Share

Chapter 4

Chapter 4

Araw ng Sabado at ngayon ang araw na iyon, nandito pa rin ako sa bahay. Sa totoo lang, sa bahay lang naman talaga ako kapag Sabado. Ito ang araw na pinili ko para makasama ang bahay namin. Bonding time naming ng bahay. Sa araw na ito ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko para gumawa ng mga gawaing bahay. Yup! Gawaing bahay ang ginagawa ko kapag Sabado. Wala kasing ibang maasahan sa bahay dahil nagtatrabaho pa rin si tatay kapag ganitong araw kaya ako na lang ang maiiwan sa bahay.

Nagluluto ako ngayon ng agahan namin tutal ako ang naunang magising sa aming dalawa ngayong araw.

“Wow! Nagluto ang prinsesa ko. Ano kayang menu namin ngayong umaga?” bungad ni tatay nang makapasok siya ng kusina.

“Kanin at nilagang itlog,” sagot ko sa tanong niya habang nasa pinapatay na apoy pa rin ang pansin. Inin na lang kasi ang kaning niluluto ko.

“Saan mo nilaga ang itlog?” Nagtataka siguro si tatay ng makitang iisang kaldero lang ang nasa kalan maliban sa takore na may lamang mainit na tubig.

Binuksan ko ang takip ng kaldero ng kanin at ipinakita ang apat na itlog na nakapatong sa itaas ng nakaining kanin. Nang makita ni tatay ang ginawa ko sa itlog, tumawa siya at ginulo ang buhok ko. 

“Ang galing ko tay, ano?” proud kong sabi.

“Oo na.” Naupo na siya sa upuan at iiling-iling na nakatingin sa akin. “Walang katulad ang talino mo, kagaya ko,” dugtong pa niya.

“Talaga! Sayo lang naman ako mamamana ang talino ko e at madiskartehan rin.” Ibinalik ko na ang takip ng kaldero at pumunta sa may harap ng lalagyan ng pinggan at kumuha ng dalawang tasa saka nagtimpla ng kape.

“Saan galing ang itlog?” usisa ni tatay. Naku ano ang sasabihin ko? Magpapalusot ba ako o aamin? “Wag kang magsinungaling sa akin, Remelia, saan mo kinuha yang mga itlog?” Kilala talaga ako ni tatay, baka napansin nyang malikot ang mga mata ko na parang nag-iisip ng palusot. Nag-iisip naman talaga ako ng paluspot, di nga lang nakalusot.

“Kasi, pinakain ko si Salie.” Si Salie ang pangalan ng inahing manok namin. “Nakita kong may itlog sya kaya kumuha na ako,” pag-amin ko.

“Palilimliman natin yun.”

“Apat lang naman ang kinuha ko at isa pa mga bagong itlog to, hindi pa buo.” Napahilot na lang sa sintido niya si tatay. “Wag ka nang magalit tay. Kape oh.” Inilapag ko ang kape sa harap ni tatay.

“Hindi naman ako galit e. Nasasayangan lang ako,” pag-aamin ni tatay at kinuha naman ang kape at sumimsim.

“May walo pa namang itlog ang natira e.” Bumalik ako sa niluluto ko, sinandok ko ang apat na itlog na nakapatong sa kanin at inilagay sa mangkok at ibinabad sa tubig. Nagsandok rin ako ng kanin at inilagay sa dalawang plato saka inilapag ang mga ito sa lamesa.

“Wag mo nang kukunan uli ha,” paalala niya habang sumisimsim ng kape.

“Kapag may bagong itlog kununin ko pa rin.”

“Wag na nga e.”

“Tama na ang walo kay Salie, tatay. Baka mahirapan naman sya sa pag-aalaga kapag marami ang mga anak nya.”

“Haay!” hehe… Alam kong suko na si tatay. “Ikaw ang bahala, sayo naman ang manok na yon e.”

Napangiti ako sa sinabi ni tatay. “Love you, tay,” paglalambing ko.

