Share

Chapter 3

Bagamat kaedad at halos kababata na ay anak pa ring ito ng amo ng kanyang ina.Bagamat hindi siya sakop sa authority nito ay binilinan naman siya ng kanyang ina na maging masunurin at marespeto sa mga tagapagmana.

Hindi nga kumilos si Perla sa kinatatayuan.

Nahintay siya hanggang matapos ang amo.

Sadyang maloko at mabiro ang bunso ng mga Villafuerte kaya  naman parang sinasadya nitong tagalan pa ang pag kampay kampay habang nakasampa ang kalahating katawan sa  sanga ng punong Karogkog na nakadapa sa gilid ng tubig.

Pagkatapos ng halos isang oras na lumangoy na ito sa malalim na bahagi at doon mas lalong nagtagal..

Inis na si Perla pero wala siyang karapatang magreklamo at  lalong wala siyang karapatang paalisin ito sa batis na pagaari nito..

May maya ay naramdaman ni Perla pag gapang ng malamig at madulas na kung ano sa paa niya kaya nagtititili si Perla..

"Ahas.. ahasssss!!"

sigaw niya pero hindi kumikilos si Perla sa takot na tuklawin siya kapag gumalaw siya.

Ipinikit na lamang ni Perla ang mata saka umusal ng "Angel of God na para bang katapusan na niya.Sana ay kusa na lang itong umalis kapag tuod siya.

Pero halos himatayin si Perla ng maramdamang pulupot pa sa paa niya ang malamig na madulas na iyon.

Narinig nan ni Darwin Zai ang malakas na sigaw ng anak ng kanilang cook.

Malinaw ang narinig  niyang sigaw nito.

Ahasss...ahassss..

Tumawa lamang si Zai..

"Okay din ang gimmik ng isang ito. Ahaha !paano magkakaahas sa dito"

Ssbi ni Zai.

Tinapunan niya ng nakakalukong ngiti si Perla saka siya lumangoy palapit dito mula sa kabilang pangpang.

Aasarin niya ito, gustong gusto niya itong inaasar kahit noon pang bata sila.Masarap itong asarin dahil pikon ito at tumitirik pa ang mata sa inis kaya mas nakakatuwa.

Pero ng malapit na siya ay nakita ni Zai na namumutla ito na tila naninigas.

Nalitsla niyang pumikit ito na tila nagdadasal at halos naninigas sa pagkakatayo sa damuhan.

"Anong problema niya?"

"Ahahaha baka najejerbaks na hindi lang makaalis dahil sa sinabi ko.May katangahan ba to?""

Sabi ni Darwin Zai.

"Hoy..sige na umalis ka na.Bumalik ka na sa Hacienda doon ka na lang maligo at ilabas mo na rin yan baka dito pa yang sumabog eh"

Sumiklab ang galit at buwesit ni Perla sa among lalaki pero hindi niya magawang kumilos...

Tumulo na ang luha niya sa takot.

Napansin nan ni Darwin iyon.

"Paiyak iyak pa to wag mo kong isusumbong sa nanay mo wala naman akong ginagawa sayo ha"

Sabi ni Zai.

"Gusto mo ba talagang maligo? Okay fine sige lumublob ka na  tapos na ako.Bumaba ka na at....."

Napatda at mapatigil sa pagsasalita si Darwin Zai.

Nakita kase niya ang dahilan ng hindi pagkilos ni Perla.

Saktong gumalaw ito ng umahon siyaat mabilis na

pulupot ito sa paa ng dalagita.

"Pearl... Dont you ever dare move.Wag na wag kang gagalaw.

Naiintindihan mo ba ako ha?"

Bilin ni Darwin.

Tumingin sa mga mata niya si Perla at ginamitan siya ng mapupungay na nitong mga mata.

Ewan ni Darwin kung ano ang meron ng sandaling iyon pero nawala ang ngiti sa mukha ni Darwin.

Naging siya ay namutla.

Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang kaba niya ng makitang may ahas sa paa ng dalagita at posibleng matuklaw si Perla.

Ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng takot.

Umahon na ng tuluyan si Darwin wala siyang paki alam kong nakaboxer brief siya.

Ang mahalaga kay Darwin ay ang matulugan si Perla.

Dahan dahang lumapit si Darwin pero umiling iling  si Perla na ang ibig sabihin ay wag siyang kumilos.

Pero nanahan na ang takot at pagaalala kay Darwin at parang hindi niya kaya ang manatili lamang na naka tayo habang nasa  panganib si Perla.

Itinuloy pa rin niya ang psghakbang peeo kahit aning ingat at dahan dahan niya nardan ng hayop naailap sng. Pagkilos niya dahilan para mabulabilog ang ahas na nakapulupot sa paa ni Perla.

Laking gulat ni Zai ng umagat ang ulo ng ahas at bumuka ang  bibig nito..

"No..!!"

Saktong pagdakma ni Zai sa ahas ay nakagat na nito si Perla.

Agad nitong hinablot ni Zai saka kumuha ng bato at pinukpok nag ulo nito.

Nang mawalan ng buhay ay ibinalibag niya ito sa sobrang galit.

Maliit lang ang ahas pero abot hanggang

talampakan ang galit ni Zai  pati ung takot niya kasing lalim ng ilog at hindi niya iyon maintindihan.

Agad niyang sinaklolohan ang noon ay umiiyak ng si Perla na napasalampak sa damuhan habang hawak at pisil pisil  ang binting may kagat ng ahas.

 Agad sinaklolohan ni Zai si Perla.

Nanginginig man ang mga kamay ay hinablot ni Zai ang laylayan ng bestida ni Perla pinunit ito ng maliit saka mahigpit na itinali sa itaas na bahagi ng kanyang sugat.

Wala itong kibo basta lamang kumikilos bagamat nanginginig ang kamay pero madilim ang mukha ni Darwin na tila galit o nagaalala.

"Dont worry sweetheart

you will be fine please, dont cry  tama na ha,  halika na sumampa ka na sa likod mo.Kailangan  kang dalhin sa doktor"

"Wag na po senyorito.

Pagaglitan ako ng Inang kapag sa doktor ako dinala.

"Okay ako ng bahala.Sige na sampa na baka umakyat na ang kamandag ng ahas kung meron man"

nang aalalang sabi ni Zai.

Wala na ngang nagawa si Perla kundi ang sumampa sa likod ni Darwin.

Pagkatapos ay agad siya nitong itinakbo sa albuaryo sa Labas lamang ng hacienda.

Nakahinga lamang ng maluwag si Darwin ng sabihin ng albularyo na ahas dahon lamagn ang nakatuklaw sa dalaga base sa paglalarawan nila.Nangangagat daw ito pero mahina ang kamandag

Doon pa lamang parang bumalik ang kulay sa mukha ni Darwin na kanina pa putlang putla.

Hinatid ng binata si Perla sa bahay na ng mga ito habang nakaspa parin sa likod ng binata.

Sabi nito sa kanya ay ito na ang magbabalita sa insng niya sa nangyari.

"Magpahinga ka Pearl.Sorry ulit sana pinalubog na agad kita sa tubig .Hindi sana ito nangyari"

Sabi ni Zai.

"Hindio naman kasalanan ako dapat ang hondi nangpunta roon"

Sabi ni Perla.

"Kahit na.Ako parin ang dapat nag isip ng matino"

Sabi ni Zai na nagpaalam na sa kanyan at sumenyas ng goodbye sa nakababata niyang kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status