Share

Chapter 3

"Hey!" Kuha ko sa atensyon ni Lei ng makalapit ako. Abala ito sa pakikipag kwentuhan sa kasama niyang babae.

"Oh!" Humarap ito, sabay sila. "Si Ghia nga pala." Pagpapakilala niya, inabot naman ng babae ang kamay niya. "Si Dennise kapatid ko," nakatuon pa din sya sa babae.

Tulala akong hindi napansin ang kamay ni Ghia na tila kanina pa. Ibinaba na lang niya to ng hindi ko abutin. "Ui bat dika man lang nakipagkamay?" Kurot ni Lei sa tagiliran ko dahilan para mapa aww ako. Binalewala ko yun at nauna ng maglakad.

"Pasensya ka na, ganyan lang talaga yan pero mabait yan.."Rinig kong sabi niya kay Ghia. Walang katapusan ang kwentuhan nila hanggang makarating kami ng canteen. Wala namang masama kung mag-usap sila pero naiirita ako o baka naiingayan lang. Hindi ako sanay na may kausap ng matagal si Lei.

"Anung gusto mo? Ako ng bibili." Palihim akong sumulyap kay Ghia na nagsalita. "Huh? Wag na, ano ka ba. Ako na. May pera naman ako." Nakangiting sagot ni Lei na lumipat ang tingin sakin. "Ikaw Dens anong gusto mo? The usual ba?" Natuwa ako dahil alam niya kung anong paborito ko. "Ako ng bahala. Ano bang gusto niyo?" Muling pagsasalita ni Ghia. Salit ang naging tingin niya samen ni Lei, naghihintay ng sagot namin.

"Oh sige na nga dahil mapilit ka, GO!" Kumikislap ang mga mata ni Lei na hindi ko naman kinatuwa. Nagsimula tuloy gumana ang utak ko kung sino ba ang Ghia na to. Wala naman siyang nakukwento sakin. Madalas loner lang si Lei dahil sa pagiging introvert nito.

"Ayan! Maupo ka na.. Chill ka lang diyan. Wait for me.." Abot tengang saad nito matapos sabihin ni Lei kung anong kakainin namin.

"Ano mo yun?" Agad na nasabi ng bibig ko ng dina namin kasama si Ghia pero hindi ako nakatingin. Nasulyapan ko pang nakatingin si Lei sa papalayong si Ghia, saka lang ito bumalin sa akin ng magtanong ako.

"Si Ghia nga."

"Oo, sinabi mo na yan kanina.. What I mean is classmate mo ba yun? Wala ka naman nababanggit sa'ken na close friend mo."

"Ahhhh!" Mahabang sambit nito bago ko makuha ang gusto kong marinig. "Classmate ko siya tapos, ahmm.." She confessed in front.." Naging mapait ang panlasa ko sa part na yun. Naging malalim ang tingin ko sa kanya.

"What do you mean?! She confessed In front? Confessed what?!" Nahihiwagaan kong usisa. "May gusto siya sakin. Kanina lang siya nagtapat at sa harap ng mga classmate namin, Dens. Can you believe it?! Nagawa niyang mag confessed ng feelings niya sa harap ng madaming tao. Isn't that amazing?! So brave of her!"

Malinaw sa akin ang excitement sa mukha ng kapatid ko. Napanganga ako, naigalaw ang dila ko sa loob. Anong sinasabi nito at bakit parang natutuwa pa siya sa bagay na yun?!

"Do you like her too? Are you by chance a bi-sexual? Or lesbian?" Hindi ko maiwasan alamin. Syempre gusto kong malaman kung papatol ba siya sa babae na as if naman magkakaroon ako ng chance sa kanya lalo na at magkapatid kami.

"Hindi ko alam kaya aalamin ko. For now I'm okay. Hindi naman ako nailang sa kanya on the contrary feeling ko natuwa pa ako?! Ewan." Paliwanag niya na may kasunod na pagtawa. Panay ang paghinga ko ng malalim pero hindi ko pinapahalata.

