Share

Chapter 4

"Siya ba? Siya ba yung rason?!" Bungad sakin ni Lei ng nasa kwarto na kami.

"Huh?" Naningkit ang mga mata ko.

"Yung lalaking yun. Siya ba ang dahilan bakit need mong kumalma? In love ka ba don? Pakilala mo muna sakin para makilatis ko. Baka mamaya saktan ka lang nun. Lagot talaga siya sa'ken. Walang pwedeng manakit sa pinaka mamahal kong kapatid.." Sa hinaba haba ng sinabi niya wala ni isa akong naintindihan.

"Pagod ako, Lei. Mamaya na lang tayo mag usap please." Wala akong gana. Nagpalit ako tapos nahiga na agad.

"Masama ba pakiramdam mo?" Nilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit." sambit nito na parang pinagdududahan pa ang sinabi ko.

"Iwan mo muna ko, Lei. Tawagin mo na lang ako pag kakain na, please. Masakit ang ulo ko ei. Ipapahinga ko lang muna ang mata ko." Pag alis ko ng salamin ko agad na akong pumikit para umalis na din siya.

Baka hindi ko mapigilan muling maiyak. Ayokong makita niya ako sa ganung itsura.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Yun ang unang beses na may naghatid kay Dens na lalaki kaya napagtanto ko na baka ang lalaking yun ang dahilan ng biglang pagbabago niya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.

Gusto ko pa sanang magkwento si Dens pero halatang hindi siya okay. Wala siyang make up at napansin ko din mugto ang mata niya. Hindi ko naman siya mapilit magsalita dahil baka lalo sumama ang pakiramdam niya.

"Mom ano bang gamot sa sakit ng ulo?" Kumuha ako agad ng baso ng tubig saka binalikan si Dens. Nagtanong pa si Mom kung para kanino. Sabi ko na lang para sakin. Buti na lang at busy siya sa kusina sa pagluluto ng dinner kaya hindi niya ako nakitang umakyat.

"Dens, uminom ka muna ng gamot. Sabi ni Mom okay lang to inumin kahit wala pang laman ang tiyan."

Umangat ito pero hindi para inumin ang inaabot ko. "Hindi ka ba makaramdam, Lei?!" Nabigla ako sa pagsigaw niya sakin kaya nagsimulang magtubig ang gilid ng mga mata ko.

"So-sorry.. I didnt mean to shout. Sobrang sakit lang talaga ng ulo ko.." Paghinahon nito kasunod ang pagtayo para yakapin ako.

Mabilis akong umiyak, magdamdam pagdating sa kanya. Nasanay akong siya ang nagpapatahan sakin noong grade school kami sa tuwing binubully ako ng mga classmate ko.

Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakayakap na siya sakin at hinahagod ang likuran ko.

"Ssshhh.. Sorry. Sorry na.. Wag ka ng umiyak." Pinilit kong luwagan ang dibdib ko. Pero medyo masama pa din ang loob ko kasi ngayon lang niya ko nasigawan ng ganun. Ganun ba talaga kapag in love? Nag iiba?

"Inumin mo na to." Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka muling inabot sa kanya ang gamot pero imbis kunin yun inuna niyang pahirin ang luha ko.

Nang makainom siya pinaupo niya ako sa tabi niya. Tahimik lang ako siguro dahil di pa ko nakakarecover sa pag sigaw niya kanina.

"Okay ka na ba? Sorry hindi ko gustong sigawan ka. Hindi ko sinasadya, Lei." Pinapakinggan ko lang siya pero hindi ako nakatingin sa kanya. Sa sahig ako nakatingin at muli nanaman akong napaluha. Di ko mapigil ang pagtulo ng luha ko.

"Sorry na nga. Wag ka ng umiyak. Baka sabihin nila Mom inaway kita.. Sorry na, please.." Paglalambing nito. The more niya yun ginagawa mas lalo akong naiiyak. Hindi ko din alam sa sarili ko. Niyakap na nga niya ko at humingi na siya ng sorry pero ang bigat bigat pa din ng pakiramdam ko.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Tumahan din sa wakas si Lei pero simula nun hanggang matapos kaming mag dinner at oras na ng pagtulog wala pa din siyang imik. Nakunsensya tuloy ako.

Gusto kong ibalik yung nangyare at hindi ko talaga siya kayang sigawan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'ken kanina at nagawa ko yun.

