Share

Chapter 5

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Napansin ata yun ni Dad kaya siya nagsalita."Okay lang ba kayong dalawa?" Nakita ko ang pagsilip ni Dad sa front mirror.

"I'm fine kahit wala akong allowance ng isang linggo.." Sagot ni Dens na halatang nagpapahiwatig.

Hindi naman ako nagsalita at iniisip ko pa din yung nangyari kagabi.

Nauna akong pumanik ng kwarto, hindi mapakali ng kama at iniisip yung nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako nababahala na ewan. Wala naman kaming ginawang kakaiba pero pakiramdam ko merong kakaiba. May kakaiba ba kay Dens o sa akin?!

Nang marinig ko ang yapak agad akong nagkumot at umayos. Para akong binabalisawsaw kaya naisipan kong magbanyo.. Nagkabanggaan kami at para akong nakuryente.

Pinakiramdaman ko si Dens kung tulog na ba. Nang masigurado kong tulog na siya saka ko siya marahang nilingon.

Mahimbing na nga ang tulog niya kasi humihilik na siya. Hindi ko namalayan ang sarili kong pinagmamasdan ko na pala siya at hinahawi ang buhok niyang tumatakip sa mata niya.

Meron siyang makapal na kilay pero maayos ito at nagmumukha siyang mataray dahil sa kurba nitong medyo pataas. Matangos din ang ilong niya, sobrang aliwalas ng mukha wala ni isang tigyawat. Ang labi niya hugis puso at manipis.

Teka! Bakit ko binabalikan yun?! Shocks!! Umiling iling ako sa puntong yun.

"Lei! Ui Lei! LEI!!" Panay na pala ang tawag sakin ni Dens. "Huh?!"

"Anong huh?! Andito na tayo. Okay ka lang ba?" Tumango ako saka nag alis ng seat belt. Nagpaalam ako kay Dad saka bumaba.

Naglalakad na kami ni Dens. Medyo madilim pa pero almost 6 am na. Mas mahaba ata ang gabi ngayon kaysa umaga.

Natigil ako sa paglalakad ng hawakan ako sa kamay ni Dens. "Bakit ang tahimik mo?!" Tanong nito sakin. Natagpi nanaman ang mata ko sa mukha niya na tila nagliliwanag sa paningin ko. Pumikit ako dahil dun, winawaksi ko ang nasa isip ko.

"Ui! Anyare?!" Lalo tuloy siyang nag alala dahil dun kaya agad din ako nagdilat ng mata. "Nahilo lang ako." Pagdadahilan ko saka nagmadaling lumakad. "Mauna na ko, Dens. Inaantay ako ni Ghia. Nakalimutan ko may dadaanan pa pala kami sa kabilang klase." Bago pa siya makapag salita tumakbo na ako papalayo.

Nagsinungaling ako. Wala naman talaga kami usapan ni Ghia.

Pagdating ko ng room ko nasa isip ko pa din ung nangyari. Bumalik nanaman sa ala-ala ko ang mukha ng kapatid ko habang tulog. Bakit parang attracted ako sa kanya?! Pero baka nagagandahan lang at proud as her sister.

Nagsimula ng magdiscuss yung prof namin kaya pinilit kong mablangko ang isipan ko dahil wala akong paglalagyan sa ituturo nito kung puno na ang utak ko.

"Hey! Pwede ba sumabay ulit ng lunch?!" Muling pag aaya ni Ghia. Napaisip ako kung papayag ba ako or hindi. Time namin to ng kapatid ko kaya kung kasama siya hindi kami makakapag usap ni Dens. "Ah maybe next time, may paguusapan kasi kaming importante ng kapatid ko. Gusto kasi namin isurprise sila Mom and Dad for their upcoming anniversary.." Tumango lang ito at ngumiti na din.

Hindi ko gawaing magsinungaling pero dalawang beses ko ng ginawa ngayong araw.