"I'm back!" Naputol ang usapan namin ng makabalik si Ghia. Gusto ko na lang matapos ang break time para maka alis na dito sa parang nagpapahirap sa aking huminga.

Agad akong nagpaalam kay Lei at tinapunan ko lang ng pagtungo si Ghia. Mas lalong nawala ako sa mood pagkabalik ko ng room.

Kahit anong lakas ng boses ng prof namin, wala akong naiintindihan. Paulit ulit lang sa utak ko yung sinabi ni Lei kanina. Hindi niya alam kaya aalamin niya so may balak siyang bigyan ng chance ang babaeng yun?!

Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa isiping yun. Tinatapik ko ito ng palad ko ng paulit ulit. "Ms. Trinidad! Are you alright?!" Saka lang ako huminto ng tawagin ako ni Ma'am at marinig ang apelyido ko. Kung dati gusto ko ang apelyido ko ngayon parang hindi na. "Gusto mo bang dalhin ka sa clinic?!" Hindi ako agad nakasagot dahil diko siya magets.

Lumapit ito sa kinauupuan ko ng wala pa din akong imik. Nakatingin na halos lahat sa akin. "Kanina mo pa tinatapik ang chest mo. Nahihirapan ka bang huminga? Okay, ka lang ba? It's alright I can excuse you from my class." Mahinhin niyang sabi.

Nag sink in lang sa akin ang mga huling pangungusap niya. Kailangan ko yun. "Yes po ma'am. I'm not feeling well, thank you po.."

Agad akong tumayo at lumabas ng classroom, dala ang shoulder bag ko na regalo sakin ni Lei last year na birthday ko. Nangangatog ang buong kalamnan kong naglakad, naghanap kung saan ako pwedeng pumunta na walang makakakita sa akin.

Agad na bumuhos ang luha ko sa kadahilanang hindi ko sure. Iyak na lang ako ng iyak sa likod ng building namin. Naiinis pa ako dahil wala ng laman ang pakete ng sigarilyo ko.

Napaupo ako sa may malaking bato saka muling humagulgol sa dalawang palad ko. Ano bang nangyayari sakin?! Bakit ba'ko umiiyak?! Ang babaw naman kung dahil lang dun.. Normal lang naman kung magkagusto siya lalo na kung may magkagusto sa kanya dahil sino bang hindi.

Maganda si Lei, matalino, mabait at higit sa lahat malambing. Samantalang ako hindi naman niya kahit kailan mapapansin dahil bakit mangyayari yun ei magkapatid nga kami!

"Magkapatid kayo, DENS! Mali ang nararamdaman mo kaya ITIGIL MO NA YAN! STOP IT, DENS!!" Bulyaw ko habang walang hinto sa pagtulo ang mga luha ko. Malamang nito sira na ang make up ko.

Oras na ng pag uwi. Inaantay na ko ni Lei pero nakatayo pa din ako. Parang ayaw gumalaw ng mga binti ko.

"Hey! Dens are you alright?!" Napahawi ang mukha kong straight lang kanina. "Yeah!" Tanging sagot ko kay Jhanrex. "Wait dala mo ba ang sasakyan mo?" Maagap kong tanong dito bago siya umalis. "Yes, why?"

"Pwede mo ba kong ihatid?" Sambit ko ng walang paligoy ligoy. Agad na sumilay ang tuwa sa mukha nito.

Nagchat lang ako kay Lei na wag na akong antayin dahil may bibilhin pa kami nila Mayumi sa national bookstore at ihahatid na ako ng mga ito sa bahay.

"Sino yun?!" Tanong agad sakin ni Mom pagpasok ko ng bahay.

"Alin po?" Tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko siya maintindihan. "Yung naghatid sayo. Nanliligaw ba yun sa'yo?" First time kasing may maghatid sa'king lalaki pero mukhang di naman galit si Mom. Ang napansin ko ay ang facial expression ni Lei. Nakabusangot ang mukha nito pero di ko sure baka hallucination ko lang. Pati ata utak ko may dipekto na din.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status