Share

Chapter 6

Kahit ginawa kong panakot kay Dens na hindi ko siya kakausapin ay sumama pa din ito. Ngayon ako tuloy ang sumasalo sa nag uurumintadong mga magulang ko.

"Asaan nga ang kapatid mo, Lei?! Imposible naman na hindi mo alam!!" Sa pagtaas ng boses ni Dad malapit na akong maiyak. Tinatatagan ko lang ang loob ko dahil hindi naman na ako bata para maging iyakin pa din.

"Hindi ko po talaga alam. Kilala niyo naman po si Dens." Paliwanag ko habang nakaupo at napatingin sa phone ko ng tumunog ito. Isang notification, message from Dens.

"Ang kapatid mo na ba yan?!" Napaangat ako ng mukha. Si Mom nakatingin. "Yes po. Wag daw po tayo mag worry. Uuwi din daw po sila bukas. Kasama niya yung mga kaibigan daw po niya."

"Asan daw sila?! Sabihin mo susunduin namin siya ng Dad mo.." Sunod na tanong ni Mom. Muli nanaman akong tumuon sa phone ko at tinype ang pinapasabi ni Mom.

Sa loob-loob ko hindi nila masusundo si Dens dahil malayo yun unless mag effort talaga sila. Pero baka bago sila makarating duon nakabalik na dito sa bahay si Dens.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Nasa gitna kami ng dagat ng magbukas ng alak si Jhanrex matapos naming kumaen. Naghiyawan ang iba kong mga kaibigan.

Una akong inabutan ni Jhanrex at agad ko namang ininom yun. Natikman ko ang alak nung unang labas naming magkakaibigan.

Sa bahay nila Mayumi kami nun nagpunta at wala ang mga magulang niya kaya nag party kami. Kaya ko naman ang pait ng alak pero hindi mataas ang tolerance ko. Mabilis akong tamaan.

Siguro naka limang shot na ako ng maramdaman ko ang pagkahilo. Dumadagdag pa ang alon at parang masusuka na nga ako.

Lumapit si Jhanrex at tumabi sa akin. Mabilis ang kamay nitong umakbay sa balikat ko. Napatingin lang ako sa kamay niya at ngumisi. Mukhang alam ko na kung anong binabalak nito kaya hindi na ako uminom pa para hindi tuluyang malasing.

Maraming nagkakagusto kay Jhanrex dahil maliban sa gwapo ito, matalino din naman at pinaka mayaman ata sa buong campus. Kilala kasi ang father niya sa madalas mag donate sa school.

Pero kahit nasa kanya na ang lahat hindi ako kagaya ng iba na magkakagusto din sa kanya. Kung alam lang niya kung sino ang gusto ko. O ano kaya ang maging tingin niya sa'ken kapag nalaman niyang hindi lalaki ang kakompetensya niya.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

After 1 day and 2 nights, nakauwi din si Dens. Ngayon nasa hot seat siya nila Mom and Dad. Hindi pa siya nakakapagbihis at sinalubong na siya agad ng sandamakmak na sermun.

Tumingin siya sakin, nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas at pumanik ng taas.

"Lei may pasalubong ako sayo.." Masayang bati niya na parang walang naging epekto sa kanya yung halos dalawang oras na sabon sa kanya ng mga magulang namin.

Dinedma ko ang ibinibida niyang hawak niya na halos idikit niya na sa mukha ko pero nakatuon pa din ako sa binabasa ko.

Akala niya siguro nagbibiro ako nung sinabi kong hindi ko siya kakausapin. Puwes manigas siya dahil pahihirapan ko talaga siya.

Pinag alala niya ko ng husto lalo na at wala akong tiwala sa mga kaibigan niya. Kasama na pati ang lalaking yun. Hindi pa man sila hinahawakan na siya at kung di pa ako lumapit hindi din siya bibitaw.

Ganun niya ba kagusto yung lalaking yun at hindi na siya nagpapa hard to get.

"Lei! Wag mo sabihing hindi mo talaga ako kakausapin? Hindi mo ba'ko namiss? Hinanap ko pa kung san makakabili nito kahit hindi naman talaga nito season kasi alam kong paborito mo to ei."

