Share

Chapter 3

Chapter 3

Dalawa na lang kami ang naiwan sa kwarto. Naku! Ano na ang gagawin ko? Inglisero pa naman ang isang ito. Naku naman, oo!

Pero ang gwapo nya talaga Kahit na namamaga pa ang mga mata nya, malamang na kakagising nya lang. Ang magulo nya ring buhok na ang lambot tingnan, ang sarap sigurong hawak-hawakan nyan kasi alaga sa shampoo. Hindi kagaya ng buhok ko na twice a week lang malatikim ng shampoo, mumurahin pa na nabibili sa tindahan. Haay! Well, ano naman ngayon e basta may buhok kesa sa iba dyan na hindi na talaga tinutubuan ng buhok.

 Okay! Tama na munang kwento tungkol sa buhok, balik tayo kay Señorito na nakatulala pa rin habang nakaupo sa malapad niyang kama. Gusto kong makita ang kulay green nyang mga mata, wala kasing ganito sa amin e.

Naglakad ako papunta sa may dulo ng kama at tumayo kaharap niya. Nakatayo lang ako rito sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa malapad na kama. Hindi nya naman ako nakikita e kaya okay lang na titigan ko sya ng ganito.

“Marta said you bring breakfast?”

Susko naman! Napatakip ako sa bunganga ko ng wala sa oras. Buti hindi ako napasigaw sa gulat, bigla-bigla ba naman kasing magsalita. Dapat nagsign muna sya na magsasalita, ‘Day, ready ka na ba? Magsasalita na ako ha’. Feeling ko talaga magkakasakit ako ng sakit sa puso sa gulat e. 

Pero, wait lang? Kinausap nya ako? “Ha!Ha!Ha! Kinausap nya ako! Wow! Ang galing! Nagsalita sya at kinausap ako!” Ang saya ko talaga kaya napapalakpak pa ako at napatalon ng kaunti. Pero napatigil naman ako ng may maalala. Anong sinabi nya? Wala akong maintindihan. “You… you…ulit uli your sabi.” Sabi ko na nahihirapan dahil hindi ako masyadong magaling sa English. Huhu! Ano pang silbi ng 89 na grade ko e hindi naman ako magaling magsalita ng English. 

“What?” nakakunot noo nyang tanong. 

“Hindi nya ba naintindihan ang sinabi ko? Ano ba naman yan? Kailangan ba talagang puro English ang sasabihin ko? Sasabog utak ko nito!” reklamo ko habang ginugulo ang buhok ko. Tulong po! “Haay! Okay!...,” huminga muna akong malalim bago nagsalita, “Ahmm… Rewind you said, please.” Ayos! Straight English yun! Proud si tatay nito.

Pero di ko inaasahan ang ginawa nya, tinakpan niya ang bibig niya at yumuko saka tumaas-baba ang balikat. Wait lang? Ayos lang ba sya?

“Pfft!” pinigilan niyang may lumabas na tunog sa bibig niya.

Ano ba talagang nangyayari sa kanya? “Señorito, okay ba you?” tanong ko pero mas lumala pa ang pagtaas-baba ng balikat niya. Baka hinihika na naman sya. Pumunta ako sa may gild nya sabay sigaw ng “Hoy!”, buti naman at tumigil ang pagtaas-baba ng balikat nya. “Ayos ka na ba? Nahihirapan ka naman bang huminga? Gusto mong tawagin ko si Ma’am?” sunod-sunod kong tanong dahil kinakabahan talaga ako ng husto sa ginawa nya. Natatakot akong maulit uli ang nangyari kahapon.

“Ahem!” huminga muna syang malalim bago nagsalita, “No, I’m okay.” Pwew! Buti naman. “I’m just hungry.” Dugtong pa niya.

Ano raw? “Ha? Angry? Bakit ka angry?”

Napalingon sya sa akin at ngumiti, “I’m hungry.” Ulit niya sa sinabi. “I want to eat.” Unti-unti niyang paliwanag at hinilot-hilot pa ang tiyan niya.

“Ah… Gutom ka! Akala ko angry ka na sa akin e, may kasalanan pa ako sayo e.” Kinuha ko ang tray na ipinatong ni Ma’am Marta sa isang lamesa na nasa gilid ng kama. Inilapag ko ito sa harap ng Señorito, tutal parang maliit na lamesa naman ang design nito.

“Thanks!” 

“Teka lang? Paano ka naman makakakain nito?” napaisip ako ng malalim dahil sa tanong ko. Ano bang gagawin ko? Hmmm… Isip Reme. “AH! Want me to subo you?”

“What?” 