Napangiti rin si tatay sa sinabi ko. “Saan ka ngayon?” tanong pa niya. Nakalimutan ba ni tatay na Sabado ngayon?

“Sabado po ngayon, tatay.” Sagot ko sa tanong niya at hinugasan uli ang itlog na nakababad para makuha ang mga nakadikit na mga kanin at inilagay uli sa mangkok saka kumuha ng asin at inilagay sa gilid ng mangkok.

“Naku naman! Makakalimutin na ako ngayon ah.” Napakamot naman siya sa batok niya.

“Madalas na yan ah,” komento ko. Ako naman ngayon ang napapailing dahil sa ikinikilos ngayon ni tatay. Naupo na rin ako kaharap ni tatay sabay lapag ng mangkok na may itlog.

“Matanda na kasi,” komento ni tatay at kumuha ng itlog at sinimulan niya itong balatan. “Hindi ako makakauwi ng tanghalian may pakain kasi si Kriton e.”

“Saan kayo nag-aararo ngayon?” interesado kong tanong. Syempre, kasunod ng pag-araro ay patanim na.

“Kay Bobet.”

“Talaga? Magpapatanim ba ngayon sina uncle Bobet?” usisa ko. Maganda kasing amo sina uncle e. Busog ka na, malaki pa ang kita.

“Magpapadirect sya ngayon e.” What? Sayang naman. 

Ang pagpapatanim kasi iyon ang tawag sa indirect planting. Iyong tanim na ipinatubo muna sa isang parte ng palayan saka bubunutin at itatanim uli sa buong palayan ng mga isang dangkal o mas maikli ang agwat. Nangangailangan ‘yon ng maraming trabahador sa pagtatanim para madali na rin matapos ang gawain. 

Samantalang ang direct planting naman ay direktang ikinakalat ang binhi sa palayan at hahayaan nang tumubo ang binhi.

Ano ba ang mas maganda sa dalawa; direct o indirect planting? Hindi ko alam! Pero para sa akin hindi iyon nakadepende kung alin sa dalawa ang magandang paraan ng pagtatanim kundi kung paano alagaan ng magsasaka ang tanim niya. That’s all! I, thank you. Pasado na ba pang Miss Universe?

Pero sa direct planting kasi kahit isa o dalawa lang ka tao ang magsaboy ng binhi e pwedi kaya hindi ako makakasama sa kay tatay dahil wala naman akong gagawin doon.

“Sayang naman. Gusto ko sanang tumulong e, masarap pa namang magluto si Ante Mayline,” nanglulumog kong sabi. Si Ante Mayline kasi ang asawa ni Uncle Bobet at masarap talaga syang magluto ng mga lutong bahay. Haay! Sayang! Sumubo na lang ako para maalis ang panlulumo ko.

“Pwedi ka namang mamulot ng kuhol doon e,”suhestiyon ni tatay.

 Tama no! Trabaho din naman iyon e. Pero, wait a second. “Sabado nga ngayon e. Tatay naman e.” Muntikan na akong madali ni tatay. Tawa ng tawa naman siya dahil muntikan ko nang makalimutan kung anong dapat kong gawin ngayon.

Matapos ang agahan namin, umalis na si tatay para pumasok sa trabaho habang ako naman ay naiwan sa bahay at pinapatunaw pa ang itlog na kinain. Nakaupo ako ngayon sa mahaba naming upuan na walang sandigan na nasa labas ng bahay. Hindi pa ganoon ka liwanag ang paligid at malamig pa ang simoy ng hangin dahil sa hamog. Mula sa kinauupuan ko kita ko ang mga kapitbahay namin na kanya-kanya nang patay ng mga ilaw at ang iba ay nasa labas na habang nagwawalis ng paligid.

