Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot
“Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas
“Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay
“EVREN tayo na!” sigaw ng kanyang kaibigan na si Andrew. “Siguro’y sapat na itong nakuha natin.” Wika nito. “Mabuti pa nga, baka naghihintay na din sa akin si Inay.” Aniya “Pupunta pa ako ng palengke pagkagaling natin ng junkshop,” wika nito habang papalapit sa kaibigan. “Kailangan kong bumili ng dagdag na gamot ni inay at bigas.” saad niya rito habang buhat-buhat ang mga kalakal na kanilang nakolekta. “Ikaw ang bahala kapag may sobra akong pera ibibigay ko na lang sa iyo para maipang dagdag na pambili ng gamot ng iyong inay,” anito sa kanya. "Salamat, Andrew.” Sabay tapik niya sa balikat nito. “Kailangan n’yo rin ang pera kaya sa mas mahalaga mo na lang ilaan. Sapat naman na siguro ang pera na makukuha ko rito sa kalakal na nakolekta natin." aniya kay Andrew. "Ikaw ang bahala, Maglakad na tayo para makabili ka na ng mga kailangan mo." Nagtungo na sila sa junk shop kung saan ibibenta ang lahat ng kanilang nakolektang kalakal. Matapos kilu
MAG-AALAS kuwatro na nang umaga, nakahanda na si Evren upang umalis. Sinilip muna niya ang kanyang ina, nakita niyang tulog na tulog pa ito, kaya hindi na niya inabala pang gisingin ito upang magpaalam. Muli niyang binalikan ang mga inasikaso niya. maaga siyang gumising upang ipagluto muna ang ina ng almusal, Inilagay na rin niya sa mesa ang mga gamot nito na iinumin. Nang masiguro niya na maayos na ang lahat, binuhat na niya ang kanyang mga gamit. Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Andrew na naghihintay sa labas ng kanilang bahay. "Tayo na Evren, baka naghihintay na si manong." wika ni Andrew sa kanya. "Sandali na lang Andrew, daan muna tayo sa bahay ni Aling Ason," aniya sa kaibigan. kaya naglakad si Evren patungo sa bahay na sinasabi niya. lumapit siya sa pinto at bahagya siyang kumatok. "Tao po, Aling Ason!" tawag niya. ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang matandang babae na ka-edaran
SA ISANG bar naglagi si Andrew matapos niyang magpaalam sa kaibigan. "Malas, malas talaga!" wika niya sa sarili, sabay ininom ang alak na nasa baso na kanyang hawak. "Bakit ba lagi na lang siya? masipag din naman ako at dedikado sa trabaho!" lalagok pa sana ulit siya, ngunit napansin niya na wala nang laman ang basong hawak. Kaya tinawag niya ang Bartender at humingi na nang isang bote ng alak. "Bigyan mo ako ng isang bote ng Whisky, at wala akong paki-alam kung mahal ang isa niyan," wika niya. Nang bigyan siya, agad niya itong kinuha at binuksan, hindi na siya nagsalin sa baso, doon na niya mismo ininom ang alak sa bote . Agad siyang napangiwi ng gumapang ang pait nang alak sa kanyang lalamunan. "Buwiset! naghirap din ako sa trabaho bakit ba puro na lang siya ang nakikita?""EVREN, hijo!" tawag ng isang matandang lalaki kay Evren na kaagad naman nitong ikinalingon. "Mister Martinez! kmusta po, maayos na po ba ang kalagayan n'yo?" tanong niya sa matanda habang inaalalayan n
"EVREN!” tawag ni Isabella sa kasintahan matapos niyang maligo. Nais ni Evren na makasama siya bago ito bumabalik sa trabaho, alam niya na matatagalan muli ito bago maka-uwi. Pumayag na rin naman siya, dahil hindi naman niya kayang tumanggi sa kasintahan. Mahal na mahal niya si Evren, alam din ng kanyang magulang ang kanilang relasyon dahil sa bahay nila mismo nanligaw ang binata. Nakita nang mga magulang ni Isabella ang sinseridad ni Evren kaya mabilis na napapayag nito ang kanyang mga magulang na manligaw sa dalaga. “Mahal, narito lang ako!” nang marinig ni Isabella ang tinig ng kasintahan ay agad siyang lumabas ng banyo. Paglabas pa lang niya ng pinto ay agad na naamoy ni evren ang bango na nagmumula sa kanyang kasintahan. Kaya lumapit siya rito at niyakap ang dalaga. “Ang bango mo naman, payakap nga ako!" Aniya ng yakapin ng binata si Isabella. "Evren, ano ka ba naman, maligo ka na rin, ang lagkit nang katawan mo." wik
NAKARATING si Andrew sa laguna, naisip niya na bumalik na lamang sa trabaho upang doon na lang siya magpahinga. Hindi niya magawang magpahinga sa kanilang bahay dahil sa ingay ng kanyang ina, lagi itong galit, kahit wala naman siyang ginagawa. Marahil ganoon talaga kapag hindi ka tunay na anak, "Kahit ginagawa mo naman ang lahat, hindi pa rin sapat." Wika ni Andrew sa sarili. Pagkarating ni Andrew sa kanyang trabaho, agad siyang pumasok sa kanyang silid at inihiga ang kanyang likod. “Ahh! ang sarap talagang ilapat ang likod sa higaan.” wika niya habang hinuhubad ang sapatos gamit din ang kaniyang mga paa. Matapos niyang mahubad ay umayos siya nang higa at pinag krus ang mga braso sa likod nang kanyang ulo at ginawang unan. Mas gusto pa ni Andrew na naroon na lamang siya, ayaw niyang umuwi sa kanila sa sampaloc, dahil hindi na siya komportable, lalo na noong mamatay ang kanyang ama-amahan. Kaya na obliga na siya na suportahan ang pag-aaral nang kanyang mga itinur