Share

2

[Jezra Renze Rendez POV]

Napa inat ako ng katawan ng magising ako. Naglakad akong walang saplot para tunguhin ang banyo.

Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig mula sa shower. "Hmmm... What a life. Not bad. Wala naman mawawala sakin kung sakyan ko ang kasal na to."

Nasabi ko na lang habang dinadama sa katawan ko ang nagbabagsakang tubig.

Nang matapos ako, kinuha ko ang towel para tuyuin ang katawan ko saka lumabas uli ng banyo after kong ipulupot sa ulo ko ang hawak.

Nagtungo ako sa walk in closet na nakita ko. Wala lang. Nasa isip ko lang na baka andito na ang ibang gamit ko. Inayos na nila mommy.

Hindi nga ako nagkamali ng makita ko ang mga damit ko pag ka bukas ko. Tss.. Andito din pala ang gamit ng spoiled brat na yun.

"Gosh.. Ano to??" Sa mga damit pa lang makikita mo na talaga ang malaking kinaibahan namin ng batang yun.

Parang rainbow. Lahat ata ng kulay meron ang batang yun. Hindi ko ata kayang mag suot ng mga ganitong klase ng damit.

"Ewwww.." Marahas kong hinawi patabi sa kabilang banda ang mga damit ng bata at tumuon ako sa isusuot ko.

Kinuha ko ang sweat pants at sweatshirt na kulay grey at black. Iyon ang isinuot ko matapos ng undergarments ko na kinuha ko sa katabing drawer na andito sa loob ng walk-in closet.

Saglit akong natigilan ng palabas na sana ako ng kwarto. Sumagi sa isipan ko kung bakit nasa iisang lugar ang mga gamit namin ng batang yun.

"Fuck!!!" Don't tell me we're gonna stay in one room??? "Damn!!" Sa naisip, kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si mommy.

"Mom! What's the meaning of this?? You can't be serious, right??" Nagpapanic na ako sa obvious na tumatakbo sa utak ko.

"What are you babbling about, Jezra??" Nasapo ko ang sintido ko.

"Don't act like you don't know what I mean, Mom. I already agreed to this bullshit marriage-"

"Mind your words, Lady.."

"I'm still young, Mom. Young lady, you can say that." Narinig ko ang mabining pagtawa niya.

Gosh. I'm only 24. And I'm hot and gorgeous as hell. What does she think of me? Old??

"Just so you know. I won't sleep with her in one bed, Mom... Or even be with her in a room.."

Over my dead body talaga. Sa honeymoon nga namin kinaya kong sa couch matulog for three days.

"Akala mo naman mabubuntis ka.." What the fuck is wrong with her??

"That is not the whole point, Mom. It's so obvious that we hate one another, you know. We are both a stranger to each other... And the fact that we were both girls, for God's sake! I'm straight!!"

"Calm down, Jezra. Dinamay mo pa talaga si God dito... Ikaw ang mas matanda diyan so work it out.." Umikot ang mga mata ko.

Bago pa ako makapag salita mahabang tunog na ang bumasag sa katinuan ko.

Shit! Shit! Shit! Humigpit ang kapit ko sa phone pero pinilit ko pa ding kumalma. Umakto ng naaayon.

Pina aalalahanan ang sarili na palaging maging cool sa bawat situation kahit gaano pa yan kapangit. That way, no one could ever dare to dominant me.

Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko kaya naisipan kong lumabas na ng kwarto. Pababa pa lang ako ng hagdan ng masilayan ko ang familiar na pegura.

It's Maureen. I can sense na she's not in good shape. "Please, Margaux.. Kausapin mo naman ako. I didn't want this. It's Mama."

I hate seeing someone crying. Para namang guguho na ang mundo. Mga kabataan talaga ngayon. Arggg.. Tss.

"What?? Should I deal with this too?" Singhal ko sa likod ng utak ko.

Nagtuloy ako sa pagbaba ng hagdan ng hindi man lang niya namamalayan.

"You wanna talk about it?" Maayos na pukaw ko sa kanya.