Makapagtrabaho na nga rin. Tumayo ako saka naglakad papasok ng kubo namin. Inuna kong liniisan ang loob ng bahay namin; nagwalis muna ako, naglampaso ng sahig, sinungkit ang mga sapot ng gagamba sa kisame ng aming bahay at inipon ang mga damit na lalabhan ko. Pagkatapos kong malinisan ang loob ng bahay sinunuod ko ang paglilinis sa labas. Nagwalis muna ako sa buong paligid. Pagkatapos, nagbunot ng mga damo. Kasunod ay nagdilig ng mga halaman. Panghuli ay inayos ang nakatanim na mga gulay.

“Haay! Nakakapagod!” reklamo ko at naupo uli sa mahabang upuan sa labas ng bahay namin. Tagaktak na ang pawis ko pero hinayaan ko lang itong tumulo, hindi ko ito pinunasan. “Ano pa ba ang gagawin ko?” Inisip kong mabuti kung may nakalimutan pa ba akong gawin. Mukhang natapos ko na rin naman. Dalawang gawain na lang ang kailangan kong gawin iyon ay ang maglaba at mangahoy. Uunahin ko na lang siguro ang paglalaba tutal nagdadala naman ng mga panggatong si tatay tuwing uuwi siya.

Kumain uli ako at nagbihis ng damit bago umalis ng bahay dala ang mga labahan at kakailanganin ko sa paglalaba. Sa batis kasi kami naglalaba at nag-iigib. Naku! Mag-iigib rin pala dapat ako muntik ko nang makalimutan. Siguro mamaya na lang, pagkatapos kong maglaba.

Buhat-buhat ko ang lalagyan ng labahan habang nasa loob nito ang isang tabla, brush at sabon na ginagamit sa paglalaba. Nakatalukbong naman sa ulo ko ang malaking stainless na planggana namin. Hehe! Ang galing ng diskarte ko, di ba? Para isang dalahan lang at hindi sayang sa oras pabalik-balik sa paghahakot. Medyo may kalayuan kasi ang batis dito sa bayan namin e.

“Reme,” tawag ng isang lalaki sa likod ko at kahit na hindi na ako lumingon e kilala ko na kung sino ito. Kung minamalas ka nga naman, oo. Itinuloy ko na lang ang paglalakad pero napantayan nya pa rin ang lakad ko dahil sa haba ng mga binti nito. “Sabi ko na nga ba e,” anito nang makompermang tama nga ang hinala nya. Bakit ba kasi nandito ang lalaking to?

Pero kahit gaano pa kainis ang naramdaman ko para sa lalaking ito e hinarap ko pa rin siya at nginitian siya, iyong ngiti na magpapahiwatig sa kanya na ayaw ko syang makasama ngayon at wala akong interest sa mga biro niya. Ngunit walang effect sa kanya ang mga ganoong galawan dahil ngumiti naman siya pabalik na para bang masaya siya sa ginawa kong pagngiti. 

Grrr! Si Peter Aguire ay si Peter Aguire at wala nang magbabago doon. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Oo, mga kaibigan, ang pangalan ng lalaking kasabay ko ngayon ay Peter Aguire o kilala sa palayaw na Pepe. Siya ang lalaking kinaiinisan ko. Paano ba naman e panay ang tukso sa akin na aasawahin nya raw ako. Ha! Ang kapal ng apog mo tsong! Isa pa, ang tanda na kaya nya kumpara sa akin. 3rd year na sya habang ako e grade six pa lang. Di ba? Hindi ako papatol sa matanda. Yuck!

“Namiss mo ba ako, Misis ko?” tukso nya sa akin. Sarap ihambalos e.

“Lumayo-layo ka nga sa akin, Pepe at baka mandilim ang paningin ko’t maihambalos ko itong dala ko sayo,” banta ko sa kanya habang pinipigilan kong sumabog ang init ng ulo ko sa inis.

“Bakit? Nabibigatan ka ba sa dala mo? Akin na, ako nang magdadala,” presenta niya.

Nagkislapan naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. “Talaga? Ikaw talaga ang magdadala?” kumperma ko pa. Ayos! Hindi na ako mahihirapan sa pagdala nito. Mabigat naman tagala ang dala ko e.

“Oo naman. Mag-asawa tayo e.” 