Natouch naman din talaga ako sa effort niya pero hindi niya ko masusuhulan sa ganun lang. Hmm, Tumagilid ako ng upo pero sa kabila naman siya lumuhod kung saan ako nakaharap. Muli nanaman akong tumagilid sa kabila.

"Lei andyan na sundo mo!" Napaangat ako ng mukha, naipatong sa kandungan ko ang libro. "Anong sundo?!"Kunot ang noo ni Dens. Tumayo ako na parang wala siya sa tabi ko. Kinuha ko yung backpack ko na nasa gilid ng cabinet saka lumabas ng pinto.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Naiinis ako di dahil hindi niya ako pinapansin kundi dahil doon sa sumundo sa kanya. Dali dali akong bumaba pero nakaalis na si Lei. "Mom pinayagan niyong umalis si Lei ng ganitong oras?!" Rinig sa kabuuan ng bahay ang boses ko. "Oo bakit? At least nagpapaalam siya hindi kagaya mo!" Parang sampal sa mukha kong sagot ni Dad.

Si Mom naman tinalikuran lang ako at hindi pinansin. Alam kong mainit pa sila sa akin pero hindi ko yun alintana kasi abala ang utak ko sa pag iisip kung saan pupunta ang kapatid ko.

"Dad sinong sumundo kay Lei?" Pangungulit ko kahit nanunuod si Dad ng paborito niyang game, ang volleyball. "Dennise manahimik ka nga at nagsisimula na ang magandang laban," singhap nito na ganadong ganado sa pinagkakaabalahan niya.

Wala akong mapala kay Dad kaya si Mom ang kinulit ko hanggang sabihin niya kung nasaan si Lei.

Napaayos ako ng tayo at natigil sa pang aabala sa kanila ng marinig ko ang pangalan ni Ghia. Tahimik akong umakyat ng kwarto. Napasalampak agad ako sa kama.

Kasama niya si Ghia, sleep over at movie marathon. Ayokong mag isip ng kung ano pero isang imahe lang agad ang paulit ulit na lumalabas sa utak ko. Isang kwarto na may isang kama. Swerte na lang kung tig isa sila ng kumot pero paano kung hindi tapos nakapatay pa ang ilaw.

At si Ghia! Si Ghia ang pinag uusapan dito! Gusto siya ni Ghia at alam niya yun at the way my sister talk about it the last time natuwa ito. So anu ng mangyayari after? Hindi pwede yun! Did our parents allow her because they thought its fine?! Dahil babae ang kasama niya?! No she's not! Baka raypin niya si Lei...

Napabalikwas ako at maingay na bumaba ng hagdan. "Ano ba yan Dennise magdahan dahan ka naman sa pagbaba!" Sigaw ni Dad pero wala akong pakialam.

"Dad kailangan nating sunduin si Lei! Hindi siya pwede kela Ghia. She's not safe there!"

"What are you crying about, Dennise?" Hindi naman ako umiiyak kung makadescribe si Dad. "That Ghia is-" Bigla akong napahinto. Sasabihin ko ba? Baka magulat sila. "Is what?!" Si Mom na ngayon ang nagtanong. "Shes gay, Mom. May gusto siya kay Lei!" Nailabas ko din sa wakas pero nawala din agad ang pagkapanalo ko." We know!" Sabay pa silang dalawa na parang kumanta lang ng chorus.

Nagsalubong ang mga galit kong kilay. "Then why you allow her?!" Maktol ko na parang bata. "Because we trust your sister at personal na nagpunta dito si Ghia para mainvite sa kanila ang kapatid mo. We dont see anything wrong with that." Hayag ni Dad. "At kung ikakasaya ng kapatid mo why not. Alam naman niya ang limitations niya.." Dagdag pa ni Mom. Talagang magkakakampi silang lahat.

"What if maging sila? Okay lang sa inyo?!" Panay ang tingin ko sa kanila. "Kung mahal siya ng kapatid mo then why not? Hindi kami para humadlang sa magpapaligaya sa kanya." Doon na ako halos himatayin. WTF!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status