"Wag mo nga akong kinakausap!" Sigaw nito na tinabig pa ang kamay ko. The nerve with this crybaby. Ma-attitude talaga.

"Why the hell you're slashing everything out at me? We're on the same page here. I didn't want this, too. I have my life.. A plan, and this is not part of it." I stand by my point.

Parang kasalanan ko kasi. Biktima din naman ako sa kalokohan ng mga nanay namin.

"Eh bakit ka pumayag sa kasal?!!" Ang lakas talaga ng loob ng spoiled brat na to na sigawan ako. Sino ba siya sa inaakala niya??

We may not be in school, but still, I'm a professor—sa pagkaka alam ko student pa lang siya.

"Eh, ikaw? Why did you agree??" Binato ko din siya ng tanong. Naiinis na ko.

"Mama told me she has five months to live-"

"Mom told me she has five months to enjoy life-" Nagtama ang mga gulat naming mata sa halos parehas naming nasabi.

"What the fuck!!" Sigaw ni Maureen.

"What the fuck is wrong with them?!" The following words I yelled.

Gigil ako. Napapadalas na talaga ang pagmumura ko simula ng mangyari ang malaking kalokohang kasal na to.

Mga baliw ang mga magulang namin. May mga turnilyo ata talaga sila sa utak. Nagka buhol buhol na ata ang mga bituka nila.

"So they must be lying, right?" Sabi niya na nakatitig sa akin. Hindi ba obvious??

May point siya. At bakit naman to gagawin sa amin ng mga magulang namin?

"Perhaps this is just for a company merging." Komento ko medyo kalmado na ko.

"Fuck them.. I want a divorce." Tumayo siya. Nagpa lakad lakad. Nakakahilo.

"Will you stop pacing? It's not the end of the world." Sana diko na lang sinabi dahil dumilim ang mukha niya pero ang cute.

Sarap niyang asarin.

"Nasasabi mo yan dahil single ka! Wala kang inaalala. I can't lose my girl. We have to sort this out." Nagkibit balikat ako.

Honestly, I don't want to waste my energy arguing with Mom.

This kid in front of me was right. Siya talaga ang apektado ng big time rito. At ako?? Chillax lang tayo.

And woah.. Tama ba ang dinig ko? Girl? Her girl? Hmmm.. Ako pala dapat ang mabahala kung magtatabi kami sa iisang kama. Baka gapangin niya ko noh!

Bahala siya diyan. Sa ugaling pinapakita niya sa akin lalo akong hindi makikipag cooperate.

I know, Mom. There must be something na mag g-gain siya kaya pumayag siya sa kalokohan na to.

"Where the hell are you going??" Balak ko kasing lumabas. Nakaka suffocate kasama ang batang ito.

"Why?" Tanong ko ng maka harap ako sa kanya.

"Didn't you hear what I said? We need to solve this ASAP. You must help me." I hissed.

"I'm going out, Kid. I'm hungry, you know. And please..." Umiling iling ako ng may pag wave pa ng isang kamay ko.

"I don't give a shit for this, like what you said. I'm single. Wala akong dapat alalahanin. So, if you excuse me.." Aalis na sana ako pero hinapit niya ang kamay ko.

"Please.." Napahinga na lang ako. She's desperate. Young love indeed can make you crazy as doom. I've been there, and I won't let myself experience that chaos again.

Kung ako sa kanya dapat hindi siya masyadong nagpapadala sa love love na yan—Masyado pa siyang bata.

Madami pang pwedeng mangyari, mabago sa kanila ng sinasabi niyang girl niya.

Pero syempre kapag batang in love for sure sarado ang utak. Puro puso ang pinapa iral.

"What do you want me to do?" Plakada ang mukha kong tanong sa kanya.

"I-I don't know. M-maybe you can talk to your mom."

"I already did that. Do you think I'll still be in this state if Mom hear me out?"

Nakita ko ang pagbagsak niya sa couch na para bang hindi niya na alam ang gagawin. It's like she's trapped in a maze that she can't come out of.

Napabuga na lang ako sa hangin. Arggg!! Why am I stuck in this?? Crap!

"You know what. Let's just eat first so we can think of a solution to your problem. How is that?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status