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. “Huh?”

“Ang mag-asawang nagmamahalan, nagtutulungan,” proud pa niyang sabi. Binigyan nya pa ako ng tinging nanghihikayat na sang-ayunan ko ang mga sinabi nya.

Sumusubra na talaga sya! Inilapag ko muna ang dala ko at kinuha ang plangganang nakatalukbong sa ulo ko saka inangat para ihambalos sa ulo ng tarantadong lalaking kasama ko.

“T-Teka lang, Reme. Maghu-hunos-dili ka,” kinakabahan niyang sabi. Iniharang nito ang kamay sa ulo at mukha para magtago. Pero walang makakapigil sa akin. Hahaha! Tikman mo ang hagupit ni Reme!

“Ahhh!” Pareho naming sigaw, siya ay dahil sa takot samantalang sa akin ay sa panggigigil.

Ipupukpok ko ang plangganang ito sa ulo ng lalaking to hanggang sa mabutas ang bagol nito. Pero teka lang? Mabubutas rin ang planggana namin. Kapag nabutas ang planggana namin bibili kami ng bago. Kapag bibili kami ng bago kailangan naming gumastos. Kapag gagastos kami mababawasan ang pera. Ang problema e wala kaming pera kaya wala kaming pamalit dahil wala naman kaming pambili.

“Nagbago na’ng isip ko,” sabi ko at ibinaba na ang planggana. “Wala kaming pamalit kapag nasira ito at baka mapagalitan pa ako ni tatay.” Hinimas-himas ko naman ang planggana. Kahit anong mangyari, mahal kita, planggana namin.

“Love mo talaga ako e, ano?” Kinikilig pa nyang sabi habang gumigiling-giling at nakasiklop ang dalawang palad saharap ng kanyang dibdib. Para syang uuod sa CR na binuhusan ng Zonrox--- sarap buhusan pa uli ng Zonrox para patay agad. “Hindi mo matiis na saktan ako. Haay! Love din kita, My Loves.”

Sa halip na humupa ang init ng ulo ko e mas nadagdagan pa dahil sa sinabi ng ugok na ito. Binitawan ko muna ang planggana namin at mabilis na hinugot ang tablang pangkuskos at iyon ang pinalo kay Pepe. Naiinis na talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Grrr…

“A-Aray! Tama… Tama na!... Love naman…. Sakit!.. Ouch!” Reklamo nya at umiwas sa mga palo ko pero hindi sya makakatakas sa akin.

“Reme ang pangalan ko hindi Love.” Mas nilakasan ko pa ang paghampas sa kanya. Gigil na gigil talaga ako.

“Uy! Ano yan?” Napatigil ako ng marinig ang sita ng isang lalaki. Hindi lang pala isang lalaki kundi tatlo sila ang nandito. Mga kabarkada ni Pepe, hindi ko naman kilala ang pangalan ng mga ‘to pero mga mukha lang ang kilala ko. “Away mag-asawa ba yan?” ani ng lalaking may nakasabit na itak sa balakang. Mangangahoy siguro ang mga ‘to.

“Mga pare! Kayo pala,” bati naman ng ugok sa mga kaibigan nito. 

“LQ na naman ba kayo?” tukso naman ng pinakamababa sa tatlo. Ano raw? LQ? Walang ganon, ano!

“Naglalambing lang ang asawa ko,” sabat naman ng lalaking to na nagpatayo sa mga balahibo ko. Nangilabot ako sa sobrang inis kaya pinalo ko ang binti niya ng tabla, napaaray na lang siya sa sakit. Binitbit ko nalang uli lahat ng dalahin ko.

“G*go!” asik ko at padabog na umalis doon. Hindi ko alam kung makakapagpigil pa ba ako kapag nagtagal ako doon, baka mapatay ko si Pepe. Rinig ko naman ang tawa ng mga kaibigan ng ugok.

