Share

Chapter 2

Saktong papunta ako ng banyo, nagpupunas pa ako ng mata ng magkabanggaan kami. Nakatapis lang to at amoy na amoy ang bango niya dahil bagong ligo.

"Sorry di kita nakita." Turan ko kasabay ng pag iwas ng tingin saka lumakad papasok ng banyo.

Kung araw-araw ganito baka masiraan ako ng ulo. Hindi na ko makahingang kasama si Lei. Gusto ko na talagang humiwalay ng kwarto.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Habang kumakaen tahimik lang si Dens. Gusto ko siyang kausapin pero nag aalangan ako baka wala pa to sa mood.

Maya-maya pa tumayo na'to. Napatingin ako sa plato niya, halos hindi niya ginalaw ang laman nun. Tumayo na din ako at sinundan siya sa labas. Maaga pa kaya tulog pa si Dad. Ginigising lang namin to kapag paalis na kami ni Dens.

"Uyy! Ano yan?!" Sita ko sa kanya. "Hindi mo ba nakikita? Yosi!" Singhal nito. Napasimangot ako sabay hablot sa hawak niya saka ko ito tinapon at pinagtatapakan. "Alam ko! Pero bakit ka nag issmoke? Kailan ka pa natuto niyan?! Patay ka talaga kela Dad kapag nahuli ka!" Sermun ko sa kanya.

"Lagot talaga ako kung isusumbong mo'ko. Hindi mo naman ako ipagkakanulo diba?" Malambing nitong saad, nakanguso at kumawit pa sa braso ko.

"Hindi ako natutuwa, Maria Dennise.. Itigil mo na yan!" Kunot ang noo kong nakatingin sa nagpapaamo niyang mukha. Hindi niya ko madadala sa ganun.

"Minsan lang naman ei. Please wag mong sasabihin kay Dad. Wala na nga akong allowance. Baka sunod niyan hindi niya na'ko payagan lumabas kapag weekends.." Parang batang pagmamakaawa nito.

Hinahayaan ko siya sa lahat pati ang pakikipag away niya minsan sa school pero sa mga ganitong bagay hindi ako makakapayag.

"Masama sa katawan ang sigarilyo, Dennise. Ano bang nagustuhan mo diyan? Hindi na nga kita pinapahamak kela Dad sa tuwing nag cucut ka ng classes mo ei.." Nakasimangot pa din ako. Pati labi ko yumuyupi hanggang ilong dahil nababahuan ako sa amoy ng sigarilyong kumapit sa kanya.

"Napapakalma ako niyan kaya na aadik ako.." Napataas ang kanang kilay ko.

"At bakit? Hindi ka ba at ease? Teka! Wag mong sabihing may boyfriend ka na?!" Nanlaki ang mga mata ko sa posibilidad.

"Hey! Wala akong boyfriend! Ano bang sinasabi mo diyan? Anong kinalaman ng yosi dun?!" Umayos ito ng tayo mula sa paglalambitin sa braso ko.

"So anong dahilan para hindi ka maging kalmado? Unless in love ka! One sided love ba yan kaya ka nagkakaganyan these past few months?!" Muli kong balin sa kanya. Natahimik lang to, mukhang may tinamaan ako.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Dahil sa yosi naisip niyang may BF ako. Kung alam lang niya kung anong dinadala ko baka pati siya sabayan ako sa paninigarilyo. Natahimik ako ng maisip niyang baka inlove ako at one sided love.

In love nga ba ako kaya ako nagkakaganito? One-sided love?! Halos two months na din akong naguguluhan sa sarili ko.

Naiinis ako tuwing andyan si Lei. Pero pag matagal ko siyang hindi nakikita naiinis pa din naman ako. Siguro nasanay kasi akong kami palagi ang magkasama syempre malamang magkapatid kami. Sobrang close naming dalawa mga bata pa lang kami.

Wala kaming pinag awayan, lahat ng sakin sa kanya din. Lahat ng kanya hindi niya pinagdadamot sa'ken. Ang sikreto ng bawat isa alam namin. Para kaming mag best friend maliban sa pagiging magkapatid.

