Share

My Stupid Wife/Student
My Stupid Wife/Student
Author: Ansh Marie Toperz

Prologue

"Ano?!!" Buong diing nasabi ni Maureen. Kumuyom ang mga palad nitong nasa gilid niya.

"What?!" Tila nayanig naman ang mundo ni Jezra.

Ito ang mga salitang sabay na naibulilas ni Maureen at Jezra ng i-anunsyo ng mga magulang nila ang kanilang engagement sa pinag sabay na birthday party ng mga ito sa buong bisita.

"This can't be happening!!" Nanggagalaiting sambit ni Jezra. Nanlilisik ang mga mata. Ngitngit ang kaloobang nilisan ang Mansion. Alam niyang masisira ang postura niya kapag nagtagal pa. Plano niyang kausapin na lang in private ang ina.

Hindi kasi siya yung tipo ng taong kaya gumawa ng eksena sa harap ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya.

Si Maureen naman ay kabaliktaran nito. Lumapit siya agad sa kanyang ina ng bumaba ito ng stage. "Ma.. Ano to?? Anong kagaguhan to? Ma? Please... Tell me namali ako ng dinig." Nangingiyak na sambit niya.

"You know that I have a girlfriend, diba? Ma naman.. Ang tagal na namin ni Margaux." Halos magpa padyak siya sa yamot. Wala siyang pakialam kung marinig o makita siya ng mga tao sa paligid.

Makakuha man siya ng atensyun, maraming mata at tenga ay di niya alintana. Tanging paghihingalo ng puso niya ang namumutawi sa kanyang isipan.

"Buo na ang desisyon ko Maureen, Anak!" Pagdidiinan nito. "..Walang maidudulot na maganda sayo ang girlfriend mo kaya hiwalayan mo na siya ngayon pa lang...." Sinubukan niyang hawakan si Maureen pero tinabig lang nito ang kamay niya.

"Tinawag niyo pa talaga akong, Anak?! Parang property lang naman ang tingin niyo sakin, Ma! At nanay ko lang po kayo. Hindi kayo o kung sino man ang may hawak ng puso ko.... pipili kung sinong dapat mahalin nito!!! Ang diyos nga binigyan tayo ng will tapos ikaw na... na tao lang tatanggalan ako?? The heck ma!!"

Halos pumutok ang litid niya sa leeg sa sobrang poot. Sumisiklab ang kalooban nito.

"Magdahan dahan ka sa pananalita, Maureen! INA MO PA DIN AKO!"

"Ano bang alam mo, Ma?? Negosyo mo lang naman ang mahalaga sayo!!" Dagdag pa nito.

Walang sagot na nakuha si Maureen sa huling sinabi sa kanyang ina. Bagsak ang balikat niyang umalis din ng Mansion habang pinapahid ang mga luhang ayaw tumigil sa pagragasa.

Samut saring emosyon ngayon ang laman ng kanyang dibdib. Mukhang sinagad na siya ng kanyang mama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status