"Ahm, Luis? Tumutunog ang cellphone mo," ani niya at tiningnan ang binata. Pag katapos niyang magluto, lumabas na ito ng banyo at tapos na ring maligo.Pero malapit na kaming matapos kumain ay hindi pa rin siya kinakausap. Galit pa rin kaya ito? malakas siguro ang pagsampal niya kanina kaya nagalit ito. Napakagat labi na lang tuloy siya sa inis sa sarili. Bakit ba kasi ang hilig hilig mong manghampas Sam? tanong niya at gusto pang kutusan ang sarili."Okey." Sabi lang nito at umalis sa hapagkainan tsaka sinagot ang tawag. "Yes, wag mo kong utusan Karen." Sabi nito na parang naiirita, hindi niya na narinig ang iba pang usapan, dahil naka labas na ang binata.Naibaba niya ang kutsara dahil sa binanggit na pangalan ng lalaki. Karen? babae ang kausap nito? Hindi niya alam pero ang bigat nang damdamin niya. Pero pasimple niyang sinaway ang sarili. Ano ba Samantha! baka kaibigan niya lang 'yon at kung ano ano na ang iniisip mo.(Luis)Nakakainis, ano na naman kaya ang pinuputok ng butsi ng
"Where the hell is she?" Hapon na ng makauwi siya sa trabaho at si Sam agad ang hinanap niya pero wala siyang naabutang tao sa loob ng bahay.Tinawagan niya na rin ito pero hindi sumasagot hanggang sa sinilip niya na nga sa CCTV, sinundo pala ng kaibigan niya ang dalaga at hindi man lang siya sinabihan. "Siguraduhin niyo lang na hindi niyo siya hinawakan." Seryoso niyang saad habang papalabas ng bahay at puntahan ang dalaga sa bahay ng kaibigan.Papalapit na siya nang natanaw niya ang kaibigan na si Dark. Tiim bagang na nakatingin siya dito pero ang gago kinindatan lang siya at tumayo para salubongin siya."Oh! si tatay Luis andito." Nang akmang yayakap ito ay umilag siya at nilampasan ang kaibigan."Oh that damn pahiya!" Kansyawan ng mga kaibigan niya. Tumingin naman ito sa kanya habang saposapo ang dibdib at hindi makapaniwala."That was so hurt, huhuhuhu!" Pag aarte pa nito na parang bata. Wala sa sariling umikot ang mata niya at nagpakawala ng buntong hininga. Tumigil lang ito nan
Kahapon ang ganda ng araw niya pero, bakit ngayon pag kagising niya pa lang ang bigat na nang pakiramdam niya. Dahil lang siguro sa pagod kaya ganito ang pakiramdam niya. Pero parang iba talaga ang pakiramdam niya para bang may hindi magandang mangyayari.Bumangon na lang siya at pumunta na ng kusina. Tulad ng inaasahan niya ay may mga pagkain na nga sa lamesa na luto ng binata. Nagluluto kasi si Luis bago pumasok sa trabaho. Noong una ay nahihiya pa siya, dahil dapat siya ang magluluto dito pero ang binata naman ang makulit. Palagi na lang siyang inaaway kung magising siya ng umaga at magluluto lara dito. Hanggang sa nasanay na nga siya sa ginagawa ng lalaki.Biglang pumasok sa isip niya ang bulanglang na miss niya na ang naka sanayan niyang kainin. Palagi na lang kasing frozen food ang nakakain niya ngayon andito na siya sa manila."Parang gusto kong kumain ng gulay, namimiss kina ang bulanglang. Tama 'yon na lang ang lulutuin ko." Tumuloy tuloy siyang pumasok sa kusina at lumapit s
Nakahiga siya ngayon at dilat na dilat ang mga mata. Hating gabi na pero hindi pa rin siya inaantok, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari at sa nalaman."Oyy. " Kalabit ng lalaki sa kanya pero hindi niya pinansin. Dapat ay magkahiwalay na silang matulog pero hindi niya alam kung bakit nandito ito ngayon sa kwarto niya."Sabi mo 'di ka magagalit, pero bakit ngayon di ka namamansin?" Patagilid na humiga siya at tinalikuran ito. Naiinis siya dito. Alam pala nito ang lahat, kaya pala siya isinama sa manila at lalo na sa pag-aalaga sa kanya."Yayakapin kita, wag kang magalit." Napangiti na lang siya nang maramdaman niya ang kamay nito na yumakap sa katawan niya. Ganon lang kadali, nawala na kaagad ang tampo niya sa binata."Kanina pa ako dito, hindi mo ko pinapansin." Ungot nito. Hindi niya na natiis at humarap na siya sa binata."Bakit ka nandito? lumabas kana, makita pa tayo dito ni ti-- ni mama. " Hanggang ngayon ay naiilang pa rin siyang tawaging mama an
Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin siya tinatawagan ng mama niya. Ang sabi nito ay babawi siya sa ilang taon na magkawalay nila pero bakit ngayon hindi na siya kinakausap? Kahit sana, tumawag na lang ito kung marami siyang ginagawang trabaho.Kaagad niyang pinunasan ang luha at pilit na inaalis sa isip ang pagtatampo sa ina."Hush baby, It's ok don't cry," Pag-aalo ni Luis sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Pero mas lalo lang siyang napaluha, mas lalo lang sumikip ang dibdib niya."S-Sabi niya Luis tatawag siya babawi siya, pero bakit ngayon wala siya, parang di niya ako naalala, mahal nya ba talaga ako Luis?" Humihikbing tanong niya sa lalaki. Kaagad niyang sinubsub ang mukha sa unan, itinago para hindi makita ng lalaki."Ok, we will try to contact her again, just please stop crying." Sabi nito at hinahagod ang likod niya. Hindi pa rin siya tumigil sa pag iyak at lalong sinubsob ang mukha sa unan. Rinig niya naman ang malalalalim na buntong hininga ng lalaki."Hello t
(Sam)"Dark? Ginagawa mo dito?" Takang tanong niya nang bumungad sa kanya ang kaibigan ni Luis. At tsaka isa pa hindi sila masyadong close nito para siya ang sadyain."Auh, gusto lang kita makita." Nagulat naman siya sa sagot ng binata pero tumango tango na lang siya."Sige pasok ka." Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinaupo sa sofa."Sige kukuha muna ako ng iinumin mo, kahit ano naman iniinom mo diba?" Natatawang tanong niya dito."Kahit tubig na lang," Tumayo na siya at kinuhanan ito ng tubig. Buti na lang tubig dahil wala pala siyang ibang ipapainom sa binata bukod sa tubig."Bakit ka pala napagala rito." Tanong niya at binigay dito ang baso. Uminom muna siya bago nya sinagot ang tanong ko."Gusto lang kitang dalawin at may sasabihin din ako sayo, para kasing mababaliw ako pag diko sinabi sayo 'to." Parang kinakabahang sabi nito, nalilitong tumingin siya sa binata. Ano naman kayang sasabihin nito."Okey anong sasabihin mo?""Wag kang magagalit ha? alam ko naman, na gusto niyo ang i
Ang bilis lumipas ng panahon, apat na taon na ang lumipas, maraming nagbago sa buhay niya. Pero hindi nagbago silang dalawa nu Luis, kasama niya pa rin ito at nakatira pa rin sila sa iisang bubong. Pinag aaral din siya ng nanay niya at malapit na siyang makapag tapos ngayon.Malapad na napangiti si Sam habang nililibot ang tingin sa loob ng university na pinag aaralan niya. Nakakatuwa lang dahil tahimik na silang namumuhay ngayon, maayos na ang lahat, hindi na katulad dati na nahihirapan silang magkita ng mag ina dahil sa patago at paminsan minsan lang. Ngayon palagi na at hanggang kailan nila gusto, bigla kasing nawala ang sumusunod sa ina niya kaya magagawa na nila kung ano man ang gusto nilang mag ina. Pero wala pa rin silang tigil sa paghahanap sa kapatid. Napagdesisyonan nilang mag-ina na itigil ang ginagawang paghahanap sa kakambal niya at pagtangkang pagbawi nito. Natatakot silang baka saktan ito ng ama pagnalaman ang ginagawa nila. At kahit papano ay masaya sila sa bawat balit
(Luis)Napabalikwas siya nang bangon dahil sa nabasa at kaagad na nilingon ang kabiling gilid. Wala na 'don ang dalaga.Nanginig ang katawan niya at dahan dahang nabitawan ang cellphone. Nanghina ang buong katawan niya at halos hindi na siya makahinga. Naramdaman niya na lang ang tumutulong luha galing sa mga mata ko. Paulit ulit na umiling siya."An-dito lang siya." Pagkukumbinsi niya sa sarili.Pilit ang sariling tumayo siya at kinuha ang cellphone na nasa sahig. Binasa niya ulit ang message at napatitig. Malabo ang sinasabi nito, ginagantihan lang siya siguro sa ginawang pagsuntok niya dito kagabi."I'm going to skin you alive." Tigim ang bagang niyang sabi.Hindi niya gusto ang sinasabi ng kaibigan.Agad niyang pinunasan ang luha. Malalim na bumuntong hininga siya tsaka pinakalma ang sarili. Tumayo na siya para hanapin si Sam, alam niyang nagluluto na ito ng umagahan nila."Baby?" Nakangiting pumunta siya sa kusina pero nawala ang ngiti niya nang wala siyang makitang tao 'don. Naik