Share

1

Maureen

Hindi ako makapaniwala na makakasama ko ang babaeng ito sa iisang kwarto, kama.. apat na sulok na to for three fucking days!!

Nakakabwisit.. Honeymoon bang matatawag to? Dapat si Margaux ang kasama ko ngayon. Siya ang gusto kong pakasalan, mga bata pa lang kami sa kanya na natagpi ang mga mata ko.

Siya ang definition ko ng beauty and brain.

"Why are you looking at me like that? Don't worry I have no interest in you. I'm straight!" As if naman may interest ako sa kanya. Kapal.

Tumayo siya mula sa pagkaka prenta sa couch para lumabas ng hotel room namin.

Wag ka ng bumalik!!! Sigaw ko sa utak ko. Oo maganda siya, sexy hot gorgeous.. fine!! pero may mahal na ako.

Isa pa sa ugali at karakas niya malabong magustuhan ko siya. Para siyang si Maleficent. O di kaya si Ms. Menchin. Pwede ding ung madrasta ni Cinderalla.

Siya yung kontrabida sa lahat ng fairytale movies..

Basta ganun ang aura niya, napaka dark, cold, emotionless.. Nothing special. As in nothing!!

Not like Margaux. She's one of a kind. A lovely princess..

An epitome of beauty with gracious and class.

Hindi makabasag pinggan at colorful ang mga sinusuot.

Di gaya ng babaeng lumabas.. Lahat nude.. black pang patay. Para siyang laging a attend ng funeral o sa hearing sa court kung san may bibitayin after.

I don't really like her in general. In my ideal of a woman, hindi talaga siya maski 1 % mag kaka-chance, makabingwit man lang ni katiting ng interest ko. Kahit maging friends sobrang labo, impossible talaga.

Bulag lang ang mapapansin siya. Pati boses nakakatakot. Parang sa mga horror movie. Same with her makeup. Ang kapal ng eyeliner. Shady lipstick, ang cringe.

Parang may shady history din ang life niya. Ganun ang datingan. Urgh!

Mukha na siyang bangkay.

Naihagis ko ng buong pwersa ang pillow na hawak ko sa sobrang inis. Everything is suck at weeks na akong hindi kinakausap ng girlfriend ko dahil nalaman niyang kinasal ako.

[3rd person pov]

Halos apat na araw ang dumaan ng makabalik ang bagong mag asawa mula sa kanilang honeymoon.

Kasalukuyan silang nakatayo sa harap ng malaking bahay na regalo sa kanila ng kanilang mga magulang. Dito sila dumiretso ayon na din sa bilin sa kanila.

Napasinghal si Maureen. Napailing, napa maywang. "Hindi naman halatang planado talaga ang lahat." Bulong nito sa kawalan.

Naiinis pa din siya sa lahat ng pangyayari sa buhay niya. Sa isang iglap nagbago na lang ang lahat.

"Papasok na ako kung balak mong magpa tusta diyan." Sambit ni Jezra. Nilabas niya ang sariling susi para buksan ang pinto ng bahay.

Hawak ang kanyang maleta na hila hila, lumibot ang kanyang mga mata sa paligid. Maaliwalas, malaki ang kabuuan.

"Hmmm.. Not bad." Agad niyang tinungo ang hagdan paakyat. Ramdam niya kasing gusto ng bumagsak ng katawan niya sa malambot na higaan.

Nagtaka naman siya dahil sa dami ng pintuan isa lang ang kayang buksan ng ilang susi na hawak niya.

"Ano to?? Joke?" Kunot noong tanong niya sa sarili habang nakatingin sa mga susi.

"The heck!"

Samantala si Mau naman ay nilibot ang labas ng bahay. Malawak din ito. Sa kanyang paglalakad narating niya ang likuran. Sumambulat sa kanya ang malawak na swimming pool. Mga halamang nasa gilid palibot nito.

Hindi niya naiwasang mapa ngiti sa hindi maikakailang ganda nito. Ang tubig sa pool na para bang tinatawag siya.