Nang makarating ako sa room ni Dens nakita kong may kausap ito. Naalala ko ang naghatid sa kanya kahapon. Baka ito yun. Mukhang seryoso ang usapan nila dahil hinawakan pa ng lalaki ang kamay niya.

"Oh! Lei!" Para siyang nagulat at agad na inalis ang kamay niya na hawak ng lalaki. Napatingin din ako at gwapo siya. Hindi na masama pero ayoko pa din para sa kapatid ko. Mamaya babaero pala ang isang to lalo at gwapo.

"Gutom na ko! Wala naman na kayong prof.." Parang baby kong sambit sa kapatid ko na agad namang tumayo.

"Hindi mo ata kasama si Ghia?" Akala ko hindi niya na mapapansin yun so mukhang pangatlong beses ko na tong pagsisinungaling.

"May gagawin daw kasi siya ei. Mag quick bite lang siya sa room then pupunta na ng library. " Kalmadong paliwanag ko. Hindi na lang ako nakatingin baka mahalata niyang nagsisinungaling ako. Malakas pa man din ang pakiramdam niya.

Mabilis niyang mabasa maski ang tono lang ng pananalita ko. Pati kilos ko alam niya kung may kakaiba. Kaya pinilit ko talaga ang sarili kong maging normal lang.

"Okay so anong kakainin natin? Ikaw ng bumili dahil alam mo namang wala akong allowance.." Nguso nito na patingin tingin sa kawalan.

"Here.." Inabot ko sa kanya ang binigay ni Dad kanina. Tingin ko di na galit si Dad pero hindi pa siya ready kausapin ulit sa dati si Dens. Kung ako kay Dad hindi ko ibabalik ang allowance ni Dens kasi baka mag cut nanaman to ng classes niya para sumama sa gala ng mga kaibigan niyang bad influence.

"Yes! May pang jomalig na'ko next week." Abot tenga ang ngiti nito. "Aalis ka nanaman? Alam ba yan ni Dad?"

"Ssshhhh.. Last na to promise. Wag kang maingay please.."

"Malayo yun diba? Paano ka naman makakabalik agad?!" Sinasamantala kong padaanan ng mata ko ng paulit ulit ang mukha niya habang iniinterogate ko siya.

"Sinong nagsabi sayong babalik ako agad?" Ngisi nito habang binibilang ang 1 month allowance niya.

"Kasama mo ba ang lalaking yun?"

"Sino?" Napahinto ito sa pagbibilang saka tumuon sa akin. "Yung may hawak ng kamay mo kanina." Nakita ko ang pagkunot niya. "Ah yun. Wala yun. Wala naman akong gusto dun." Hindi naman yun ang tanong ko. Ang layo naman ng sagot niya.

"Yun din ba yung naghatid sayo?"

"Yup!" Maikling sagot niya. "Hindi ka pwedeng sumama sa kanila. Isusumbong kita kay Dad!" Pagbabanta ko kaya sumimangot siya. "Lei naman. Minsan lang to tsaka tapos na ang finals," pagmamaktol niya. Ipinasok sa wallet niya ang pera.

"Hindi pa din pwede. Ilan days ka dun?!" Medyo naiinis na ako pero kinakalmahan ko pa din ang boses ko.

"Maybe 3 days.." Sagot niya na nakatingin sa ibang direksyon pangisi ngisi.

"MAYBE??!!" Singhal ko. "No! I won't allow you, MARIA DENNISE TRINIDAD." Saka ako lumihis. Pinagkrus ang mga kamay ko saking dibdib.

"Grabe naman to. Gusto mo sumama ka.." Sambit niya na nakahawak sa braso ko. "Hindi kita kakausapin kapag sumama ka.." Mahina pero alam kong rinig niya at malinaw yun. Hindi talaga ako papayag sa jomalig na yun, tas 3 days, tas maybe, tas kasama ang lalaking yun. NO WAY!!

"Please, Lei. Grabe naman at hindi mo talaga ko kakausapin.." Paglalambing nito. "ITS A NO! And that's final!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status