Di ba nya gets ang sinabi ko? ‘Subo’ lang naman ang hindi English don e. Haay naku! Mukhang ako ang mapapasubo nito. “Ganito kasi…,” panimula ko. Okay! Kaya mo ito, Reme! “I… Hold the spoon…with food…. You open mouth… like this… ahh…” Unti-unti kong sabi at ipinakita pa sa kanya kung paano ibika ang bunganga nya. “Tangik lang e! Di mo naman pala makita ang ginagawa ko.” Napakamot na lang ako sa batok ko. “You understand?” 

Pero mukhang ang labo ng sinabi ko dahil nangunot lalo ang noo niya. “No,” maikli niyang sagot.

Naku naman! Ano bang dapat kong sabihin para maintindihan nya? “I say ‘ahh’… and you open mouth. Okay?”

Ngumiti muna siya at tumango bago nagsabing, “Okay”.

Ang sarap naman ang agahan nya, inggit ako, paano ba naman e puting spaghetti ang pagkain nya. Amoy at hitsura palang matatakam ka na. Sinimulan ko nang ipaikot sa tinidor ang puting spaghetti

“Ahh…,” sabi ko sa kanya saka niya ibinuka ang bibig niya. Sinubuan ko naman siya pagkatapos. Nakakainggit naman, mukhang masarap talaga ang kinakain nya dahil nakangit pa talaga sya habang ngumunguya. “Masarap ba talaga?” Di ko na mapigilan ang sarili kong mapatanong, “Anong lasa?” 

Nilunok nya muna ang kinakain bago nagsalita, “It’s delicious… Ahh…” Sya naman ngayon ang nagsabi ng ‘ahh’ habang itinuturo ang bunganga niyang nakanganga.

“Sabi ko na e,” panimula ko at sinimulan uling kumuha ng spaghetti sa plato saka sinubuan siya. Pagkatapos nagsimula na akong magsalita, “masarap talaga ‘tong puting spaghetti. Hitsura at amoy pa lang alam ko na. The best kayang magluto si Sir Pat!” Si Sir pat kasi ang head chief ng mansion at sya talaga ang nagluluto ng kinakain nila dito. “Balang araw makakatikim rin ako ng puting spaghetti.” Pangako ko sa sarili ko. Kapag may handaan lang kasi ako makakatikim ng spaghetti at ang kulay pula pa ang sauce.

“Why wait? You can eat some, we could share.” 

“Ha?” Nagloading pa ang utak ko sa sinabi nya. Bakit kapag sa school ang galing ko sa English pero kapag kaharap ko na ang nagsasalita ng English nabablanko ang utak ko.

“Eat.. That… now.” Unti-unting sabi ni Señorito kaya naintindihan ko na.

“Talaga?” kuminang naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Pwedi ba talaga kaming magsalo? Pero wait lang! “Hindi pwedi e.”

“Why is that?”

“Iisa lang ang tinidor at ginamit mo na. Hindi tayo pweding magshare ng iisang tinidor, no, indirect kiss kaya yun.” Paliwanag ko.

“Huh? It’s not an actual kiss anyway.”

“Nabasa yun ni Rayray sa E-book at kahit anong sabihin mo kiss pa rin yun.”

“What’s the problem with that?”

Di rin nya ba gets ang sinabi ko? “Indirect kiss yun! Indirect kiss! Gets mo? Hindi ko pweding ibigay kung kani-kanino ang kiss ko kahit indirect kiss pa yon.” Mapwersa kong paliwanag.

Itinaas nya ang dalawa ngyang kamay tanda na sumusuko na sya, “Okay! Alright! Just calm down! I won’t force you if you don’t want to eat with me.”

“Hindi ko maintindihan.” Pag-aamin ko at napakamot na rin sya sa batok nya. Marahil na nahihirapan rin syang ipaintindi sa akin ang sinasabi nya.

“I get it.” Maikli nyang sabi.

Napangiti naman ako dahil sa sagot niya. “Good!” puri ko. “Ahh…” at sinubuan ko uli sya. “Pero gusto ko talagang makatikim ng puting spaghetti.” Gusto ko talagang malaman kung anong lasa.

“Next time, bring extra utensils so you can eat with me.”

“Slowly, please,” pakiusap ko.

“Bring … a fork… for you.. to use…” unti-unti nya uling sabi kaya napangiti ako. Hindi man lang sya nainis dahil ang hina ko sa English.

“Sige! Sige! Pero wag mo akong isumbong kay Ma’am na tumutulong ako sa pagkain ng pagkain mo, ha?”

“Ofcourse!” Nakangiti rin nya sang-ayon.

“Oh! Huling subo mo na. Ahh…” at naubos na nga nya ang kinakain niya.