Maaga pa para matulog siya at nakakabaliw ang sobrang katahimikan. Ayoko din na matulog kaming hindi naaayos ang lahat. Ayokong may sama siya sakin ng loob kaya kinuha ko yung unan at hinampas ko siya ng malakas sa gilid.

"Hey! Para san yun?!" Nagtatakang lingon nito sakin. Tumawa lang ako. Hinampas ko siya ulit at this time sa ulo na kaya mas nainis siya lalo saka tumayo na din sa kama, kumuha ng panghahampas din niya.

Nagsimula ng bumalik ang palangiting si Lei. Nakahinga na din ako ng maluwag dahil ibig sabihin nun okay na kami. Wala na siyang tampo sakin.

Sunod sunod ang ginawa niyang hampas sakin. Sa bigat naming dalawa yumuyugyog na din pati ang kama.

"Enough na, Lei!" Natatawang pigil ko sa kanya pero panay pa din siya sa paghampas ng unan kaya hinawakan ko na siya sa kamay pero malakas siya at panay pa din ang pagtalon sa kama.

"Masisira ang kama, ano ka ba.." Awat ko dito. Binitawan na din niya ang unan at binalingan naman ang paghawak sa magkabilang braso ko saka ako tinutulak. Kakaganun niya natumba kami parehas.

Napunta kami sa posisyong nawala ako sa sarili. Nakapatong siya sa akin. Magkadikit ng husto ang mga katawan namin. Hawak ko ang magkabilang pulso niya.

Parehas pa kaming hinihingal kaya ramdam ko sa mukha ko ang hanging lumalabas sa bibig niya. Panay ang naging paglunok ko dahil sandaling nanatili ang mga mata namin sa isa't isa.

Gusto kong magsalita pero tila umurong ang dila ko o baka ang mata ko masyado ng nabighani sa ganda niya. Hindi rin siya umimik na siyang pinagtaka ko.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niyang mapula. Halos isang inches lang ang layo nun sa akin. Konting lapit ko lang mahahalikan ko na siya. Kumakabog na din ang dibdib ko. Nag aalala na ako baka mapansin niya yun.

Siguro halos 5 secs na kaming ganun pero wala pa din siyang aksyong ginagawa. Hindi ba dapat siya ang unang kumalas dahil siya ang nasa ibabaw ko.

"Anong ginagawa niyo?!" Mabilis na umalis sa ibabaw ko si Lei. Napaisip ako sa reaksyon niya. Agad din naman akong umupo.

Siguro kung dipa dumating si Mom nasa ganung posisyon pa din kami at baka nawala na talaga ako sa sarili ko at n*******n siya.

"Ah wala Mom!" Agad na sagot ni Lei na parang may kakaiba sa tono ng pananalita niya o baka sa hingal lang din dahil sa harutan namin.

"Naghaharutan kasi kami ng ma out of balance si Leiluna," dagdag ko na lang dahil kulang ang sinabi niya.

"Handa na ang dinner. Kanina ko pa kayong tinatawag na dalawa. Bumaba na kayo." Paglabas ni Mom parehas kaming natahimik. Iniisip ko at binabalikan yung nangyari. There's something odd. Bakit hindi agad gumalaw si Lei para umalis sa ibabaw ko at the way she look at me. That's the way I look at her na sobrang iniwasan kong mapansin niya.

Nakita ko ang papatingin niya na sa'ken kaya umiwas na agad ako. Agad gumana ang utak ko," Tara na. Gutom na'ko!" Pag aaya ko, ngumiti ako kasabay ng pagtayo.

Nauna na akong lumabas ng kwarto dahil pakiramdam ko nagiging awkward na ng paligid.

After kumaen nagstay na muna ako sa sala at nanood ng TV. Gusto kong maunang makatulog si Lei pero gising pa ito pagpanik ko.

Naisip kong mag banyo para ikalma ang sarili ko pero hindi ko napansin na papunta din pala siya duon kaya nagkabanggaan kami. "Ah magbabanyo ka din ba?" Narinig kong tanong niya. Wala naman dipekto ang tenga ko. "Hindi, sige mauna ka na," sagot ko naman ng hindi sumusulyap sa kanya.

Pagpasok niya ng banyo agad akong nakahinga ng maluwag. Ano bang nangyari. Sobrang bilis at hindi ko man lang na analyze lahat sa utak ko.

Pero hindi mawala sa isip ko ang mga mata niya kanina. May kakaiba sa mga tingin na yun.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status