KABANATA ISA: Halik Sa Harap Ng Altar!
FIRST LIFE, SEPT. 25, 2025
“Balot! Balot!” Sigaw ng lalaking naglalako ng balot at itlog sa umuulang daan.
Maraming dumadaan sa Aguinaldo Hi-Way ngunit ni isa ay walang may paki sa lalaking naglalako sa ulan, bitbit lamang ang kanyang food cart at ang tanging bubong nito ay abot lamang sa kanyang mga itlog na paninda kung kaya’t siya ay nababasa.
Pero hindi siya nag-iisang naliligo sa ulan…
Sa daang madilim, may babaeng nanginginig na naglalakad na kasabayan ng lalaking naglalako. Walang buhay ang mga mata, madungis ang damit at ang kanyang mga paa’y walang suot na tsinelas o kahit ano man lang magpro-protekta sa matutulis na maliliit na bato.
Lumapit ang lalaki na may halong pag-aalala, “Miss, may masisilungan sa may 7/11, malapit lang ‘yun, gusto mo bang samahan na kita?”
Napahinto sa paglalakad ang babae at tumitig sa kanya nang matagal na para bang wala ito sa wisyo. Maya-maya ay nagpatuloy ito sa paglalakad at iniwan ang lalaki nang biglang tumunog ang tiyan nito at napahinto ito bigla sa gulat.
Huminga ng malalim ang lalaki at kumuha ng balot na kulay ginto, “Miss, kumain ka muna. Malay mo, lahat ng nawala sayo, maari mo pang balikan.”
Hindi na nahiya pa ang babae at tinanggap ang balot at sabay na binasag ito sa karitong bitbit ng lalaki. Sa gutom, kinain niya ang gintong balot na may kasamang maalat na luha kasabay ng ulan. Habang kumakain ito, marami na ang nabanggit ang lalaking naglalako tungkol sa gintong balot na kinakain niya ngunit ang isip ng babae ay nababalot ng kalungkutan at nawawalang pag-asa kung kaya’t hindi na niya narinig ang mga sinasabi nito.
Pagkatapos kumain, pinahiran niya ang sariling bibig gamit ang kamay kahit na walang kwenta iyon sa buhos ng ulan. Iniwan ng babae ang lalaking nakatulala na lamang sa kanya at nagpatuloy maglakad nang biglang may humintong itim na kotse sa harap niya.
Biglang hinablot ang babae papasok sa loob ng kotse at sa bilis ng pangyayari, hindi na naka-react pa ang babae hanggang sa dinala ito sa malaking bahay sa eksklusibong subdibisiyon at tinapon siya sa sahig sa harap ng lalaking naka-wheel chair.
Nang makita ng babae ang lalaki, bigla itong humagulgol ng iyak, “A-aljur—I—I swear, hindi ako ang pumatay kay Lolo Don! Please! Maawa ka naman sa’kin, naging asawa mo rin ako…”
Nagmakaawang lumuhod ang babae sa asawa niya ngunit walang kibo si Aljur at walang buhay na tinitigan na lamang siya.
Nang makitang walang kibo ang lalaking nasa harap niya, pinahiran na lamang ng babae ang mga luha niya nang biglang may dumating na isa pang kotse. Bumaba ang babaeng napakaganda at suportado ng mga bodyguard nito bawat paglapit nito kay Aljur.
“Liliana…” Gigil na tumitig ng masama ang babaeng nasa sahig.
Mula sa likuran ng lalaki, niyakap ni Liliana si Aljur, “Babe~ Bakit mo pa binalik ‘yang babae na ‘yan? Sino na naman ba ang lalasunin niyan? Alam mo naming mamamatay tao ‘yang si Karrie!”
Hindi ulit kumibo si Aljur at tumitig lamang kay Karrie habang ito ay humihikbi habang nakaluhod sa sahig.
Dahil hindi umimik si Aljur, umirap si Liliana at inutusan ang mga tauhan niya, "Dalhin na 'yang babae na 'yan sa basement! Baka sino pang lasunin ulit niyan."
Tumitig ng matalim kay Liliana si Karrie habang pumapatak ang mga luha niya nang siya'y hinablot ng mga lalaki palayo sa asawa niya. Wala itong magawa kundi magpakaladkad na lang nang hindi na niya kaya pang tumayo sa sakit na nararamdaman niya.
Alam niyang pahihirapan lang ulit siya sa basement kagaya ng ginawa sa kanya ng biyenan niya sa dahilanang kasalanang hindi naman niya ginawa...