“Water,” Aniya at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Kinuha ko ang basong may lamang tubig at ipinatong sa kamay niya. Hinawakan nya naman itong maigi at uminom. Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa akin. Pagkatapos kong maipatong ang baso sa tray ay kinuha ko na ito at muling ipinatong sa dati nitong pinaglagyan. 

“So, ano ng gagawin natin?” Tanong ko ng muling makabalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“I don’t know.” Kibitbalikat niyang sagot.

Hmm? Ano kayang magandang gawin? Maganda sana kung lalabas kami at maglakad-lakad. Pero baka maulit uli ang nangyari kahapon. Ayaw ko nang mangyari yun.

“Yung kahapon!” bulalas ko na dapat ay nasa isip ko lang. Ops! “Ah, may itatanong lang ako, Señorito.” Paalam ko. Syempre kailangan munang humingi ng permiso baka mamaya ayaw nya palang tinatanong sya, di ba?

“Go on.” Anong ibig sabihin nun?

“Pumapayag ka?”

“Yes!”

“Yung tungkol kahapon, bakit bigla na lang kayo nagkaganoon? May nagawa ba akong mali?” Nasagot na rin ni Ma’am kung ano ba talaga ang dahilan pero hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin.

Iniyuko nya ang ulo nya at pinagmasdan ang mga kamay niya na nakakuyom. Bakit ganyan ang reaksyon nya? Nag-aalangan ba syang sabihin sa akin? Mahirap ba talagang sagutin ang tanong ko?

“Okay lang kung ayaw mong sagutin.”

Mukhang nakahinga sya ng maluwag dahil sa sinabi ko. “I’m sorry. I just don’t want to talk about it.” Mahirap nga siguro sa part niya ang magkwento.

“Anong gagawin ko? Baka kasi maulit uli yung kagaya kahapon. Takot na akong maulit pa yun.”

“Just don’t touch me.” Diretsa nyang sagot.

“Sobra naman yun. Paano kita maaalalayan nun?”

“You can hold on, here, to the hem of my shirt or in my sleeves.” Aniya at itinuro naman ang laylayan ng damit nya at ang manggas ng suot nyang manipis na jacket. Sa damit na lang ako hahawak.

“Okay! Yung na lang ang gagawin ko.” Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

“Pero, teka lang,” may isa pa akong napansin sa pag-uusap naming ngayon. “Hindi na ako nagsasalita ng English, di ba?” Tanong ko sa sarili ko. “Paano mo nasasagot ang mga tanong ko? Nakakaintindi ka ng Tagalog?”

************************************

“Oh! Bakit bumaba ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ate Rosa nang makita nya akong papasok sa kusina dala-dala ang tray na may nakapatong na platong walang laman at basong may kauting tubig. Si Ate lang ang nandito sa kusina malamang na sya ang nakaatas na maglinis ng kusina.

Naglakad ako papalapit kay ate na nakatayo pa rin sa harap ng malinis na lababo. “Inihatid ko lang po ito,” sabi ko at iaangat sana ang tray para maipatong sa lababo pero kinuha kaagad ito ni ate at sya na ang nagpatong. “Salamat po!” Hindi ko maintindihan pero matamlay ako ngayon dahil sa nalaman ko.

“Anong problema?” Malamang na nahalata rin ni Ate Rosa ang pagiging matamlay ko.

“Niloko nya ako, Ate Rosa,”sumbong ko na parang isang batang naghahanap ng kakampi. “Nahirapan na ako’t lahat-lahat, iyon pala….” Naiintindihan nya rin pala ang sinasabi ko. Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko kaya. “Nasayang lang ang effort ko.” Effort ko sa pagsasalita ng English para mas maintindihan nya lang ako.

TInawanan lang ni Ate Rosa ang pamamaktol ko sa Señorito. 

“Ate naman e,” saway ko.

“Sorry na! Sorry na!” pero tawa pa rin ng tawa. “Pfft! Para ka kasing manliligaw na hindi sinagot----.” 

“Ate!” pamamaktol ko. Hindi ko na pinatapos ang sinabi nya dahil baka kung ano pang sabihin nya.

“Okay! Stop na si Ate. Wag nang magtampo ang cute na Reme namin, okay,” pang-aalo ni Ate Rosa kaso pinangigilan nya naman ang pisngi ko. Pero mas lalo pang nangasim ang mukha ko na ikinatawa naman niya.

“Reme, are you there?” Narinig kong tawag ni Señorito na papasok pa lang sa kusina.

Napatigil naman si Ate sa panggigigil sa pisngi ko at parehong nabaling ang pansin namin sa bukana ng kusina.