“Sandali lang, Reme,” pigil niya sa akin. Bakit ba sumunod pa ‘to dito? “Ako na ang magdadala nito.” Inagaw niya sa akin ang lalagyan ng labahan sa akin pero hindi ako nagpatalo at hinawakan ko ito ng mahigpit.

“Kaya ko na ‘to, pwedi ba!” Tinabig ko ang kamay nyang kukunin sana ang dala ko. Pero hindi siya nagpatalo at pilit na inagaw ang dala ko at nakipag-agawan sa akin. Kainis! Bakit ba ang tigas ng ulo nito?

“Ako na talaga ang magdadala nito. Alam kong mabigat to,” aniya at hinatak uli ang lalagyan.

Pero hinatak ko ito pabalik sa akin. “Hindi kita kailangan. Kaya kong sarili ko.”

“Hindi, ako na ang magdadala. Kahit anong sabihin mo pipilitin pa rin kitang payagan akong dal---. Aray ko naman!” 

Hindi ko na pinatapos pa ang sinabi nya at isiniksik na lang sa kanya ang dala ko. “Oh! Sayo na! Saksak mo sa baga mo. Kainis!” Suko na ako sa pagkamapilit niya at tigas talaga ng ulo. Ilang beses ko na bang sinabing ang tigas ng bagol ng lalaking ito? Hindi ko na mabilang pero hindi ako magsasawang sabihin yon dahil totoo. Bahala sya sa buhay nya. Hindi ko rin kaya ang lakas nya kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-aagawan sa kanya. Walang-wala ang pwersa ko kumpara sa lalaking ‘to.

Nauna na lang akong maglakad sa kanya habang siya naman ay nakasunod lang sa likod ko. Pasipol-sipol pa ang g*go. Masaya ka tsoy?

“Ihahatid kita mamaya, Reme, pagkatapos mo,” presenta nya.

“Kahit huwag na,” pagtanggi ko sa alok niya.

“Hindi yon pupwedi ‘no. Mas mabigat na ito mamaya pag-uwi mo kaya ihahatid kita hanggang sa inyo. Isipin mo na lang na delivery boy ako ngayon, hatid-sundo kita at door-to-door pa.” Swabe nyang sabi sabay kindat pa. Sarap kurutin ng mata nyang kumindat e. Haay! Napailing na lang ako sa mga walang kwentang pinagsasabi niya.

“Bahala ka sa buhay mo, gurang ka na.” Suko na talaga ako. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya.

“Hoy! Hindi pa ako gurang, ano!” salungat niya sa sinabi ko. “Three years lang naman ang tanda ko sayo.”

“Matanda ka pa rin.”

“In love, age doesn’t matter.”

“Ewan ko sayo.”

“Ihahatid kita sa inyo, period!”

“Bahala ka! Wala ka naman sigurong trabaho ngayon.”

“Meron, pero ihahatid muna kita. Mas importante ka kesa sa trabaho.” Ano raw? Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin don? Wala naman syang makukuha kapag ako ang kasama nya e at mas mabuti pa ang trabaho e may sweldo.

“Wala akong pambayad sayo,” kompronta ko sa kanya. Mas mabuti nang magkalinawan. Baka maningil sya, wala akong pambayad at hindi talaga ako magbabayad.

“Huh?” naguguluhan niyang sabi. Maangmaangan pa e kokotongan nya lang naman pala ako din na lang nya ako diretsuhin.

“Kung akala mong may pambayad ako sayo dahil tinulungan mo ako, in your dreams, wala me money,” paliwanag ko pero tinawanan nya lang ako saka ginulo ang buhok ko.

“Bata ka pa nga,” sabi niya at tumatawa pa. Anong tinatawa nya? Seryoso naman ako sa sinabi ko e. “Kahit hindi na pera. Pwedi na sa akin kahit kiss lang dito,” aniya at tinuro ang bibig nyang nakanguso.

Nginitian ko sya ng kay tamis at ipinakita ang kamao ko. “Gusto mong ito ang magkiss sayo?”

“Sabi ko nga,” pagsuko niya.

Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad hanggang sa batis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status