"Hanggang kailan pa ba nila patatagalin buhay ko?" Napangisi si Karrie na pinagtataka ng mga nagkaladkad sa kanya, "Tatay ko nga iniwan na ako... Ngayon naman asawa ko... Pft!" Bumalahakhak ng tawa bigla si Karrie at umiling na lamang ang mga lalaki.
"Nababaliw ka na," Ani ng isang bodyguard.
Umangat ang ulo ni Karrie at bigla siyang binitawan ng mga ito na siyang pinagtaka niya.
Tumayo lang ng tuwid ang mga lalaki at tumitig sa kanya. Nagsalita ang isa, "Regalo ng tatay mo sa’yo, tumakbo ka na."
Biglang natauhan si Karrie at naging maaliwalas ang kanyang itsura nang marinig niya ang sinabi nila. "Si papa?”
‘Akala ko pinabayaan na ako ni papa…’ Ngumiti si Karrie at pinahiran ang kanyang mga luha at agad na tumayo ito palayo sa mga bodyguard habang ang isip niya’y puno ng saya.
‘Akala ko hindi naniniwala sa’kin si papa!’
‘Sa dami nang nag-alipusta sa’kin, at sa mga taong hindi naniwala sa’kin…’
‘Kahit si papa na lang…’
‘Kahit siya na lang matira… hindi ko pagsisisihan ang lahat…’
‘Kakayanin kong mabuhay basta alam kong may kaunting pagmamahal sa’kin si papa!’
“Papa…” Bulong na patakbong banggit ni Karrie nang makalayo na ito. Habang nasisilawan na niya ang gate, biglang may paputok siyang narinig sa malapitan.
Napakunot-noo ito nang bumagal ang kanyang pagtakbo at bigla na lang siyang sumuka ng dugo!
Lumaki ang kanyang mata at tumingin sa kanyang dibdib at nakitang damit nya’y onti-onting nababalutan ng pulang likido…
“Eh?” Huminto siya sa pagtakbo at hiniwakan ito ng pagtataka. Lumingon siya sa likod at nakitang nakatutok sa kanya ang baril na hawak ng bodyguard na bumitaw sa kanya.
“Mensahe ng papa mo, ‘wala akong nakakahiyang anak’.” Sambit ng bodyguard bago ito nagpaputok ulit at tumama sa kabilang dibdib ng babae.
Sa gulat, napatumba si Karrie na may halo halong nararamdaman. Nawawalang pag-asa, pagtataka at puot!
‘Huh… Binenta na ako ni papa, pinapapatay pa…’
Habang bumabagsak sa sahig si Karrie, nakita niya sa hindi malayuang bintana ang mga ngiti ni Liliana at titig ni Aljur sa kanya.
‘Ah… Masaya ka na Liliana? Ikaw na ang bagong asawa matapos mong sirain ang buhay ko…’ Sa kanyang pagbagsak, mga salitang hindi niya masabi ay binanggit na niya sa kanyang isip.
‘Sabagay... hindi naman talaga ako ang perpektong manugang para sa kanila…’ Sa bawat pagpatak ng ulan sa kanyang mukha, muling lumabas ang kanyang mga luha at hindi man lang niya ito mapahiran sa sakit na nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung anong mas masakit… sakit mula sa balang tumama sa kanya at siya’y naliligo sa ulan kasama ng dugo niya? O sakit mula sa nararamdaman niya mula sa paghihirap niya ng limang taon sa pagiging asawa niya?
‘Lord… gano’n na lang ba galit mo sa’kin at naging gan’to buhay ko?’ Nanginginig niyang sambit sa isip niya habang onti-onting nawawalan siya ng paningin.
‘Gusto ko lang naman na mahalin ako ni papa kahit kapiranggot lang…’
‘Nagpakasal ako sa taong gusto nila at nagbakasakaling bigyan ako ng atensiyon ni papa…’
‘Pero bakit naman gan’on?’
‘Inaapi na nga ako sa bahay, inaapi pa rin ako nung ikinasal ako…’
‘Tapos ang malanding himpaparot na Liliana na ‘yon, drinoga na nga ako, gumawa pa ng eksena na ngaliwa ako?’ Tumawa na lamang si Karrie habang onti-onting nawawalan na siya nang mulat.
‘Ngayon naman, pinagbintangan pa ako na pumutay kay Lolo Don… Grabe ka, Lord!’
‘Sige, kunin mo na ako Lord… Baka sa tabi mo, maging mapayapa naman ako…’
‘Pero pa’nu kung sa impyerno pa ako mapunta?’ Biglang ngumisi si Karrie, “Magkita-kita na lang tayo sa impyerno mga demonyo…” Bulong ni Karrie bago mawalan ito ng malay.