“Sinusundo ka na ng boyfriend mo,” tukso ni Ate Rosa at nagkatinginan kaming dalawa. Binitawan nya na rin ang pisngi ko.

“Hindi ko boyfriend si Señorito. Hindi kami pweding magboyfriend dahil sa sya ang Señorito,” pamamaktol ko pero di ko maiwasang mag-init ang pisngi ko, siguro dahil sa inis.

Itinaas naman ni Ate Rosa ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na sa laban. “Sige! Sige!” pagsuko ni ate pero binigyan nya naman ako ng kakaibang ngisi. Ngisi na para bang nagsasabing may sasabihin itong di maganda. “Pero crush mo sya, di ba?”

Mas umusok pa ang pisngi ko sa sobrang init. “Ate Rosa!” saway ko pero mas lumakas lang ang tawa ni ate. Naman e!

“Reme!” tawag ng Señorito na ngayon ay nakapasok na ng kusina habang nangangapa at dala niya ang baston na ginagamit ng mga bulag. Hindi ko alam ang tawag don e. “Reme?” muli niyang tawag.

“She’s here,” anunsyo ni Ate Rosa kaya tiningnan ko sya ng masama. Pero kinindatan nya lang ako at ginulo ang buhok ko. “Mag-usap kayo. Huwag laging LQ. Hindi yun maganda sa relasyon.” 

“Ano bang pinagsasabi mo ate?” inis kong sabi at inalis ang kamay nya na panay pa rin ang gulo sa buhok ko. Padabog akong naglakad sa harap ng Señorito at nameywang na parang nanay na nahuling nagbubulakbol ang anak. “Sinabi ko na sayong di tayo bati, di ba?” inis kong sabi.

“I’m sorry. I didn’t mean it. At first, I still don’t know you so I’m a little bit wary around you. Until I totally forgot to tell you,” paliwanag niya sa akin. Para sya ngayong batang nagpapaliwanag dahil nawala niya ang 20 pesos na pambili ng suka sa tindahan. Sa medaling salita, nagpapaawa para makalusot sa kasalanan.

“Huwag mo kong ini-English dahil di kita maintindihan,” inis kong sabi. Naiinis talaga ako kanina nang malaman kong nakakaintindi pala siya ng Tagalog at nakakapagsalita rin kahit papaano.

“Sorry. I really am. Please! Forgive me, please!”

“Hindi nga ako makaintindi ng English e. Ang kulit mo rin!” Napapahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa katigasan ng ulo nya. English sya ng English e hindi ko nga sya maintindihan. Humakbang siya papalapit sa akin at ginalaw pakaliwa’t pakanan ang basting hawak hanggang sa tumama na ang dulo nito sa dulo ng paa ko. “Naiinis ako sayo,” pag-aamin ko.

“I won’t do it again, I promise,” sabi niya at nagpromise sign pa na nakaangat ang isa niyang palad katulad ng nanunumpa. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kulay green nyang mga mata. “Promise!” dagdag pa niya.

“Hindi mo na uulitin na lokohin ako,” paninigurado ko.

“Yes, never gonna happened again.” May palingo-lingo pa niyang sabi na sinasabi na hindi na talaga mangyayari ang ganoong bagay. Siguradong-siguradong talaga siya.

“Promise?”

“I promise!”nakangiti pa siya habang nagsasalita.

“Okay! Pinatawad na kita. Pero kaunti lang, konti lang ang nabawas sa inis ko sayo.” 

“What should I do for you to forgive me completely?”

“Magtagalog ka nga, marunong ka naman e. Alam mo nang hindi ako masyadong makaintindi ng English e.”

“Okay. I try to speak Tagalog if you forgive me, completely.”

Ang tigas talaga ng bagol ng isang ito, e, ano? Ilang beses ko nang sinabing hindi ako makaintindi ng English, konti lang.

“Wala akong maintindihan. Magsalita ka nga kasi ng Tagalog.” 

“Sige. Salita ako Tagalog basta hindi ka sakin galit.” Nahihirapan niyang sabi.

“Nagtagalog sya? Nagtagalog sya! Ang galing!” naibulalas ko sa tuwa kaya napatakip ako ng bibig. “Ahem!... Sige! Bati na talaga tayo.” Sabi ko na parang walang nangyari.

“Really?” Masaya nyang sabi at humakbang uli paabanti.

“Hep!” saway ko sa kanya at nagstop sign pa sa harap niya kahit hindi nya ako nakikita, buti na lamang at huminto sya. “Bati na tayo basta magtagalog ka na simula ngayon.” Patawarin mo ako, Señorito, kailangan kong maisalba ang utak ko. Gusto ko pang mabuhay ng matagal, sana maintindihan mo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status