Bahagya siyang napatawa. Binitawan ang maletang hila kanina saka isa isang inalis ang suot hanggang undergarments na lang ang matira.

Hindi naman niya alam na nakatingin na pala sa kanya si Jezra mula sa 2nd floor. "Crazy little bitch." Nasabi na lang ni Jezra sa hangin habang naka cross arm at pinagmasdan ang pagdive ni Mau sa pool.

"This is what I need. How I wish andito ka, Margaux. Ikaw dapat ang kasama ko." Lumangoy siya ng lumangoy hanggang makaramdam ng pagod saka pa lang nanatili sa isang pwesto.

Nilalaro niya ang tubig sa kanyang kamay habang iniisip kung paano maaayos ang sitwasyon nila ng girlfriend niya.

Nang makaramdam ng pagka lamig si Maureen ay nagpasya na itong umahon.

Dinampot niya isa isa ang nagkalat niyang damit saka nagtungo sa loob, hila muli ang kanyang bagahe.

"Wala man lang maid???" Reklamo niya. Nasanay siyang pinag sisilbihan siya. Tinungo niya ang kusina, hinanap ang fridge saka naglabas roon ng tubig.

Nagsalin siya sa basong kinuha saka nilagok ang laman nun. Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kanyang lalamunan.

Hindi niya namalayang nagkatubig na sa sahig na nagmula sa katawan niyang basa.

Bumuntong hininga siyang tinahak ang hagdan na nakita. Wala sa kalooban niyang hinila ulit ang maleta niya. Bigat na bigat man wala siyang choice.

Gaya ni Jezra ilang pinto din ang nakita niya. Saglit lang huminto siya para kunin ang susi na nasa bulsa ng dala niya.

Isang buntong hininga ulit bago siya naglakad. Inisa isa niya ang mga naka sarang pinto at gaya din kanina ni Jezra ang nag iisang pinto lang din ang nabuksan.

"What the fuck!!" Mabilis siyang tumalikod at napatakip sa kanyang mukha.

Pulang pula at nag aalab bigla ang pakiramdam niya dahil sa nasaksihan.

Ang hubad na katawan ni Jezra sa kama ang tumambad sa kanya. Tulog ito kaya hindi namalayan ang pag pasok niya.

Dahan siyang lumabas ng kwarto. Hinanap niya ang phone sa short na suot niya kanina.

Nang makuha iyon agad tinype sa search ang salitang my bitch mama.

"Ma!! What the fuck!!" Himutok niya agad.

"Mind your language young lady..." Pangaral ng mama niya sa kabilang linya.

"Ma.. Ang daming kwarto sa bahay na to pero bakit sa iisang kwarto lang gumagana tong susi na binigay mo??" Bwisit niyang tanong.

Hindi niya maikubli ang pagka inis. Nang gigigil siya.

"At aanhin niyo ang madaming kwarto ni Jezra?? Aber?" Ganti ng mama nito. Mabobosesan ang pagka sarcasm.

"Oh God, Ma. You don't expect us to sleep in one bed..." Naghihikahos ang kalooban ni Mau.

Pakiramdam niya she's cheating sa girlfriend niya.

Pumayag na nga siya sa kasal, honeymoon at ang tumira sila ng babaeng ayaw naman niya sa iisang bubong tapos ngayon naman magsasalo sila sa iisang kwarto.

Para sa kanya isang kalabisan na yun. Sa naaalala niyang usapan nila ng mama niya ay hindi kailangan madaliin ng lahat.

Pero anu tong nangyayari ngayon? Sumang ayon lang siya sa mama niya pero may plano siyang binubuo sa utak niya kung paano makakawala sa kasal na to.

"San ka nakakita ng mag asawang magkahiwalay ng tulugan? Huh?" Lalong bumibigat ang pag hinga niya sa naririnig.

Binagsakan niya ito dahil batid niyang nagsasayang lang siya ng laway sa pakikipag talo sa ina. Alam niyang wala siyang mapapala.

Siya lang din ang bigo bandang huli. Ganun naman palagi sa isip isip niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status