Itong mga nakaraang two months nagsimula akong mahiwagaan sa sarili ko. Nagkakaroon ako ng mga emosyon na hindi ko maintindihan. Ayoko lang isipin kaya dinadaan ko sa pagbubulakbol at pagsama sama sa barkada na dating hindi ko naman ginagawa.

"Aalis na ba tayo? Anong ginagawa niyo diyan?!" Sabay kaming napalingon ni Lei kay Dad na nakagayak na.

Pagdating ng school agad akong lumakad papasok ng gate, walang paalam kay Dad o sa kapatid ko.

Sinong gaganahan magpaalam kung tinanggalan ka ng allowance diba?!

"Oi! Dens tuloy tayo next week ah!" Bungad sa'ken agad ni Mayumi ng makita ako. "Hindi na'ko makakasama." Malungkot at simangot kong sagot. "Teka! Bakit naman?!" Napatayo ito at mas lumapit sa'ken. "Nagtanong ka pa talaga. Anong oras na'ko nakauwi kagabi. Pinutol ni Dad allowance ko.." Sambit kong nakatingin lang sa direksyon ng board.

"Yun lang ba?!" Biglang singit ni Jhanrex. "Ayan si Jhanrex na ang bahala sayo!" Masayang sabi naman ni Mayumi. Hindi pa din bumalik ang sigla ko.

Naalala ko ang sinabi ni Lei. In love nga ba ako?? Yun ba ang sagot sa mga katanungan ko? Yun ba ang gumugulo sa'ken nitong mga nagdaang dalawang buwan? In denial lang ba'ko sa part na yun?

Imposible naman kasi dahil kapatid ko ang pinag-uusapan. San ka naman nakakita ng ganun? Mukhang mas mahirap pa to kaysa sa hindi pagiging sigurado ko sa sekswalidad ko.

"Ahhhh!" Napahampas sakin si Mayumi "Oi! Okay ka lang, Dens? Wag ka ng mag alala kasi si Jhanrex na ang bahala sayo kaya makakasama ka pa din,"paliwanag nito saka lang ako natauhan at biglang nahiya sa sigaw na ginawa ko.

Mababaliw na ata ako. Kailangan ko na ata magpatingin sa psychiatrist o sa psychologist. Baka naman need ko mag pa heart transplant dahil may depekto na ang puso ko.

"Kalma ka lang, Dens. Sagot na kita." Sabay kindat sa'ken ni Jhanrex. May crush kasi to sa'ken pero wala akong gusto sa kanya kahit na kaunti.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Kinilig ako ng konti pero hindi naman ibig sabihin gusto ko na din si, Ghia. Nagtapat kasi ito ng feelings niya sakin sa harap ng mga classmate namin ng wala pang prof.

Hindi na bago sakin ang bagay na yun kasi hindi naman siya ang unang babaeng nagkagusto sakin. Nung grade school din may mga nagpaparamdam pero hindi ko lang talaga pinagtutuunan ng pansin kasi syempre bata pa ako nun.

Yun lang ata ang hindi ko pa nababanggit kay Dens ni minsan. Ayoko kasing baka magulat siya. Alam ko namang nasa modern era na at open na din naman sa halos lahat ng bansa ang LGBT community pero iba pa din pagdating sa akin.

"Pwede ba tayo magsabay mag lunch? Kung okay lang," paanyaya nito ng makalabas ang prof namin. "Naku kasabay ko kasi palagi kapatid ko pero pwede ka namang sumabay samin if gusto mo," nakangiting sagot ko. Gumanti naman ito ng ngiti kaya halos mawalan na siya ng mata sa kasingkitan niya.

She's beautiful, smart at magaling sa lahat ng subject namin. For sure magkakasundo kami dahil parehas kaming masipag mag aral, I guess.

[MARIA DENNISE TRINIDAD]

Kumunot ang noo ko ng makita ko ang kapatid kong may kasamang nag aantay sa labas, kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status