iniisip ko kung kumaen na ba si Dens.

"Asan sila?" Umikot ang mata ko sa paligid. "Oh umalis sila. Dapat kasama tayo kaya lang ang himbing ng tulog mo so hindi na kita ginising ."

"Ohh, sorry.. my bad.. "

Nang mahatid ako ni Ghia gamit ang motorbike niya si Dens agad ang hinanap ko.

"Mom si Dennise?"

"Wala ba sa kwarto niya?" Ganitong oras nasa office pa si Dad si Mom naman abala sa mga halaman niya.

"Wala po siya doon.."

"San naman nagpunta ang batang yun. Naku talaga! Sinabi ko na sa kanyang grounded sya for two weeks. Ano bang nangyayari diyan sa kapatid mo? Marea Leiluna may nalalaman ka ba?!"

"Wala po.." Sagot ko dito saka tumalikod. "Wait anak! kamusta pala?" Tila nakaalala ito. Humarap ako,"Okay naman po. Okay naman sila. Super close nilang lahat.." Yun lang ang tanging nasabi ko dahil ang utak ko lumilipad kung saan. Asan kaya si Dens.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Hindi alam ni Mom na tumakas ako ng bahay. Grounded ako pero ang lakas pa din ng loob kong magpasaway. Anong gagawin ko? Mababaliw lang ako kakaisip sa kapatid ko kung anong oras ba syang uuwi. Hindi ko naman magawang tawagan ulit, baka isipin niya ang kulit kulit ko.

"Hoy! Dens! Asan ka ba? huh?" Si Mayumi ito. Andito ako ngayon sa kanila. Nagiinuman kami at wala akong paki kung malasing man ako dahil puro naman kami babae. Wala din ang parents ni Mayumi. Busy ang mga yun sa business. Tingin ko nga yun din ang reason kung bakit nagbubulakbol tong si Mayumi kasi puro katulong lang lagi ang kasama niya dito sa malaking bahay.

"Kasama ka nga namin pero parang lutang ka. Katawan mo lang ata ang kainuman namin. Okay ka lang ba huh?"

Tinignan ko lang si Mayumi. Parang gusto ko ng sabihin sa kanya kung anong bumabagabag sa'ken. Sa buong tropa si Mayumi ang pinaka matagal ko ng kaibigan. Palagay ko naman hindi niya ko huhusgahan.

Hinila ko siya palabas ng bahay. Dinala ko siya sa garden nila. "May sasabihin ako sayo pero please... don't dare to tell anyone..." Nagtaas ito ng kaliwang kamay. Sumimangot ako. Ibinaba niya yun saka itinaas na ang kanan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status