Sa kanyang pagpikit, maya-maya’y nakaramdam ng kakaiba si Karrie sa kanyang labi… Pati ang malamig na kanyang naramdaman ay nabahiran ng init…
Nagtaka si Karrie at bigla siyang natauhan nang may narinig siya ng malakas na hiyawan at palakpakan!
Napamulat bigla ito at nakita ang itsura ng kanyang asawa na siya’y nakalapat ang bibig nito sa kanya!
Pagkatapos siyang halikan nito, lumayo ang mukha ni Aljur sa kanya at napansing nakatayo ito habang suot-suot ang tuxedong pamilyar sa kanya!
Habang ang isip niya’y litong-lito, biglang may nagsalita sa tabi nila, “You are now husband and wife!”
“H-huh?” Lumingon bigla si Karrie sa nagsalita at nakitang niyang pari ito! Sa sinabi nito, bigla siyang napatingin sa hawak niyang bouqet! Nanginig bigla si Karrie at lumingon sa mga taong naghihiyawan…
Naalala niya ang iba sa kanila…
Muli niyang nakita ang mga taong nagpahirap sa kanya ng limang taon!
Biglang napaiyak si Karrie nang hawakan ng asawa niyang si Aljur ang kanyang nanginginig na kamay…
“Are you all right…?” Pagtatakang tanong nito.
Sa malaking pagtataka, napaisip bigla si Karrie, ‘Mas gugustuhin ko pang makita ang mga demonyo sa impyerno kaysa sa mga demonyo sa lupa!’
_______
KircheLeaf
UNANG LIBRO
_______
~ KATAPUSAN ng KABANATA UNO ~
KABANATA DALAWA: Ang Malaking ScreenSECOND LIFE, June 12, 2020CURRENT KARRIE’S POVTumititig ako sa aking magandang self sa harap ng salamin at satisfied sa hairstyles ko. Suot-suot ko ang puting wedding dress ng pumanaw kong mama. Huminga ako ng malalim ng maalala ko na naman siya. Sobrang miss ko na si mama…Bihira lang ako mag make-up pero para sa araw na ‘toh, kailangan eh.Araw ng kasal ko ngayon… At sa taong hindi ko na nga mahal, hindi ko pa kilala. Pero okay lang, may tiwala naman ako sa godfather ni mama, alam kong pinalaki niya ng maayos ang apo niyang ikakasal sa’kin.Atsaka… ngayon ko lang naramdaman na may paki si papa sa’kin… Sana, sa pagpayag ko na ikasal sa taong gusto niyang ipakasal sa’kin, mamahalin na ako ng lubusan ni papa.
KABANATA TATLO: Gusto Ko Ng DivorceSECOND LIFE, June 12, 2020KARRIE’S POVAng bilis ng pangyayari…“Whoo! Congrats sa bagong kasal!” Ani ng lalaking nagpapalakpakan sa gilid sa pagdaan namin ng bago kong asawa na si Aljur. Mga taong hindi ko na nga kilala, tatalikod naman sa’min ni Aljur pagdating ng panahon.Sa sobrang bilis ng pangyayari, para bang lahat ng pagdudusa ko, lahat ng pinagdaanan ko… para bang panaginip na lamang…“Sa wakas! Manugang ka na rin namin!”I flinched nang marinig ko ang boses ng pamilya ni Aljur sa hindi malayuan, hindi ko maiwasang lumingon. Halo-halo ang nararamdaman ko… Sakit at kalungkutang nang makita ko si Lolo Don, simpatya ng makita ko ang tatay ni Aljur… At puot sa nanay niya na si Maja Machito…
KABANATA APAT: Good Morning, KittyALJUR’S POV~ Night of the Honeymoon~Bumaba ako sa sasakyan at inalalayan ko ang bago kong asawa sa puting bouffant dress nito. Hawak-hawak ko ang kamay niya at ang dress nito papasok sa hacienda.Kahit na nagpakasal kami dahil sa pangako ng mga magulang namin, sineryoso ko ito at hindi pinabayaan si Karrie habang kinakasal kami kanina… kahit na… biglang nagbago ito pagkatapos.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at nagbago isip nito pero kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano ito ka-determinado sa divorce.“Thank you,” Ani Karrie. Habang naglalakad kami papunta sa pinto, napapansin kong parang wala itong emosyon ng makita ang bagong bahay na tutuluyan niya.Anim na taong ang pagitan naming sa isa’t-isa at noong ka-edaran ko ito, nagkaroon ako ng unang ba
KABANATA LIMA: Pft, Maselan?June 13, 2020KARRIE'S POVKnock knock"What is it?" Tanong ni Aljur habang kinuha ang work outfit na inihanda ko para sa kanya.Mula sa pintuan, sumagot ang maid nito, "Ma'am, sir, dumating po mga magulang niyo po na sina Madam Maja at Mister Alfindo, kasama na rin po si Mister Don Machito. Inaantay po kayo sa sala."Napangisi ako dahil alam kong dadating sila ngayon. Kagaya ng dati, hindi man lang nila pinaabot ng ilang araw ang 'supposed to be' honeymoon namin bago ito bumisita... Siyempre, alam ko kung sino may pakana.Nakita kong kumunot ang noo ni Aljur at tumingin sa'kin, ngumiti ako at nagkusa, "Magbihis ka muna, ako muna mag-aasikaso sa kanila."Hindi na tumanggi pa si Aljur at pumunta na sa dressing room nito bitbit ang damit niya. Ako naman ay napasaglit na dumaan sa
KABANATA ANIM: Jobless KarrieKARRIE’S POVJune 14, 2020Kling~Nang buksan ko ang glass door ng coffee shop na pinuntahan ko, nag ring ang bell. Biglang may lumapit sa’kin na babae, “Welcome po, ma’am.”Ngumiti ako at gayun din ito. Pumunta na ako sa favourite spot ko which is at the end of the shop na sa pinakasulok na may glass window. Kapag umupo kasi ako doon, tinatakpan ako ng halaman na nasa labas at may harang din para ‘di mainitan.Hindi rin ako dinadaanan ng tao at nakakapg trabaho ako ng matiwasay.This is the coffee shop na pinupuntahan ko nung nag-aaral ako. Hindi kasi ako pwede umuwi at mag-aral, as if hahayaan ako mag-aral nina Tita Sharon at Shaina.Walang nakakaalam na dito ako tumatakbo kapag gusto ko nang tahimik kaya nga kilala na ako ng amo ng shop
KABANATA PITO: Back At HomeYEAR 2020KARRIE’S POVKnock KnockLumabas ng kotse ang maid ko at walang tigil ang pagkatok o kaya naman ay pagpindot ng doorbell.Ding Dong!Sa labas kami ng bahay nina Papa kasama ng driver at katulong na inantasa sa’kin ni Aljur, ang katulong ko na ang lumabas para mag doorbell. Dito pa ako nakatira last few days ago pero sa mismong kasal ko, kinuha na agad ni Tita Sharon ang susi ko sa bahay. Patapos-tapos ibugaw ako direcho palayas agad? “Sigh,”
KABANATA WALO: First DateYEAR 2020KARRIE’S POV“Teka ba’t ang dilim?” Kinakabahan ako at nag-aalala. Marami naming guards sa hacienda pero kahit saan ako tumingin walang katao-tao… Pagkatapos akong iwan ng driver kasama ang maid ko sa harap ng pinto, hindi ko maiwasan matakot… Ipapa-assassinate na ba ako?Kakabalik ko lang ah!Napakagat labi ako at humawak sa bag ko ng mahigpit para madali kong ibalibag ang bag sa kung sino mang gustong kakaladkad sa’kin this time! Lumakad na ako sa pinto at dahang-dahang binuksan ito.Sa takot, sumilip muna ako pero wala akong Makita kaya kinuha ko ang cellphone ko para sa flashlight… Walang tao…Hinahanap ko ang switch pero nang pindutin ko ito, sa gulat ko, imbes na sa itaas ang ilaw, napunta na sa baba!
YEAR 2020KARRIE’S POV“Madam, master ordered us to make sure you have good rest today. Should I call maids to help you? It seems you need more water?"Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng butler at napalingon agad sa kanya... "Ka--kakainom ko lang ng tubig, thank you." Ngumiti na ako at bumalik sa kwarto, hindi ko na nilingon ang butler na hindi umalis sa pwesto nito.Pagpasok ko sa kwarto ay ni lock ko na agad ang pinto bago ako nakahinga ng mabuti, "Whew..."I'm not allowed there...Hindi ko alam kung bakit pero nung first life ko, dahil sa curiosity ko, may nakita akong hindi dapat sa basement.Kagaya rin ngayon, although different time, may narinig din ako sa basement... at sinundan iyon...Hindi ko inaasahan na makakakita ako ng nilala